- Byron POV's-
" maligo kana ang baho mo na haha"-me
natatawa ako sa reaksyon ng muka nya parang feel na feel nya ring hahalikan ko sya.
(kinabuksana)
otw, to school na kami ni bulilit(andy) kinulang sa height e haha. nakita ko si si camille kaya naman
" o andy mapanggap ka na gf kita sa harap ni camille ha? "-me
" at bakit ko naman gagawin yun ha? "-andy
"tsaka ko nalang papaliwanag sayo."-me
" sige papayag ako pero sa isang kondisyon. "-andy
" ano yun? "-me
" di mo na ako lalaitin o aasarin"-andy
hayst ano ba namang favor yan sya n nga lang ang katuwaan ko e. debale basta makaganti man lang ako kay camille
" okay"-me
palapit n si camille
" hi! "-camille
"hellow"-andy
"ahmf byron pwede ko bang mahiram si anrdrea mamaya? wala kasi akong kasama mag shopping"-camille
"ano kaba bat ipapaalam mo pa ako sa kanya pwede ako anytime"-andy
tanga talaga ng babae na to nagpapanggap nga kami mag jowa tapos kung umakto parang wala tsk..
"gusto ko lang din ipagpaalam ka sa boyfriend mo andrea"-camille
"ah-" -andy
di ko na pinatapos ang sasabihin nya baka mas lalong mabuking lang dahil patanga tanga kung sumagot
"gusto mo ba sumama s kanya babe? " - malambing kong tanong
" a e.. oo babe"- andy
napipilitan pa syang banggitin ang babe arte ha
" sige gusto nya sumama e"-me
" thanks!"-nakangiti nyang sabi sakin "Andrea kita nalang tayo mamaya ha? "- camille
"okay! "-andy
(fast forward )
- Andy POV's-
uwian na at magkikita na kami ni camille o diba friends agad kami di ko na si kasi palagi naman busy sa boyfriend na e ako nbsb.
nakaupo lang ako sa ibaba ng puno habang hinihintay si camille sabi nya kasi dun ko nalang daw sya hintayin
may tumabi sakin, pagtingin ko su byron lang pala
" oh namang kailangan mo? "-me
"wag ka magkakamaling madulas sa mga sasabihin mo baka mabuking tayo"-byron
"e ano naman kung madulas? "-me
"baka nakakalimutan may usapan tayo"-byron
ay oo nga pala may usapan kami n titigilan nya na ako asarin
"at pag naging success n ang plano ko magiging mabait n ako sayo. promise! "-byron
okay n din para matahimik na ang mundo ko
"okay, masusunod po kamahalan. ano ang dahilan at ginaganyan mo si camille e kabait bait ng tao? "-me
napayuko sya
"ex girlfriend ko si camille 3years din kami at sya lang yung minahal ko ng ganun pero masakit pag yung taong mahal mo at pinagkatiwalaan mo ay lolokohin ka lang pala"- byron
ngayon ko lang sya nakitang emosyonal kaya nakaramdam ako ng awa kahit halimaw pala nasasaktan din
"so anong plano mo? "-me
"magpapanggap kana gf ko para iparamdam ko din aa kanya yung pakiramdam na pinagpalit"-byron
"hindi naman yata magandang rason yun malay mo may dahilan lang kaya nya yun nagawa"-me
"i think so. pero ito lang ang paraan para malamn ko kung mahal parin ba ny ako baka sakaling bumalik pa sya sakin. "-byron
"ah pagseselosan natin sya? panu pag dina sya bumalik say"-me
" edi pag hndi aasarin kita palagi at pag nag success ang plano edi magiging mabait n ako sayo at hinding hindi na kita aasarin "-byron
"okay"-me
"sige ingat! "- tapos tumakbo na sya palayo
di ako makapaniwala na sinabi ni halimaw yun anyari dun? ganun talaga siguro pag may kailangan nagiging mabait. tanaw ko n si camille
" sorry kung pinaghintay kita"-camille
"okay lang hehe"-me
"tara!"-camille
After 3 hours
nasa mall kami ngayon at syempre na sho-shopping
" pumili kana ng damit na susuotin mo para sa birthday party ko sa susunod na araw"-camille
