Andy POV's-
magkasama kami ni marco nung may tumawag sa kanya
nabigla ako ng sinabi nyang nasa hospital si camille.
pumunta agad kami sa hospital
naabotan naming niyayakap si camille ng mom habang umiiyak. lumapit kami ni marco
" salamat at dumating kayo"- camille
" kamusta ng pakiramdam mo? "-me
" okay naman. wag nyo akong alalahanin."-camille
" couz wag mo muna kaming iwan ngayon please"- sabi ni marco kay camille habang nakayap
" ano kaba? ito yung nakatakdang mangyari basta ayaw ko kayong lahat na nalulungkot kapag mawawala na ako"
"marco alagaan mo si mommy kapag wala na ako. at wag mong papaiyakin si andy." - sabi nya kay marco kaya tumango nalang ito.
" ikaw naman andy ingatan mo si byron ha? "
tumango nalang ako
" mahal kapa naman nun"-dugtong nya.
ano? mahal ako ni byron? totoo ba tong naririnig ko?
" mahal mo ba talaga si marco?"-seryusong tanong sakin ni camille di ko alam ang sasabihin ko ayaw ko din naman mag sinungaling pa sa kanya
" basta andy sundin mo kung sinong tinitibok ng puso mo kung sakali man na si byron mas mapapanatag ako lalo na at sobrang mahal ka nya"-
biglang bumukas ang pinto at nakita ko si byron lumapit sya kay camille umalis muna kami nila marco at mom ni camille para mabigyan ng pagkakataon na makap usap silang dalawa
naawa ako kay camille nalulungkot ako sa mga nangyayari
biglang kumanta si byron nakapikit na si camille
lalong bumigat ang pakiramdam ko, nakadama ako ng lungkot alam ko na ang sususnod na mangyayAri ang kailangan nalang namin ay ang tanggapin kung ano yung nakatakda.
may dumadaloy na luha sa pisngi ni byron habang kumakanta. napapaiyak na din ako. hanggang sa matapos na ang kanta pero walang camille na nagising kaya mas lalo kaming napaiyak. napahagulhol na sa iyak ang mom ni camille naawa ako sa mom nya pero ano nga bang magagwa ko tao lang din ako.
sa huling pagkakataon niyakap namin si camille.
makalipas ang 1week nalibing na camille.
nakakamiss na din yung babaeng na yun namimiss ko na yung pagiging malambing nya kahit na pinagseselosan nya ako.. sana maging okay na lahat
" andy nandito si marco"- sigaw ni tita
kaya bumaba na ako
" halika dun ka muna sa terrace "
yaya ko kay marco
"dyan ka muna ipagtitimpla lang kita ng juice"-me
" okay. "- nakangiti nyang sagot
tumungo na ako sa kusina at nagtipla ng juice.
" tita nasan po si byron? "- tanong ko kay tita habang nag titimpla ng juice
" baka nasa sementeryo dinalaw ang puntod ni camille"-tita shane
" ah okay po! "-me
at pumunta na ako sa terrace dala ang juice
" thanks! "- nka ngitng sabi ni marco sabay kinuha ang juice
" okay na ang lahat. edi tapos na ang pagpapanggap"-me
" ayaw ko nga"-pag bibiro nya.
kaya ngumiti nalang ako
" tapos na kaya sundin mo na yang tibok ng puso mo. basta pag kailangan mo ng iiyakan nandito lang ako kahit anong oras pwede mo akong tawagan. "-marco
"salamat"-me
" thanks din sa mga naitulong mo at pagsasakripisyo mo para kay camille"-marco
" ano kaba wala yun. nakakamiss din pala yung babaeng yun"- di ko maiwasang di malungkot
nagbuntong hinimga sya
" kahit ako miss ko na si camille ang pinsan kong malambing. "- malungkot nyang sabi " tama na nga ang drama. mauna na ako at ikaw gawin mo na ang dapat mong gawin ikaw din baka mawala pa sayo"-marco
ngumiti lang ako
" good luck nalang sa inyo byron. update nyo agad ako pag ikakasal na kayo ha? "
ngumiti nalang ako at umalis na din sya
" andy dadating daw si papa mo ngayon"-tita
" talga po? "- natutuwa kong tanong
nakangiting tumango si tita yesss sa wakas makakasama ko na si papa.
(fast forwad)
sinundo namin nila tita, tito, at byron si papa sa airpor. nung makita ko si papa na palabas na agad ko syang sinigawan
" papa"- natutuwang sigaw ko. sigaw ko at lumapit sya nagkayakapan kami niyakap din sya nila tita at tita
" welcome back po tito"- nakangiting sabi ni byron
" lalo ka yatang gumagwapo ah "- nakangiting puri ni papa kay byron.
nakauwi na kami sa bahay
" dapat i celebrate natin ang pagbalik mo"- sabi ni tito
" tama"-tita
" mag inuman tayo"-sabi ni tito
" aba gusto ko yan"-tapos nag tawanan sila
" pero gusto ko munang sabihin sa inyo na kaya ako bumalik kasi sa state ko na papaaralin si andy"- natutuwang sabi ni papa
biglang nalungkot sila tita ng marinig yun
" kukunin mo na ang unica hija namin sa bahay"- nlulungkot na sabi ni tita
" oo mare. para makasama ko na rin si andy"-papa
tahimik lang si byron may kung anong lungkot sa kanyang mga mata
nag inuman kami syempre kasama din si byron pa welcome to kay papa e hehe
" andy anong gusto mong sabihin samin bago ka umalis? "- tita
" salamat po kasi tinanggap nyo ako at minahal ng parang isang tunay na anak"-nakangiti kong sabi
" e kay byron may gusto ka bang sabihin? "-nakangiti lang si tita pero makahulugan ang tono ng tanong nya
ano kaya ang sasabihin ko?baka pag inamin ko baka pagtawanan nya lang ako tulad ng ginagawa nya sakin dati.
" ahm.. "-me
" andy ano na? "- na eexcite na tanong ni tita
habang si byron naghihintay ng sasabihin ko at nakatingin lang sakin parang may gustong ipahiwatig. nakakaakit ang tingin nya kaya lalong lumakas ang tibok ng puso ko pero kailangan ko tong controlin ayaw ko munang aminin ang nararamdaman ko baka pagtawanan nya lang ako tsaka nalang pag narinig ko na galing sa kanya mismo
" salamat kasi nandyan ka kapag nasa kapahamakan ako lagi mo akong niligtas"
ngumiti lang sya
" kahit palagi mo akong inaasar"- nakangiti kong sabi
" ano ba yan? "- sabi ni tita
" para kayong batang naglalaro ng tago-taguan, tago-taguan ng feelings"-tita
luh si tita talaga. pareho lang kaming nagtitinginan ni byron tila guston may ipahiwatig sa isa't isa
" ikaw byron may gusto ka bang sabihin o aminin kay andy? "- nakangiting tanong ni tita
kinuha muna ni byron ang baso na may alak at ininom ito
.