ANDY POV'S
Nag prepare na ako kasi nga may date kami ni marco alam nyo naman na siguro kung bakit kami mag dadate.
sinuot ko na yung skirt na royal blue fitted ito at gumanda ang hubog ng katawan ko dito pero syempre yung boobs ko walang pag asang mag grow up. nag pulbo lang ako nag lipstick ng maroon tas humarap ako sa salamin ang ganda ko ngayon hehe plus bagay pa sakin yung v-shape cut at blande long hair ko syempre paganda din pg may time lalo na atgwapong nilalang ang makakadate ko.
bumukas ang pinto at pumasok si tita
" ganda mo ngayon ah"-nakangiting puri ni tita
"salamat po"-me
umupo sya sa tabi ko
" mahal mo ba talaga si marco? "-diretso nyang tanong
napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko. di ako makasagot di ako sanay na nagsisinungaling kay tita lalo na kapag nagseryuso na ang muka nito
" kung san ka masaya magiging masaya narin ako para sayo. pero kahit na di mo sabihin ramdam ko kung sinong tinitibok nito"-sabay turo nya sa kaliwang bahagi ng puso ko
yumuko nalang ako
" maari mo akong mapagkAtiwalaan andy parang anak narin kita. si byron ang laman ng puso mo diba? "-tita shane
tumango ako
" kung ganun bakit mo sinagot si marco? "-tita
" di po kami"-me
" ha? anong ibig mong sabihin? -tita shane
at ipinaliwanag ko sa kanya ang rason kung bakit nagawa namin ni marco na magpanggap
" sorry po tita kung nagsinungaling ako"-me
"shhh... naintindihan kita. may mabuti kang puso andy nag sacrifice ka kapalit ang sarili mong kaligayahan at sa tingin ko ganun din ang ginawa ni byron. basta tandaan mo kung kayo talga kahit anong mangyari kayo padin magkakatuluyan"
-tas lumabas na si tita
tama si tita kung kayo, kayo talaga ang magkakatuluyan kahit anong mangyari
palabas na ako ng bahay at nakita ko si byron na nakatayo sa pinto diretso na lang ako pag lakad tas bigla syang humarap sakin at napatingin ako sa kanya bale nagka eye to eye kaya bigla akong umiwas ng tingin sa kanya pero nakatingin padin sya sakin
"aham... "-me
kaya umiwas nalang sya ng tingin sakin
" alis na ako"-me
dipa din sya nagsasalita
" oy! "-me
"may date kayo?"-byron
tumango ako
" halata ngang pinaghindaan e. sobrang inlove kana ba sa kanya at sa loob lang ng 2 weeks sinagot mo na sya? "-byron
" oo mahal ko na sya"-me
pero deep inside gusto kong sabihin na 'tanga ikaw ang ang mahal ko'
"haha"-sadya nyang tawa
" congrats ha"-diin na may halo na galit nyang sabi tas tumalikod na sya kaya tumalikod narin ako pero nagsalita sya, bale talikuran kami
" nandito lang ako pag pinaiyak ka nya"-sabi nya tapos dumiretso na sya ng paglalakad.
nang narinig ko yun nanlumo ako. parang lalo ko syang minahal.
-Byron POV's-
nung snabi na ni andy na sila na ni marco nasaktan ako, nagseselos ako.
nakatayo lang ako sa pinto
aalis na sana ako pero nakita ko si andy nagkatinginan kami at habang tumagal mas lalo syang gumaganda sa paningin ko natulala lang Ko sa kanya
" aham... "-andy
napansin nya sigurong natulala ako sa kanya
" alis na ako"-andy
di lang ako umimik
"oy! "-andy
" magdadate kayo? "-me
tumango lang sya
"halata ngang pinaghandaan e. sobrang inlove kana ba sa kanya kaya sa loob ng 2weeks sinagot mo na sya? "-me
" oo mahal ko na sya"-andy
*boom
may kung anong sumabog dibdib ko. haha ang sakit.