"birthday mo na pala sa susunod na araw dipa tuloy ako nakabili ng gift ko para sayo"-me
"may bukas pa namn. kaya sige pumili kana ng gusto mong damit na susuotin para sa party ko ako na bahala magbayad"-camille
" naku wag na bibili nalang ako bukas nakakahiya naman sayo"-me
"ano kaba. sige na pumili kana magagalit ako sayo"-camille
magagalit daw sya e kaya di ko na natanggihan mapilit e. ayun may nakita ako mini skirt na off shoulder kulay maroon at nKakaputi lalo na kung gabi simple lang pero maganda kaya ayun ang kinuha binayaran na ni camille sa counter
" halika"-camille
saan naman kaya ako dadal hin ng babae nato wala na akong ginawa kundi sumunod nalang at dito kami ngayon sa parlor
" ikaw na bahala mag make over sa kanya"- sabi ni camille sa bakla at binayaran nya ito
"okay po ma'am"-sagot ng bakla
dina ako tumanggi kasi bayad na. ang daming treatment ang ginawa sakin then pagtingin ko sa salamin wow ngayon lang ako nagandahan sa sarili ko ng ganito bagsak na bagsak ang buhok ko kaya lalo tuloy itong humaba tingnan at bumagay sakin yung blande na brown at v-shape na gupit
" gumanda ka lalo"-sabi ni camille
"salamat "- tas niyakap ko bilang pasasalamat
(fast forward)
"dito nalang ako baba may bibilhin pa kasi ako na project maglalakad nalang ako sa subdivision nmin"-me
"sige ingat"-camille
"salamat nga pala ulit"-me
"ano kaba wala yun. maliit lang na bagay yan"-camille
btw, alam na ni camille na alam ko na ex sya ni byron gets? pero di nya alam na iisang bubong kami nito ang pagkakaalam nya same subdivision lang kami kaya nga dina ako nag pahatid sa bahay ginawa ko nalang na alibay yung may bibilhin ako. bumaba na ako sa kotse nya dala ang skirt na bili nya sakin
"bye! "-camille
then pinaandar nya na ang kotse at umalis na
kaya naglalakad ako ngayon papasok ng subdivision gabi narin, may naramdaman akong may humawak sa kamay ko
may humawak sa kamay ko at palingon ko isang lalake na di ko kilala baliw yata andungis e
" halika sumama ka sakin may ipapakita ako sayo"-sabi ng buang
takot na takot di ko na alam ang gagawin ko siguro katapusan ko na to mamatay na ako siguro ako
hinila nya ako per piniglas ko ang kamay ko at nahtangka akong tumakbo pero nahawakan nya yung skirt at hinila nya ito
hindi maaari mahal yun, bili sakin ni camille yun importante sakin ang bagay na yun
" ibigay mo sakin yan"-nanginginig kong sabi sa takot " Saklulo"- sigaw ko pero mukang tulog na ang mga tao kaya lalo akong natakot
" akin na to, akin nato"- natutuwang sabi ng buang
"ibibigay ko pero may ipapakita ako sayo. 1, 2, 3, 4... "
tangka nya ng huhubarin ang pambaba nya ng may humawak sa kamay ko at kinabig ako paharap sa dibdib nya
-Byron POV's-
"byron nag aalala na ako kay andy bakit hanggang ngayon wala pa sya"-nag aalalang tanong ni mama
" ma, ano kaba wag ka namang mag isip ng ganyan" ilang minuto pa ang nakalipas pero wala parin si andy nag aalala narin ako tanga pa namam din yung babae na yun di ako mapakli kaya lumabas ako sa bahay at naglakad sakaling makita si andy at pagkabas ko ng subdivision may nakita akong babaeng di katangkaran, same uniform ni andy parang hindi sya kahit medyo malayo pinilit kong tingnan ng maigi ang muka nya at
" akin na ya"
boses ni andy yun binilisan kong lumakad at tangka ng huhubarin baliw na lalake yung pambaba nya hinawakan ko agad ang kamay ni andy at kinabig ito paharap sakin.
