Chereads / MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA) / Chapter 28 - Chapter 28: Shaina's Mother

Chapter 28 - Chapter 28: Shaina's Mother

Nanaginip si Shaina, sa panaginip niya ay may mga lalaking nakahubad sa harapan niya.

Nakahubad si Shawn, Steven, Tom, Mark, Ken, Alejandro at si Orlando.

"T-teka! Bakit nakahubad kayo?" sinuri ko naman ang sarili ko, nakahubad din ako at pawis. "Bakit nakahubad din ako?" tanong niya ulit sa mga to.

"Shaina! Mamili ka samin, sino ang gusto mo maka-sex?" nabigla ako sa sinabi ni Alejandro, medyo nataranta ako kasi papalapit na sila sa akin.

"W-wag kayo magpatawa!"

"Hindi kami nagpapatawa" humalakhak sila sabay kuha ng kumot na nakatabing sa akin.

Mabilis ko tinakpan ang aking dibdib at pang-ibaba. Pakiramdam ko ay totoo dahil pinagpapawisan talaga ako.

Pinakatitigan ko sina Orlando at Alejandro na bahagyang malapit sa mukha ko, nakikita ko ang pagnanasa sa mga mata nila at dinila pa nila ang bibig nila na para bang natatakam na gusto nila ako tikman.

"Wait a minute kapeng mainit, wag niyo gawin Ito!" naginig ako, napasigaw ako nang lumalapit na sila "Aaaahhhhh!!!!"

"Aaahhhhhhh!!!!! Pagising ni Shaina ay nakita niya si Alejandro nakahubad at walang brief at walang pang-itaas.

"Ohh!! Ang ingay!" reklamo ni Alejandro sa akin.

"Ay! Ay! Aray!" pasiwas-siwas nito upang di tamaan ang mukha nito, "Bakit ka nakahubad!?" asik ulit ni Shaina sa kaniya.

Patuloy pa rin ako sa pagbabayo, paghahampas rito dahil sa ginawa nitong paghawak sa mayayamang dibdib ay bumangon ang inis niya mula rito.

"Eh! ganito kasi ako matulog sa condo ko."

"Puwes! wala ka sa condo mo!" asik ko sa kaniya.

"Uhm!"

"Ikaw talaga ano bang trip mo?" pagalit na tanong niya sabay hampas ulit.

"Hahaha!!! Trip ko.. Trip ko na angkinin ka ngayon."

Natigilan ako sa paghahampas dahil sinabi niya "Makaalis na nga!" tumayo ako at bumangon. Tawang-tawa pa rin si Alejandro, mapang-asar talaga siya. Pagkabukas niya ng pinto ay nabungaran niya si Orlando.

Nagulat ako sa kaniya dahil di ko inaasahang mabubungaran ko siya, napatingin siya sa akin at kay Alejandro. Nandito kasi sa kuwarto niya si Alejandro baka kung anong isipin nito sa kanila.

"O-orlando!" tumalikod ito na na di man lang ako kinausap. Tinawag ko ulit siya pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

"Orlando! Wala ibig sabihin yung nakita mo!" halos tumakbo ako dahil sa laki ng hakbang nito.

"Walang ibig sabihin, eh nakita ko na nga eh! May nangyari sa inyo!"

Humarang ako sa harapan nito "wala naman talaga dahil walang nangyari sa amin. Pinatulog ko lang siya sa silid ko pero walang nangyari sa amin, promise!" tinaas ko pa ang kamay ko para malaman niya na di ako nagsisinungaling.

"Tama si Shaina Orlando! Walang nangyari sa amin!" sabat ni Alejandro na nakasunod na pala sa amin, "Di ka naniniwala? Ganyan na pala kakitig ang utak mo!"

Sinamaan siya ni Orlando ng paningin, tumalikod siya saka naglakad palabas ng bahay at sasakay na ng kotse, kaya sinundan ko ulit.

