"Vince, tulog kanaba?" tawag ni Cielo dito paglapit nya sa kama nito, walang kakilos kilos ito sa pagkakahiga, marahan syang umakyat sa kama para hindi maabala ang pagtulog nito kung sakali. Haaaahhh! di na pinigil ni Cielo ang pagkawala ng hikab nya ng makahiga na rin siya sa tabi nito, patagilid syang humarap sa natutulog ng binata, "swerte naman ng mapapangasawa ng isang to, imagine araw araw syang matutulog na may katabing ganito kagwapo!" itinaas nya ang kamay para haplusin sana ang mukha Vince pero napatigil sya ng malapit ng dumapo ang kamay nya sa balat nito. 'That's not right Cielo, baka magising ang isang yan kung anu pang isipin nyan!' bulong nya sa sarili, ibinalik nalang nya ang sarili sa pagkakahiga. "How could he sleep in this stage? hindi ba ako babae sa paningin nya?" napasimangot nalang sya sa kanyang sinabi habang tinititigan ang gwapong binata, maya maya pay parang may magnet na kusang nagdidikit sa mata ni Cielo kaya bumigay na rin sya sa antok na nararamdaman.
Sya namang pagmulat ng mata ni Vince, "Sa wakas nakatulog din ang isang to!" dinampot kaagad niya ang cellphone at palihim na pinicturan ang dalaga. Hay! kung hindi lang sya mamamurder ng mga kuya ni Cielo ay kanina pa sana nya nilamukos ng halik ang katabing dalaga! limang oras nalang at umaga na, limang oras nalang ang pagtitiis at pagpipigil na gagawin nya! Sa ngayun magtitiis nalang muna sya sa isang nakaw na halik sa pisngi ng dalaga!
Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya kay Cielo para mahalikan sana ang pisngi nito, inihanda narin nya ang cellphone para makunan ang magical moment niyang iyon, this is it! one, two, click! kasabay ng pagpindot niya capture button ay ang paglapat ng labi niya sa pisngi nito, nagulat nalang si Vince dahil pagmulat ng mata niya ay sa labi pala ni Cielo naglanding ang nakaw na halik nya! Ooops! kasabay pala ng pagbilang niya ay ang pagkilos ng dalaga at patagilid na humarap sa kanya, iniyakap pa nito ang kanang kamay sa bewang nya. Nakapikit pa rin si Cielo kaya malamang tulog pa rin ito at hindi nagising sa ginawa nya, wew! safe! dahan dahang inilayo ni Vince ang camera at kinunan ang angulong iyon nilang dalawa, he make sure na ang shot na yun ay hindi makikilala ng kahit sino kung sino ang kayakap nya. Makalipas ang ilang shot ay binitawan n aniya ang telepono at niyakap na rin ang dalaga, nakatulugan na niya ang ganong posisyon.
Kinabukasan ay nagising si Cielo sa walang tigil na katutunog ng cellphone nya. alas nuebe na pala ng umaga! napasarap ang tulog nya, habang nagiinat ng buto si Cielo ay noon lang niya naalala na nasa kwarto nga pala si Vince. Nilingon nya ang kanyang tabi at nadisappoint nang malamang wala na pala syang katabi, "di man lang ako hinintay magising!" bumangon na sya para magbihis ng mapansin nya ang damit pangbabaeng nakahanger sa labas ng cabinet nito. may nakasulat pang note doon, "Emergency on my work! take your time! eat your breakfast!" kanino kayang damit to? napakunot noo nalang sya ng damputin ang napakacute na mini dress na inihanda nito para sa kanya, "San kaya nya nakuha tong damit na to?" iniikot ni Cielo ang eyeballs nya na parang makakakuha sya ng sagot sa tanong nya, "Kahit kanino ka pang poncio pilato nagmula, wala na akong pake!" di na sya nagdalawang isip maghubad ng pantulog para makapagpalit ng damit, 'e ano naman, nasa trabaho na si Vince kaya wala naman sigurong basta papa- Hindi naituloy ni Cielo ang iniisip dahil bigla ng bumukas ang pinto at dirediretsong pumasok doon ang binatang tinutukoy.
Pareho lang silang natulala sa isat isa, napakurap kurap naman si Cielo, nawala sa isip nyang bra at panty lang ang suot nya habang hawak hawak ang bulaklaking mini dress na isusuot palang sana niya, habang si Vince naman ay naestatwa sa pagkakatayo!
"I-i" di maapuhap ni Cielo ang sasabihin, noon nya lang naalalang takpan ang sarili.
"I-i'm sorry, kala ko tulog kapa kaya ako pumasok!" dali dali si Vince lumapit sa tabi ni Cielo at binuksan ang cabinet sa likod nito.
Napasandal naman si Cielo sa cabinet at napahigpit ang pagkakahawak sa bestidang hawak, Kumuha lang si Vince ng Isang terno ng Amerikana nito, "I need to change for some formal meeting kaya ako bumalik! magbihis kana, baka magkasipon kapa!" utos nito sa kanya.
She nods her head twice, napatingin sya sa direksyon ng banyo, pagtumakbo ako papunta don makikita nya pa rin ang likod ko! "pwede kabang tumalikod sandali, pupunta lang ako sa banyo?" she ask.
"Why do i need to turn my back? nakita ko na yan kanina, ngayun kapaba magtatago?" he looked at her with a little smirk in his face.
Nagmistulang hinog na kamatis ang pisngi ni Cielo sa tinuran ni Vince na mukha namang nakadagdag pa lalo sa pagkaaliw ng binata sa itsura nya. "There's nothing to hide!" dagdag pa nito.
Lalo namang napako sa kinatatayuan si Cielo ng magsimula na din maghubad ng damit ang binata, doon na rin ito magbibihis sa harapan nya! Oh my my my, ngayun paba sya aalis sa pwesto e paganda na ng paganda ang view sa kinatatayuan nya ngayun!
Naglabasan ang parang iniskultor na muscle ng binata ng hubadin nito ang suot na pang itaas, napalunok naman ng sunod sunod si Cielo, di nya lubos akalain na makikita nya ito sa ganoong akto.
"Wala kana bang balak magbihis? papanoorin mo nalang ba ako?" noon lang biglang bumalik sa alala ni Cielo na wala pa rin nga pala syang suot na damit, nagmamadali nyang hinanap ang zipper ng bestida at nagsimulang isuot yon, ng biglang kumalabog ang pinto ng kwarto ni Vince.
"What the hell do you think youre doin?" dumadagundong na boses ng kuya Jion niya habang nakatayo doon sa pinto. "Im thinking what took you so long e magbibihis ka lang naman, hindi ko naman naisip na sabay pala kayong magbibihis!" nakarehistro sa mukha nito ang matinding galit.