Namalayan nila na nakalabas na ang doctor at nilapitan sila, tinanggal nito ang face masks at hinarap sila. Saktong sumulpot ang asawa ni Rose na kakagaling lang sa trabaho.
"Kamusta po doc?" nagaalala tanong ni Rose sa doctor.
"Okay po ba siya?" tanong naman ng asawa nito.
"Hinay-hinay po sa kakatanong, okay na po siya at buti naagapan kahit papaano, ano Ang napapansin mo bago niyo siya dinala rito?"
"Uhm! Inuubo po siya na malakas, nilalagnat paulit-ulit pa nga eh, tapos kinakapos po sa paghinga, naninikip din ang dibdib niya at tapos pagbilis ng tibok ng pulso" sabi Rose.
"Pulmonya po ang sakit niya."
"Huh! Pulmonya."
"Resitahan ko na lang po kayo ng gamot, kayo po magdedesisyon kung dito o sa labas kayo bibili ng gamot, maiwan ko po muna kayong lahat" tumango na lang si Rose at tumalikod na ang doctor.
Mananatili muna si Kate sa hospital hanggat di pa ito gumagaling. Napabuntong hininga silang lahat nag-usap.
"Ako na lang kaya ang magbantay sa bata" sabi ko ngunit di nila ako pinayagan.
"Hindi ako na lang at saka may mga pasok kayong dalawa" sabi ni rose kaya wala kaming nagawa sa bagay na iyon.
Kinabukasan nang makapasok si Shaina sa trabaho, muntikan niya na matapunan ng drinks ang customer dahil sa malamin at kawalan ng focus.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni si Mark, nang mapansin siya nito, nagpasensya na lang sila sa customer at pinasok siya nito sa sariling office.
"Pagagalitan niyo po ba ako dahil wala sa trabaho ang isip ko?" nahintatakutan na tanong, bahagya akong yumuko sa kaniya.
"No! Anong nangyayari sa'yo bakit parang di ka yata makapagtrabaho ng maayos?"
"Dapat po pala nagpaalam ako na di muna papasok kasi nasa hospital ang anak ng kaibigan ko at wala akong magawa para tulungan siya sa mga gastusin pagkatapos pati yung mga gamot."
"Gusto mo samahan kita sa hospital, consider it as a date for today."
"H-huh!" nautal ako sa sinabi niya.
"Don't worry pupunta tayo mamaya dun para tulungan natin ang kaibigan mo."
"T-talaga!"
"Oo naman!" sa sobrang tuwa niya ay napalapit siya rito at niyakap ito nang mahigpit "Thank you po sir!"
Bigla ako natauhan at kumalas sa pagkakayap, ngumisi ito kaya nagkulay kamatis ako sa pamumula.
Ang di nila alam na nakasilip sa pinto si Orlando at narinig ang pinaguusapan, di niya pinansin ang selos, ang gusto niya ngayon ay tulungan si Shaina.
Umalis si Orlando at nagtungo sa hospital kung saan naka-confined si Kate, siya ang nagbayad ng hospital bill at mga gamot.
Nang magtungo sina Mark at Shaina sa hospital ay di nila akalaing bayad na ang pagkaka-confined at pati ang mga gamot ni Kate.
"May isang taong pumunta dito at binayaran ang mga bills dito at mga gamot ni Kate, sa totoo lang kapag nakita mo ang taong yun. Aayyii nakakakilig ang guwapo niya" kinilig na parang baliw si Rose.
"Ikaw ba nagbayad ng bills at saka mga gamot?" tanong ko kay Mark, sasagot sana si Mark nang sumabat si Rose.
"Naku hindi siya, ibang iba ang isang yun" sambit Rose.
Napangiti ako, "nais ko sana magpasalamat sa taong tumulong sa anak mo."
Hinatid na ako ni Mark sa bahay at inibintahan pumasok dahil bisita ito. Dahil siya lang magisa sa bahay wala si Rose at wala ang asawa nito kaya silang dalawa lang. Pinagluto niya ito ng adobo manok.
"Masarap ha!" nang matikman ang luto
"Salamat! Oo nga pala alam mo ba kung Sino Ang nagbayad ng hospital bills at mga gamot ni Kate?"
"Di ko alam!" iling nito, pagkatapos nila kumain nagdisisyon na si Mark na umuwi "Sigurado ka gusto mo na umuwi?"
"Oo at saka may trabaho ka pa" sumakay na siya ng kotse at umalis. Ngayong kasama niya si Mark parang nawala ang Sparks na pagka-crush niya rito.