Chapter 11 - 10

ISANG ngiti ang sumilay sa mga labi ni Josh pagkasara niya ng pinto ng kuwarto ni Fabielle. Hindi mapalis sa isipan niya ang naging reaksiyon ni Fabielle ilang minute pa lamang ang nakakalipas. She never fails to amuse him in everything she does. And now he was already looking forward to that dinner with her.

Naglalakad na siyang pabalik sa sariling silid nang muling mag-ingay ang cellphone niya. Noon lamang niya naalalang may isang tawag nga pala siyang hindi nasagot kaninang kasama niya si Fabielle kaya naman kinuha na niya mula sa bulsa ng suot niyang walking shorts ang nag-iingay na cellphone.

Awtomatikong kumunot ang noo niya nang makita ang nakarehistro sa screen niyon. Hindi iyon naka-save sa memory ng cellphone niya ngunit alam na niya kung sino ang tumatawag. Iilang beses nang tumawag ang numerong iyon sa kanya nitong nakaraang buwan at sa isang beses na sinagot niya ang tawag niyon ay nakilala na niya ang may-ari ng numero.

Simula nang malaman niya kung sino ang unknown caller ay hindi na niya sinagot pa iyon muli. Desidido siyang kalimutang nagbabalik ito sa buhay niya. Until this past few days, after she met Fabielle.

Wala sa loob na napalingon siya sa pinto ng kuwarto ng babae. Nakapinid iyon ngunit pakiramdam niya ay nakikita niya pa rin ito sa loob niyon. Ibinalik niya ang tingin sa cellphone niya. Patuloy ang pagriring niyon na para bang walang balak na tumigil kung hindi niya iyon sasagutin.

Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tawag.

"What do you need from me, Sasha?"

"YOU'RE quiet."

Napahigpit ang hawak ni Fabielle sa hawak na kubyertos nang marinig ang sinabing iyon ni Josh. Nasa loob sila ng isang restaurant at kumakain ng hapunan.

Kumakain nga ba siya? Ni hindi nga niya ma-appreciate man lang ang lasa ng kinakain niya dahil gulong gulo ang isip niya sa mga nangyari ilang sandali pa lamang ang nakakalipas. Habang ang lalaking ito naman ay parang walang anumang nangyari na enjoy na enjoy pa sa inorder nito.

This is so unfair! Tili ng isip niya.

"And fidgety. Galit ka ba sa akin?" dugtong na tanong nito nang hindi niya ito imikin.

Saglit niyang iniangat ang tingin rito ngunit hindi rin nakatagal nang magtama ang mga tingin nila kaya naman nag-iwas na siya.

"Hindi." Kulang sa sustansiyang sagot niya.

"And you're not looking at me." Dagdag pa nito.

"Kumain ka na nga lang." pairap na sabi na niya at muling pinagtuunan ng pansin ang kinakain. Ngunit kahit anong subo at pagnamnam sa kinakain pa ang gawin niya ay hindi mawala sa isip niya ang ginawa nito. Ang halik nito sa noo niya.

Pero hindi naman kasi iyon ang unang beses na nahalikan siya. She had a boyfriend before at nahalikan naman na siya ng ugok na iyon kahit papaano. Ngunit iyon ang unang beses na naapektuhan siya ng simpleng halik lamang sa noo.

"Ah seriously!" hindi napigilang bulalas niya saka ito hinarap. "Why did you do that?" kompronta niya dito ngunit taliwas sa kunot ng noo ni Fabielle, wala namang mababasang kahit anong pagkabahala sa mukha nito.

"Did what?"

"Back at the inn.. you---" napalunok siya. Bakit ba napakahirap sabihin ng ginawa nito. Ganoon ba siya kaapektado ng halik na iyon? O nito mismo?

Saglit na nag-isip ito bago sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi. Hindi pa ito nakuntento doon at ibinaba nito ang mga kubyertos na hawak saka pinagkrus sa harap ang mga braso.

"So you were that affected about that kiss." Simpleng sabi nito.

"H-hindi ah." Kaila niya saka inirapan ito. "It's just that, technically we are still strangers. And you shouldn't... do something like that to someone you don't really know well." Hindi napigilang paliwanag niya.

"And what do you want me to do? Apologize for it?"

"No!" mabilis na sagot niya at muling naibalik ang tingin dito. Hindi nito nakangiti ngunit nanatiling nakatingin sa kanya na para bang iniintay ang magiging sagot niya. "I mean yes. I mean I don't know!" pagbawi niya sa naisagot. Ano nga ba kasi ang dapat niyang sabihin? Isa lamang ang nasa isip niya. She does not want the idea of him saying sorry for that kiss! "Whatever." Ang huling sinabi na lamang niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Mas mabuti pa sigurong manahimik na lang siya. Baka kung ano pa ang masabi niya kung ibubuka pa niya ang bibig niya.

"My full name's Joshua Jerome Gonzalez." Walang anu-ano'y sabi nito saka inilapag sa lamesa ang isang manipis na tarheta. It was a business card. "Born and bred in Manila. Nag-iisang anak nina Juan Florencio Gonzalez at Aracelli Gonzalez. My Dad's a businessman and my Mom's a loving housewife."

Nagtatakang iniangat niya ang tingin rito.

"I run my Father's established company, I own a string of restaurants and a bar and restaurant which I love to manage the most. Doon mo ko madalas makikita kapag gabi. 'Yon ay kapag nasa Manila ako." Pagpapatuloy nito nang hindi man lamang hinihintay ang isasagot niya. "I have loads of friends and colleagues but the closest ones are my University friends. Nagtayo ng banda ang mga 'yon at nagpiperform sila paminsan-minsan sa restobar ko. Nadagdagan pa ang barkada namin nang magkaroon ng mga girlfriend ang ilan sa kanila."

"A-anong ginagawa mo?" sa wakas ay naitanong niya.

"Telling you everything about myself. Or at least the things that I think are necessary for you to know." Simpleng sagot nito.

"Eh?"

"Iyon ang concern mo hindi ba? Na hindi natin lubusang kilala ang isa't isa? Kung ganoon ipapakilala ko ang sarili ko sa'yo simula ngayon sa lahat ng paraang makakaya ko. Para mawala na ang lahat ng pagdududa mo. And maybe it would make you eventually open your heart for me." Sabi nito saka ngumiti. Iyong sinserong ngiti nitong ilang beses na rin niyang nakikita simula nang makasama niya ito sa byaheng iyon. At parang iyon pa ang nagtutulak sa kanyang paniwalaan ang mga sinasabi nito. Parang bula ding naglaho ang kaguluhang nasa isip niya kanina lamang dulot ng paghalik nito sa noo niya. Ang nararamdaman na lamang niya ay paghaplos ng init sa dibdib niya. He was making an effort to make her at ease with him. And as what he said, to make her open her heart to him.

"Kung ganoon, sasagutin mo ba ang lahat ng itatanong ko sa'yo kung sakali?" naitanong na niya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa sariling mga labi.

"With pleasure."