Chereads / UNO (Tagalog) / Chapter 3 - Kervy

Chapter 3 - Kervy

"So?" Tanong niya kay Kervy ng mapagsolo na sila. Naupo ito sa bandang harapan niya at nakatitig pa rin sa maganda niyang mukha.

"So?" Balik din nitong tanong na tila nanunudyo saka tumukhim at lumagok ng tubig na halata ang kaba.

Natatawa naman siyang pinagmasdan ang pawisan nitong noo at leeg at ang mabilis nitong paghinga. Sa tagal na niya kasing kilala ang lalake, parang nababasa na niya ang ibig sabihin ng mga kilos nito. Hindi niya pa rin mapigilang humanga sa makisig nitong pangangatawan na halatang alaga sa work-out. At dahil laki sa yaman ay kutis artista ito. Ngunit hindi niya malaman kung bakit hindi pa rin rin magawang makaramdam ng espesyal para dito. Isang matalik na kaibigan lamang ang tanging turing niya dito.

"I know Becca texted you. Pero we've talked about this in China." Pagpapaalala niya dito sa huling pag-uusap nila sa China kung saan tinapat na niya ito na wala siyang nararamdaman para dito.

"I want you to be happy, Kervy. Please look for another woman who can love you like the way you love her." Ito ang natatandaan niyang litanya sa huling pag-uusap nila ng lalake kung saan nanatili lamang itong tahimik bago umalis.

Huminga naman ito ng malalim bago seryosong tumunghay sa kanya.

"As long as you're still single, Melissa, I will still keep waiting." Deklarasyon nito saka siya binigyan ng isang matiim na titig. Napaawang naman ang labi niya sa narinig.

"Kervy, please…don't waste your time with me. You're very successful now. You can easily find a woman who can-

"You know that it's you that I want, Melissa. Only you." Bigyan nito ng diin ang huling salita saka sumenyas sa waiter at nag-order. Naiiling naman siyang pinagmasdan ito hanggang sa iwan na sila ng waiter.

"It's been almost fifteen years, Kervy. You are wasting your time to a woman who cannot love you back!" Diretchahan niyang ani saka siya napakagat sa labi at pinigil ang pangingilid ng luha sa mata. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng lalake ngunit ito lang ang paraan upang matulungan itong maibaling na ang atensyon sa iba. Since first year high school pa kasi siyang gusto ng lalake. At ngayo'y kapwa nasa tamang edad na sila upang lumagay sa maayos at magkapamilya.

"We're both thirty years old, Melissa. I think it's about time that we settle down, together." Pagbabalewala nito sa sinabi niya. May sasabihin sana siya ngunit pinatapos niya munang mag-serve ang waiter saka muli niyang hinarap ang lalake na ngayo'y tila walang anung sumusubo sa inorder.

"Kervy-

"Ok. This is the deal- kapag hindi ka pa nagka-boyfriend within this month, it means I'll be your official boyfriend." Matatag nitong wika kasabay ang pagsilay ng pilyong ngiti sa labi.

Sandali siyang nag-isip saka huminga ng malalim.

"Fine. Pag nagka-boyfriend ako this month, it means you have to forget about your feelings toward me forever. You will move on with your life and you will not intervene with my life anymore." Pilit niyang pinatatag ang tinig ang nakipaglaban ng titigan sa lalake.

Napatawa naman ito sa sinabi niya ngunit agad ding nagseryoso ang mukhang tumunghay sa kanya.

"Deal. But make sure you'll be married a month after." Muling wika ng lalake kasabay ang pagsilay ng kakaibang ngiti sa labi ng makita ang inis na reaksyon sa kanyang mukha.

"A month after?! That's impossible. I'm not ready to get married yet." Reklamo niya sa sinabi nito.

"Well, that's my condition Melissa. Take it or be my girlfriend." Balewala nitong wika na halata ang kumpyansa sa mukha.

"I will not agree with your terms, Kervy. Stop playing with me. I said forget about me…you like it or not." Inis niyang singhal dito saka nagsimulang ayusin ang sarili upang makaalis na.

"I have waited for you Melissa for almost 15 years. Ngayon pa ba ko susuko?" Nakangisi nitong ani na tila lalo pang nasisiyahan sa pagkabalisa niya.

Napabuga siya sa hangin saka inis na tumayo ay iniwang mag-isa ang lalake sa restaurant. Natatawa na lamang si Kervy habang pinagmamasdan palayo ang dalaga saka ang isang malalim na buntong-hininga.