Ilang araw ang nakalipas nakapag-discharge na si Kate sa hospital, pangalawang pagkakataon may lalaking nagbayad ulit para sa discharge niya. 'Sino kaya yung misterious man?' sabi ng isip ko.
Naghanda sila para sa isang masayang pa-welcome para kay Kate "SUPRISE WELCOME KATE!!!"
Syempre tuwang-tuwa ang bata sa kakulitan. "Wag ka muna mag gagalaw Kate kasi baka mabinat ka" sabi ni rose sa anak, still masaya pa rin siya at masaya din ako para sa anak niya. Dahil sa mistery man ay gumaling ng tuloy-tuloy si Kate.
Kinabukasan linggo at marami ulit mga tao 'kapag talaga weak days' di puwedeng di maraming tao. Saktong papunta na ako sa counter nang sumulpot si Ken sa harapan niya.
"Can we date, today?"
Natigilan ako bigla, oo isa ko din siyang boss but still di ko pa rin nakakalimutang may past kami, kung saan pinagtaksilan niya ako.
"Hindi puwede may gagawin pa ako" sabay talikod para makaiwas sa kaniya. Naglakad ako palayo pero hinarangan niya ulit ako.
"Please! Look I know you keep avoiding me, pero gusto ko malaman mo na di ako nagtaksil. It was Lei, siya ang dahilan kung bakit ako nandun kung saan mo kami nakita ng huli, patawarin mo ako Shaina."
Di ko alam kung ano ang kung magagalit pa ba ako o hindi dahil sa pagtatapat nito. "Pinapatawad na kita Ken" Umiwas ako ulit at humarang na naman.
"Kung ganun, let's have a date."
Na-estatwa ako sa sinabi niya napa-huh! Ako. Napangiti ako parang ganito din ang pamamaraan nito noong niligawan niya ako nag-aral pa kami.
"So.. Payag ka?" titig lang ito tila kinakabahan, tumango sa sobrang tuwa niya di napigilan ang pagyakap nito sa kaniya, kumakalas ako sa kaniya kasi maraming tao, yung iba nakatingin sa kanila.
"Yes!" anito daig pa nanalo.
"Ken maraming tao" pilit pa rin ako kumakalas, pagkakalas ko sa kaniya saka naman nagsulputan sina Orlando, Sean Steven at Alejandro.
"Sir!" napayuko ako dahil kanina pa sila serious face.
"Come to office now." utos ni Orlando at dahil siya ang pinakamatanda sa magkakapatid, walang nagawa ang iba kungdi ang tumingin at umalis 'Patay na naman ako nito.'
Napangiwi ako at sumunod sa kaniya sa loob. Nang isinara ko ang pinto bigla ang ako napamulagat sa mukha niya 'nasa harapan ko na pala siya' sabi ng isip ko.
"Sir bakit po!"
"Di porke dine-date ka ng mga kapatid ko ay agad ka makikipaglandian sa oras ng trabaho, listen. Your just an employee at kami ang mga boss mo, kung landian lang pala ang hanap mo puwede ba tanggalin mo kapag nasa oras ka ng trabaho!"
Pinigilan ko wag malaglag ang mga luha ko at pinakalma, 'wag kang iiyak boss mo yan sinasabihan ka lang niya dahil may mali ka' "okay po boss" tango.
Napabuntong hininga ito at niyakap ako kaya nagulat ako sa ginawa niya "the truth is, ayokong pinagagalitan kita. Nagseselos lang ako dahil dati kayo may past relationship ni Ken."
Kumalas ito sa akin ngunit di ko napigilan ang sunod nitong ginawa, hinalikan niya ako ng masuyo. Habang nadadala ako, pinagapang na niya ang nakakakilabot nitong kamay sa dibdib ko.
"S-sir may gagawin pa po ako" medyo nakahinga ako ng maluwag nang makaalis ng kuwarto. Kapag si Orlando, halos bumibigay ako.