Chapter 15 - 14

"GALIT ka ba sakin?" ang tanong ni Josh mula sa likod ni Fabielle. Naglalakad na sila noon pababa ng matarik na hagdan na pang-isahang tao lamang. Good. Sa ganon ay hindi nito makikita ang magiging reaksiyon niya sa mga sinasabi nito.

"Nope." nagpasalamat siyang normal ang tono ng boses niya nang sabihin niya iyon.

"But you're not looking at me." tila naghihinampong sabi pa nito.

"Kapag tiningnan kita malamang na gumulong akong pababa sa mga bangin bangin rito, so, no thank you." sarcastic na sagot niya.

"Good answer." dinig niya ang ngiti sa tono nitong iyon. "That's why I like you."

Wala namang bato o kung ano sa dinaraanan niya ngunit natagpuan na lamang niya ang sariling napapatid. Bahagya siyang nawalan ng balanse. She would have gone straight to the cliff-like edge if not for the warm familiar hand that had grabbed her arm and pulled her to safety.

"Hey, be careful!" wala nang amusement sa tinig ni Josh nang sabihin nito iyon. Nang lingunin niya ito ay kitang kita ang kunot sa noo nito.

"S-sorry." ang tanging nasabi niya kahit gusto niya sanang pagalitan ito sa pagsasabi ng kung anu-anong nakakapanlambot ng tuhod niya. Ngunit paano niya magagawa iyon gayong nababasa niya ang kaseryosohan sa mukha nito?

Agad naman siyang binitawan nito upang makapaglakad siyang muli nang maayos ngunit ramdam niya ang titig nito mula sa likuran niya. Hindi na naman tuloy niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Mukhang mas kinakabahan pa siyang kasama ito kaysa ang malaglag sa banging nasa gilid lamang ng makipot na dinaraanan nila.

Gusto niyang mapabuntong-hininga. Kung bakit kasi naunahan nitong makalapit sa kanya si Paul. Pero paano ba namang hindi, nang subukan niyang hanapin ito sa paligid para makatakas kay Josh ay nakita niyang may kausap naman itong babae at mukhang nakalimutan nang kasama niya ito mula pa noong umaga.

Mabuti na nga lamang at hindi na umimik pa si Josh. Naroong dumaan sila sa pababang hagdan, sa mga barangay na naroon at sa mga pilapil at palayan ngunit wala na siyang narinig pa mula sa likuran niya bagaman ramdam pa rin niyang sinusundan siya ng tingin ng lalaki. It was a bit comforting that they were not talking. But the thought that he was once again ignoring her presence makes her feel a bit anxious at the same time. Hay! Ang gulo na talaga ng isip niya.

Nang sa wakas ay makarating na sila sa falls ay saglit na napalitan ng pagkamangha ang frustration niya. The falls was really a sight to behold. Nagmumula ang malinis na tubig niyon sa kabundukan at natatapos sa mala-pool sa paanan niyon. Doon ay nagsisimula nang maglunoy ang ilang mga turistang nauna na sa kanila at kung hindi siya nagkakamali ay ang iba ring mga tagaroon.

"Are you going for a swim?" bahagya siyang napaigtad nang marinig muli ang boses ni Josh. Minsan ay gusto niyang isiping hobby talaga nito ang sumulpot na lang at ang biglaang pagsasalita upang makapanggulat.

"I-I'm not sure" sagot niya kahit pa sa bitbit na maliit na backpack ay isinilid niya ang tuwalya niya noong bago silang umalis ng inn. Saglit siya nitong pinakatitigan bago sa gulat niya ay basta na lamang hinawakan ang kamay nita at hinila siyang papunta sa talon. "H-hey!" reklamo niya ngunit hindi naman siya nito nilingon.

"Masyadong malayo ang nilakad natin para hindi maligo sa talon na 'yan. We're going for a swim."