"Buti naman may oras kana para sumama saking lumabas!" ani Doc Adie kay Cielo, "Palagi kana lang busy jan sa bago mong kaibigan."
"Ito naman nagtampo kaagad! alam mo namang busy ako sa pagpapraktice ng tamang paglakad stage para hindi ako mapahiya sa grand night ng maximus!" nakailang tawag na kase sa kanya ang kaibigang doktora at laging iisa ang sagot niya, Hindi ako pwede ngayun, next time nalang!
"Busy o nagbibisi-busyhan?" inirapan pa siya nito.
"Alam mo kahit kelan talaga toxic ka!" kaloka to! tinawagan lang ako para awayin, tinaasan niya ito ng kilay "teka huhulaan ko ha, ikaw ba eh may gustong sabihin sakin kaya abot abot ang tawag mo at hindi ka tumitigil hanggang hindi tayo nagkakaharap!?"
Bigla naman natanggal ang kunot sa noo ni Doc Adie, "Actually, gusto sanang magrequest sayo eh, gusto ko sanang pumunta sa grand night kaso wala akong invitation!" biglang naging malambing ang doktora.
"Yan tayo eh!" itinapat ni Cielo ang hawak na kutsarang may lamang ice cream sa kaibigan "Pinilit mo akong pumunta sa parlor na to para lang hingan ng invitation!" pili lang kase ang bibigyan ng imbitasyon para sa gabing iyon.
"Sige na naman mahal na prinsesa, bigyan mo na ako ng invitation, gusto ko talagang makaexpirience umatend sa ganoong klase ng event! tsaka kaibigan mo naman yung may ari ng agency kaya siguradong bibigyan ka non ng extra!" pangungulit nito sa kanya.
Muli nyang isinubo ang kutsarang may tunaw na ice cream, "Girl, tig iisa lang kami ng imbistayon, pero kung gusto mo pede kang sumama don bilang date ni kuya Jion, yun eh kung wala pa syang naiimbitahang kapartner." sabi niya dito.
"Eh bakit sa kuya Jion mo? hindi ba pwedeng tayo nalang ang magkasama?"
Umiiling iling si Cielo, "kailangang babae at lalaki ang magkapartner sa isang invitation, kaya si Vince ang partner ko. don't worry tatawagan ko agad si kuya Jion para malaman kung may makakasama na sya, sa saturday pa naman yun kaya may oras pa para kulitin sya! teka bakit ba gustong gusto mong pumunta don?"
Bigla namang nabuhayan ng loob si Doc Adie, "Kase balita ko, dadalo sa partyng iyon si Howard kaya gustong makita niya ako para pagsisihan nya naman ang ginawa nya sakin!"
"Yung damuho mong Ex imbitado rin?" kaya pala! yun pala ang dahilan kung bakit gusto nitong sumama sa kanya!
"Yes girl, at ikaw lang pwede kong asahan para makapasok ako don!" naniningkit ang mga matang sabi ng doktora.
Pagbalik ni Cielo sa opisina ay tinawagan kaagad niya ang kapatid. naka ilang ring din bago siya sinagot nito, "Hello kuya kong saksakan ng gwapong ipinaglihi kay Tom Cruise!" bungad agad niya.
"Mas gwapo ako kay Tom Cruise, anong kailangan mo?"
"May date kanaba sa darating na sa sabado?" umayos si Cielo sa pagkakaupo nya.
"Wala pa bakit? bibigyan mo ba ako ng kadate?"
"Oo!" mabilis niyang sagot, "sakto ang timing ko kuya, pwede mo bang isama si Doc Adie, sya nalang ang gawin mong date!"
"Si Doc Adie yung kaibigan mo? bakit sya?"
"Basta kuya siya nalang ang isama mong date makabawi naman ako sa kanya, palagi ko nalang syang isinasama sa mga medical missions ko at kahit kelan hindi pa sya humingi ng kapalit, ngayun lang!" pangungumbinsi niya sa kapatid.
"Sige papayag ako, pero sa isang kondisyon!"
"Ano naman yon?" nabibitin nyang tanong, Sabagay kahit naman anong kundisyon pa ang hingin nito ay siguradong papayag ang kaibigan nya.
"I want her to dress as sexy as hell! gusto agaw atensyon kami sa iba!" Hindi na nakapagreact si Cielo dahil pinatay na ng kuya nya ang cellphone nito.
Pano ko naman sasabihin kay Doc Adie na kailangan nyang magpakita ng balat para lang makasama sa partyng yon? bahala na nga, ang importante napagbigyan niya ito
"Excuse me Mam," pukaw sa kanya ng Secretary slash PA nya, "Nandito po si Mr. Francis Verano!"
Hmm? kapatid Althea? "Sige papasukin mo nalang!" Bigla syang na curious! ano kayang ginagawa ng lalaking yon dito.
"Hi Cielo, pasensya kana kung biglaan ang pagdalaw ko sayo ha!" anito ng makapasok na sa opisina nya.
"It's okay, hindi naman ako busy ngayun eh, napasyal ka?"
"I just came here para sana itanong sayo kung may date kana sa sabado, kase kung wala pa e, magpiprisinta na sana ako sayo!" straight forward na sabi nito.
"Ah yun ba, sorry ha! pero may partner na ako sa sabado, nauna na ng sabi yung bestffriend ng kapatid ko kaya may hindi na ako makaka oo sayo!" paliwanag niya dito.
"Ah ganon ba! sayang naman pala kung ganon naunahan na ako!" laglag ang balikat na sabi nito.
"Anu kaba naman, pagpunta lang naman don kami magkasabay, sigurado nang pagkatapos ng pagrampa ko magkakausap din tayo doon.
"Sabagay, tama ka jan! Since hindi kita makakadate sa sabado, bakit hindi nalang tayo ngayun magdate?" anito.
Saglit namang nagisip ai Cielo, date lang naman to kaya wala naman sigurong masama kung sasama ako! "Sure, san mo ba gustong pumunta?"
"Malalaman mo pagdating natin don!" pamystirious na sabi nito.
Nakarating sila sa isang kamayan restaurant sa laguna at namangha su Cielo sa ganda ng lugar.
"May ganito palang lugar dito, ngayun ko lang nalaman!" aniya.
"Well, hindi pa masyadong develop ang lugar na ito at marami pang kailangan baguhin, kaya kita isinama kase gusto kong hingin ang opinyon mo para dito.
" Teka lang muna! don't tell me iyo tong lugar na to?" hindi makapaniwalang tanong niya dito.
"Yeah, akin nga to, ipinagagawa ko ito para sa kapatid kong si Althea, para pag nagsawa na sya sa maynila ay pwede syang pumunta dito para magrelax." pinagsalikop nito ang dalawang kamay sa likuran habang nakatanaw sa man made lake na malapit sa pinakang restaurant.
"You really love your sister huh!?" sabi niya dito.
"Syempre sya nalang ang nagiisang pamilya ko, kaya gagawin ko ang lahat maging masaya lang ang bunso kong kapatid!" saad nitong hindi pa rin tumitingin sa direksyon nya.
Napangiti nalang si Cielo, pareho talaga sila ni Althea, may mapagmahal na kuya.
"Napakaswerte naman sayo ng kapatid mo!"