"DAMN it. Damn it. Damn it!" hiyaw ni Enteng. Gustong-gusto na niyang magwala, nagpipigil lang siya. He was all over the news. Front page pa ng isang showbiz tabloid ang larawan nila ni Isabela na naghahalikan.
Hindi niya mahagilap si Jillian. Pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng lahat. Tila galit sa kanya ang manager niya na ayaw makinig ng paliwanag. Ayaw nitong sabihin kung nasaan si Jillian. Hindi niya alam kung bakit naging unfair ito at ayaw nang pakinggan ang kuwento niya. Pareho silang alaga nito. Dapat ay pinakikinggan nito ang dalawang panig. Hindi iyong kumampi na agad ito kay Jillian.
Kahit ang assistant at driver ni Jillian ay tikom ang mga bibig. Inis na inis na siya sa kanyang sitwasyon.
Wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Ayaw niyang pakinggan ang mga opinyon o komento ng iba—maganda man iyon o pangit. Ang pinakaimportante para sa kanya ngayon ay sila ni Jillian. Hindi naman siya tanga upang hayaan lamang itong mawala sa kanya nang ganoon na lang. Hindi niya hahayaang masira ang relasyon nila nang dahil lang sa mga mapanirang salita at larawan.
Ang matinding ikinatatampo niya, bakit ito nagpaapekto sa mga ganoon? Bakit hindi ito lumapit sa kanya at tinanong kung ano ang talagang nangyari? Hindi na sana sila naghahanapan ngayon.
The pictures were real. Iba lang ang naging interpretasyon ng mga tao. Hindi niya kasalanan ang lahat.
Nasa isang tahimik na exclusive bar sila ni Maken nang gabing makuhanan sila ni Isabela ng mga larawan. Dumating si Isabela at nilapitan sila. He figured it was his chance to talk to her about all the issues that concerned them.
"Isabela, please stop all the drama. Mas maganda kung tahimik tayong lahat. Alam na alam mo na hindi tayo kailanman nagkaroon ng romantikong relasyon. Jillian is very affected already. Ako na ang nakikiusap sa `yo. Please, stop."
"I'm only doing this because I love you. I can't give you up that easy."
"I don't love you. I'm sorry to be brutal but that's the truth. Alam mo na mula sa umpisa `yan."
Nakita niya kung paano bumalatay ang sakit sa mukha nito. "And you love her?"
"Yes. I have always been in love with her. Siya lang ang gusto ko. Hindi na magbabago `yon."
"Liar. You're just saying that. Kung mahal mo talaga siya, ipangangalandakan mo."
"And let those people ruin us? Matagal na ako sa industriyang ito. Alam ko na ang pasikot-sikot."
"Hindi ka magiging masaya sa kanya."
"Matagal na akong masaya sa kanya."
"Liar!"
Sa gulat niya ay bigla na lamang itong lumapit sa kanya at inangkin ang mga labi niya. Agad na itinulak niya ito palayo.
"You're pathetic, Isabela." Umalis na siya pagkasabi niya niyon.
Hindi niya alam na nakunan sila ng larawan. Hindi rin niya balak itago kay Jillian ang buong pangyayari. Hindi lang niya sinabi nang magtanong ito dahil ayaw niyang sabihin ang bagay na iyon sa telepono.
At ngayon ay hindi niya alam kung nasaan ito.
"Damn it!"
"Stop swearing," naiiritang saway ni Nick sa kanya. "Kanina pa nakukulili ang tainga ko sa `yo. Wala namang mangyayari diyan sa ginagawa mo."
"Damn it!"
"Isa pang 'damn it,' ibabato na kita sa bintana," sabi ni Maken.
Damn it. Kasama niya ang mga kaibigan niya sa unit niya. Nagpapatulong na siya sa mga ito upang mas mapadali ang paghahanap niya kay Jillian. He also needed his friends for support. Si Maken ay handang-handang tumestigo para sa kanya. Ang kailangan lang ay mahanap niya si Jillian.
Nagtaka siya nang biglang may nag-doorbell. Wala naman siyang inaasahang bisita.
Kunot na kunot ang noo niya nang mapagbuksan ang isang lalaking nerd na nerd ang hitsura at suot. Medyo overacting nga ang ayos nito. Tila sinadya para sa isang pelikula. "Do I know you?" tanong niya rito.
He laughed. He immediately recognized the familiar crisp laughter. Natatawang sinuntok niya ang dibdib nito. "Damn you, Vann!"