umiiyak sya dahil siguro sa takot kinomfort ko muna sya
"tahana na nandito na ako"- me
"natakot ako"-andy
para syang batang umiiyak
tumakbo yung baliw na lalake
" saglit lang"- tapos hinabol ko yung baliw binilasan ko ng takbo kaya naabotan ko ito
" gusto mo bang mamatay ha? "- galit na ako kasi sobra akong nag aalala kaya aakmain ko na sana syang susuntokin
" patawad po, patawad po"
naawa naman ako
"akin nayan"- saba turo ko ng hawak nyang paper na bag na pg aari ni andy. inabot nya sakin tapos tumakbo
naglalakad na kami ni andy
"sana hinayaan mo nalang yan. panu kung napanu ka ha? "-me galit kong sabi
" binili kasi sakin to ni camille importante to para sakin"-andy
nakayuko nyang sabi
" alam mo ba dahil sa ginawa mo muntik ka ng mapahamak panu kung wala ako panu kana? di mo iniisip ang sarili mo tsk.. "-me
galit ako sa kanya dahil nag aalaa ako ng sobra panu nalang kung mapanu sya.
" s-sorry"-andy
"tsk.. "-me
-Andy POV's-
habang nakahiga naalala ko yung nangyari tama si byron panu nalang kung wala sya malamang na rape na ako o pinatay buti nalang dumating sya. ngayon ko lang din nakita si byron na ganun magalit kaya natakot din ako. utang ko ang buhay ko sa kanya .
After 1 hour
bumangon na ako at pnalitan ang ko nag uniform ko then lumabas ng kwarto tamang palabas narin si byron sa kwarto nya
" sorry at nasigawan kita kanina"- byron
"ako nga dapat mag sorry kasi pinag alala ko kayo ni tita"-me
tiningnan nya ako ng may halong pag aaral
" bagay sayo" - tapos sabay alis
kinilig ako syempre, ay teka bakit nararamdaman ko. dahil sa pumalakpak ang tenga ko sa narinig ko
sinubo ko kamay ko at kinagat kasi to the first time may maganda rin akong narinig galing sa kanya.
(camille's birthday )
nauna na samin si byron kaya kami nalang ni tito at ni tita ang mGsasabay. sinuot ko na yung skirt na binili para sakin ni camille bumagay sakin at lalo akong pumuti sa suot ko si tita nalang nag make over sa muka ko
" ayan gumanda kapa lalo"-natutuwang sabi ni tita sakin
humarap nalang ako sa salamin at ngumiti
" thanks po tita"-me
at niyakap ko si tita infairness ang ganda ko ngayon hehe nag improve ang muka ko kahit kunting make up lang.
" ganda naman naman naman ng mamanugangin ko"- tito
"ano kaba honey mamanugangin natin"-tita
ngumiti nalang ako magaan sa pakiramdam na boto sayo yung tao.
"tara na! " - yaya ni tito kaya sumunod na kami ni tita.
nasa isang resort na kami ngayon kung saan gaganapin ang birthday party ni camille.
dahil dipa naman nag s-start ang program pumunta muna ako sa garden at naupo muna ako at tumingala ang daming stars na kumikinang
" ang ganda ng star"- sabi ko nalang sa sarili
" mas maganda kapa sa star" may boses lalakeng nagsalita pagtingin ko my god may isang gwapong nilalang sa harap ko pero di ko sya kilala
" may umupo sa tabi mo? " nakangiti nyang tanong muka namang mabait kaya tumango nalang ako at umupo na sya aa tabi ko
" i'm marco standford"- pakilala nya
"Andrea Collins"-nkangiti kong sabi. " kaano ano mo si camille? "-me
"she's my cousin"-marco
"ah okay"-me
nagkwentohan lang kami masaya syang kausap kaya nalilibang ako ganito ba naman kagwapong nilalang ang kausap mo di ka malilibang.
