Chapter 15 - Chapter Two

TAHIMIK na pinanonood ni John Robert ang isang music video ng Stray Puppies, ang bandang kinabi-bilangan ni Kirsten. Gabi na ngunit nasa opisina pa rin siya. Hawak-hawak niya ang kontrata na pipirmahan ng banda bukas.

He sighed. Pinindot niya ang Pause button ng remote control. Inilapag niya ang kontrata sa coffee table. Tinitigan niya ang mukha ng lead vocalist. She was very lovely. She was labeled as the "Rock Star Princess" of the country. Signature nito ang pagsusuot ng itim na dress, Chuck Taylors, at heavy eye makeup. She was the loveliest when she sang while strumming her guitar.

Bumuntong-hininga siya, kapagkuwan ay sumandal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan ang pinili nito. Why did she turn her back on the piano and became a member of a pop-rock band instead? Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit apektado pa rin siya ng naging choice nito noon. It had been ages. Dapat ay nalimot at natanggap na niya iyon.

Hindi lamang simpleng disappointment ang nadama niya nang umalis si Kirsten. Pakiramdam niya ay may inagaw sa kanyang napakahalagang bagay. Nagtampo pa siya rito.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon katindi ang nadama niya noon. Hindi naman sila ganoon ka-close noon. Ni hindi nga sila masasabing magkaibigan. Madalang pa sa patak ng ulan sa tag-init kung mag-usap sila.

Siguro ay dahil maraming pagkakataon na lihim niyang pinanonood ito na tumutugtog ng piano. She was amazing. Napakaganda ng musikang nililikha ng mga kamay nito. Up until now, he could still clearly see how magnificent she was with the piano.

He pushed the Play button. Muling pumailanlang ang magandang tinig ni Kirsten sa buong opisina. Her voice was very powerful. Hindi niya alam na maganda rin pala ang tinig nito.

She was a good singer but he liked her better as a pianist.

Stray Puppies was a great band. Isa iyon sa mga kakaunting pop-rock band na nagtagal sa music industry. The band even maintained its popularity. Noong pinalitan ni Kirsten ang original lead vocalist, nanibago ang mga fans ng grupo. Noong una ay tila ayaw tanggapin ng mga ito na babae ang bagong vocalist. Ngunit nang lumaon, nakasanayan na rin ng mga itong nakikita si Kirsten. Unti-unti, minahal ng mga ito ang magandang tinig nito. Dumami pang lalo ang fans ng grupo.

Tinitigan niya si Kirsten sa TV screen. He didn't like it. He never liked her as a rock star. Mas gusto niya ang Kirsten noon—iyong walang heavy eye makeup, maganda at makulay ang bestidang suot, maganda lagi ang sandalyas sa mga paa, at tumutugtog ng piano.

Ang totoo ay blessing in disguise na nagkaroon ng problema ang Stray Puppies sa dating recording company ng mga ito. Balak na talaga niyang sulutin ang mga ito noon pa. If he would set aside his personal business, Stray Puppies would bring Sounds a lot of money.

The band's album sales could still go higher if its former company only knew what to do. Kulang ang mga ito ng promotions. Kulang ng mga gimik at "gulat" factor.

Ngunit kaya niyang isantabi ang pera sa pagkakataong iyon. May mga bagay na mas mahalaga kaysa sa pera. Alam niya, kapag nagawa niya ang bagay na iyon, matatahimik na siya. Kailangan niyang maibalik ang isang tao sa dapat nitong kalagyan.

Nang tumunog ang cell phone niyang nasa coffee table ay kaagad na sinagot niya iyon.

"Uncle Juan," bungad niya.

"Are they going to sign?" tanong kaagad nito.

He smiled. "No doubt about it. Sounds is their best option as of now."

"Good. I owe you big, Rob."

"You don't owe me anything, Uncle Juan." Gusto rin naman niyang gawin iyon nang sa ganoon ay matahimik na siya.

Bumuntong-hininga ito. "I miss my daughter terribly, Rob. Hindi siya kailanman magiging bagay sa bandang iyon. She could soar higher. She could conquer the whole world with her talent in the piano. She's my daughter!"

His sentiments exactly.

Nagpaalam na ito sa kanya bago pa man niya masabi rito na ganoon din ang iniisip niya. Paglapag niya ng kanyang cell phone ay siya namang pagpasok ni Maken sa opisina niya. Umupo ito sa sofa at nakinood sa kanya.

"Whenever I see her do that, I feel like I want to fall in love with her," anito habang nakatingin sa screen ng telebisyon.

