"Talaga!? kilala mo sya?" parang hindi naman naniniwala si Vince kay Cielo.
Naalala na niya kung sino ang babaeng katabi nito kanina, ito nga pala yung babaeng dahilan ng unang pagkadurog ng puso ni Cielo. "Nakita ko sya dati sa hotel na pinagganapan ng JS Prom namin nung high school, magkasama kayo kaya medyo natandaan ko sya!"
"Antalas naman ng memorya mo! napakatagal na noon ah! naalala mo pa rin?" anito.
Pano ko ba naman makakalimutan, e sya lang naman ang babaeng nagpamulat sakin sa katotohanang kapatid lang ang tingin mo sakin! bulong niya sa sarili, pero syempre wala syang lakas ng loob na sabihin iyon dito. "Hindi naman ako madaling makalimot ano!"
Hindi na nagsalita pa si Vince hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay nila, "Wag mong kadamihan ang kain ng chocolate at baka sumakit ang ngipin mo, brush your teeth bago matulog ha!" bilin nito sa kanya bago sya pinapasok sa gate nila. Tinanaw lang ni Cielo papalayong pigura nito, tulad ng dati little sister pa rin ang tingin niya sakin.
Nagbabad muna si Cielo sa maligamgam na tubig ng jacuzzi nila para matanggal ang lahat ng pagod na nararamdaman niya. Ipinikit ni Cielo ang mga mata nya, sumagi uli sa isip niya ang babeng yon, kung makadikit kay Vince parang dikya!
Ah, forget them girl, wala ka ng magagawa, maghanap ka na lang ng lalaking hindi ka ituturing na kapatid! Gaano naba katagal niyang sinusubukang ibaling sa iba ang atensyon nya? ever since that incident nung prom nila! kaya nga ba hindi sya nagiging choosy pagdating sa manliligaw nya, basta pasado sa standard nya as jowable ay sinasagot nya, yun nga lang hindi naman sila tumatagal dahil lagi nalang syang naiiwang nakanganga sa ere!
Minsan tuloy kinukwestyon niya ang sarili, pangit ba ako? kapalit palit ba ako? then why? linya yun ni Liza Sobirano sa isang pelikula nito na laging pumapasok sa isip ni Cielo sa twing maaalala nya ang mga naging ex boyfriend nya. Hindi na bale, balang araw makakahanap rin ako ng para sa akin in God's perfect time! pakunswelo niya sa sarili.
Kinabukasan ay gumana na naman ang bodyclock niya, automatic na nagigising sya twing ala singko ng umaga para magjogging, kaya nagbihis sya para magikot ikot sa village nila.
"Why are you late?" bungad sa kanya ni Vince na basa na ng pawis paglabas nya sa gate nila, siguro ay nakailang ikot na ito roon. "kanina pa kita hinihintay ah!"
Nag warm up muna sya bago ito sinagot, "Hindi ko naman alam na maghihintay ka kaya binagalan ko talaga ang pagkilos!"
"Hindi kana ba nasanay? palagi nalang akong naghihintay sayo kahit napakaslow mo!" humanda na rin ito sa muling pagtakbo.
"Eh sino ba naman kasing nagsabi sayong hintayin mo ako?" nagsimula na sya sa mabagal na pagtakbo.
"Kung hindi kita hihintayin, wala kang makakasama sa pagtakbo kaya bilis na, tumakbo kana at ng matunaw lahat ng chocolate na kinain mo kagabi!" anito at sinabayan na sya sa pagjojogging.
Pagpasok ni Cielo sa opisina ay nakatanggap siya ng inbitasyon mula sa isang modelling agency na pagaari ng isang Althea Verano, Magkakaron ang mga ito ng passion show para sa isang clothing line at isa sya sa magiging runway model ng mga ito. Pumayag kaagad siya ng malamang sa charity mapupunta ang kikitain ng naturang show.
"Ma'am, personal daw po kayong kakausapin ni Ms. Verano para sa agency nya kaya humihingi sya ng oras para makapagmeet kayo." Report ng Secretary nya.
"Sige, tell her I will be free this afternoon, magkita nalang kami sa Mariano's!" tugon niya dito.
Pinilit ni Cielong tapusin ang lahat ng paperworks nya para lang makalabas ng maaga, hindi naman sya excited sa meeting na iyon dahil siguradong kukulitin lang siya ng Ms. Verano na iyon.
Ninanamnam ni Cielo ang pumpkin pie na pinasadya niya sa kuya Juno niya habang hinihintay niya ang may ari ng modeling agency na makakameeting niya. Special request niya iyon sa kapatid kaya inihain iyon sa kanya ng isang buo pa.
"Hello!" napatigil si Cielo sa pagsubo ng naturang pie ng batiin siya ng isang babae. "You must be Ms. Cielo Jin Guia?"
Bigla syang napatayo sa kinauupuan, "Yes I Am, and you are?"
"I'm Althea Verano, nice to meet you!" inilahad nito ang kamay sa kanya.
"Please have a seat! pasensya kana kung dito kita inimbita ha, paborito ko kaseng lugar to eh!" hinintay muna niya itong makaupo at lapitan ng waitress para sa order nito, "Pasensya kana ha, nauna na akong umorder!"
"No its okey! ako nga dapat ang humingi ng pasensya sayo kasi biglaan ang imbitasyon namin sayo, salamat nga pala at pinagbigyan mo kami, siguradong mas madaming bata sa boystown ang matutulungan natin." anito.
"Ah wala yon, basta makakatulong sa mga kabataan walang problema sa akin!" sinimulan na uli niyang kainin ang pie niya.
"Naku pareho pala tayo! nung inialok sakin itong project ng Maximus clothing ay tinanggap ko agad kase alam kong makakatulong sa iba!" kitang kita ang excitement sa mukha nito, "Sana mas dumami pa ang mga katulad mong willing magbigay ng oras para sa makatulong sa iba.
Iba ang naramdamang saya ni Cielo sa sinasabi ng kausap, mukhang madadagdagan ang kaibigan niya. " Ganon naman talaga dapat diba, since tayo ang may magagawa para sa iba, gawin natin para makatulong!" sangayon niya dito.
"Alam mo tama nga sila, hindi kalang ubod ng ganda, napakabait mo pa!" puri nito sa kanya.
"Naku ikaw din naman!" nahihiyang sagot niya dito, ngayun lang sya nakatanggap ng papuri mula sa kapwa babae kaya medyo naiilang sya.
"Since pareho naman pala tayo ng gawain, at pareho tayong mahilig tumulong sa kapwa natin, ahm ano, pwede ba kitang maging kaibigan para atleast may nakakakwentuhan ako tungko sa mga projects ko!" medyo nahihiyang sabi nito.
"Oh sure, yun lang pala eh! mas maganda nga yan marami tayong mapapagusapan at siguradong magkakasundo talaga tayo!" pagpayag niya dito.
This is it! a new friend, siguradong magiging masaya to, may mayayaya na uli ako pamumundok ko, sana lang sumama sya!