Tapos na ang kaunting bakasyunan at nagbalik reyalidad. Balik waitress na ulit si Shaina pati mga boss niya ay balik trabaho na rin.
Nakatawag pansin ang di pansinan nina Orlando at Alejandro dahil sa suntukan matapos ang nanyari, di naguusap ang dalawa.
Nagbibiruan si Tom at Steven habang tawang-tawa naman sina Shawn, Ken at Mark wala pa si Alejandro at Orlando.
"Akalain mong napaka-pangit ng style natin noong highschool." tawang sabi ni Tom na nakatutok nang husto ang mga mata sa picture magkakapatid.
"Pagkatapos ganito naman itsura ni Mark parang pangit kapag nakasimangot." dugtong pa ni Steven, Ikinailang ni Mark sabay kamot sa ulo "kayo talaga wala na kayo ibang nakita kundi ako."
"Talaga naman nakakatuwa ka eh!" lakas ng tawa pati ang ibang tao at staff napapatingin sa kaniya, di sa pangit ang tawa nito kundi sobrang malakas na parang sasakit ang tiyan.
Napadaan si Shaina sa gawi nila, tinawag ito ni Tom ngunit di nito napansin ang pananawag niya, tumayo si Tom at balak lumakad papunta kay Shaina ngunit sa di sinasadyang pagkakataon. May nakaharang na paa na di nakita ni Tom kaya natapilok siya sa kakamadali, ang ending napatumba siya at nai-abot niya kamay sa telang palda ni Shaina sabay nalislis ang tela. Nalantad sa mga mata ng lahat ang kinis na legs nito pero di lang yun. Pati ang shorts ay natanggal din kaya nakita niya ang panty nito, may drawing na bulaklak sa gitna.
Hiyang-hiya sa sariling tinakpan ni Shaina ang pang-ibabang bahagi nito saka yumuko, maraming nagtawanan at kinunan pa ng camera at video ang pangyayari, nakita niyang mapapaiyak na kaya tinakpan niyang jacket niya ang ibaba nito sabay yakad papuntang staff room.
Nakamaang lang sina Shawn, Mark, Steven, at Ken. Di makapaniwala sa nakita, tila napalunok at imagine kapag walang pangibaba si Shaina.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Tom na apologetic sa nagawa. "Di ko talaga sinasadya kasi tinatawag kita kanina di mo naman ako nililingon pagkatapos di ko nakita yung paa na nakaharang pagkatapos yun!"
"I'm so sorry! Patawarin mo ako, please! Sampalin mo ako kung gusto mo, suntukin mo ako o kaya tadyakan tatanggapin ko mapatawad mo lang ako!" pumikit si Tom at hinihintay ang sapak ni Shaina pero di yun ginawa ni Shaina dahil alam niyang nagsasabi ng totoo.
Napatingin naman si Shaina rito halatang galing pa sa iyak pero mas nanaig ang kagustuhang mapatawad ito, "okay lang!Pinapatawad na kita."
Unting dumilat mga mata ni Tom "huh!" maang niya.
"Sabi ko pinatawad na kita."
Laking tuwa niya di nagalit si Shaina sa kaniya, "Syempre kailangan mo ayusin yung mga taong pinagpiyestahan yung legs ko kanina" sabi ni Shaina.
Saka naalala na may mga taong nagtawanan at kinuha pa ng videos at pictures si Shaina baka ipagkalat yun kaya dali-dali muna siya kumuha ng extra shorts at palda para rito "wag kang mag-alala di ako sisilip."
Sabay alis, napatunayan niya na kahit may pagkamanyak si Tom alam niyang di nito magagawang manilip, sinuot na lang niya ang short at palda saka umalis ng staff room.
Nakita niyang galit na anyo ni Tom habang nagagalit sa mga taong ginagawang katatawanan ang nakita.
"Di nakakatawang biro yung pagpiyestahan ng kung sino yang ginagawa nyo, paano kung kayo nasa sitwasyon niya, di ba kayo magagalit at iiyak."
Di namalayan ni Shaina na dumating na si Orlando at Alejandro nang maabutang galit ni Tom sa mga tao pati ibang staff di nakaligtas sa sermon.
"Tandaan nyo kapag sinubukan niyong ikalat yan maging sa social media, ipapakulong ko kayong lahat naiintindihan niyo." mukhang nakaintindi naman mga tao kaya bumalik na lang sa kaniya-kaniyang puwesto at maging mga staff pumunta na lang sa pinakaloob.
"Anong nangyayari dito at bakit galit na galit ka Tom? Pati boses mo rinig sa labas." anang sabi Orlando nakakunot na mga noo at nagbabadyang galit sa sobrang talim ng tingin kay Tom.
"Sorry kuya, ayoko lang na pinagpiyestahan at tinatawanan si Shaina at kasalanan ko yun."
Di na makaimik si Orlando saka lumingon kay Shaina, "Shaina gusto kong kausapin ka dito tayo sa office ko."
Medyo kinabahan si Shaina saka kusang tumayo sa pagkakaupo at pumunta sa office ni Orlando.
"Sir! Bakit po?"
"Don't call me that way and remove "po at opo" kapag tayong dalawa lang." pagkuway tumayo si Orlando at lumapit sa kaniya saka siya hinapit at kinitilan ng halik, naging masigasig at mapang hanap ang mga labi at maging mga kamay naglalakbay na rin.
Nagtagal ang mga kamay sa kaniyang dibdib, she groaned. Napunta ang labi ni Orlando sa leeg pababa habang binubuksan ang mga butones.
Ngunit kung kelang malapit na matuloy ang maganap saka naman may kumatok, napatigil sila sa ginagawa at lumayo sa isa't-isa.
Pagkasilip ng secretary ni Orlando medyo akward dahil nakita nito ang nakakalas ang mga suot ni Orlando at ni Shaina.
"Sir may problema po ba?"
"Wala!" tanging nasabi ni Orlando "you may leave now." saka umalis secretary na may pagduda parang may something kay sir at Kay Shaina.
Itutuloy pa sana ni Orlando ang naudlot pero di na pumayag si Shaina medyo naiilang sa tingin ni Orlando, nakangisi pa ang loko kaya lumabas na siya ng office na namumula.