-Byron POV's-
magsisimula na ang program pero di ko makita si andy baka napanu na yun
"ma nasan si andy? "-me
"di ko alam. basta sabi nya mag iikot ikot lang sya"
umalis na agad ako at hinanap sya hanggang sa makarating ako sa garden at narinig kong may boses ng babae at boses ni andy yun kaya lumapit ako at ayun nga sya may kasamang lalake di na nadala at mukang enjoy na enjoy pa sya malapitan nga
" hoy! "-me
lumingon sya at ng nakita nya ako napawi ang ngiti nya. at palingon nya may napansin ako hmf maganda sya. gumanda lang nakikipaglandian na
"bakit? "-andy
"kanina pa kita hinahanap kasi mag uumpisa na ang program pero dito ka lang pala nakikipaglandian"- galit kong sabi
" halika na! "- hihilahin ko na sana sya kaso may pumigil sa kamay ko at yun ay ang lalakeng kasama nya
" nasasaktan sya"- mahinahon nyang sabi
"bitawan mo nga kamay ko masakit e"-pagrereklamo ni andy pero wala akong pakialam
" di kapa nadala sa nangyari sayo ha"-me
"pero iba naman sya sa iniisip mo"-andy
"ah ganun? edi magasama kayo"-binitawan ko na ang kamay ni andy at umalis sige bahala sya sa buhay nya.
-Andy POV's-
"okay lang"-marco
"okay lang ako"-me
"boyfriend mo? "-inosenteng tanong ni marco
natawa naman ako sa sinabi nya
"hindi noh"-me
"ah okay. tara na start na ng program"-marco
sumunod narin ako.
*sweet dance*
" anak isayaw mo si andy dali!!! " - sabi ni tita kay byron
" sige na anak. at sasayaw din kami ni mama mo"-dagadag ni tito
inoffer ni byron ang kamay nya sakin inabot ko narin ang kamay ko tapos nag tungo na kami sa dance floor.
di kami nag iimikan dalawa nakayuko lang ako pero bigla nga akong kinabig para malapit sa kanya tapos dama ko yung init ng hininga nya sa tenga ko tapos bumulong sya sakin
" sorry"
nung time n yun ang lakas ng kabog ng dibdib ko dama ko yung katawan nya alam nyo yung sayaw na parang payakap.
" okay lang yun"-sagot ko
bakit ang gaan ng pakiramdam ko pag kasayaw ko sya
"pwede ko ba syang isayaw?" boses lalake at pamilyar sakin ang bose na yun
pwede ko ba syang isayaw?" boses lalake at at pamilyar sakin ang boses na yun pagtingin ko si marco
-Byron POV's-
"sorry"-me
"okay lang yun"-andy
tahimik lang kami pareho, dinadama ko nalang yung music. Bat habang tumatagal lalong gumagaan ang loob ko sa kanya? hindi maaari.