"Orlando!" tinawag ko siya pero di humihinto. Akmang sasakay ng kotse pero pinigilan ko siya, "please!"

"Sumakay ka na."

Sumunod ako sa kaniya sabay sakay ng kotse, nakaalis na sila ng bahay at iniwan si Alejandro. Habang nasa kalagitnaan sila ng daanan, napakatahimik nito at tinanong ko siya "saan tayo pupunta?"

"Sa restaurant."

Tila walang nangyari, balik sa katahimikan. Nais ko sana magtanong kaso baka magalit siya sa akin. Sa Manam Comfort Filipino Restaurant sa makati sila pumunta, malaking palaisipan sa akin kung ano ang surprise na sinasabi ni Orlando.

Nang makapasok sila ay binati sila ng mga staff ng restaurant, pinaupo muna ako ni Orlando at may binulong sa akin sa tenga.

"Nandito na ang surprise ko."

"Anak!" bigla ako nabingi, boses ni Mama yun. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko nga si Mama na umiiyak sa saya. Ako naman ay di makapaniwala dahil sa pagkabigla ay di pa rin ako makakilos.

"M-mama!"

"Anak!" tawag ulit nito sabay yakap ng mahigpit sa akin. Di ko namalayan kung anong oras na sa tagal nila sa pagkakayakap, kumalas muna ang ina at hinaplos ang aking mukha.

"Mama!"

"Alam mo ba na nagaalala ako sa'yo."

"Mama sorry po talaga dahil ayoko po talaga makasal sa matandang yun" wika ko na naiiyak pa rin.

Niyakap ulit ako at lumingon kay Orlando "iho! Maraming salamat dahil sa'yo ay nakita ko ulit ang anak ko!"

Napatingin ako kay Orlando, di ako makapaniwala na siya ang dahilan para magkita muli kami ng aking Ina. "Alam mo ba anak! Napakabait nitong boss mo dahil tinulungan niya ako sa pagkabangon ng negosyo at di lang yun, pinagamot niya ako para magkita na daw tayo" sabi sa akin ng Ina na tuwang-tuwa kinukuwento sa aking ang lahat.

"Hindi ko alam kung paano magpasalamat pero talagang maraming salamat."

"Okay lang yun! Ang importante ay nagkita na kayo" niyakap ko siya na mas mahigpit, bigla bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sir-este Orlando, p-paano mo-?"

"Dahil pina-imbestiga kita, dahil kahit noong inis pa ako sa'yo alam ko sa sarili ko na kakaiba ka at maraming pinagdaraanan. Kaya pina-imbestiga kita at natagpuan ko ang Ina mo."

"Alam mo.. Na naglayas ako?"

"Oo!" lumilingon si Orlando sa Ina ko at "Ma'am-"

"Oh please! Don't call me that. Call me Mom instead!" medyo nahiya pa si Orlando pero sinunod niya ang gusto nito.

"Mom! Puwede ko po ba i-date ang anak niyo? With permission!"

Ngumiti muna ang ina ko bago sumagot "Oo naman! Basta ingatan mo ang anak ko ha!"

"Hehehe!" nahiya ito na kinamot ang ulo, ang kamay nito ay lumanding sa balikat ko at hinapit ako palapit rito.

Nagda-drive si Orlando kasama si Shaina. Ang Ina naman niya ay nakauwi na. Medyo kakaiba ang kinikilos ni Orlando ngayon kumbaga kanina, parang di lang yun ang sopresa para sa akin, parang meron pa. Ngiting tagumpay ang lawak ng ngiti ni Orlando.

"Orlando!" tawag ko sa kaniya na mapansin ko ang pigil niyang ngiti.

"Hmmm!"

"Bakit ka ngiting-ngiti dyan?"

"Uhm!" ang kamay nito ay kumikilos papunta sa balikat ko "solo na kasi kita!"

Ngumiti din ako at kinikilig. Di ko alam kung ano pa ang sopresa ang ipapakita nito pero sobrang saya ko.