Chereads / Make you mine / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

Bago pa man makapag react si Cielo ay nawala na agad sa kanyang paningin ang kapatid, natakpan ito ng malapad na dibdib ni Vince ng iharang nito ang sarili sa nag aapoy na mata ng kuya Jion nya.

"I'll explain it to you later, just go out first before you gave me a punch, we need to get dress." kalmadong sagot ni Vince dito.

"Be sure na katanggap tanggap ang eksplanasyon mo dahil kung hindi, pipilipitin ko yan leeg mo!" nagbabantang tingin ang iniwan sa kanila ni Jion bago tuluyang kumalabog pasara ang pinto ng kwartong kinalalagyan nila.

She can almost hear his heartbeat sa lapit ng distansya nila sa isat isa, her face started to redden because of his breathing, she slowly looked up only to find him staring at her.

"Hindi kapa ba magbibihis?" napalunok si Cielo sa timbre ng boses ni Vince ng magsalita ito, medyo bumaba pa kase iyon kumpara sa boses nito habang kausap nito ang kapatid niya. Tumikhim muna si Vince bago ito nagsalita muli "I hate to do this, but we need to get dress now, bago pa bumalik ang kuya mo at matanggal ng tuluyan ang ulo sa leeg ko!" he lower his gazed to her chest.

She fallowed his eyes, Shoot! noon nya lang naalalang bra at panty nga lang pala ang suot nya. She quickly cover herself with her clothes in her hands. Nagsimula ng isuot ni Vince ang Long sleeves nito kaya kahit nangangatal pa ang kanyang mga kamay sa nerbyos ay itinuloy na rin Cielo ang naudlot nyang pagbibihis, sa tagal na nilang magkakaibigan ay ngayun nya lang nakita ng ganun kalapit ang katawan nito kaya hindi nya mapigilan ang pasimpleng pagaaral sa nagbibihis na binata. Toned muscles everywhere, His chiselled chest down to his ahm eight packs abs, wow eight! ngayun lang sya nakakita sa personal ng eight, gusto nya sanang bilangin para makasigurado sa nakikita kaso mas lalong tumigil ang mundo nya sa V-shape na kasunod ng abs nito, it makes her cheeks flushed even more.

"Are you done?" nagulat si Cielo ng bigla itong magtanong.

"..."

"Are you done watching me? kase kung hindi pa maghuhubad uli ako!" patuksong iniharap pa muli nito ang hindi pa tapos ibotones na damit nito.

"kailan pa naging ganyan kaganda ang katawan mo? nag gi-gym kaba araw-araw?" kunwari ay curious na tanong ni Cielo rito para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman.

"I don't have much time para mag gym. My bussiness requires my body to be fit, kaya most of the time ako mismo ang nag te-train sa mga tao ko para hindi naman ako mapahiya sa mga kliyente ko, So pagkatapos ng isang araw na training namin e talo ko pa ang nag gym ng isang linggo." habang patuloy ito sa pagbobotones ng damit nito, iminwestra pa nito ang katawan nya ng matapos na ito "bilisan mo na ang pag bibihis at baka lamigin na yang sikmura mo!"

Pinilit ni Cielo ang sariling magpokus sa pagsusuot ng bistida nya, katakot takot na pag kontrol sa sarili ang kinailangan nya para lang wag na uling sumulyap sa at panoorin si Vince habang isa isa nitong inaayos ang mga gamit nito.

"If you're done, sumabay kana samin ng kuya mo, idadaan ka namin sa condo mo." ani Vince ng matapos na itong maghanda para umalis.

Sandali munang nag isip Cielo bago sumagot "No thanks mauna na kayong umalis ni kuya at baka importante yang lakad nyo ngayon. I can go by myself." pagtanggi niya rito, baka kase umuusok pa rin ang ilong ng kuya nya pag sumabay pa sya kay Vince paglabas ng kwarto nito.

"If thats what you want, we'll go ahead. May inihanda na akong almusal sa mesa, kumain ka muna bago ka umalis." bilin pa nito bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Nagdesisyon muna si Cielo na manatili sa kwarto ni Vince at hintaying makaalis ang dalawa bago sya lumabas ng silid na iyon. Hindi ito ang unang beses na nagpunta sa bahay na iyon, madalas syang tumatambay don nung medyo bata pa sya, minsan kase nakukulitan na sa kanya ang kuya Jion niya lalo na pag pinipilit nyang magpatutor dito, kaya para makatakas sa pangungulit nya ay isinasama sya nito doon at ipinapasa kay Vince ang obligasyon ng pagtuturo sa kanya bilang nakakatandang kapatid. Pero hanggang salas lang sya at ni minsan ay hindi nya sinubukang pumasok sa kwarto nito, kagabi lang at mukhang hindi na iyon mauulit. ito na siguro ang una at huling beses na mararanasan nyang humiga sa kama at matulog sa tabi ng prince charming nya.

She takes a deep breath, now she needs to move on, natulog na sya sa kama ni Vince sa mismong tabi nito, but he didn't made a move on her that only means wala talaga syang dating dito at wala na talagang pag asa ang fairytale dream nyang happy ever after kasama ito. Talaga yatang hanggang little sister nalang ang magiging papel niya sa buhay nito. She takes another deep breath, this is it, this is the last time na pupunta sya dito with her impure intention, to capture his heart. This time kailangan na talaga niyang bitawan ang lahat ng pag asa na inipon niya over the years, she felt her heart aches na para syang nakikipagbreak sa boyfriend nyang walang kamalay malay na naging girlfriend pala siya nito.

This time she really needs to move on, She really needs to find someone who will sit on the throne na inihanda nya para sa bestfriend ng kuya nya dahil mukhang naligaw na ng tuluyan ang prince charming nya at kahit google map pa ang gamitin ay mukhang imposible na itong mahanap ung daan patungo sa kanya.

Mabigat ang mga paghakbang ni Cielo palabas sa bahay ni Vince, binigyan nya ng huling pasada ang loob ng bahay nito while muttering her silent goodbyes bago sya tuluyang lumabas ng bahay na yon at kasabay ng pagsara nya ng pintuan ay ang pagsara ng pag-asa nya para sa kanilang dalawa.