NAITANONG na yata ni Fabielle ang lahat lahat ng tungkol kay Josh. Mula sa paborito nitong kulay hanggang sa paborito nitong pagkain. Maging ang sleeping habits nito ay naitanong na rin niya. At lahat nang iyon ay walang pag-aalinlangang sinagot nito.
"Anong ginagawa mo sa Sagada?" sa wakas ay tanong niya nang ilang hakbang na lamang ay makakarating na sila sa inn.
"Having a great time with a beautiful girl." Simpleng sagot nito na nagpakilig naman sa puso niya.
"I mean bakit ka nagpuntang Sagada in the first place?" pangungulit niya.
"Because you're here." Sagot muli nito.
"Stop it." Pasimpleng inirapan niya ito bagaman natuwa pa rin naman sa sinabi nito. Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa nito sa ginawa niya. "I mean, kung katulad ko, may ex-girlfriend ka din bang iniwan sa Maynila? Sinaktan ka rin ba niya gaya ng gunggong na ex ko?"
Saglit itong natigilan. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang unti-unting pagkapalis ng ngiti nito.
Maging ang ngiti tuloy niya ay biglang naglaho. Did she just stepped over an invisible line? Did she just annoyed him with her question? At bakit pakiramdam niya ay biglang kumirot ang dibdib niya sa kaalamang maaaring ang apektado pa rin ito ng pakikipaghiwalay umano nito sa ex-girlfriend nito?
Hindi ba at normal lang naman iyon? Kung ang girlfriend nito ang dahilan kung bakit napadpad ito sa Sagada ay hindi malabong nasasaktan pa din ito sa nangyari rito at sa babaeng iyon. Pero hindi ba ay ganoon din naman siya? Kaya siya napadpad sa lugar na iyon ay dahil sa naging epekto ng nangyari sa pinakamahabang relasyon niya sa buong buhay niya.
Iisa lamang ang pagkakaiba. Simula nang makilala niya ito ay tila ba naging isang masalimuot na alaala na lamang ang dahilan ng pagpunta niya sa Sagada. From Fabielle's-moving-on-escapade, it turned out to be Fabielle-falling-for-Josh vacation. Oo, inaamin naman niya, sa dadalawang araw pa lamang halos na nakasama niya ito, alam na niya sa sarili niyang nahuhulog na ang loob niya rito. And in a very fast pace. At kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang pigilin iyon. It was weird but not impossible.
"She was an ex-fiancee."
"Ha?"
"She was my ex-fiancee. She left me a day before our wedding." Sagot nito sa normal na tinig. "Pero matagal na iyon. At hindi siya ang dahilan kung bakit ako nandito."
Pinakatitigan niya ito. Ni hindi na bumalik ang ngiti nito. Kung ganoon paano siyang maniniwalang wala na itong lingering feelings sa ex nitong hindi naman pala ex-girlfriend kung hindi ex-fiancee pa nito?
"Well, hindi mo naman kailangang magpaliwanag sakin." Nagkibit-balikat siya upang ipakitang hindi siya apektado kahit pa hindi na niya maikaila sa sariling may munting kirot na sa dibdib niya. Tumalikod na lamang siya upang hindi nito mahalata iyon saka bahagyang nauna na sa paglalakad. "Nagtatanong lang naman ako."
Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya bagaman hindi naman ito umiimik. Tuloy ay natagpuan niya ang sarling muling nagsasalita upang punan ang katahimikan sa pagitan nila.
"But you know you should take care of your lingering feelings before you start hitting on other girls. Because , they might fall for you while you were still holding torch for your ex." She found herself blabbering. Ngunit dahil nasimulan na niya ay hindi na niya magawang tigilan ang pagsasalita. Nagsimula siyang umakyat sa hagdang papasok sa inn. "Pwede ka kasing, alam mo 'yon, makasakit---"
Natigil ang pagmu-monologue niya nang maramdaman niya ang pagpigil sa braso niya. And before another word was out of her mouth, she found herself facing Josh who was standing a step below her. Ngunit dahil matangkad ito nang di hamak sa kanya ay mas mataas pa rin ito sa kanya. NApabend pa siyang palikod nang ilapit nito ang mukha sa kanya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.
"B-bakit?" kandautal na tanong niya. Kaunting lapit pa nito sa kanya ay sigurong matutumba na siyang patalikod.
"Anong sinasabi mo?"
"Ha? Ah.. eh .. ano..." ano na nga ulit ang sinasabi niya? Hindi siya makapag-isip ng matino dahil nakabalandra ang gwapong mukha nito sa line of view niya.
"Listen to me. Hindi ako nakikipaglapit sa'yo para maka-move on sa ex-fiancee ko. I am with you because I wanted to. And I intend to keep you in my life even after this Sagada trip, you understand?" seryosong sabi nito.
"O-okay." Ang tanging naisagot niya kasabay ng pagtango. Ni hindi na niya magawa pang kumpirmahin kung tama nga ba ang dinig niya sa sinabi nito.
"Good. And one more thing." Sabi nito. And without saying anything more, he placed his hand on top of her head, holding it in place. Pagkatapos niyon ay walang sabi-sabing lumapit ang mga labi nito sa mga labi niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito kasabay ng pagkabog ng dibdib niya. Ngunit saglit lamang siyang natigilan dahil nang palalimin nito ang halik ay natagpuan niya ang sariling tumutugon sa halik nito.
Just like the last time.
Teka, last time? Saan nanggaling iyon? Ngunit hindi naman niya maikakailang pamilyar sa kanya ang pakiramdam ng mga labi nito. Maybe from earlier that day when he kissed her at her forehead? Pero pwede ba iyon? Eh hindi naman siya sa noo hinahalikan nito ngayon kaya paanong magiging pamilyar.
Ngunit pamilyar talaga ang pakiramdam na iyon. Na parang nagawa na nila iyon noon. Na napakaimposible naman. Gulong gulo na ang isip niya ngunit ang puso niya ay parang kinikilala ito at ang halik na iyon.
Nang sa wakas ay pakawalan nila ang isa't isa ay humihingal na silang pareho. Gayunpaman ay natagpuan nila ang mga sariling nagkakatitigan. Walang umimik kaagad at nakuntento sa katahimikan ng paligid habang pinagsasawa ang tingin sa isa't isa.
Maya maya pa ay muli nitong inilapit ang mukha sa kanya. Ngunit sa halip na muli siyang halikan ay dumiretso ang mga labi nito malapit sa kanang tainga niya. She shivered when she felt his warm breath against her ears and part of her neck.
"And please..." bulong nito sa mababang tinig. "Will you just remember me now? It's hurting my pride already." Sabi nito bago siya binitawan at nauna nang pumasok sa loob ng inn.
Naiwan siyang nakatanga ng ilang sandali sa hagdan. Pilit iniisip kung tama ba siya ng dinig sa sinabi nito. Ngunit kahit anong isip niya ay pilit pa ring nagsusumisik ang kaganapan kanina-kanina lamang sa inaagiw niyang isipan. She unconsciously placed her fingers over her still throbbing lips.
She was not dreaming, wasn't she?