Byron POV's-
ngayon na ang alis ni andy ayaw ko syang makitang umalis baka di ko lang mapigilan ang emosyon ko at panigurado nandun din ai marco baka di ko lang magustohan ang makita ko. kaya nag decide nalang ako na umalis habang maaga pa at dalawin nalang ang puntod ni camille.
nang makarating ako sa puntod nya nagsindi ako ng kandila at nilapag ang dala kong bulaklak sa puntod nya
umupo nalang ako habang iniisip si andy. nakaalis na kaya sya? kailan kaya sya babalik? siguradong matgal pa kasi dun na sya mag aaral. nakaramdam ako ng lungkot ang bigat sa pakiramdam na aalis na sya pero di ko magawang mag paalam kasi alam ko na masasaktan lang ako na makita sila ni marco.
nagbuntong hininga ako
at kinausap ko nalang ang puntod ni camille
" alam mo camille mahal na mahal ko si andy pero wala na yata akong pag asa kasi boyfriend nya na ang pinsan mong si marco"
napatigil ako ng may nagsalita sa likuran ko isang pamilyar na boses lumakas ang kabog ng dibdib ko
" totoo ba yan? "
pangiti nyang sabi
pagkaharap ko si andy kaya nagulat ako. may kung anong saya akong nararamdaman
narinig nya kaya ang sinabi ko? anlakas ng tibok ng puso ko.
bumalik sya
" h-ha? - nalang ang lumabas sa bunganga ko
" totoo ba na mahal mo ako?"- nakangiti nyang tanong
" oo sobrang mahal kita andy pero dina tayo pwede kasi-" di nya na ako pinatapos ng salita
" kasi akala mo kami ni marco? "-andy
huh? anong ibig nyang sabihin? di ko sya maintindihan.
" nagpapanggap lang kami ni marco na mag on kami dahil kay camille"
at pinaliwanag nya sakin ang dahilan kung bakit nila yun nagawa kaya ngayon naiitindihan ko na at gumaan ang pakiramdam ko parang nabunutan ako ng tinik.
tumauyo ako at niyakap sya
" yan ba ang dahilan kaya ka bumalik? "-tanong ko habang nakayap padin ako sa kanya
" oo, isa yun sa dahilan ko pero ang ikaw talaga ang dahilan kong bakit ako bumalik. kasi mahal na mahal n mahal na mahal na mahal kita"- ramdam ko ang pag tulo ng luha nya sa balikat ko habang magkayakap kami napaluha narin ako sa sobrang saya
" mahal din kita andy"- at hinigpitan ko ang yakap sa kanya
" pero sana byron maintindihan mo na kailangan kong umalis"
kumawala sya sa pagkakayakap ko
" mahuhuli na ako sa flight. mag ingat ka nalang palagi"
tumalikod na sya at naglakad na pero di pa sya nakaklayo tumakbo at bigla ko syang niyakap mula sa likod
" wag ka ng umalis please"-pagkasabi ko nun bumuhos ang luha nya. bumigat ulit ang pakiramdam ko di ko kayang mawala sya
humarap sya kita ko yung lungkot sa mga mata nya
" kailangan kong gawin to para narin sa ikagaganda ng kinabukasan ko. diba sabi mo mag aaral ako ng mabuti? "
tumango lang ako
dina ako makapagsalita kasi kunting kunti nalang babagsak na ang luha ko.
" gagawin ko yun para sayo at para sa kinabukasan natin. ikaw din mag aral ka ng mabuti tuparin mo yung pangarap mo na maging mahusay na doctor at tutuparin ko din yung pangarap kong maging nurse para pag naging doctor ka at nurse ako lagi na akong nasa tabi mo"
pagkasabi nya nun bumagsak na ang luha ko
" tama si tita na kung kayo talaga ang nakatakda kahit anong mangyari kayo parin ang magkakatuluyan"
niyakap ko nalang sya. tama si andy at alam kong para kami sa isa't isa at hihintayin ko yung araw na yun
para kaming tanga dalawa umiiyak pero pilit na tumatawa
tumalikod na sya
" bumalik ka ha? hihintayin kita kahit gaano pa yan katagal"
tumango sya
" babalik ako pangako ko yan"
at tuluyan na syang naglakad palayo.
napaupo nalang ako sa damuhan at umiyak
-Andy POV's -
nakasakay na kami ng eroplano ni papa pero di padin ako tumigil sa pag iyak ang bigat sa pakiramdam basta sa aking pag alis dala ko yung pangako namin sa isa't isa at tutuparin ko ang pangako na yun
" okay lang ba anak? "-tanong ni papa
" okay lang ako pa"
at pilit akong ngumiti .