ANDY POV'S
* 5 years ago
5 taon na ang nakalipas ang dami ng nangyari. nakatapos na ako sa pag aaral at natulad ko na ang pangarap ko na maging isang nurse. nagtatrabaho narin ako sa isang hospital. pero mag tatransfer ako sa pinas at dun ko ipagpapatuloy ang trabaho ko bilang isang nurse.
" anak halika kana baka mahuli pa tayo sa flight"-
yaya ni papa
" okay po pa"
sumunod na ako.
balik pinas na kami ni papa at dun na ulit maninirahan
excited na ako dahil sa wakas makikita ko na ulit sila tita at syempre si byron ang lalakeng naging inspirasyon ko para tuparin ang pangarap ko. wala na akong balita kay byron, nawalan na kami ng commucation kamusta na kaya sya? natupad nya na kaya ang pangaraap nya?, may girlfriend na kaya sya na bago? o kaya naman may asawa na at mga anak?
ang dami kong gustong itanong pero ngayon mabibigyan na ito ng kasagotan.
( fast forward)
nasa airport na kami
ng pinas.
nakita ko agad si tita at tito masayang sinalubong kami ni papa
" andy namiss kita ng sobra"- natutuwang sabi ni.
" namiss din kita mg sobra tita"-natutuwa kong sabi tas nagyakapan kami
" tito namiss kita"
niyakap ko si tito
" sobrang namiss ko din ang unica hija ko"-natutuwang sabi ni tito
bat may kulang? bat wala su byron? bigla akong nalungkot di man lang nya ako sinalubong ang daya nya ah
" bat si byron po wala? "-nalulungkot kong tanong
" busy lang yun"- ngiting sabi ni tita shane
nakakasama naman ng loob si byron
" mabuti pa umuwi na muna tayo at sa bahay nalang mag uusap usap"- natutuwang sabi ni tito
kaya nagbyahe na kami patungong bahay nila tita sa kanila n muna kami tutuloy
natapos na kaming kumain ng hapunan pero wala padin si byron
habang nagliligpit kami ng pinagkainan masaya namang nagkwekwentohan sila papa at tito
" tita san po ba si byron at dipa nakauwi? "- nalulungkot kong tanong
ngumiti lang sya
hindi sya sumasagot
" tita naman"-me
" mamaya ko na sasagotin ang tanong mo"- nakangiting sabi ni tita
so ganun na talaga sya ka busy?
nung natapos na syang magligpit niyaya nya akong lumabas ng bahay at umupo kami sa damuhan. masaya lang kaming magkwekwentohan pero naalala ko dipa pala nya sunasagot ang tanong ko
" ahmf tita di nyo pa po sinasagot ang tanong ko"
-pag babago ko ng usapan
bigla syang tumayo tila umiiwas sya sa tanong ko
pero dipa sya nakaalis nagsalita na ako
" tita may girlfriend naba si byron kaya umiiwas kayo sa tanong ko? "-nalulungkot kong tanong
" di ko masasagot ang tanong mo ngayon"
tas naglakad na sya
siguro may girlfriend na si byron kaya parang balewala na ako sa kanya. bigla nalang akong napaluha.
ang unfair nya sabi nya hihintayin nya ako
" ANG DAYA MO BYRON DANIEL MONTERROSO"-
sigaw ko dahil sa sobrang sama ng loob at napaiyak ako habang nakaupo sa damuhan. pero may biglang kumaskas ng gitara at sinabayan ito ng kanta. pamilyar ang boses nya kaya humarap ako ng makita ko ang nasa harap ko biglang lumakas ang tibok ng puso ko lalo syang gumwapo at mas lalo akong kinilig sa magandang boses nito habang nag gigitara
hinaharana ako
dahil sa sobrang saya napaluha nalang ako
" ikaw parin ang sinisigaw ng damdamin pilitin mang limutin kay hindi ko magawa... dahil sa ikay mahal parin"-
kinikilig ako my gosh
napaiyak ako lalo nung matapos na ang kanta
umiiyak ako dahil sa sobrang saya.
lumapit sya sakin na nakangiti
"wag ka ng umiyak"-
sabay punas nya ng luha ko sa pisngi
" di kaba natutuwang makita ako"-byron
" natutuwa sobrang saya ko"- tas niyakap ko sya nga mahigpit
" natupad ko ang pangarap kong maging isang nurse"- natutuwa kong sabi
" at ikaw ang naging inspirasyon ko. ikaw natupad mo narin ba ang pangarap mo? "
kumalas sya sa pagkakayakap at sinabing
" oo"- nakangiti nyang sabi
" isa na akong doctor. at natupad narin ang isa ko pang pangarap"-byron
" ano yun? "-me
" yun ay ang makita kita muli"
" ganun din ako"- ngiti kong sabi
lumuhod sya bigla
" will you marry me Andrea Collins? "- nakangiti nyang tanong habang nakaluhod
ang saya ko parang lahat ng sakripisyo at paghihirap ko ay napawi.
" yes, yes "- natutuwa kong sagot sinuot nya na singsing sa daliri ko at tumayo niyakap nya ako.
parang wala ng mas isasaya pa sa mga sandaling ito
nagputukan ang fireworks nakita ko sila tita, tito at papa na masayang pinagmamasdan kami habang nagpapaputok ng firework
nilapit ni byron ang labi nya sa labi ko kaya napapikit nalang ako ng dumampi na ito.