Chereads / My Innocent Fake Girlfriend / Chapter 6 - CHAPTER 6

Chapter 6 - CHAPTER 6

SCHOOL-

"andy nagkabalikan na kami ni byron"-natutuwang sabi ni camille

"buti naman pala kung ganun"-tas pilit akong ngumiti

"thanks!" tas niyakap nya ako.

"masaya ako para sa inyo"-me

pero deep inside gusto kong sabihin na nasasaktan ako

"dinner tayong tatlo ni byron sa labas. after class"-camille

" kayo nalang moment nyo yan e"- nakangiti kong sabi

ayaw ko talagang sumama kasi baka di ko pa magustohan ang makita ko.

"magtatampo ako sayo pag dika sumama"-tas nag pout sya

hayst ano pa nga ba ang magagwa ko?

"sige na nga"-naka ngiti kong sabi

"yehey!" tas niyakap nya ako. para syang bata

dumating si byron

" hi babe"-sabay halik sa cheeks ni camille. awts! di ko kinakaya ang mga nakikita ko. " hi andy"- byron

ngumiti lang ako

" andy gusto mo bang sumabay samin ni byron? papunta na kaming classroom. "-camille

" mauna nalang kayo may pupuntahan pa ako"-me

hiwakan na ni camille si byron at inakay na paalis

"mauna kami andy."-camille

"sige"-me

"see you soon"-camille

pinaamasdan ko silang dalawa habang naglalakad ang sweet nila, perfect match talaga sila. 

feeling ko mag isa lang ako si kyra busy sa boyfriend nya, si camille masaya na kasama si byron, syempre si byron masaya din kasama si camille, ako? wala lang parang hangin di napapansin at di nakikita.

naglakad nalang ako mag isa papunta room namin

(fast forward)

nasa isa na kaming restaurant na kmi ngayong tatlo para mag dinner

" say ah"-utos ni camille kay byron

" ah"-byron

sinubuan sya ni camille

ang sweet nila dalawa di ko tuloy maiwasang mainggit kaya ayaw ko sumama e kasi alam ko na ganito lang mangyayari. nag focus nalang ako sa pagkain at kada di ko magustohan ang nakikita ko napapalali ang subo ko at ayun nabulunan ako

" okay ka lang? "-nag aalalang tanong ni camille

ikaw kaya mabulunan kung masasabi mong okay ka lang. tunuro ko yung baso na may tubig dali daling kinuha ni byron ang baso na may tubig at pinainom nya sakin as in pinainom nya sakin at hinaplos ang likod

" okay kana ba? "-byron

nakita kung nakatingin samin si camille bakas sa muka nya ang selos

" okay na ako. salamat"-me

kaya bumalik na si byron sa upuan nya.

" ahmf andy matanong ko lang nagka boyfriend kana ba? "-camille

napatingin sakin si byron

" dipa"-diretso kong sagot

" as in wala pa talaga? "-camille

tumango nalang ako

"so kailan mo balak mag boyfriend? "-camille

"wala pa sa isip ko yan"-me

" bakit naman? "-camille

" masyado pa syang isip bata para sa ganyang bagay"-sabat ni byron

grabe naman to, ansama ah di ba pwedeng... grrr nevermind.

" kasi nag fofocus pa ako sa pag aaral"-me

"ah okay"-camille

natapos na din ang dinner namin kaya hinatid na ni byron si camille sa bahay nila syempre kasama ako iisa lang kaya bahy namin ni byron at alam narin yun ni camille at alam nya narin ang rason.

tahimik lang ako nakatingin lang ako labas ng bintana ng kotse habang si byron tuloy lang sa pag mamaneho

" kamusta pag aaral? "-byron

" okay lang"-me

"bagsak ka daw ah"-byron

dina ako sumagot.

" mag aral ka ng mabuti kailangan bumawi ka sa final "-byron

"sige. malapit na vacation ah anong plano mo"-pag iiba ko ng usapan

"magbabakasyon ako kasama si camille"-byron

nakaramdam ako ng inggit

"ah"-me

huminto na ang kotse nandito na kami sa bahay. nauna na ako maglakad ng may naapakan akong madulas kaya 

... 

... 

... 

may sumalo sakin pagmulat ng mata ko si byron

" kahit kailan clumsy ka talaga"-tapos pinatayo nya na ako

" thanks! "- sabi ko nalang.

mag iingat ka palagi dahil di lahat ng oras andyan ako para iligtas ka"-tas naglakad na sya papasok ng bahay.

isa lang ibig sabihin ni byron yun ay ang matuto akong mag isa tama sya kasi di lahat ng bagay sa mundo na nakasanayan mo ay permamente.

sumunod na ako sa loob..

-VACATION-

ito na yung pinakakahintay ng mga estudyante .

mag o-outing kami sa beach ngayong mag pamilya syempre pamilya na tawag ko sa kila tita shane. syempre di mawawala si camille gf yun byron e at may kasama pa kaming isa pinsan daw ni camille. 

naka prepare narin yung pang summer wear ko hehe. 

van nila camille ang gagamitin hayst ang yaman talaga nila camille. 