"haha"-sadya kong tawa
"congrats ha"- diin kong sabi tas tumalikod na nagseselos ako, nasasaktan ako pero wala na akong magagawa sila na ni marco
pumunta nalang ako sa isang bar para magpalipas ng sama ng loob
pumunta nalang ako sa isang bar para magpalipas ng sama ng loob
" isa pa"-me
sabi ko sa bartender tas nilagyan nya ng alak ang baso ko andami ko ng nainom
*ring
tumatawag si camille
" babe nasan ka? wala ka daw sa bahay nyo ah nag aalala na sila tita"-nag aalalang sabi ni camille
" sabihin mo okay lang ako"-me
tas pinatay ko na
nadadala ko pa naman ang sarili ko. ayaw kong umuwi ng bahay, ayaw kong makita si andy kasi lalo lang akong nasasaktan. kaya minabuti ko nalang na pumunta sa bahay nila camille baka sakaling mabawasan ang bigat na nararamdaman ko
-Camille POV's-
*ring
"napatawag po kayo tita? "-me
" camille dyan ba si byron? "- nag aalalang tanong ni tita
" wala po e. anong po bang nangyari? "- me
" di ko alam. basta pagkaalis ni andy nagmamadali din syang umalis di ko na natanong kung san sya pupunta tinwagan ko si andy kung magkasama sila pero di daw si marco lang daw ang kasama nya."-pagapaliwNag ni tita
" tinawagan nyo po ba si byron? "-me
" walang syang contact samin ni papa nya"-tita
" sige po ako nalang tatawag sa kanya balitaan ko nLang kayo kung nasan sya"-me
nag aalala na ako wala namang ibang pinupuntahan si byron kundi dito lang sa bahay at di nya ugaling umalis mag isa at magpunta kung gabi.
tinawagan ko sya, gumaan ang pakiramdam ko ng sinagot nya ang call ko
" babe nasan ka? wala ka daw sa bahay nyo ah nag aalal na sila tita"-nag aalala kong tanong.
ang ingay ng music parang nasa isa syang bar
" sabihin mo sa kanila okay lang ako"
*tot tot tot
pinatayan nya ako. ilang oras na ang nakalipas pero di padin ako mkatulog di ako mapakali panu kong napanu na sya, wag naman sana .
ring
tumatawag si byron
sinagot ko agad ito
" hellow babe? "-me
" nandito ako sa labas ng bahay nyo"-byron
" okay baba na ako"-pinatay ko na ang phone tas bumaba na
pagbukas ko ng gate
nakita ko si byron namumula ang mga mata nito at may dumadaloy na luha sa kanyang pisngi
" pumasok ka muna sa loob dun na tayo mag usap"-inalalayan ko sya kasi pabalang na ang lakad nya amoy alak sya ito ang pangalawa kong beses na nakita syang uminom at umiiyak dinala ko sya kwarto ko at pinahiga
"may problema kaba? "-nag aalala kong tanong
pero di sya sumasagot
ilang minuto na ang nakakalipas pero tahimik pa din sya habang dumadaloy ang luha sa kanyangga pisngi. nasasaktan ako pag nakikita syang ganito.
pinunasan ko ang luha nya
"sabihin mo naman sakin kung anong problema oh. wag mo naman akong pahirapan kasi mabigat sa loob ko na nakikita kang nagkakaganyan"- mangiyak ngika kong sabi
" haha kalalake kong tao umiiyak ako"-sabi nya habang umiiyak
tas tumayo sya sumandal sa pader at nagulat ako ng bigla nyang sinuntok ng sunod sunod ang pader ang gamit ang kamao nya
tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko sya
sa likod
" tama na please"-this time umiiyak na ako
napahinto sya sa pagsusuntok sa pader ng niyakap ko sya at humarap sya sakin at niyaka ako
" sorry! nadala lang ako ng emosyon ko"- byron
" si andy ba ang dahilan?"
-diretso at seryuso kong tanong.
kahit di nya sabihin alam kong si andy ang dahilan. di naman ako tanga para di mahalata ang pagseselos nya kapag magkasama si marco at andy.
di sya sumagot.
silince means yes si andy nga ang dahilan.
masakit pero kailangan tanggapin ang katotohanan. wala e, wala akong swerte ganun talaga siguro ang buhay. ito na siguro ang time para ako naman ang magparaya masyado na akong madaming pinapahirapang damdamin. gusto ko bago ako mamatay makita ko man si byron na maging masaya at makahanap ng babaeng mamahalin nya habang buhay kailangan ko na syang palayain
" p-pinapalaya na kita"- msakit man bitiwan ang salitang yun pero kailangan kong gawin ako binibilang nalang ang araw at mawawala na sa mundo naisip ko panu nalang yung mga taong maiiwan ko na gusto pang maging masaya
" h-ha? anong pinagsasabi mo? diba nga pangako ko di kita iiwan "-byron
" di mo naman siguro ako iiwan kahit na magkaibigan lang tayo diba? "- me
" pero-"
di ko na pinatapos ang sasabihin nya
" okay na ako"-tas pilit akong ngumiti may namumuong luha sa mata ko pero pilit ko tong pinipigilang bumagsak
" tama na sakin na naparamdam mo na mahal mo ako, mahal nyo ako"-tas nag buntong hininga ako para pigilan ang luha ko.
