NALUNGKOT nang bahagya si Maki nang matapos na ang recording nila. Paano ay hindi na niya madalas makikita si John Robert.
Isang araw ay may pictorial sila sa La Mesa Eco Park para sa cover ng kanilang album. Ang album nila sa Sounds ang pinakakakaiba sa lahat ng mga naging album nila. May isasama roong photo collection at footage ng ilang rehearsals at provincial tours nila. Ang alam niya ay may ilang behind-the-scenes din ang music video nila na hindi pa nashu-shoot.
"Ang sarap mong ayusan," ani Abbie, ang stylist niya. Tinutulungan siya nitong isuot ang gown niya. It was a Victorian gown.
Fairy tale ang concept ng album cover. She was the princess and the guys were the princes.
"Ang ganda-ganda mo," dagdag nito. "Dapat lagi kang nag-aayos."
Kahit siya ay nagandahan sa kanyang sarili nang makita niya ang repleksiyon niya sa salamin. Bagay na bagay sa kanya ang gown. Pati ang buhok at makeup niya ay perpekto. Mukha talaga siyang dilag na galing mula sa Victorian era.
"Kaninong concept ba ito? Hindi ako sanay, eh. Sa mga dating albums namin, rocker na rocker ang labas namin. Baka manibago ang mga fans namin," aniya habang binibistahang maigi ang ayos niya.
"This is change, honey. At bagay na bagay sa inyo. Maraming mga babae ang mai-in love sa mga lalaki. I just saw them. Yummy," malanding sabi nito na ikinatawa niya.
As if on cue, the guys entered her dressing room. Napanganga siya. They all looked gorgeous. Nasanay lang siguro siyang nakikitang simpleng T-shirt at jeans lamang ang suot ng mga ito. They were dressed formally now. Mga magagandang suits ang suot ng mga ito. Their hair were done artfully. They were gorgeous from head to toe.
"I don't know what to say," she said, still gaping at them.
"It's itchy," reklamo ni TQ. Lukot na lukot ang mukha nito, halatang hindi ito sanay sa mga ganoong uri ng kasuotan. "Bakit may ruffles ang akin? Do we really have to wear this?"
"Be careful with those," sabi ni Abbie rito. "Mahal ang mga `yan. At marami pa kayong isusuot. Unang bihis pa lang `yan."
Lalong nalukot ang mga mukha ng mga ito.
Natawa siya. "We look good," aniya.
"Music album ang ilalabas natin, hindi photo album," ani David.
"We all agreed to this, right?" sabi ni Clinton sa mga ito. "So, stop complaining."
Mayamaya pa ay nagsimula na sila. Nakinig sila sa mga instructions ng photographer. Ginawa nila ang mga nais nito. Nagpapalit-palit sila ng mga damit. Lahat ay magaganda.
Sobrang nag-enjoy siya. She enjoyed being beautiful.
Nagkaroon din sila ng kanya-kanyang maraming solo shots, kasama ang mga instrumento nila. She also had a few shots with the violin and a grand piano.
Sigurado siyang magiging maganda ang kalalabasan ng mga larawan. She hoped John Robert would like it.
NAPANGITI nang maluwang si Maki nang makita niya si John Robert. Katatapos lang ng shooting ng isang music video nila. Kaagad na nilapitan niya ito. She missed him so much. Ilang araw din niya itong hindi nakita dahil abala sila.
"Hi," bati niya rito.
Isang magandang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Dinner?"
Nilingon niya ang mga kasama niya. Nais niyang makasama si John Robert sa isang hapunan ngunit ayaw rin naman niyang iwan ang mga kuya niya.
Tinapik ni Clinton sa balikat si John Robert. "Take care of our sister. Bring her home safely. We'll have dinner with the staff. See you at home, Maki."
"Magpapalit lang ako," aniya kay John Robert nang umalis na ang mga kabanda niya. She was still wearing her black lacey corset and long skirt.
"Take your time," anito.
Nang makasalubong niya si Abbie ay kaagad niya itong hinila papasok sa dressing room niya. "I have a date," aniya rito nang maisara ang pinto. "Ano ba ang magandang isuot?"
Ngumisi ito. "Look at yourself. You're glowing, girl. Ngayon alam ko na kung bakit lalo kang gumaganda."
"Stop teasing. Dress me up and hurry. Make sure I'll be the loveliest of all."
"Yes, Madame."
Hindi na nito pinahubad sa kanya ang itim na corset. Tinanggal lamang nito ang skirt niya at pinalitan iyon ng skinny jeans. She donned a knee-length boots. Inilugay lang nito ang buhok niya at ni-retouch ang makeup niya.
Natuwa siya nang tila magustuhan ni John Robert ang ayos niya. "You look..."
"Lovely?" she supplied.
"Hot," he said, grinning. "And lovely."
"Thanks. Let's go?"
Tumango ito.
He brought her to a restaurant with private rooms. It had a huge glass window. Kitang-kita ang ganda ng mga ilaw sa siyudad.
"I saw the pictures for the album. Lovely. Exquisite," ani John Robert pagkatapos kunin ng waiter ang mga order nila. "`Love it."
