Chereads / My Innocent Fake Girlfriend / Chapter 5 - CHAPTER 5

Chapter 5 - CHAPTER 5

ANDY POV'S.

bat nakakaramdam ako ng lungkot.

nakauwi na ako sa bahay at naikwento ko na sa kanila ang nangyari kay camille. 

bumaba ako at lumabas nakita ko si byron kumakaskas ng gitara at sinasabayan nya ito ng kanta ganda ng boses nya, nang aakit luh bakit ba kasi ako nagpapaakit. nilapitan ko sya

" kantahan mo nga ako please"- tapos sinabayan ko ng pout

" oo na. ano bang gusto mong kanta? "-byron

" kung ano yung gusto mong kantahin para sakin"-me

kinanta nya yun 

here i am by: airsupply

nakayuko lang sya habang nakatingin ako sa maamo nyang muka bakit bawat buka ng labib nya at bawat boses na lumalabas sa kanya ay lalo akong na fafall. di maaari masasaktan ka lang Andrea. at nagulat nalang ako ng

"here i am, i'm always you love... "- kinakanta nya habang nakatingin sakin parang matutunaw na yata ako kaya umiwas ako ng tingin sa kanya

" yung huling lyrics ng kanta na to yung lagi mong tatandaan"-byron

"opo"- tapos nginitian ko sya.

" may sasabihin ako sayo wag ka sanang magagalit"-seryuso nyang sabi

" ano yun? "-

"ma.. -"-byron

"anong ma? "-me

baka naman ma-ganda, ma-lambing, ma-bait o kaya naman ma- mahal???

kinakabahan ako

" ma- ganda. maganda ka pero bulilit. "-tapos tumawa sya

"walang hiya ka sabi mo di mo na ako aasarin"- hinabol ko sya parang bata mga kaming nagtatatakbo

"halimaw"-me

hinabol nya ako at dahil malaki ang mga hakbang mabilis nya akong naabot at hinawakan nya ang magkabila kong bewang kaya napatili ako hanggang sa napahiga ako dahil ang sakit ng tiya ko kakatawa nahiga kami dalawa sa damuhan. naging seryuso kami sa isa't isa tapos nagkatinginan palapit ang muka nya nakatingin lang ako sa kanya tapos bigla nyang hinalikan ang

...

... 

... 

forehead ko

" good night"-byron

tapos bumangon na sya tapos umalis pero ako nakatulala lang totoo ba to kiniss nya yung forehead ko kinikilig yata ako parang lalabas na yata ang puso ko sa lakas ng kabog nito tapos bigla akong napangiti hinawakan nya ang nuo ko

(kinabukasan)

nagkita kami ni camille sa cafeteria

"tutulongan mo diba ako para magkabalikan kami ni byron? "-camille

"o-oo naman"-tapos pilit akong ngumiti niyakap nya ako

"thank you"-camille

nakita ko si byron naglalakad nagtitilian ang mga babaeng nadadaan nya pero di nya to pinapansinm mukang papunta sya sa table namin

"dito ka lang pala bulilit"-byron.

walang hiya to ah tinawag ba naman akong bulilit natawa nalang si camille. umupo si byron kailangan kong umalis para makapg usap sila kaya tumayo na ako pero hinawakan ni byron ang kamay ko nagulat si camille sa ginawa nya alam narin kasi ni camille si talaga kami mag on ni byron.

" dito ka lang"-sabi ni byron habang hawak ang kamay ko pero binawi ko yung kamay ko 

" madami pa kasi akong activities na kailangan taposin kaya mauna na ako sa inyo"-tapos umalis na ako

-Byron POV's-

"may sasabihin ako sayo wag ka sanang magagalit"-me

"ma.. -" di ko masabi ng diretso kay andy kaya dinaan ko nalang sa biro

"anong ma? "-andy

"ma-ganda. maganda ka pero bulilit "-me

di ko magawang aminin sa kanya ayaw ko syang mabigla baka yun pa ang maging dahilan para iwasan ko sya. ayaw ko sa kanya ng una dahil sa nangyari samin ni camille pero di ko magawang pigilan ang sarili ko kasi sa tuwing kasama ko sya ang saya ko di ako mapalagay kapag di ko sya nakikita, kapag di ko naririnig ang tawa nya sa bahay, at nagaglit ako pag may kasma syang ibang lalake binago nya yung dating ako at dahil sa kanya unti unting nawala ang feelings ko kay camille.

nung nagseryuso na kaming nagkatinginan lalo akong na fa-fall sa kanya at baka di ko mapigilan ang sarili ko kaya bigla ko nalang sya kiniss na forehead at umalis na.

