Nagpapahinga si Shaina sa kalagitnaan ng damuhan nang lapitan siya ni sir Tom, namalayan na lang niyang nakaupo ito sa tabi niya.
"Hi! Shaina!" anito natatawa
Di na lang niya pinansin malamanyakis nitong titig sa legs niya at agad niyang tinakpan yun gamit ng panyong malaki.
"Kamusta ka naman?"
"Okay lang!" anyang pumekeng tawa at pinaikot niya ang mga mata sabay tayo para lumayo pero naagap siya nito.
Dahil dun, muntikan na siya mapahiga pero buti at nasalo siya nito, kay lapit ng kanilang mukha. "Titigan pa more" sabi niya sa sarili.
Gwapo din ito at makisig, di niya alintana ang bigat kahit nakadagan ito sa kaniya. Kay sarap halik-halikan ang labi nito at nakakatunaw ang mga titig, nakita sila sakto ni Orlando sa ganung posisyon.
"Tom? Shaina?" maang nito sabi, natauhan sila pareho saka nagtayuan. She gazed at him and he looks so serious, as if he jealous.
"Kanina ka pa ba riyan?"
"Bakit? Hindi pa ba halata?" tiim baggang nitong sagot, akala niya kung ano ang gagawin nito yun pala kakaladkarin siya nito papasok ng bahay.
"Stay away from him." saka siya nito hinawakan sa magkabilaang pulso, halos sumakit dahil sa higpit ng hawak nito.
"Ano ba? Bitawan mo ako!?"
"No I won't, so stay away unless may magawa ako na hindi mo magugustuhan!"
Binitawan nito ang mga kamay niya saka umalis, medyo naiirata na siya kung makapagsalita kasi ito ay parang pagaari siya nito.
Padabog siya pumasok sa kuwarto, naka dayoff siya ngayon pero dapat pahinga niya ngayon nang isama siya ng magkakapatid puwera nga lang kay Alejandro na di sumama kahit ano pa ang dahilan nito dapat sumama pa rin ito.
Ilang saglit pa di aakalaing nakita niya mula sa binta ng kuwarto si Alejandro paparating.
"I thought your not going with us." sabi ni Tom naikinatawa ni Alejandro.
"I change my mind na kuya." saka ngumiti naririnig niya mula rito ang pinaguusapan nila nang biglang napatingin sa gawi niya si Alejandro.
Mas lalong lumawak ang ngiti nito nang akmang papasok ito ng bahay nang umating si Orlando, kinaladkad na naman siya.
"Sir! Saan tayo pupunta?" takang tanong niya.
"Magbihis ka."
Napamaang siya at bahagyang namumula, umayos siya ng upo. Ibinalandra nito ang mga damit na puwede niyang suotin, di siya makakilos na tila naparalisa.
"Bakit di ka pa magbihis?"
"Unang-una kinaladkad mo ako, pangalawa tinatanong kita kung saan tayo pupunta pero shut up ang ibig mo at pangatlo gusto mo ako pabihisin nang hindi ka aalis na baka makita mo ang tinatago ko."
Mukhang nakuha nito ang punto niya kaya umalis ito. Parang gusto na niyang umatras sa mangyayari.