" pwede ko ba syang isayaw?" pagkatingin ko yung lalake kasama Kanina ni andy
" pumayag kana" boses ni camille yun kaya binitawan ko na si andy at sinayaw ko nalang si camille. nakatingin lang ako kay andy habang kasayaw nya yung lalake
" you don't have to worry good boy yang pinsan ko sya si marco standford. "-camille
kaya tumingin nalang ako kay camille
" gaano na katagal ni andy? " -camille
patay di ko alam ang isasagot ko mag iisip muna ako
"10months palang kami pero mahal na namin ang isa't isa"-me
" halata nga e"-tapos ngumiti sya " panu kung sabihin ko na mahal padin kita byron? "-camille
napahinto ako sa pagsasayaw di ko alam ang sasagot ko
"i'm just kidding"- bawi nya agad tapos ngumiti
-Camille POV's-
napahinto sya sa pagsasayaw baka hindi nya siguro nagustohan ang sinabi ko kaya binawi ko nalang agad
"i'm just kidding"-me
siguro alam nyo naman na ex ko si byron. nasaktan ako nung malaman kong may gf na nabago si byron i really love him pero kailangan ko syang bitawan kasi may brain cancer ako ayaw ko syang masaktan kasi alam ko na dadating yung araw na iiwan ko sya kaya mas minabuti ko nalang na palabasin na may iba na ako na niloko ko lang sya kahit na ang totoo wala naman talaga. masakit, at sobrang sakit na makita mo yung mahal mo na may mahal ng iba pero kailangan kong tanggapin at hayaan syang maging masaya hindi ko sya balak saktan. di nya lang naiintindihan at di nya lang alam ang tunay na dahilan.
nag play na yung music na 'before i let you go' by: freezstyle.
teamsong namin yan hehe
habang nag p-play ang music nav flaflashback sakin yung mga moment na kami p ni byron di ko maiwasang malungkot at bumagsak ang luha ko
niyakap ko si byron ng mahigpit.
"don't hurt her"-me
-Byron POV's-
nagulat ako ng bigla akong yakapin ni camille
" don't hurt her"-
may kung anong basa sa balikat ko at nakita ko si camille umiiyak baka dahil siguro sa kanta dahil yan yung lagi kung kinakanta sa kanya yan kasi gusto nyang kanta. kinomfort ko sya at umupo muna kami
" are you okay? " -me
"yes, masaya lang ako"-camille tas pilit syang ngumiti.
umalis na sya sa pagkakayakap sakin
" mauna na ako madami pa akong aasikasohin na bisita. balikan mo narin si andy baka hinahanap kana nya"
tapos umalis na sya
-Andy POV's-
masayang kasama si marco kaya napapngiti nya ako pero di ko namalayang napawi ang mga ngiti ko ng makita kong magkayakap si byron at camille may sa akin masakit ano ba tong nararamdaman ko.
" may problema ba? "-marco
" a-ah wala naman. maupo na tayo"- me
" sige"-marco inalalayan ako napak gentleman nya naman.
natapos na ang okasyon kaya pero parang wala si tito at tita
*ring
"hellow? "-me
"andy si tita shane mo to nauna na kaming uwi ni tito mo kaya sumabay ka nalang kay byron pag uwi. sige ingat"
tot tot tot...
teka san na nga ba ang lalake na yun lingon, lingon
" may hinahanap ka? " pagkalingon ko si marco pala
" oo. kasama ko"-me
" ako nlang ang hahatid sayo"-marco
"no. sakin sya sasama" at nakita ko si byron
hinawakan nya ako sa kamay tsaka hinila
" halika kana"-byron
"teka lang"-me
pero di nya ako pinakinggan at tuloy padin ang paghila nya sakin wala akong magawa kundi sumunod nalang kawawa naman si marco naiwan
naka motorcycle lang pala kami naku takot ako sumakay ng motorcycle
" kumapit ka kung ayaw mong malaglag"- byron
nahihiya akong humawak sa bewang nya kaya sa damit nya nalang ako humawak
umandar na ang motor
at ang bilis nyang magdrive yung tipong kung mahina hina lang kapit ng panty mo liliparin na e pero nagmamatigas padin ako ayaw kong humawak sa bewang
" ayaw mong humawak ha"
at halos full speed
"waaaah... " napasigaw ako at napayakap sa kanya ng mahigpit ang tigas ng mga abs nya
" hmm yummy"-nasabi ko nalang bigla
"may pagnanasa ka pala sakin ha"- nakangisi nyang sabi.
napakagat labi nalang ako at di nalang sumagot.