" sundin mo na ang tinitibok ng puso mo"
bigla nya akong niyakap
" salamat"- bulong nya at kiniss ako sa forehead
" pwedeng favor? "-me
tumango sya
" kahit ano"-sagot nya
pwede bang samahan mo ako ngayong gabi? susulitin ko lang yung gabi na to na magkasama tayo"-me
" oo naman"-nakangiti nyang sagot
umupo ako
" ipatong mo ang ulo mo sa lap ko kakantahan kita hanggang sa makatulog ka"-utos ko sankanya
sumunod nalang sya at pinatong nya ulo sa lap ko
" hayaan mo munang bantayan kita sa pagtulog mo ngayon"-me
ngumiti lang sya sakin at pinikit ang kanyang mga mata. nag umpisa na akong kantahan sya
" heto ka nanaman kumakatok saking pintuan naghahanap ng makakausap "
habang kumakanta ako pumapatak ang luha ko pero agad ko itong pinupunasan ng aking kamay. napipiyok na din ang boses ko
"at h-heto naman ako, nakikinig sa mga kwento mong paulit ulit lang nakikinig kahit nsasaktan...
-BYron POV's-
nagising ako at inangat ko na ang ulo ko sa lap ni camille nakita ko syang nakaupo lang habang natutulog.
nung sinabi ni camille na malaya na ako gumaan ang pakiramdam ko kasi malaya na akong sundin ang nilalaman ng puso ko. pero boyfriend na ni andy si marco parang wala na akong pag asa.
bumangon na ako. mahimbing pa ang tulog ni camille kaya kinumotan ko ito bago iwan
on the way na akong pauwi ng bahay ng tumawag ang mommy ni camille
"napatawag po kayo tita?" -me
umiiyak sya
" nasa hospital si camille"- umiiyak na sabi ng mommy ni camille " puntahan mo sya ngayon pakiusap"
" okay po "
agad akong bumalik at pumunta sa hospital na sunasabi ng mommy ni camille.
pagkadating ko sa hospital dali dali agad akong tumungo sa room kung saan si camille.
pagbukas ko ng pinto nakita ko agad si andy, marco at mommy ni camille sa nasa tabi nito.
ngumiti sakin si camille
" salamat at dumating ka"-sabi nya habang dumadaloy ang luha nya.
ang putla nya na.
" syempre naman. dito lang ako palagi para sayo"-me
ngumiti sya
" wag mong pababyaan ang sarili mo. "-camille
" wag mo akong alalahanin kaya ko ang sarili ko"-me
" pwede bang ikaw naman ang magbantay sakin ngayon? kantahan mo ako para makatulog"
" s-sige"-
naluha na ako. naawa ako kay camille. nakatayo lang si andy, marco, at mommy ni camille bakas sa mga muka nila ang lungkot at sakit. ito na ba yung araw na pagpapaalam ni camille? bakit ang bawat salita ni camille ay pagpapaalam?
" magpapahinga lang ako"
- nakangiting sabi ni camille tas pinikit nya na ang kanyang mga mata
" basta pagnatapos ko na ang kanta gigisingin na kita"-me
tumango lang sya
nag umpisa na akong kumanta
" before i let you go, i want to say i love you"
natapos ko na ang kanta kaya ginising ko na si camille
" tapos na, kaya gising na. "-me
lumapit ang mommy ni camille
" nak gising na "-umiiyak na sabi ng mommy ni cam
napaiyak nalang kaming lahat kasi alam na naming di na talag magigising si camille nakatakda na tong mangyari at alam na naming mangyayari to. masakit at ang bigat sa pakiramdam matagal din ang pinagsamahan namin ni camille kaya masakit. pero tanggap ko na mamatay sya nakatakda na tong mangyari e
humagulhol sa iyak ang mom ni camille. niyakap nalang namin si camille ito nalang yung huling pagkakataon na mahahawakan namin sya..