Napangiti siya. He had to agree with his friend. Kirsten moved like a rock star on stage. She would bang her head then her beautiful black hair would sway beautifully. There was grace in her every move kahit pa madalas ay tila gigil na gigil ito sa pagkalabit ng gitara. Alam niyang marami ang naiinggit sa gracefulness nito habang kumakanta. Only Kirsten could look that graceful while singing a rock song.

"I didn't know you have a crush on her," aniya sa kanyang kaibigan.

"Terribly huge crush," Maken amended. Dinampot nito ang remote control at inumpisahan uli ang palabas.

"Kaya pala ang saya mo nang sabihin ko sa `yong papipirmahin ko sila ng exclusive contract."

"I love you so much for that, Rob," anito, hindi tumitingin sa kanya. "I'm excited to write songs for her. She has the most amazing voice. Versatile. She could basically sing anything—rock, pop, RnB, ballad, and rap. She can even beatbox."

He heard about that, too. Napanood niya sa YouTube ang beatboxing nito. Magaling ito ngunit mas nais pa rin niyang tumutugtog ito ng piano.

"Their group is even amazing," pagpapatuloy ni Maken. "They stick together. Hindi sila nagkahiwa-hiwalay kahit na namaalam na ang isa. They've always been a team."

Tama ito. Kung may isang bagay siyang pinakahinahangaan sa Stray Puppies, iyon ay ang pambihirang teamwork na ipinapakita ng mga ito. Walang laglagan sa mga ito. Sa hirap at saya, magkakasama ang mga ito.

He and Maken came from a boy band called "Lollipop Boys." Nasa rurok sila ng tagumpay nang magpasya silang maghiwa-hiwalay. Choice nilang lahat iyon. Hindi sila nagkaroon ng away o tampuhan.

One of their group member, Vann Allen, had an offer to be an international star. Noong una ay sinabi nitong hindi nito gustong iwan ang grupo nila. But it was a once in a lifetime opportunity and he had to grab it.

Sinabi niya rito ang totoong nadarama niya. Sinabi niyang hindi na siya komportable sa limelight. Nawala na ang sayang dating nadarama niya. Nawalan na siya ng privacy. Bawat galaw niya ay pinanonood ng mga tao. Ayaw na niya ng ganoong buhay. Ayaw niyang tila nasa ilalim siya ng magnifying glass palagi. Gusto niyang magkaroon ng panahon sa ibang mga bagay. He told the group that he wanted a simplier life. Ayaw na niyang maging celebrity.

Ganoon din pala ang nadarama ni Mark Kenneth, o "Maken." He just wanted to write songs. Pagod na raw ito sa kasikatan. Nais nitong magtrabaho backstage. Mas sasaya raw ito roon.

So Vann Allen accepted the offer. Naging successful naman ito sa ibang bansa. Sikat na sikat na ito sa buong mundo ngayon. He was the most successful Filipino singer who penetrated the music industry abroad.

Ang kabanda rin nilang si Paul Vincent ay napunta sa show business. He was a multi-awarded actor. He was very good at what he was doing. Nakikita rin naman niyang masaya ito sa kinaroroonan nito ngayon.

At first, Nicholas took over his family business. Yumaman lang ito nang yumaman. Ito ang Lollipop Boy na talagang lumihis ng daan sa music industry.

Maken was now a songwriter. Marami na itong napasikat na kanta. He was also happy and contented on what he was doing.

Siya naman ay itinatag ang Sounds. Mahirap noong una ngunit nakaya naman niyang palaguin iyon. As of now, Sounds had the most modern recording facilities in the country. Hindi basta-basta ang mga music artists na nakakontrata sa kompanya niya. Gaya ng ibang Lollipop Boys, masaya at kontento na siya sa buhay niya.

"I'm excited to see her in person again," aniya na ang tinutukoy ay si Kirsten.

"Me, too," tugon ni Maken.

HINDI alam ni Maki kung tama ang kanyang suot. Pakiramdam niya, dapat ay isang magandang bestida ang pinili niya. Simpleng red at blue plaid shirt, skinny jeans, at boots ang suot niya. Nakalugay lamang ang kanyang buhok.

Sa araw na iyon niya makikita uli si John Robert. Patungo na sila sa conference room ng Sounds upang pumirma ng kontrata.

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya sa meeting na iyon. Hindi rin niya alam kung bakit conscious na conscious siya sa kanyang hitsura. Walang dahilan upang kabahan siya. Tatay Eustace assured them that Sounds would be fair to them. May tiwala rin siya kay John Robert.

