May kalahating oras ng tinititigan ni Cielo ang mga gown na inihanda ng mommy niya para sa Junior Senior prom ng eskwelan nila. Sa totoo lang, tinatamad syang dumalo sa nasabing okasyon dahil pakiramdam nya ay mababangko lang sya magdamag, mula kase ng sunduin sya ni Vince sa school nila ay wala ng lalaking naglakas loob na lumapit sa kanya, kumalat rin ang balitang hindi sya pwedeng ligawan dahil baka mapagaya sila kay Irven. Na cucurious sya nung una kung ano ang nangyari sa lalaki dahil hindi na ito muling lumapit sa kanya mula noon, sinubukan nya rin itong kausapin pero iniwasan lang sya nito kaya binalewala nalang ni Cielo ang kuryosidad niya.
"Hindi ka pa ba nakakapili baby?" naiinip na ang Mommy nya sa paghihintay sa kanya.
"Eh kase naman Mom, sinabi ko na sa inyo na ayaw kong umatend ng JS na yan, ang kulit kulit nyo!" nakabusangot ang mukha niya habang iniinspekyon ang mga damit na nakadisplay sa harap nya.
"Anak, ito kaunaunahang prom na dadaluhan mo at ito rin ang first time na matutulungan kitang mag ayos kaya sige na naman anak pumili ka na ng damit mo dahil hindi ko to na experienced sa mga kuya mo!" pamimilit ng Mommy niya sa kanya habang itinatapat sa katawan niya isaisa ang mga gown na hinahawakan nito.
Hay, di bale na nga! pagbibigyan na niya ang ina dahil isang gabi lang naman ang partyng iyon, Pinili niya ang pinaka simpleng gown na dinapuan ng mga mata nya at iniabot iyon sa ina, "Okey na sakin to Mom!" di ko rin naman mapapakinabangan kahit sobrang garbo, mahinang bulong niya.
Binusisi naman ng Mommy nya iyon at isang napakalaking iling ang isinagot sa kanya nito. "Baby, hindi ito bagay sayo! para kang turon pag ito ang isinuot mo, balot na balot!" anito, Sa huli ay ito na rin ang pumili ng gown para sa kanya.
Mahigit isang oras din ang itinigal ng stylish sa pagaayos kay Cielo dahil sa kakautos ng Mommy niya dito, kulang nalang ay ito na mismo ang magayos sa kanya. Nagulat naman siya ng Paharapin siya sa salamin ng mga nagayos sa kanya dahil hindi nya halos makilala ang sarili! Manipis na makeup lang at mala ariana grandeng buhok ang tumambad sa kanya na lalong nagpalutang ng kanyang ganda, para siyang greek goddess na bumaba sa Mount Olympus.
"Sigurado ba kayong gusto nyong sumama paghahatid kay Cielo sa Hotel? baka mailang yung bata kung lahat kayo kasama!" Sabi ng Daddy niya sa apat na lalaking nakaabang sa sala ng bahay nila.
"Dad, hindi naman kami basta sasama lang kay Cielo sa hotel na yon. May business meeting kami don at makikisabay lang kami papunta don!" Sagot ni Juno sa ama.
Sinegundahan naman ni Jion ang kapatid na panganay, "Nagkataon lang to dad! hindi namin to pinlano, maniwala kayo samin ni kuya!"
Pinipigil naman ni Minjy ang matawa sa dalawang lalaking obvious na obvious ang pagsisinungaling. "Sorry po tito, secretary ako ni Boss kaya kailangan magkasama kami!" sabi nalang nito.
"Ikaw naman Vince bakit kasama ka din?" baling dito ni Mr. Lorenzo.
"Tito, security agent po ako at kliyente ko si kuya Juno kaya hindi ako pwedeng magpaiwan, baka kase maholdap sila sa daan!" sagot nito.
"Hey anung pinagtatalunan nyo jan?" tanong ni Cielo sa limang lalaking nakakaabang sa baba ng hagdan nila.
Halos maglaglagan sa sahig ang mga mata nila ng makita ang prinsesa ng mga Guia, tuwang tuwa naman si Cielo ng makita ang reaksyon ng mga ito, "Guys, hintayin nyo ako at sasama na rin ako paghahatid kay princess!" dali daling sabi ng daddy nya at tumako na papunta sa kwarto nila.
"Oh mga kuya, ano pang itinatayo nyo dyan? bilisan nyo na at picturan nyo na ako para may pang wallpaper na kayo sa mga cellphone nyo!" Bigla namang nagkagulo ang apat na lalaki, kanya kanyang pindot sa cellphone ang mga ito habang panay naman ang pose nya para sa mga ito, ang huling picture nila ay nakaupo sya sa magarang silya at napapaligiran ng apat na nagguguwapuhang nilalang.
Pagsakay sa kotse ay napaggitnaan si Cielo ng kuya Jion niya at ni Vince, "Baby, magenjoy ka sa party nyo ha, pero wag kang makikipagsayaw sa mga mukhang manyak at wag kang sasama sa madidilim na lugar, wag ka ring basta iinom ng juice o kung anu anu na ibibigay sayo ha!" bilin ng kuya Juno nya na nakaupo sa unahan nila.
"Saka baby, pag may nambastos sayo tawagan mo agad ako. marunong ka naman ng self defense diba? si Vince ang nagturo sayo kaya dapat magamit mo yun!" sabi naman ng kuya Jion nya.
Napakamot nalang si Cielo sa tainga niya, pagnakita nilang may limang lalaki akong kasama, maisip pa kaya nila akong bastusin? nanigas si Cielo sa kinauupuan ng maramdaman ang pagkakadaiti ng kamay ni Vince sa kamay niya, sinulyapan niya ito pero busy naman ito sa pagtetext. Nagtiis siya wag kumilos sa pagkakaupo hanggang sa makarating sila sa hotel para lang hindi maalis ang pagkakadikit ng mga kamay nila.
Sa batang puso ni Cielo, alam niyang itinatangi niya si Vince, kahit hindi pa malinaw sa kanya kung ano ang pinagkaiba ng paghanga sa pagmamahal ay may special na lugar na ito para sa kanya.
Inalalayan siya ni Vince pagbaba sa sasakyan kaya kinailangan niyang humawak sa kamay nito, Mainit ang palad niya! naisip ni Cielo na hindi bumibitaw dito kahit nakababa na siya.
"Ihahatid ka namin hanggang pinto ng hall ninyo!" sabi nito sa kanya.
"Okey!" sangayon niya dito.
"Cielo, andon lang kami sa kabilang hall kaya kung may kailangan ka ipatawag mo lang kami!" ani Minjy sa kanya.
"Oo kuya Jy, salamat sa concern!" malambing na sabi niya dito.
"Aba!aba! bakit pag kay Minjy ay pasasalamat bakit pag sa amin parang kang dragon na bumubuga ng apoy!" reklamo ni Jion sa kanya.
"Eh kase, paborito ko si kuya Minjy kaya ganon!"inirapan pa niya ang kapatid.
"Pano naman ako!?" hindi kaagad nakasagot si Cielo sa tanong na iyon ni Vince.