(kinabukasan)

" ma si andy? "-me

"maaga pang umalis anak"-mama

naisip ko baka siguro sa gunawa ko ngayon lang sya nauna sakin pumasok.

lunch time na kaya pumunta na ako sa cafeteria natanaw ko na agad si andy kasama si camille at habang naglalakad ako nagtitilian ang mga babae di ko sila pinansin at diretso lang ako sa paglalakad papunta sa table nila andy

" kanina pa kita hinahanap bulilit"-me

inaasar ko sa sya ulit kasi wala na sa plano ko na bumalik pa kay camille diba nga ang usapan namin kpag nag success ang plano na bumalik sakin si camille di ko na sya aasarin at magiging mabait na ako sa kanya pero wala akong balak gawin pa yun kaya aasarin ko sya ulit.

tumayo si andy at mukAng aalis kaya hinawakan ko ang kamay nya para pigilan pero bunawai nya ito

"madami pa kasi akong activities na tataposin kaya mauna na ako sa inyo"-andy

iniiwasan nya ba ako? 

kaya naiwan kaming dlawa ni camille sa table

"alam ko na si talaga kayo mag on ni andy"-camille

nagulat ako sa sinabi nya

"h-ha? "-me

ngumiti sya

"sinabi na sakin ni andy ang reason. pero gusto kong marinig sa mismo kung ano ang reason"-camille

di ko alam ang sasabihin ko wala na akong balak itulo ang plano ko

"ano namang sasabihin ko"-me

"didiretsohin na kita byron, did you still love me? "-seryusong tanong ni camille sakin. di ko alam ang isasagot ko kaya tumayo na ako para umalis pero niyakap nya sa likod

"byron i'm still loving you"-camille

"tapos na tayo camille"-me

"alam ko byron mahal mo pa ako kaya mo nga nagawa na magpanggap kayo ni andy na mag on para pagselosin ako, para saktan ako, at bumalik ako sayo eto na ako byron gusto ng magkabalikan tayo kailangan kit ngayon may sakit ako na brain cancer "- umiiyak nyang sabi nakaramdam ako ng naawa at konsensya " please samahan mo naman ako paa labanan ang sakit ko. please byron"- umiiyak sya naawa ako niyakap ko sya para i comfort nagtitinginan ang mga ibang mga estudyante samin kaya mas minabuti ko na umalis nalang muna kami doon

-Andy POV's-

di ako dumiretso sa room kundi dito lang ako sa isang tabi kung saan natatanaw ko si camille at byron na nag uusap. nakita kong niyakap ni camille si byron bakit masakit sa pakiramdam dapt matuwa na ako kasi magkakabalikan na sila magiging success na yung plano ni byron. napayuko ako then sa pangalawang tingin ko sa kanila nakita ko nalang na niyayakap ni byron si camille habang umiiyak di ko kaya ang nakikita ko kaya tumakbo ako papalayo. dapat maging masaya ako para sa kanila yan nalang ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko

" andy kain na"-tita shane

"pababa na po"-me

naupo ako at kumain magkaharap kami sa table ni byron nakayuko lang ako iniiwasan ko syang tingnan

" may napansin ako prang tahimik yata kayong dalawa ni byron. nag away ba kayo? -tita shane

di pwedeng malaman ni tita yung nangyayari

"u-uhm.. wala naman po"-me

nakatingin lang sakin si byron pero iniiwasan ko yung tingin nya na yun

" tapos na po ako tita" kaya tumayo na ako tapos umakyat at pumasok na sa kwarto ko.

maya maya may kumatok at pumasok si tita

" andy may problema ba?"

mahinahon na tanong ni tita yumuko ako

" wala po tita"-me

" napapansin ko kasi parang may pinagdadaanan ka. tingnan mo o nangangayayat kana"-tita

"okay lang po ako"-tas pilit akong ngumiti

" okay sabi mo e. basta pag may problema sabihin mo sakin at kung inaaway ka ni byron sumbong mo sakin kakaratihin natin yan"-tita shane

ngumiti lang ako at tumango

" sige andy magpahinga kana" tapos lumabas na si tita

maya maya may kumatok ulit 

"pasok"-me

bumukas ang pinto at si byron ang pumasok bat sya nandito kainis naman umiiwas na nga ako sa kanya e

" sinabi mo na pala na di talaga tayo mag on? - mahinahon nyang tanong

tumango lang ako

" iniiwasan mo ba ako? "-byron

di ko alam ang sasabihin at magiging rason

" d-di ah"-me

" kahit magsinungaling ka ramdam ko yung pag iwas mo. please wag mo naman akong iwasan" sabay hawak nya sa kamay ko

tumango nalang ako

"nagkabalikan na kami ni camille"-byron

*boom 

parang sumabog ang puso ko sa narinig ko

pagkasabi nya nun tumalikod na sya at akma ng aalis

"saglit"-me

"bakit? "- sagot nya pero di sya lumilingon

"c-congrats"-me

dumiretso lang sya ng lakad palabas ng kwarto ko. 

dali dali akong tumungo sa pinto ng kwarto ko upang i lock ito. napahawak ako sa kaliwang dibdib ko at napasandal sa pinto di ko namamalayan ang pag patak ng luha ko