Chereads / Make you mine / Chapter 10 - Chapter 10 heartbreak

Chapter 10 - Chapter 10 heartbreak

"Sorry pero si Kuya Minjy lang talaga ang paborito ko at hindi kayo kasaling tatlo!" paiwas na sagot ni Cielo kay Vince.

"Bilisan na natin ang paglakad dahil baka nagsisimula na ang prom ng baby natin!" paalala sa kanila ng daddy niya at umuna na ito papasok sa naturang hotel.

Mistulang special guest si Cielo pagpasok niya sa grand hall na paggaganapan ng JS Prom nila dahil lahat ng atensyon na nakatuon sa kanya at sa limang escort nya.

"Princess, wag mong kakalimutan lahat ng bilin namin sayo ha!" sabi ng kuya Jion na bago siya hinalikan sa pisngi nito, gayundin ang kanyang ama at kuya Juno niya bago siya iniwan ng mga ito.

"Grabe ka sis, ang bongga ng entrance mo!" Salubong sa kanya ni Kirsten ng makalapit siya sa table nila.

"Oo nga sis, kakainggit!" sabi ni Monica habang inuunti unti nito ang mga picka picka na nakahain sa kanila.

"Bakit naman kayo maiingit, eh nakakainis nga ang mga yun kase hinatid pa ako! baka lalo ng walang makipagsayaw sakin ngayun dahil sa ginawa nila!" maktol niya.

"Wag ka ng magmaktol jan, at least alam mo ang dahilan kung bakit walang makikipagsayaw sayo, e kami? nganga!" ani Kirsten, sa edad kase nilang kinse ay wala pa ring kurba ang katawan nito at mistulang pinamumukulan lang ang dibdib habang si Monica naman medyo boyish kung kumilos kahit maganda naman ito. Tanging si Cielo lamang mukhang tunay na dalaga sa kanila.

Nang matapos na ang program ay sinimulan na ang party, kanya kanyang kuha ng kapareha ang mga binatilyo roon at taliwas sa iniisip ni Cielo ang nangyari dahil pila ang mga lalaking gustong makipagsayaw sa kanya. kahit gusto nyang magpahinga ay hindi nya magawa dahil nahihiya syang tumanggi sa bawat lumalapit sa kanya.

Natuwa naman si Cielo dahil niyaya syang sumayaw ni Irven, "Party naman to, kaya hindi naman siguro magagalit ang mga kuya mo kung isasayaw kita." sabi nito sa kanya.

"Syempre naman hindi no! bakit pa nila ako pinapunta dito kung hindi nila ako papayagang makipagsayaw diba!" tugon niya dito.

Napaumis naman ang lalaki sa sinabi nya, saka hinapit ang kanyang bewang, "Na miss kita Cielo!" napatuon tuloy ang dalawang kamay niya sa dibdib nito. "this is the last time na makakasayaw kita kase gagraduate na ako kaya lulubusin ko na ang gabing ito." bulong nito sa kanya.

Tinitigan ni Cielo ang mata ni Irven, bakit wala syang maramdaman kahit sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya? Samantalang ngitian lang sya ni Vince at kaunting mapadikit lang balat niya dito ay nagreregidon na agad ang puso nya. Hay, bakit ba bigla kong naisip si Vince? ipinilig niya ang ulo para mawala ang mukha ng binata sa isip nya.

Ng tumigil ang tugtog ay inihatid sya ni Irven sa upuan nya at doon na rin ito nakiupo sa grupo nila. Kitang kita ni Cielo ang pagkairita sa mukha ni Monica ng hindi na umalis sa tabi niya ang lalaki.

"And now its time to choose our King ang Queen of the night!" anounce ng PE teacher nila na tumatayong host para sa gabing iyon. "May we call on our nominees to stand in the center of the Dance floor! Our first pair is Mr. Irven James Peñalosa and Ms. Cielo Jin Guia!" nagpalakpakan ang mga estudyante doon, kasunod na tinawag ay Muse ng kabilang section na Shanell at ang partner nitong mukhang bampira sa kinis ng mukha na si Herald.

Kinakabahan si Cielo dahil ngayun lang sya mapapalaban sa ganoong klase ng kompetisyon. "Smile sissy, Smile!" sigaw ni Kirsten na nangingibabaw ang boses sa ingay ng estudyante roon.

Kanya kanyang pacute ang bawat pares na nakatayo sa gitna ng bulwagang iyon maliban sa kanila ni Irven, para kase syang estatwa sa pagkakatayo dahil hindi sya makakilos sa sobrang nerbyos habang ang lalaki naman ay kumpiyansang kumpiyansa na silang dalawa ang mananalo.

"Come on Cielo, relax ka lang okey! sigurado namang ikaw ang mapipiling Queen of the night!" bulong sa kanya ni Irven.

Ngiting ewan ang naisagot niya dito. Hindi naman niya hinahabol na sya ang manalo sa gabing iyon, iniisip nya lang ay ang magiging reaksyon ni Vince pag nalaman nitong siya ang nanalo doon.

"And the most votes goes to tantananan!!!" pambibitin pa ng emcee nila. "Irven and Shanell! congratulations!"

Namimilog ang mga mata ni Cielo ng marinig ang pagtawag sa pangalan ng kalaban niya. "Wait, wait! bakit hindi si Cielo?" tanong ni Irven sa MC nila.

"Wala po tayong magagawa Mr. Peñaloza, majority wins po talaga!" sagot nito.

"It's okay Irven, Congratulations!" wala ng nagawa ang lalaki ng iwan ito ni Cielo para maisayaw nito ang kaparehang nanalo. Halatang halata ang pagkadismaya ng lalaki.

"Mag c-cr lang ako sandali!" paalam niya sa dalawang kaibigan.

"Samahan na kita!" tumayo na si Monica at dinampot ang pouch nito.

"Bakit kapa sumama? Okay pang naman ako!" sabi niya kay Monica ng makalabas sila ng hall.

"Yung itsura ng mukha mo kanina nung tinawag si Shanell nakakatawa!" biro nito para mapagaan ang pakiramdam niya. "Wag mo ng ideny sakin kase alam kong maski paano eh inasahan mong ikaw ang mananalo!"

"Obvious ba?" tanong nya dito, "Mas maganda naman ako kesa sa kaya pero bakit sya ang nanalo?"

"Ayan na nga po! umiral na naman si kagandahan!" natatawang sabi ni Monica sa kanya. "Sis, minsan hindi sapat ang ganda lang! kailangan ding samahan ng konting kalandian para mas kapansin pansin sa mata ng mga kalalakihan!"

"Oo nga no, mahirap talagang kalabanin ang gaya ni-" napatigil si Cielo ng mapansin niya ang ang dalawang bulto ng katawan na naghahalikan sa may lobby papasok sa restroom. "Vince!" napaurong sya ng makilala ang isa sa mga ito.

Napatigil naman ang dalawa sa ginagawa ng marinig ang pagtawag niya. namumungay na ang mga mata ng binata at halatang lasing na lasing na ito dahil napasandal kaagad ito sa pader ng bumitaw sa pagkakayakap sa babaeng kasama nito.

Parang dinudurog ang puso ni Cielo ng mga sandaling iyon. Hindi nya naisip na masasaksihan niya si Vince sa ganoong sitwasyon.