Chapter 14 - 13

MAY kataasan na ang araw nang muling huminto ang sasakyan kinalulunanan ng grupo nina Fabielle, iyon ay matapos nilang dayuhin ang mga hanging coffins at ang Sagada Weaving. At sa buong paglalakbay nilang iyon ay hindi man lamang sila nagkausap ni Josh.

Hindi niya sinubukang kausapin ito bagaman ilang beses niyang palihim na nililingon ito. Mag-isa itong naglalakad kahit pa halatang sinusundan ito ng tingin ng ilang kababaihang turistang gaya nila. Ang ikinaiinis niya ay hindi rin ito nag-abalang lapitan siya.

Kung ganoon ano ba para rito ang nangyari sa kanila nang nakaraang gabi? Bakit ni hindi ito gumawa ng paraan para magkausap sila? Hanggang doon na lang ba iyon. Pagkatapos nitong paasahin ang puso niya ay dedeadmahin lamang siya nito.

But for the record, ikaw ang naunang mandeadma... singit ng isang bagi ng isip niya.

Siya naman ang unang lumandi.

Correction ulit. Hindi siya lumandi, nilandi lang. Gwapo eh. Parang nang-iinis na wika muli ng bahaging iyon.

Shut up!

At nababaliw na yata siya talaga dahil pati ang sarili niya ay inaaway niya. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Bakit ba siya napu-frustrate ng ganoon? It's not like Josh was her first kiss to make everything a big deal.

But it does felt like the first time, doesn't it?

Saktong nakita niyang pababa na ng sasakyan ang lalaking laman ng isip niya kaya naman isang buntong-hininga muli ang pinakawalan niya. Great! Ni hindi man lang siya nito nilingon.

Nauna nang bumaba si Paul at inalalayan siya sa pagbaba ng sasakyan. Ayos na sana kung hindi lang dumiretso ang braso nito sa mga balikat niya. Kanina pa ito akbay ng akbay at hindi na rin niya mabilang kung ilang beses niyang tinanggal iyon. Gusto na nga niyang pagsisihang nauna niyang nilapitan ito. Tuloy ay hindi niya magawang pagalitan ito sa pagdikit-dikit sa kanya.

"Mataas na ang araw. I'll find you a hat." Masigla pang sabi nito na ikinahinga niya ng maluwag. Pinanood na lamang niya ang lalaking naglakad sa mga stalls kung saan abala naman sa pagbabantay ang ilang tindero at tindera. Nagsilapitan din ang ilang mga kasama nila sa mga tindahan at nagsipili ng mga sombrero.

Bahagya siyang tumingala para masilaw lamang sa may kataasan na ngang araw. Ang sabi ng tour guide na naroon ay malayu-layo pa ang lalakarin mula roon hanggang sa pakay nilang Bomod-ok falls kaya mabuti nga sigurong bumili na ng sombrero dahil pihadong masusunog ang balat nila. Nag-long sleeved top pa nga siya para hindi matusta ang balat niya ngunit nawala sa isip niyang magdala ng sariling sombrero.

Isang tourist guide ang lumapit sa kaniya at inabutan siya ng tungkod. Kakailanganin daw ang suporta niyon dahil sa layo ng lalakarin. Nakangiting nagpasalamat naman siya rito.

Nang mapadako ang tingin niya sa magkasintahang Hans at Maricris ay napangiti siya. They look very much in love. Hindi niya maiwasang mainggit sa mga ito. Ang sarap siguro talagang mamasyal sa mga ganoong lugar kung kasama mo ang mahal mo. Kahit mahirap ang pagdadaanan o susuungin mo, siguradong ay aalalay sa'yo.

Hindi naman siya mahina. Kaya naman niya ang sarili niya. Ngunit iba lang talaga siguro ang pakiramdam ng may umaalalay sayo.

Bakit? May umalalay naman sa'yo sa kuweba kahapon. Remember the cute guy named Josh?

Kung nababatukan lang siguro talaga ang sariling utak ay malamang ginawa na ni Fabielle sa sarili niya. Pinipilit na nga niyang huwag isipin ang lalaki ay parang ayaw pa rin siyang patahimikin ng isang bahagi ng utak niya.

And look at that. Imbes na imagine-in niyang ang ex boyfriend ang makasama sa trip na iyon, ibang lalaki pa ang sumasagi sa isip niya.

Weird. Ang alam niya kaya hindi siya makapagsulat ng maayos noong mga nakaraang araw ay dahil sa ex boyfriend niya. Ngunit bakit ngayon ay parang isang malaking bahagi na lamang ng nakaraan niya si Jason. Nakaraang pakiramdam niya ay matagal nang nakalipas?

And what? This Josh is your future now?

Napabuntong-hininga siya sa pagsingit muli ng bahaging iyon ng isip niya. She should probably start controlling that stubborn part of her mind bago pa tuluyang mapraning ang napapraning na nga niyang brain cells.

"Ay palaka!" gulat na bulalas niya nang may kung anong pumatong sa ulo niya. Ilang sandali pa muna ang nakalipas bago niya napagtantong isang simpleng straw hat na kulay pink pa ang nakaputong na ngayon sa ulo niya. "What the---?"

Hindi na niya natapos pa ang katanungan niya nang pumuwesto sa harap niya ang salarin sa pagsusuot ng sumbrero sa kanya. Hindi pa ito nakuntento at bahagya pang yumukod sa harap niya upang maging magkapantay na lamang ang mukha nila.

"Josh!" hindi niya malaman kung may boses bang lumabas sa labi niya o panay hangin lamang iyon. Pakiramdam kasi niya ay bigla siyang kinapos ng hininga ngayong nasa harapan na niyang muli ang lalaking kanina pa gumugulo sa isipan niya.

"Miss me?" kasabay ng baritonong boses na iyon ang pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi nito.

Pinigilan niya ang sariling tumango na lamang sa tanong nitong iyon. Gayunpaman ay naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya na para bang sumasang-ayon sa sinabi nito.

"And now you're talking to me?" That was supposed to appear sarcastic. Ngunit maging sa pandinig niya ay kinulang iyon sa sarkasmo. It even sounded like she was relieved.

"Why? Hindi ba pwede?" tanong nito. Dahil hindi niya alam ang isasagot dito ay tinangka niyang lagpasan ito ngunit naagapan nito ang braso niya saka siya iniharap ditong muli. "Not so fast, lady. Haven't you played enough with that guy? Now I'll make sure you're all mine for the rest of the day."