Wala pa si John Robert pagpasok nila sa conference room. Hindi naman nagtagal ang paghihintay nila rito. Nakangiting pumasok ito sa silid. She was starstrucked. Napalunok siya nang sunod-sunod pagkakita rito. Kung guwapo ito noon, lalong gumuwapo ito ngayon. Ang dating mahabang buhok nito ay clean-cut na ngayon. He still possessed the same smile, but he looked manlier. Dati ay boyish na boyish ang hitsura nito.

Dumako ang tingin nito sa kanya. Lumapad ang ngiti nito. She swore, her heart stopped beating for a short while because of that charming smile. Alam niya, napatulala siya rito. Kung hindi pa siya pasimpleng siniko ni TQ sa tagiliran ay hindi pa siya makakabalik sa tamang huwisyo.

Binigyan niya ito ng matipid na ngiti bago siya nag-iwas ng tingin.

They went down to business. Ito at si Tatay Eustace ang madalas na mag-usap, nakikinig lamang sila. Gusto niya ang mga plano ng Sounds para sa banda nila. Mukhang kasundo na kaagad ni Tatay Eustace si John Robert.

Halos hindi niya namalayang tapos na ang usapan. Binasa niyang mabuti ang nilalaman ng kontrata bago niya iyon pinirmahan.

Tumayo na sila nang magpaalam na si Tatay Eustace kay John Robert.

"Kirsten," tawag ni John Robert sa kanya bago pa man siya makalabas ng pintuan.

Nilingon niya ito. "Yes?"

"Can you stay? It's been so long since the last time we talked. Gusto lang kitang kumustahin," anito habang nakangiti.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Nais niyang sabihin dito na hindi naman sila ganoon ka-close noon upang magkumustahan pa sila ngayon. But she knew that would be so rude of her.

"Stay," ani Tatay Eustace sa kanya. "Alam kong magkababata kayo. Magkuwentuhan muna kayo at magkumustahan. Ipapasundo na lang kita sa driver mamaya."

Wala siyang nagawa kundi tumango. Lumabas na ang mga ito.

Napatingin siya kay John Robert. Naroon pa rin ang ngiti sa mga labi nito. Bumalik siya sa kinauupuan niya. Nag-utos si John Robert sa sekretarya nito na dalhan sila ng kape.

"Tea," aniya bago makaalis ang sekretarya. "I don't drink coffee."

"Bring her tea," anito sa sekretarya, kapagkuwan ay bumaling ito sa kanya. "Kumusta ka na?" tanong nito nang makaalis na ang sekretarya.

Nagkibit-balikat siya. "Okay lang. Ikaw?"

"Okay lang din. Life's good to us."

"True," simpleng tugon niya.

"You look... lovely."

Nag-init ang magkabilang pisngi niya. Nais niyang pagalitan ang kanyang sarili. Hindi na niya mabilang ang mga taong nagsabi niyon sa kanya. Pero hindi siya naapektuhan nang ganoon. Alam niyang malaki ang iginanda niya mula noong teenager siya. Hindi na siya patpatin ngayon. Nasanay na siya sa mga papuri ng ibang mga tao. Ano ang kaibahan ni John Robert?

"Y-you, t-too," nauutal na balik niya.

He grinned. "I look lovely?" amused na tanong nito habang tumatayo. Umupo ito sa silyang katabi niya.

"No! I mean, gorgeous. You look gorgeous, Rob." Nginitian niya ito. If she would be very honest, he was more than gorgeous. He was a god.

Tila nagsayaw sa kaligayahan ang mga mata nito. "Really?"

Tumango siya. "Really."

His eyes turned soft while looking at her. Natigilan siya at napatitig sa mga mata nito. "I missed you."

Bahagya siyang nahimasmasan. "We were not that close, Rob. Si Ate Kristina ang lagi mong kasama, ang lagi mong binibisita sa bahay."

"I missed you still. Mula nang umalis ka sa inyo ay hindi na kita narinig na tumugtog ng piano. I missed it."

Dismayadong-dismayado siya. Hindi talaga siya ang na-miss nito kundi ang babaeng tumutugtog ng piano. Hindi siya bilang si Maki.

"You're my piano girl, did you know that?" wika nito.

"I'm not the piano girl anymore," malungkot na saad niya. She made her choice a long time ago.

Tumango ito. "I'm glad we're working together now. Mas madalas na tayong magkikita. Baka ngayon ay mas maging malapit na tayo sa isa't isa."

"How's Papa?" hindi niya napigilang itanong. "And Ate and Tita Freya?"

"They're great. Nagtatrabaho sa isang music academy si Uncle Juan. Kristina manages the family business."

Natutuwa siyang malaman na maayos ang ama niya at pamilya nito. Natutuwa siyang makita uli si John Robert.