Chereads / MEET THE RICH SEVEN BROTHERS(HANDSOME NA YUMMY PA) / Chapter 13 - Chapter 13: Alejandro vs. Orlando

Chapter 13 - Chapter 13: Alejandro vs. Orlando

Pinasakay siya ni Orlando sa kotse at pinaharurot yun. Di nila nakita na tumiim bagang at galit na galit na anyo ni Alejandro, na nagseselos sa paraan na pagalalay ni Orlando sa sasakyan.

Sumakay din ng kotse si Alejandro saka pinaharurot para sundan sila kung saan sila pupunta.

Lumiko ang sasakyan nila sa may restaurant na kilalang Japanese food, baba sana siya nang pigilan niya ako. "Ako na."

Bumaba ito ng sasakyan saka inalalayag pababa, di niya maintindihan pero tila kinilig siya sa ginagawa nito.

"You're beautiful and blushing."

Napamaang siya, namumula nga siya. Hinawakan nito ang kaniyang bewang at saka inakay papunta sa loob.

Uupo sana sila nang makita nila si Alejandro sa pintuan, nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanila.

"Alejandro anong-." di nito naituloy ang sasabihin nang sugurin ni Alejandro si Orlando at sinuntok sa kanang pisngi sabay tumba sa sahig.

Dinakma nito ang damit ni Orlando saka sinuntok, nakaganti naman si Orlando nang sipain niya ang tiyan nito.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko mangaagaw ka!" nang akmang susuntok sana si Alejandro kay Orlando nang humarang siya sa harapan ng mga to.

"Tama na! Di na kayo nahiya nasa restaurant tayo!" saway niya, tinungkod niya ang mga kamay upang maghiwalay ang mga yo

"What is your problem?"

"Ikaw ang problema ko dahil inagaw mo lang naman si Shaina sa akin!" sigaw ni Alejandro

Nagulat siya sa tinuran nito, ibig sabihin siya ang dahilan kung bakit lapit ito nang lapit sa kaniya ngayon.

"Magkapatid kayo at bakit kayo nagaaway."

"Dahil sa'yo!" duet ng dalawa

Di siya makapaniwala, alam niyang may pagtingin din si Alejandro pero tinging kaibigan lang ang kaya niyang isukli.

"Tumigil na kayo! Orlando tara na umalis na tayo!"

"Shaina!" tawag ni Alejandro ba nagsusumamo, si Orlando naman sumunod sa kaniya. Napahinto saka sinulyapan si Alejandro na nakatayo pa rin natayo sa likuran.