Chereads / MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA) / Chapter 18 - Chapter 18: Brothers War

Chapter 18 - Chapter 18: Brothers War

Nagbalik na si Shaina sa trabaho pati si Shawn ay pumunta na sa sariling office, pero pagbukas niya ng pinto. Nabungaran niya ang mga kapatid except kay Mark na Wala dun. Kinuwelyuhan ako ni Alejandro na parang gustong basagin ang mukha ko kaya tinaas ko ang mga kamay ko.

"Easy! Teka bakit?"

"Bakit kayo magkasama ni Shaina?"

"Nagkukuwentuhan lang kaming dalawa, ano ba ang masama dun?" pagkasabi ay agad niya inalis ang kamay nito sa kuwelyo niya.

Tumingin ito ng matalim sa kaniya "may gusto ka ba kay Shaina?" napaawang ako sa sinabi nito, di ako makasagot. Dapat sabihin ko na ang totoo, para malaman na nila kung ano ang nararamdaman ko kay Shaina. "Yes! I like her."

Tumingin pa si Alejandro sa mga iba pang kapatid, "Sino pa ba sainyo ang nagkakagusto kay Shaina, bukod sa amin nina Orlando?"

"Wag niyong sabihing lahat tayo nagkakagusto sa iisang babae" sabi naman ni Orlando agad tumayo. Di makasagot sina Steven, Tom, Ken, Shawn at Alejandro.

Iisa lang ang sagot "oo" "Kung ganun, pagdating sa iisang babae ay walang kapatid kapatid!"

"Tanungin mo rin si Mark na baka may gusto din siya kay Shaina." sumabat na rin si Tom sa likuran ni Orlando, mukhang iisa na lang ang di pa umaamin "nasan si Mark?"

"Di ko alam, baka nasa office niya." ani ni Tom

Bumukas ang pinto ng office ni Mark, nabungaran niya ang nakakatandang kapatid na si Orlando, saka lumapit sa kaniya. Di niya maintindihan bakit ganun na lang kung pumasok na parang may kaaway ito.

"Puwede ba tayo magusap, yung tayong magkakapatid lang."

"Sure!" sumunod siya rito, nandun lahat ang magkakapatid, yung iba nakatingin sa kaniya.

"May gusto ka ba kay Shaina? Yes or No lang ang sagot" wika ni Orlando hinarap siya na lalaki sa lalaki.

Lumunok muna ako bago sinagot ang tanong "Kung sasabihin kong oo, magagalit ba kayo?"

"Sabi ko na nga ba." napamaang na lang sabi ni Tom pagkatapos tumalikod, lahat sila di makapaniwala kaya nagtaka ako bakit ganun reaction nila. "Bakit?"

"Dahil iisa lang ang babaeng nagugustuhan natin, nagkakagusto tayong lahat kay Shaina."

"Okay! Gaya ng sinabi Orlando na walang kapatid kapatid pagdating sa isang babae, eh bakit di natin ligawan si Shaina." sabi Alejandro.

""Paano?"

"Ako ang gagawa ng schedule para sa ating lahat. Shawn ikaw ang Monday, Steven ikaw Tuesday, Tom ikaw ang Wednesday, Mark ikaw ang Thursday, Ken ikaw Friday, ako naman ang Saturday at ikaw Orlando ang Sunday."

"Teka! Bakit si Orlando ang Sunday?" takang tanong ni Tom, "Oo nga bakit siya ang huli" sabat din ni Steven.

"Dahil.. Siya ang panganay." tanging nasabi ni Alejandro.

"Yun!" reklamo pa ni Tom

"Bakit ka nagrereklamo?"

"Wala na ako sinabi ehh!!" tila walang nagawa, napabuntong hininga na lang ito.