"Really?" Tuwang-tuwa siya. "The photographers were great."
"You are just too lovely. The cameras loved you."
"Apat kami sa grupo, Rob. The guys were just as great-looking. At lagi mo na lang sinasabi na 'lovely' ako. Baka maniwala na ako."
"Did you ever come to a point where you felt something special for one of the guys? Nagkaroon ka ba ng crush sa isa sa mga kagrupo mo?" seryosong tanong nito.
Bahagya siyang natawa. "They're like my brothers. Talagang magkakapatid lang ang turing namin sa isa't isa."
He looked relieved.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. "Are you... are you thinking that...?" Hindi niya maituloy ang kanyang nais sabihin. Hindi rin naman niya alam kung ano ang eksaktong salita na gagamitin niya. Iniisip ba nito na maaaring may gusto siya sa isa sa mga kagrupo niya? It was absurd. She never saw them that way.
"Hindi rin naman malabong mangyari iyon. Hindi naman kayo talagang magkakapatid. You are so lovely. Pupusta ako, may crush sa `yo ang isa sa mga kagrupo mo."
"You're being absurd and senseless, Rob."
"No, I'm not." Inabot nito ang kamay niya at pinisil iyon. "Huwag kang magkakagusto sa kanila, ha?"
Bago pa man siya makatugon ay nakarinig sila ng katok. Hindi naglipat-sandali ay pumasok ang mga waiter, dala ang mga pagkain nila. Maraming pagkaing in-order si John Robert.
"`Kain na tayo," sabi na lang niya.
Nagbibiruan sila habang kumakain. Hindi na siya nahiyang kumain nang marami. Nagutom siya nang husto sa shooting. Nang maihain ang dessert ay tumayo muna siya at tumanaw sa labas ng bintana. Napakaganda ng gabi.
Naramdaman niyang tumayo sa likuran niya si John Robert.
"I have a confession to make," anito habang hinahawakan ang kamay niya. Marahan siyang napasinghap nang hagkan nito iyon. "Crush na crush kita noon," anito habang sinasalubong ang mga mata niya. She saw admiration in his eyes.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula rito. Totoo ba ang sinabi nito? Kung totoo man iyon, bakit mas madalas nitong kasama ang ate niya noon?
"I... I d-don't believe you," aniya. Nag-iwas siya ng tingin. "It's Ate Kristina that you like. You gave her flowers. You even sang for her."
"It's really you. Parang idinadahilan ko lang ang ate mo noon para makabisita ako sa inyo nang madalas. Nahihiya kasi ako sa `yo noon."
Hindi pa rin niya magawang maniwala. Bakit hindi man lang niya nahalata iyon noon? Palagi siyang nakatingin dito noon. Malinaw sa alaala niya, ang mga mata nito ay palaging nasa kapatid niya. Hindi ito tumitingin sa kanya.
He cupped her face. "You captivated me since the very first time I saw you play the piano. Hindi na nawala sa isip ko ang image mong iyon. Maraming beses na lihim kitang pinapanood tuwing tumutugtog ka. Pakiramdam ko noon, ako ang tinutugtugan mo. My heart would glow every time."
"Rob..." Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin niya rito. Pakiramdam niya ay magandang panaginip lamang ang lahat at ayaw muna niyang magising.
He dropped a kiss on her forehead. "Nang makita uli kita, pakiramdam ko ay nagbalik ako sa nakaraan. You still have the same effect on me, you know. You never fail to amaze and captivate my heart. Nitong mga araw na kasama kita, masayang-masaya ako. Hindi ka nawawala sa isip ko. Hindi ako mapakali tuwing hindi kita nakikita at nakakasama."
Napapikit siya nang hagkan nito ang ilong niya. "You are the loveliest girl on earth, Mary Kirsten. Ayoko nang magpakatorpe uli tulad noon. Ayoko nang ilihim ang lahat." Iyon lamang at inangkin nito ang mga labi niya.
Muli siyang napapikit. She couldn't describe what she was feeling that moment. Pakiramdam niya ay lumulutang siya. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. It felt like everything was beautiful. Punong-puno ng kaligayahan ang puso niya. Ganoon na ganoon siguro ang pakiramdam ng taong high.
Tumugon siya sa halik nito. It was her first kiss and it felt awesome. She was also glad it was John Robert who gave her her first kiss.
Bumaba ang mga braso nito sa baywang niya at hinapit siya palapit dito. Pumaikot sa leeg nito ang mga braso niya.
She loved him. Oh, God, she was in love with John Robert! Natuwa siya sa realisasyong iyon. Siguro, minahal na niya ito noon pa man at itinago lamang niya sa pinakasulok na bahagi ng puso niya. Wala siyang hinangaang lalaki katulad ng naging paghanga niya rito. It was just him from the very start.
Masuyong nginitian siya nito pagkatapos nitong pakawalan ang mga labi niya. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi bago nahihiyang sinuklian ang ngiti nito. Ayaw niyang magsalita sa takot na masira ang mahikang tila nakapalibot sa kanila kung magsasalita siya.
Ang alam lang niya, iyon na ang pinakamasayang gabi sa buhay niya. The night was so perfect for them.