Chereads / Make you mine / Chapter 11 - Chapter 11 Present

Chapter 11 - Chapter 11 Present

"Manang nasan po si Mommy?" tanong ni Cielo sa kasambahay nila, natapos na ang halos isang linggo niya sa medical mission and tree planting kaya sa bahay muna sya ng mga magulang tumuloy, doon muna sya makikikain ng hapunan ngayung gabi dahil siguradong wala syang pagkaing madadatnan sa apartment nya.

"Nandoon po si Mam Odette kina Mrs Hountly, dumating po kase yung magasawa kanina at sinundo po si mam!" sagot sa kanya nito habang naggagayat ng gulay, sa hinala niya ay karekare ang putahing iluluto nito.

"Manang pakidamihan ang mani nyan ha, pupunta lang ako don sa kabilang bahay!" bilin nya sa katulong nila bago sya lumabas doon.

Malayo pa si Cielo sa bakuran nina Vince ay natatanaw na niya ang liwanag ng bahay ng mga ito, naalala niya ang huling paguusap nila ng binata sa kabundukan, "Hindi mo ba ako tatanungin kung sinong mahal ko?" habang nasa gitna sila ng taniman ng kamote habang bilog na bilog buwan. "Yung aso mong si Polo?" pabirong sagot niya dito. "Ang talino mo talaga!" habang pisil pisil nito ang ilong nya.

Iniwasan ni Cielo ang mapangiti habang naglalakad sya palapit sa bahay ng mga Hountly dahil baka may makakita sa kanya ay mapagkamalan pa siyang baliw. Pagtapat niya sa gate ng mga ito ay natanaw niya ang ilang sasakyang nakaparada sa garahe. Mukhang may mga bisita sila! dumiretso na siya sa loob at nabungaran ang kaliwat kanang kumpulan ng mga tao, kabilang sa isang grupo ng nagkikwentuhan sina Vince at ang kuya Jion niya kasama rin si Minjy ng mga ito.

"Cielo my dear!" tawag sa kanya ng Mommy ni Vince habang kausap ang mga magulang niya. "I miss you so much hija!" ibinuka nito ang dalawang kamay para yakapin sana sya pero tinanggihan niya iyon.

"Mommy Brenda miss na miss ko rin po kayu kaya lang wag nyo muna akong yakapin dahil nanlilimahid pa ako!" ipinakita niya ang suot niyang spagetti straps na blusang may mantsa ng sabaw ng buko at ripped jeans na ang sira ay mula sa tuhod hanggang sa may singit na niya dahil sa pakikipaglaro niya sa mga bata ay aksidenteng nahila iyon, idagdag pa ang nakasukbit niyang backpack na puro alikabok.

Itinuloy parin ng ginang ang pagyakap sa kanya sa kabila ng mukhang palaboy niyang itsura, "Anu kaba namang bata ka! syempre wala akong pakialam kahit anong dumi pa yan, ang mahalaga ay mayakap ko ang princesa namin!"

"Anu bang nangyari sayo at ganyan suot mo?" tanong ng kuya Jion niya, nakaupo sa tabi nito si Vince at isang magandang babaeng blonde ang buhok na halos ay kumandong na sa mga hita ng best friend nito.

"Alam mo naman ang bata sa tribong iyon, masyadong mapaglaro kaya ito ang nangyari sa damit ko!" balewala lang naman kase sa kanya kahit ganon na ang hitsura ng kasuotan nya. Napansin ni Cielo na may ilan pang kababaihang hindi niya kilala ang kabilang sa grupo ng mga ito. "Ahm, Mommy Brenda ang pasalubong ko po asan na?" baling niya sa ginang na nakaakbay pa rin sa kanya.

Natawa naman ang ginang, "Sinasabi ko na nga bat itatanong mo sakin yan eh!" binitawan muna siya nito sandali para kunin ang mga pasalubong nito sa kanya. Dumako naman ang mga mata ni Cielo sa mga nakahaing pagkain sa center table ng mga ito.

"Uy may pizza! penge ha!" malapit kay Vince ang kahon pizza kaya ng yumuko siya para kumuha ng isang slice ay bumaba ang parteng dibdib ng suot niyang blusa at alam niyang nakita iyon ng binata, masamang tingin naman ang ipinukol sa kanya ng katabi nitong babae.

"Ito Princess ang pasalubong ko sayo!" iniabot sa kanya ng ginang ang isang paperbag na puno ng ibat ibang klase ng chocolates.

"Wow Mommy ang dami po nito!" tuwang tuwa siya sa nakita, kaya wala syang pakialam kahit puno ng pizza ang bibig niya.

"Hay naku Hija, sa lahat ng dalagang kilala ko, ikaw lang saksakan ng takaw lalo na sa matatamis! buti hindi ka tumataba!" puri nito sa kanya.

"Naku Mommy, pag nakita mo yung mga mahihirap na lugar na pinupuntahan, siguradong magpapasalamat kayo at bibigyan nyo ng halaga lahat ng pagkaing nasa mesa ninyo!" tuloy pa rin ang kagat niya sa hawak na pizza.

"Kunyari kapa," pangaasar sa kanya ng Jion niya, "ang sabihin mo sadyang matakaw kalang! wag mo ng idamay yung mga lugar na pinupuntahan mo!"

Sinimangutan naman niya ang kapatid at lumapit siya sa pwesto ni Minjy. "Kuya Jy, ipagtanggol mo naman ako oh!" parang batang sabi niya dito habang nakahawak sa braso nito. Kitang kita niya ang pagasim ng mukha ni Vince.

Natatawa naman si Minjy sa inaasal niya, kaya tinapik tapik pa nito ang kamay niya, "Hayaan mo na si boss, naiingit lang yan sayo kase sya konting kain lang eh nagwoworkout na agad at para matunaw ang fats!" nagkatawanan naman ang mga ito sa birong iyon ni Minjy kay Jion.

"Dahil nakuha ko na ang pasalubong ko, uuwi muna ako para makaligo!" binitawan na niya ang braso ng katabi, "pano ba yan maiwan ko muna kayo at ng masimulan ko na tong mga chocolates na to!" nagpaalam na siya sa mga magulang nila para makauwi na.

"I'll walk you home!" tumayo na si Vince at iniwan ang babaeng katabi nito.

"Hindi mo naman ako kailangang ihatid no! bumalik kana don sa loob at nakakahiya naman sa mga bisita nyo, iniwan mo pa sila!" sabi niya dito ng makalabas na sila sa gate ng bahay ng mga ito.

"It's okay, naiinip narin naman ako don sa loob!" anito.

"Parang hindi naman!" sagot niya dahil sa totoo lang ay wala talaga sa itsura nito ang naiinip na.

"Nabobored ako, hindi lang halata!" kinuha nito ang bitbit nyang paper bag.

"Sabi mo eh! syanga pala sino yung mga bisita nyo? kamaganak niyo ba?" ayaw ipahalata ni Cielo na nacucurious sya sa katabing babae ni Vince kanina.

"She's one of my client and a college friend!" tugon nito.

Nginisihan lang niya ito, "I think ive seen her before!" kahit hindi sya sigurado. saan nga ba niya nakita ang babaeng yon?