KANINA pa nakahawak sa seradura ng pinto ng kuwarto niya si Fabielle ngunit hindi niya magawa-gawang pihitin iyon.
Magkunwari na lang kaya siyang may sakit at hindi na sumama sa tour ng araw na iyon? Pero pinanghihinayangan naman niya iyon. Sasayangin niya ang isang magandang araw, at exciting na day tour dahil lamang hindi niya alam kung paano haharapin si Josh?
Ahm, oo? Sagot ng sutil na bahagi ng utak niya. Tuloy ay muli na namang nag-flashback ang eksena nila nang nakaraang gabi. Ang halik na iyon...
Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. See that? Iniisip pa lang niya ang nangyari ay namumula na siya, paano na lang kung muli niyang makakaharap ang lalaki?
Napatalon siya sa gulat nang biglang may kumatok sa pinto niya. Kasunod iyon ay ang pagwawala ng tibok ng puso niya. Could it be...?
"Fabielle! Halika na! Aalis na ang sasakyan!"
Nakahinga ng maluwang si Fabielle nang mabosesan si Maricris. Mabilis din niyang pinagbuksan ito ng pinto at bumungad sa kanya ang magandang ngiti nito. Sa tabi nito ay nakatayo ang boyfriend nitong Hans naman ang pangalan.
"'You okay? Akala namin wala ka nang balak lumabas ng kuwarto mo kaya pinuntahan ka na namin." Nakangiti pa ring sabi nito.
"Have we disturbed you? Sorry. Ito kasing si Maricris, nag-aalalang hindi ka makasama." Sabi ni Hans na napapakamot pa sa batok nito.
"Talaga! Sayang ang araw para magpakaburo siya sa kwarto niya. We should all have fun, right Fabielle?" she beamed at her.
Sa ginawa nito ay napangiti na lamang siya. Nang makausap niya ito noong nasa loob sila ng kuweba nang nakaraang araw ay alam na niyang may pagkamadaldal ito ngunit hindi siya naiinis rito. May pagkamakulit din ito pero sa halip na mainis ay natagpuan niya ang sariling natutuwa sa angking kakulitan at kadaldalan nito. She was fun to be with. At komportable siyang kausap ito.
At ngayon ay gusto naman niyang ma-touch dahil talagang sinundo pa siya ng mga ito para lamang makasama siya. Unlike him...
"Your key?" tanong ni Maricris nang matagalang hindi niya ito sinasagot.
"Nandito sa bulsa---" hindi na pinatapos nito ang sinasabi niya at basta na lamang siyang hinilang palabas saka inilock ang pinto ng kuwarto niya at ito na mismo ang nagsara.
"Done!" nakangising sabi nito at ikinawit ang braso nito sa braso niya. "Let's go." Saka nagsimulang kaladkarin siya palabas ng kabahayan. Nang lingunin niya si Hans na nasa likuran niya ay nakatingin din ito sa kanya habang nakapaskil ang alanganing ngiti sa mga labi.
"I'm sorry." He mouthed at her. Nginitian lamang niya ito at nagpatianod na kay Maricris. Tutal naman ay napagaan na din ng magnobyong ito ang loob niya ay hindi na rin siya magrereklamo.
Nang tuluyan silang makababa ng hagdang palabas ng bakuran ng kabahayan ay di sinasadyang dumako ang tingin niya sa may unahan ng sasakyan at parang gusto niyang maghagilap ng bato at ipukol sa tanawing nakikita niya.
Tatlong hindi niya kilalang babae ang naroon at hindi mapuknat ang pagkakangiti sa lalaking kausap ng mga ito. Isang pamilyar na lalaking kung naaalala niya ay hinahalikan pa siya nang nagdaang gabi!
"That prince charming of yours is quite popular." Tatangu-tangong sabi ni Maricris.
"I'm pretty sure I don't know what you are saying." Alanganing sabi niya rito. Nang lingunin niya ang babae ay bumungad sa kanya ang nakangising mukha nito. "W-what?" bakit pakiramdam niya ay may alam ito tungkol sa kanila?
"Nothing. Go and save him!" Nakangisi pa ding sabi nito bago bumitaw sa kanya at sa boyfriend naman nito kumapit. Ngunit bago ito tuluyang pumasok sa sasakyan ay kinindatan pa siya nito na ikinailing na lamang niya.
Nang muli niyang ibaling ang tingin kay Josh ay nahuli niyang nakatingin na ito sa kanya. Isang ngiti ang agad na sumilay sa mga labi nito. Gayunpaman ay hindi nakaligtas sa kanya ang mga babaeng nakapalibot pa rin dito.
Hindi niya alam kung bakit ngunit sa halip na gantihan ang ngiti nito ay iniiwas niya ang tingin rito.
"Paul!" tawag niya sa lalaki nang mahagip ito ng tingin niya. Hindi pa siya nakuntento at isang matamis na ngiti ang bingay niya rito saka naglakad palapit rito kahit pa ramdam niyang may nakatingin sa kanya.
Ha! Popular pala ah!