"Ma'am, nakahanda na po ang conference room 2 para sa monthly meeting natin with finance department, magsisimula na po tayo in ten minutes." tinig ng personal assistant ni Cielo sa intercom. Kanina pa sya nakaupo sa swivel chair nya at may hawak na ballpen, pero hanggang ngayon hindi nya pa rin magawang pirmahan ang dokumentong ipinasa sa kanya secretary nya, pinipilit nyang i-review ang mga nakasulat doon, pero wala syang maintindihan. Hay naku! hanggang kelan nya ba iisipin ang hindi pa man nakakaaming puso ay bigo na agad, di man lang nabigyan ng pagkakataong kiligin! napailing nalang uli sya bago nagpakawala ng malalim na hininga, this sucks! pabulong niyang sambit bago tuluyang tumayo sa kinauupuan. paglabas nya sa opisina ay kaagad din namang sumalubong sa kanya si Maricon, bitbit ang mga portfolio nila para sa meeting, habang naglalakad ay biglang tumunog ang cellphone nya, wala syang balak sagutin ang kung sino mang tumatawag dahil malapit na sila sa conference room at ayaw nyang maabala ang isip, she needs her concentration intact lalo't finance department ang kaharap nya.
"Good morning ma'am!" sabay-sabay na bati sa kanya ng mga empleyado nya pagpasok palang nya sa kwartong iyon.
"Good morning." ganting bati nya sa mga ito, iminuestra na rin nya na pwede na silang magsiupo. "Let's start our meeting."
Pagkatapos ng kanilang meeting ay bumalik na si Cielo sa opisina niya, kakaupo palang nya ay kumakatok na agad si Maricon, "Come in! tugon nya.
"Ma'am may bisita po kayo, Si Sir Francis Verano po nasa nasa waiting area, " anito.
"Francis?" sandali pa syang natigilan, inisip kung sino ang tinutukoy ng empleyada. "Ah, okay sent him in!" utos nya dito ng rumehistro sa isip nya ang pangalang tinukoy nito. Shit this is annoying, pati si Francis hindi agad nya naalala.
"Hi!" bati ni Francis sa kanya ng makapasok sa opisina nya, "I'm sorry kung bigla akong sumulpot dito, I'm calling you earlier to invite you for lunch, kaya lang busy ka siguro kaya hindi mo sinagot."
"Oh that call, I was in a meeting so hindi ko nasagot. Have a sit." itinuro niya rito ang kalapit na upuan. Nang maalala nyang past twelve o'clock na pala, "on second thought wag na pala, kung open pa ung invitation mo for lunch let's go!" anyaya niya rito.
Napangiti naman ang lalaki sa kanya, "Syempre kaya nga ako nandito ngayon e, akala ko mag-iimbento pa ako ng kwento para lang maituloy ang pagyaya ko sayong lumabas e," nakalabas na ang di kalalimang dimple nito sa pagkakangiti, "Let's go, may reservation ako Grand Alina's Hotel kung okay lang sayo ang buffet for lunch."
"Sounds good, balita ko masarap ang mga pagkain don, hindi ko palang nasusubukan dahil medyo busy ako lately." She feels delighted, sa totoo lang ayaw nya sa mga fine dining restaurant na matagal magserve ng pagkain at dahil mas gusto pa rin nya ang resto ng kuya Junno nya dahil lahat ng paborito nya ay nasa menu ng mga ito, his kuya Junno especially build his restaurant for them. Nag inform lang sya kay Maricon na lalabas for lunch at walang eksaktong oras ang balik niya kaya ito na muna uli ang bahala sa opisina nya.
"Hey Maricon, nasaan ang boss mo?" tanong ni Jion dito na mukang di napansin na andon na sya sa harap nito.
"Huh? "napatingala ang babaeng busy sa pagtipa sa kanyang laptop. "Ah Good afternoon po Sir Jion, lumabas po si mam Cielo maglalunch daw po."
"Ngayun lang, late na ah!" sabay tingin nito sa suot na relo. "kakaalis nya lang ba? "
"Yes sir mga ten minutes palang po." sagot ni Maricon
"Okay pakisabi nalang na babalik ako mamayang mga two pm, may ipinagbilin lang sa mommy." anyong paalis na ito.
"Ahm sorry po Sir pero wala pong exact time ang pagbalik ni Mam Cielo today. kaya baka wala pa sya ng 2pm."
"Why? may lunch meeting pa ba sya?" nakakunot noo si Jion ng dinukot ang cellphone. Nagmessage na sya sa kapatid pero di pa ito nagrereply kaya naisip nya ng dumaan sa opisina nito.
"Wala pong sinabi e, sinundo po kase sya ng kaibigan nya para mag lunch."
"Friend? Sino ung doctor ba? "
"Ahm, I'm not sure kung doctor po sya Sir, his name is Francis Verano." halatang nagdadalawang isip ang babae kung sasabihin ba sa kanya o hindi kung sino ang kasama ng amo nito.
Itinipa kaagad ni Jion ang pangalang binangit ni Maricon at sinearch kung may details ito sa internet, Francis Verano a business tycoon na kasing edad ng kuya Junno nya. Ipinadala kaagad niya ang detalye nito sa kaibigang si Vince with caption "another one". Oras na mabasa Ito ng pinadalhan ng mensahe ay alam na nito ang gagawin, It means investigate! ibinalik na niya sa bulsa ang cellphone, "alam mo ba kung saang restaurant sila pupunta?"
"Hindi po Sir, wala pong ibinilin si Mam." mukhang wala ng balak magdagdag ng impormasyon ang babae kaya nagpaalam na si Jion.
"okay, ako na tatawagan ko nalang siya. thank you!"
Pagdating nina Cielo sa Grand Alina Hotel ay marami ng tao, but since VIP ang kasama nya ay wala ng pila-pila pa, Diretso na sila sa table nila na medyo secluded kaya kahit matao ay komportable pa rin.
"Maganda itong lugar ha!" ani Cielo, tinanggap niya ang iniabot na Caesar salad ng chef.
"Well, I personally like the place, you don't need to wait for the food to be served, you just grab whatever you like and eat." Napatingin si Cielo sa lalaki, isa sa mga gusto nyang ugali ng tao ay ung hindi nagsasayang ng oras, and for her waiting is just a waste of time. "I hope na magustuhan mo yung mga pagkain."
"One thing that I've learned from the mountains and the poorest places that I've been visited is to be grateful for whatever food that's in your plate. Kaya hindi mo ako kailangang alalahanin pagdating sa pagkain, basta edible okay sakin." natatawang tugon niya dito.