Chereads / MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA) / Chapter 22 - Chapter 22: Wednesday Date

Chapter 22 - Chapter 22: Wednesday Date

Nagpatawag na rin sila ng pulis para maipakulong ang mga siraulo. Nagsukatan ng tingin ang mga magkakapatid tila may dumilim sa paligid, mas lalo na ang mga titig nina Orlando at ni Alejandro. Lumapit si Orlando sa kanila.

"Anong nangyari?" tanong ni Alejandro

"May nambastos kay Shaina kaya nang makita ko ay agad ako napakipagaway."

"Pansin ko nga yung pasa mo sa bibig" sabat naman ni Shawn, pumunta muna sa sariling office si Orlando at nagpakuha ng first aid kit at tela na may yelo para gamutin ang pasa at bahagyang dugo sa labi nang bumukas ang pinto at nilulwal nito si Shaina.

"God! Are you okay?" nabanahag ang pagaalala ni Shaina saka kinuha ang tela na may yelo at pinagpapahid sa pasa may gilid ng labi.

"I'm okay-aw!" napangiwi si Orlando at bahagyang umayos ng upo "salamat!"

"Sorry! Dahil sa akin nangyari sa'yo ito."

"Wag ka mag-sorry, at saka kung hindi ako dumating ay malamang nabastos ka nila. Gagawin ko ang lahat wag ka lang mapahamak."

Kinilig ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay ang haba ng hair ko, nagpekeng ubo ako pinagpatuloy ang pagpapahid ng telang may yelo sa pasa nito habang titig na titig pa rin si Orlando sa kaniya. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko nang nilapit nito ang mukha nito sa kaniya at hahalikan siya, pinikit ko ang aking mata nang dumampi na ang pinakahihintay.

Natangay ako sa mga halik nito, animoy mapupugto ang aking hininga habang gumaganti ng halik. Napagtanto ko na huminto ito kaya unti-unti kong idilat ang aking mga mata, pahiya ako dahil nagustuhan ko ang ginagawa nito.

"Sige po sir alis na po ako" medyo pulang pula pa sa pagkapahiya kaya tumalikod na ako at umalis ng silid, di ko nakita ang nakangisi si Orlando.

Shaina's Proves

Nagtataka si Shaina kung bakit may flowers ulit siya this time kay Tom na nang makita ko ang card at nakasulat doon ang pangalan niya.

"Hhmmm..."

Tapos na ako sa paglilinis nang maghiyawan ang mga staff. "Uy ha madaming manliligaw."

"Kanino galing?" sabi naman ng isa.

Di ko na lang pinansin ang mga parinig nila 'Palibhasa kasi wala nanliligaw kaya ganyan kung magparinig' sabi ko sa isip.

Lumabas ako ng hotel dahil tapos na ang duty ko. Nagulat ako nang bumungad sa mukha ko yun pala si Tom "Hi angel!"

"Tom-este sir, bakit di pa po kayo umuuwi?" tanong ko medyo nakatikwas pa yung ngiti niya at ang lapad hanggang tenga. His teeth are so trim.

"You forgot that we were have a date today."

"Oh! I'm sorry nakalimutan ko" pagkuway hinawakan nito ang kamay ko papunta sa parking lot, akala ko yung Mercedes Benz ang makikita ko ngunit isang astig na motor.

"Di ko alam na may motor ka pala."

"Kahit yung mga kuya ko di nila alam na may motor ako, so shall we go" anito pinaangkas ako at pinasuot ng helmet, nagsuot din siya ng helmet sabay padyak sa paanan ng motor at pinaharurot. Napayakap ako sa kaniya dahil ang bilis niya magpatakbo.

"Haaahh!!! Pakibagalan sir."

"Hahahaha!!!" tawang tawa ito, huminto sila sa isang amusement park, kay daming rides.

"Wow! Ngayon lang ako nakapunta rito" amuse sabi ko.

"You know what, when I was a child. I've never been in rides since Mom and Dad file an annulment" he said sadly.

"Malungkot din pala ang nakaraan niyo."

"Pero ngayong kasama kita, gusto kong samahan mo ako, mag-rides tayo kahit anong gusto ko" lumiwanag na ang mukha nito.

"Sige!" ngumiti ako saka inakay niya ako sa may dragon coaster ride. Ang isa pang rides nila ay ang pirates ship rides, fly chair rides at iba pa. Nag-enjoy ako lalo na nang makita kong nangamatis sa sobrang sukang-suka si Tom. Kahit paano ay may dala akong plastic para ready sa magsusuka.

"Natatawa ako sa'yo ilang beses ka na ba sumuka hahaha!!!"

"Akala ko kasi kakayanin ko yun pala hindi, pero nag-enjoy ako kasi kasama kita."

Ang ngiti ko ay naging simple na lang, hinatid niya ako ngunit nakabingi ang tahimik dahil wala ni isa sa amin ang di nagsalita.

"Ingat ka Tom" ngumiti lang ito.

Sumakay na ito ng motor pagkatapos sinuot ang helmet at pinatakbo. Nakatingin lang ako sa kaniya papalayo.

Pumasok na ako sa kuwarto at naabutan ko si Rose na di pa natutulog "gising ka pa."

"Ito kasing anak ko kanina pa inaapoy ng lagnat eh!" lumapit ako sa anak niya sabay sipat sa noo at leeg niya "Kanina ko pa siya pinainom ng lagnat tapos pinunaspunasan ko kaso di pa rin bumababa ang lagnat niya."

"Dalhin na natin siya sa hospital."

Dinala na namin si Kate sa hospital, hanggang madaling araw pa kasi uuwi ang asawa ni Rose.

"Doctor pagalingin niyo po ang anak ko" pakiusap turan ni Rose halos mangiyak na sa sobrang takot, pinakalma ko muna siya "ipagdasal natin si Kate."

Nakikita pa nila ang anak nito na nasa ER at kinabitan pa ng dextrose ang mukha.

"Diyos ko pagalingin niyo po ang anak ko."

Pinagpahinga ko muna siya dahil pagod na sa kaiiyak, di pa rin mawala ang takot sa mga mata nito.