Chereads / MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA) / Chapter 21 - Chapter 21: Let's Get Ready To Rumble

Chapter 21 - Chapter 21: Let's Get Ready To Rumble

Nagising si Shaina nang marinig ang cellphone niya walang tigil sa kaka-ring, kinuha ko ang una na isa saka ipinatong patalukbong at matakpan ang tenga para di niya marinig ang tumutunog.

"Hhmm! Ano ba sino bang tumatawag nang ganitong oras? Madaling araw na ha!" kinuha ko ang cellphone sa may bandang ulohan at pinindot ang answer call, "Hello!" ani ko habang nakapikit pa.

"Shaina anak!" wika ng isang babae sa kabilang tumatawag na medyo may katanda na ang boses.

Napadilat ako bigla nang makilala ang boses nito at bumangon sa pagkakahiga 'si Mama!' sabi ng isip ko.

"Anak kung naririnig mo man ako at kahit di mo ako sagutin ay alam kong nandyan ka, please! Umuwi ka na, nag-alala na ako sa'yo kung nasan ka. Di na kita ipapakasal sa matanda kung yun ang kinatampo mo sa akin, basta't umuwi ka na ha! I miss you anak!" she cried silently, she also miss her mother. Pinatay ko na ang phone dahil kapag di ko pa pinatay ay mas lalo lang ako malulungkot.

"I miss you too Mama."

Kinabukasan...

Papasok na sana ako sa trabaho nang mamataan ko ang kotse Mercedes Benz sa harap ng bahay, pansin ko agad ang itsura nito sa pakakatanda niya ay si Tom lang ang may ganitong kotse sa magkakapatid.

"Shaina!" she turned around, someone is calling her name.

"Tom ikaw pala."

"hatid na kita." paanyaya nito, pero tumanggi siya "naku wag na."

"Sige na! Papunta na rin ako dun" pilit niya pa.

"Sige na nga mapilit ka eh! Saka male-late na rin ako."

Sumakay na sila pareho sa kotse at pinaandar na ni Tom papuntang trabaho, naidlip ako saglit. Pagkaraan ilang sigundo nang maramdaman na may humahaplos sa pisngi ko. Nang idilat ko aking mga mata bigla nang iniwas ni Tom ang kamay niya at umaktong walang nangyari.

"G-ginising lang kita."

"Ganun ba!" inayos ko ang sarili at tumingin sa kaniya "alam mo, may nagbago sa'yo!"

"A-ano?" kumunot noong tinitigan ako.

"Hindi ka na manyakis."

"Hahahahahaahah!!!!"

"what so funny?" kinasimangot ko, medyo tumigil ito sa kakatawa. Maya maya ay sinabi na lang niyang "will you be my date today pagkatapos ng trabaho mo?"

"Teka hindi ko talaga maintindihan bakit ang dami yata nagyaya sa akin ng date."

"Ha! A! E! I!"

"Magsabi ka nga sa akin ng totoo, pinagplanuhan niyo ba ako ligawan araw-araw maski day off ko o hindi?"

He gulp 'silence' means yes, he tried to change the topic "basta mamaya okay!" Bumaba muna ito kotse at inalayan akong bumaba bago pumasok sa Fredo's Bar Restaurant & Hotel.

Tapos na siya maglinis nang biglang may humipo sa puwetan niya, napalingon ako sa likuran upang tingnan kung sino ang may gawa nun.

"Ay!" tili ko

"Ayos to pre kinis at ang lambot ng puwet ha!" sabi ng maangas na lalaki na sa tingin ko ay leader nila. Nagtawanan ang tatlong lalaki, may mga itsura din at matatangkad at halatang mayaman, ngunit isa lang ang pangit sa kanila yun ay ang mga asal nila.

"Miss sumama ka samin at siguradong mage-enjoy ka" sabay hawak sa kamay niya, nagpumiglas ako pero malakas sila.

"Bitiwan niyo ako."

"Bah! wag ka nang umayaw masaya ito." sabay hapit nito sa kaniya dahilan upang mapasubsob siya sa dibdib ng lalaki at sininghot siya nito "Hhmm Bango."

Nang akmang hahalikan siya ng lalaki ay bigla na lang sumulpot sa kung saan si Orlando at pinagsusutok gamit ng mga kamao. Nagkaroon ng palitan ng atake ngunit sa huli si Orlando pa rin ang nanalo.

"Okay ka lang?" medyo hinihingal pa

"Oo! S-salamat."

Niyakap niya ako ng mahigpit, lingid sa kaalaman ay nakita nina Shawn, Steven, Alejandro, Mark, Ken, at ni Tom ang yakapan nilang dalawa. Ang mga mata ay punong-puno ng paninibugho, naikuyom nilang lahat ang kamao na parang ilang saglit ay sasabog at tila pigil nila ang galit. Sa isip ni Alejandro ay parang mas gusto ni Shaina si Orlando.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni Orlando napalingon sa mga matang nakamasid sa kanila, nakita ko sina Shawn, Steven, Alejandro, Mark, Ken, at Tom.

"Kanina pa kayo dyan?" si Orlando ang unang nakabawi.

"Oo! Kanina pa KUYA ORLANDO." anang Alejandro.

"Sige po aalis na po ako mga sir." dumuko ako ng may pagalang, nang makaalis ako ay di ko alam na may samaan ng tingin ang mga magkakapatid.