(fast forward)
1month narin kaming nagpapanggap ni byron na mag jowa sa harap ni camille at nakikita ko kung panu masaktan si camille sa tuwing mag hoholding hands kami, naglalambingan sa harap nya kahit na ngumiti sya sa tuwing nakikita nya kami ni byron di parin maitatago ang lungkot sa mga mata nya kaya gusto ko ng itigil ang laro na to.
naglalakad ako pabalik na sa klase ng biglang lumakas ang ulan nakakita ako ng puno na malapit lang galing sa kinaroroonan ko kaya tumakbo ako papunta sa puno para pansamantalang sumilong. may narinig akong boses ng babae na umiiyak hala baka momo yun kaya natakot ako wala pa namang katao tao sa bandang dun lalo na at uulan. tatakbo na sana ako ng may sumigaw
"BAKIT NYO BA AKO GINAGANITO? DI BA AKO PWEDENG MAGING MASAYA? "
hala buhay na tao di pala multo. malaki kasi ang puno kaya umikot ako para tingnan kung sino ang umiiyak at si camille, si camille ang umiiyak habang sumisigaw nilapitan ko sya
at agad na niyakap mas lalong bumagsak ang mga luha nya at patuloy lang syang umiiyak pareho na kaming basa ng ulan dahil sa sobrang lakas
" tahana na"- habang hinahaplos ko ang likod nya para macomfort sya
" masama ba ako? "- umiiyak nyang tanong
"syempre hindi."-me
" bakit ako pinaparusan ng ganito? bakit di ako pwedeng maging masaya? - tapos humagulhol sya ng iyak. di ko sya maintindiha pero alam ko kailangan ko syang i comfort
" halika na magkakasakit tayo nito. pareho na tayong basa sa ulan" pero bigla syang nahimatay nag papanic na ako kaya kinuha ko yung phone nya at dinial ko yung mommy nya
Sinugod si camille sa hospital at sumama ako nkapagpalit narin ako ng damit.
"salamat hija kung di dahil sayo baka di ko pa nalaman ang nangyari sa anak ko"- sabi ng mommy ni camille
"walang anuman po yun. kaibigan ko din po kasi si camille. kamusta na po sya? "me
" okay naman na daw sya kailangan lang ng kunting ingat kasi may sakit sya"-camille's mom
nag curious ako kaya tinanong ko
" anong pong sakit nya? "-me
" hindi nya ba nasabing may brain cancer sya? "-camille's mom
nanlumo ako sa narinig ko parang kinain ako ng konsensya sa mga pinanggagawa namin ni byron sa kanya.
lumapit na ang nurse at sinabing gising na si camille
kaya tumungo agad kami ni mommy nya
" dyan muna kayo at bibili lang ako ng makakain"
pagpapaalm ng mommy ni camille. kaya kami nalang dalawa ni camille
" thanks" - ngiti nyang sabi sakin lalo akong nanlumo sa kabila ng kabaitan nya nagawa ko padin syan saktan
" sorry! "- at niyakap ko sya habang umiiyak ako
" bakit? "- inosente nyang tanong
" kasi sinaktan ka namin"-me
"h-ha? panu? nino? "
-camille
" di kami ni byron ron"-me
"anong ibig mong sabihin? "- camille
" nag papanggap lang kaming mag jowa para saktan ka " pinaliwanag ko sa kanya ang rason kung bakit nagawa ni byron to sankanya then sinabi nya sakin na di totoong niloko nya si byron nagawa nyan lang daw yun kasi nalaman na nya may brain cancer sya kaya natakot syang baka isang araw mawala sya at masaktan lang nya si byron at madami pa kaming pinag usapan.
" total di naman kayo ni byron pwede bang tulungan mo kaming magkabalikan? "
- camille
" oo naman. para makabawi man lang ako sa ginawa namin sayo ni byron. "
"thanks"- tapos niyakap nya ako