"Cielo baby, excited na kaming mapanood ka sa pagrampa mo! sigurado akong ikaw ang magiging pinakamaganda don!" tinawagan kaagad sya ng Mommy nya ng malaman nitong isa sya sa napiling modelo ng Maximus clothing, isa kase yon sa pinakasikat na brand para sa mayayaman, yung tipo ng brand na hindi papansinin ng ordinaryong tao kase hindi nila kilala or aakalain nilang mumurahin lang dahil hindi nakikita palagi yung logo na kahit makatabi mo yung may dalang bag o may suot ng damit nito ay hindi mo maiisip na milyonaryo sya!
"Naku Mom, kaya mahal na mahal kita eh! kanino paba ako magmamana diba!?" sagot niya sa ina.
"Syempre sakin, anak kita eh! by the way baby, I've heard na palagi mong kasama yung may ari ng modeling agency, how is she?" hindi kase sanay ang mga magulang at kapatid nya na lumalabas syang may kasama, mas gusto nya kase ang lumalakad mag isa at hindi rin sya kumportable laging may kabarkada. Sa ngayun bukod sa PA nya ay sina Doc Adie at Doc Martin lang ang palagi niyang nakakasama.
"We're good together Mom! magkasundo kami sa lahat ng bagay, from foods to hobbies, basta lahat magkapareho kami! lalo nat bunso rin sya sa kanila kaya nagkakaintindihan kami!" Masayang kwento nya sa ina. "and one more thing Ma, I'm going to meet her brother later. Mag didinner kami!"
"Ow talaga! mabuti naman at may bago ka ng kaibigan, pag may oras kayo ipakilala mo naman sya samin ng dad mo pagbalik namin galing sa maldives ha! kasama naming magbabakasyon sina Mommy Brenda mo kaya hindi ka namin mapapanood sa pagrampa mo! make sure na pavideohan mo sa mga kuya mo yun ha! sige na baby babye na muna at magshoshopping pa kami!" kasunod noon ay ang pagtunog ng toot sa kabilang linya. Inioff na ng Mommy nya ang phone kahit hindi pa naririnig ang sagot niya.
Hay! napatingin si Cielo sa cellphone nya, mag aalas singko na pala ng hapon at anumang oras ay susunduin na sya ni Althea, kaya kinuha na niya ang bag para makapag retouch sya ng konti.
Kasalukuyan syang naglilipstick ng dumating ang nasabing babae, "Bagay sayo ang shade na yan, lalo kang nagmukhang teenager!" Anito sa gamit niyang lipstick.
"Lahat naman ata ng binibigay mo sakin eh pampabata!" inilagay na niya sa bag ang naturang gamit. "Lets go at baka mainip na ang kuya mo sa paghihintay!"
Pagdating nila sa isang Japanese restaurant na pinili nito ay nandon na ang kapatid ni Althea, tumayo naman agad ito at sinalubong sila.
"Cielo I want you to meet my brother, kuya Francis!" ipinakilala sya nito sa lalaki. Pinagaralan ito ni Cielo, gwapo ang lalaki sa tantya niya ay may nasa six feet ang taas nito at ang aura ay katulad ng kuya Juno niya. Tipong lalaking lalaki ang dating hindi katulad ni Vince na mas maganda pa sa kanya kung naging babae ito. Anu ba naman to! si Vince na naman.
"Nice too meet you!" iniabot niya ang kamay dito.
"Tama nga ang kapatid ko, bagay na bagay sayo ang maging model ng Maximus, youre so beautiful!" hindi nito agad binitawan ang kamay ni Cielo.
"As I told l you kuya, kahit kailan hindi pa ako nagkamali sa pagpili ng mga magiging modelo ko!" proud na sabi ni Althea sa kapatid.
Nakaramdam naman si Cielo ng bahagyang pagkapahiya, pinaguusapan pala sya ng magkapatid! "Hindi naman talaga ako sanay magmodel eh, pumayag lang ako kase alam kong maraming matutulungan ang project na ito!" aniya.
"Well, you know what? pareho kayo nitong kapatid ko, yan din palagi ang sinasabi nya! kailangan maraming makinabang sa mga ginagawa nya, hindi pang sarili lang ang iniisip!" medyo madiin ang pagkakabigkas nito.
"Okey, tama na ang usapang pagtulong, kumain na tayo at masamang pinaghihintay ang pagkain!" putol ni Althea sa Usapan nila.
Natutuwa si Cielo dahil napaka attentive ng lalaki sa kanya, sinisiguro nitong naiibigay sa kanya ang lahat ng atensyon nito.
"Kuya may nakalimutang akong gawin sa office, pwede bang ikaw muna ang maghatid kay Cielo pauwi?" sabi ni Althea sa kapatid ng matapos silang kumain, "Pasensya kana Cielo ha, ngayun ko lang naalala na may naiwan pala akong trabaho sa office."
"It's okay, wag mo na akong alalahanin. pwede naman akong magpasundo sa driver ko!" sagot niya dito.
"No, I insisted! inimbita kita sa dinner na to kaya dapat lang na ihatid ka ni kuya pauwi, diba kuya!?" baling nito sa kapatid.
"Syanga naman Cielo, Wala rin naman akong gagawin pagkatapos ng dinner na to kaya ihahatid nalang kita." tumayo na rin si Francis pagkatapos nitong bayadan ang bill nila.
Inalalayan sya Francis sa pagsakay sa kotse nito, "Pasensya kana sa kapatid ko ha, medyo pabigla bigla yun kung magisip pero mabait naman yun!" anito habang nagmamaneho.
"Naiintindihan ko naman yun, trabaho yung nakalimutan nya kaya kailangan nya yung unahin!" sagot niya dito.
"you're kind, sana magtagal ang friendship nyo ng kapatid ko!"
"I like your sister, wala akong masyadong kaibigan kaya natutuwa akong nakilala ko ang kapatid mo!" napapangiti nalang sya, "Tsaka isa pa, I realized na mas masaya pa rin pag may nakakausap akong kapareho ko ng mga layunin sa buhay!"
"Thank you ha! ngayun lang kase ako nabigyan ng kapatid ko ng chance para makilala ang kaibigan niya, ever since kase wala syang pinapakilalang kaibigan eh! palagi lang syang magisa!"
Nakaramdam ng awa si Cielo para kay Althea, kahit kase lagi syang nagiisa ay may mga kaibigan naman sya, hindi lang talaga sya mahilig gumimick.
"Don't worry, starting from now makakasigurado kang palagi ng may kasama ang kapatid mo! isipin mo nalang na para syang nakakita ng kakambal dahil hindi ko hahayaang magisa!"
Matipid naman ang ngiting sagot nito sa kanya. "Alam mo, bihira ang mga babaeng katulad mo! hindi mo pa naman masyadong kilala ang kapatid ko pero nagtiwala kana agad sa kanya!"
"Hindi ko naman kailangan ng mahabang panahon para kilalanin ang isang tao, basta nagpapakita sya ng kabutihan sakin, magiging mabuti rin ako sa kanya!" ganun nya tratuhin ang lahat ng tao sa paligid nya.