" andy bilisan mo na nandyan yung sasakyan"-tawag ni tita

" pababa na po"-me

dali dali na akong bumaba

dala ko na din ang mga gamit ko para sa outing namin palabas na ako ng gate ng may napansin akong lalake na nakatayo sa labas ng van palapit sya sakin 

" tulongan na kita"

sabi nya. parang nakita ko na talaga sya e

" andrea collins right? "-tanong nya

"yes. nakita na kita ah sa-" me

"sa resort sa party ni camille. "-dugtong nya

ay oo naalala ko na yung gwapong nilalang na to

"ano nga ulit pangalan mo? "-me

" marco standford. pinsan ni camille lee standford"-

hayst oo nga pla nakalimutan ko na sya sorry naman may pinagdadaanan lang alam nyo na hmf

kinuha nya yung hawak kong maleta na maliit 

" ako na magdadala nito"-marco

sa van, ganito yung seat form namin ako at si marco ang ang nasa back seat, syempre si camille at byron magkatabi nasa center seat sila, si tita at ang nasa front seat kasi tito ang nag dadrive. gets?

nakasandal si camille sa balikat ni byron at nakaheadset silang dalaw bale yung leftside earphone kay byron at yung right side kay camille ansakit sa mata 

pumikit nalang ako para makatulog, tulog narin kasi ang katabi ko na marco.

nagising na ako at basa ang pisngi ko, amoy laway 

pagdilat ko ng mata 

^------^

nakasandal pala ako sa balikat ni marco at basa na ang balikat nya sa laway ko waaaah nakakahiya naman sa gwapong nilalang nato sana kainin na ako ng lupa. umalis na agad ako sa pagkakasandal sa balikat nyA

" sorry, sorry"-sabi ko habang pinupunasan ang balikat nya nka sando lang kasi sya. bigla nyang hiwakan ang kamay ko upang pigilan ito sa pagpunaS

"it's okay"-ngiti nyang sabi

" sorry tal-"me

napatigil ako sa pag salita kasi nilapat nya ang hintuturo nya sa labi ko.

-AT BEACH -

sinuot ko na yung summer wear ko at lumabas na ako ng tent. 

"ang cute mo andy sa suot mo na yan"-tuwang sabi sakin ni tita

ngumiti lang ako at tiningnan ang sarili ko may napansi ako may kulang e

napahawak ako sa boobs ko ang liliit nila 😭

may biglang nagsalita

" baka kailangan mo to"- sabi ni byron habang hawak ang medyas. may nag flashback sakin, nilagyan ko pala ng medyas ang boobs ko dati tapos nag jumping rope ako at nalalag ang isang medyas at gumulong ito papunta kay byron.

" oh "-pag aabot ni byron sakin ng medyas.

bwisit na yan! sasabunotan ko talaga sya pero nakatakbo agad sya papalayo sakin at tumawa sya ng nakaka insulto kya hinabol ko sya di ko sya maabot anlaki ng hakbang nya kaya binilisan ko pa ng takbo hanggang sa may natapilok ako at yun ang dahlan ng pagkadapa ko

*boogs

"aray"-ang sakit ng paa ko

nakita ko si byron naphinto sya sa pagtakbo at napawi ang ngiti nito tumakbo sya papalapit sakin pero

"are you okay? "-nag aalalang tanong ni marco

akma nya na sana akong bubuhatin pero may nagsalita, si byron

" ako na mag bubuhat sa kanya"-byron

"babe hayaan mo na si marco"-si camille

kaya binuhat na ako ni marco naiwan si byron at nakatingin lang sya pero may kung anong bahid sa muka nya.

"a-aray"- sabi ko habang hinihilot marco ang kaliwa kong paa na natapilok

" next time kasi wag ka ng tumakbo ng mabilis ng dika natatapilok"-pag aalalang sabi ni marco

may naalala ako si byron sya din yung humihilot ng paa ko kapag natatapilok ako. bakit ko ba sya naalala? erase erase kalimutan mo na si byron masaya na sila ni camille.

okay na rin ang paa ko kaya nakakapaglakad na ako kaya naman tumulong ako sa pag iihaw ng bbq kila camille at tita shane habang ang tatlong mga lalake nag iinuman di naman malakas mag inom ang mga yan

"ligo tayo sa dagat"- yaya ni camille

"sige mauna kana susunod nalang ako uubosin ko lang tong bbq ko"-me

"okay. sumunod ka ha"-camille

tas tumakbo na sya papuntang dagat. sumunod narin ako.

ang sarap magtampisaw sa dagat. naghabulan kami 

" habulin mo ako"-natutuwang sabi ni camille

tas pumunta sya sa bandang lalim sumunod din ako para abotin sya pero di ko sya maabot sobrang layo nya na nakaradam ako ng pagod di ko na kayang igalaw ang katawan ko nakakalunok na ako ng tubig di ko na matanaw si camille dahil nalubog na ako sa tubig..