Mayat mayang pinagkukuskos ni Cielo ang dalawang kamay niya habang nasa sasakyan sila ni Vince, malapit na kase silang dumating sa venue ng Maximus kaya lalong tumitindi ang nerbyos nya!
"Hey stop rubbing your hands, magkaka kalyo na yan sige ka!" saway sa kanya ni Vince na lalong nadagdagan ang kaguwapuhan sa suot na amerikana at undercut na buhok nitong sinuklay palikod na binagayan ng choal black eyes nito at napakatayog na tangos ng ilong!
"Eh anong gagawin ko? this is the first time na papanuodin ako ng mga tao! baka mapahiya ako!?" kinakabahang sagot niya dito.
"Anu kaba naman! ilang linggo mo ding pinagpraktisan yan kaya siguradong kayang kaya mo yan! sa pilapilan nga na lubak lubak ang daan ay hindi ka nadapa, dun pa kaya sa stage na pantay ang lalakaran ka mapapahiya!"
Napapitlag si Cielo ng kunin ni Vince ang isang kamay nya habang tuloy ang pagmamaneho nito gamit ang isang kamay lang, "Don't worry baby! andon lang ako sa baba ng stage para i cheer ka kaya wag ka ng kabahan okay!"
Pagdating nila doon ay halos mapuno na ang venue, at nakita niyang abalang abala ang kaibigan nyang si Althea kaya namaalam na sya kay Vince para lapitan ito at makapaghanda na rin para sa naturang event.
"Oh dear Cielo, pasensya kana at hindi na kita nasalubong kanina ha! napakadami ko pa kaseng dapat gawin eh!" ani Althea sa kanya habang iniinspeksyon nito ang mga damit na isususot ni Cielo.
"Wag mo na akong alalahin Thea, ang unahin mo nalang ay yang mga kailangan mong gawin! okay lang naman ako eh!" sabi niya dito. "nakahanda na naman yata lahat ng kailangan ko kaya wag ka ng magalala ha!"
Nginitian sya nito ng matamis, "Salamat ha! buti nalang ikaw talaga ang napili ko para sa gabing ito, kung nagkataon baka pinagwalk outan na ako ng mga model ko!" itinuro sa kanya ni Althea kung saan sya pupwesto para masimulan na ang pag aayos sa kanya.
Nakapila na si Cielo sa backstage ng lapitan sya ni Francis, "You look so beautiful Cielo!"
"Thank you! kaya lang ninenerbyos talaga ako eh, parang sobrang dami na ng tao sa labas! kala ko pa naman konti lang ang imbitado sa event na ito!" habang pinapanood niya ang mga modelong isa isang naglalabas sa stage.
"Wag kang kabahan okay, isipin mo nalang na pagkatapos nito ay ilang libong bata ang makikinabang sa mga damit na mabebenta ng Maximus!" pagpapalakas nito sa loob niya. "and one more thing, ikaw ang pinaka maganda sa lahat ng modelo dito kaya wala kang dapat ipagalala!"
Nagpalinga linga si Cielo sa paligid, kitang kita niya kung paano siya tingnan ng masama ng mga kapwa niya modelong nakapila rin doon na nakarinig sa sinabi ni Francis! " Wag ka ngang ganyan, baka isipin ng mga tao rito nilalait mo sila!" pabulong na sagot niya rito.
"Okay ladies, humanda na kayo at tayo na ang susunod!" sigaw ng baklang trainer nila, "Lalo ka na Miss Cielo ikaw ang inaabangan ng mga guest don sa labas kaya galingan mo!"
Pakiramdam ni Cielo ay para na syang pinapana ng apoy dahil lalong nagatungan ang inis sa kanya ng mga kasamahan niya dahil sa sinabi ng baklang trainer.
"See! I told you hindi mo kailangan kabahan, the mere fact na ikaw si Cielo Guia ay kaabang abang na talaga! Kaya mo yan, I'll cheer for you!" sabi ni Francis bago sya iniwan nito at nagpunta sa harapan ng entablado.
Yeah! tama si Francis, ako ang nagiisang prinsesa ng pamilya namin kaya hindi ako dapat kabahan! go Cielo, fighting!!!
Pinigil niya ang paghinga ng simulan nya ang paglakad sa entablado, inisip nalang niyang kalabasa lahat ng tao sa paligid niya at wala syang ibang kasama roon! bahagya pang nasira ang konsentrasyon niya ng dumapo ang mga mata niya sa kuya Jion niyang nakataas ang cellphone habang binivideohan sya na parang estudyante ng kinder na gagraduate for the first time! bukod tangi kasi itong lalaking na parang walang pakialam sa mga babaeng katabi nito at tanging sa kanya lang nakapokus ang paningin, habang nakatayo sa likod nito si Vince na hindi niya mabasa ang expression ng mukha.
Nang matapos na ang pagrampa nya ay saka lang nakahinga ng maluwag si Cielo, para siyang lobong tinanggalan ng tali kaya biglang kumawala ang hangin sa loob!
"Congratulations Cielo! ang galing galing mo!" salubong sa kanya ni Althea, "You really hit it!"
"Ay jusko Althea, yung puso ko kamuntik ng nahulog don sa stage kanina! Akala ko hindi na ako makakatapos sa paglalakad eh!" nasapo pa ni Cielo ang dib dib para maramdaman ang pagtibok ng kanyang puso.
"Hindi naman halatang kinakabahan ka kanina! You did a great job!" tinapik tapik pa ni Althea ang braso niya, "By the way, mukhang nagiging close na talaga kayo ng kuya ko ah! nanliligaw naba sya sayo?"
"Huh!?" medyo natigilan si Cielo sa tanong sa kanya ni Althea.
"It's strange! sabi niya sakin gusto ka daw nya kaya akala ko naman ay nagkakamabutihan na kayo, hindi pa pala!" anito.
"Cielo!" Napalingom sya sa papalapit na tumawag sa kanya, si Doc Adie pala. "Congratulations! napakagaling ng sister ko!" malakas na sabi nito bago sya niyakap ng makalapit ito ng tuluyan sa kanya, "Umarte ka, anjan ang ex ko!" bulong nito sa kanya.
"Thanks Doc, you're with my brother right? where is he?" sakay niya sa doktora.
"He's with his friend, iniwan ko muna sya sandali kahit ayaw niya para makausap naman kita!" abot tainga ang pagkakangiti ni Doc adie.
"Uhm, Excuse me!" singit ni Althea sa kanilang dalawa, "I'm Althea Verano and I'm Cielo's friend, and you are?"
"Oh, im so sorry, hindi ko naipakilala sayo ang kaibigan ko siya nga pala si Doc Adie-"
"Girlfriend ako ng kapatid niya!" si Adie na ang nagtapos ng sasabihin ni Cielo.
"Talaga!" napataas ang dalawang kilay ni Althea sa kaharap, "Andito nga pala ang kuya mo no? can you introduced me yo him?" tila hindi nito alintana ang sinabi ni Doc Adie na girlfriend sya ng kapatid ni Cielo.