Natatawang pumasok ito sa unit niya. Tuwang-tuwa silang magkakaibigan pagkakita rito. Kahit na hindi pa ito international artist ay mahilig na talaga itong mag-disguise upang hindi makilala ng mga tao.
Sandali niyang nalimutan ang problema niya. Bihirang umuwi si Vann sa Pilipinas. Minsan ay pasekreto tulad ngayon. Piling-pili lang ang mga taong nakakaalam ng pag-uwi nito nang pasekreto.
"How's Jillian?" tanong nito sa kanya.
Bumuntong-hininga siya. Si Maken ang nagkuwento rito ng buong pangyayari.
Umiling si Vann. "Wala talaga kayong creativity kahit na kailan. Ang daga, lalabas sa pinagtataguan kapag nalaman niyang patay na ang pusa."
"What do you mean?" tanong niya.
"Pahiram ng cell phone, Rob."
Ibinigay kaagad ni Rob rito ang cell phone nito. Nakibasa rin ito sa binubuong text message ni Vann. Hindi nagtagal ay inabot nito ang Yellow Pages sa tabi ng phone niya at binuklat.
"Ano'ng hinahanap mo?" nagtatakang tanong niya. Ano ang plano ni Vann?
"Punerarya," sagot ni Rob.
Natawa nang malakas si Vann. Lalo siyang naguluhan sa balak gawin ng mga ito.
"HANGGANG kailan mo balak magmukmok, ha, Jillian?"
Ibinaon ni Jillian ang mukha niya sa unan. Alas-nuwebe na nang umaga ngunit nasa kama pa rin siya. Tinatamad siyang bumangon. Ang mama niya ay hinawi ang kurtina ng malaking bintana sa kuwarto niya. Nang hindi pa rin siya gumalaw sa pagkakahiga ay tinanggal nito ang kumot niya.
Naiinis na bumangon siya. "Mama, gusto ko pang matulog. Hindi naman ako nagmumukmok, eh. Nagpapahinga ako nang bonggang-bongga."
"Eh, ba't laging mugto `yang mga mata mo kung nagpapahinga ka nga nang bonggang-bongga?" anito sa naghahamong tinig.
Nagbaba siya ng tingin. Walang alam ang mga ito sa totoong dahilan ng pagbabakasyon niya nang biglaan. Basta ang sabi niya ay nais niyang magpahinga. Hiniling din niyang huwag magbubukas ang mga ito ng telebisyon kapag nasa malapit lang siya. Hiniling din niyang huwag munang mag-usap ang mga ito ng kahit anong tungkol sa show business.
Tinabihan siya ng kanyang ina sa pagkakaupo sa kanyang kama. Hinaplos nito ang buhok niya. "Akala mo ba hindi namin alam kung bakit ka nandito? Bigla ka na lang dumating pagkatapos kumalat ng mga pictures nina Enteng at Isabela na naghahalikan."
Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na naglalabas ng hinaing dito. Ikinuwento niya rito ang lahat.
"Bakit hindi mo siya kausapin para malinaw ang lahat?" anito pagkatapos niyang magkuwento. "Give him a chance to air his side. Malay mo naman, may dahilan kung bakit nangyari. Pictures can tell many stories. Baka hindi sinasadya, anak. Matagal mo nang kilala si Enteng. Alam nating pareho na mabuti siyang tao."
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Tama ang kanyang ina. Nagpadala kaagad siya sa silakbo ng damdamin niya. Hindi muna niya pinakinggan ang paliwanag ni Enteng. Alam naman niya kung gaano katuso si Isabela. Baka gawa-gawa lamang nito ang lahat. Baka sinadya nito iyon upang masira nito ang relasyon nila ni Enteng. Siya namang si ewan, nagpaapekto nang husto. Kung tutuusin ay mga litrato lamang iyon.
Naluha siya sa matinding pagsisisi. "How could I not trust him, `Ma?"
"Hindi pa naman huli ang lahat, anak. Tawagan mo siya upang magkaayos kayo. Everything would be okay."
Sasagot sana siya nang bigla niyang marinig ang tili ni Jeryl, ang nag-iisang kapatid niya. She was seventeen years old. Nahirapan sa pagbubuntis noon ang mama niya kaya malaki ang agwat nila sa edad. Bago pa siya makapag-react sa tili nito ay pabalandrang binuksan nito ang pinto ng kuwarto niya. Dala-dala nito ang pink laptop nito.
"Ate!" tili nito. "Patay na raw si Kuya Enteng!" Nanlalaki ang mga mata nito. Her sister looked so terrified.
She was horrified. She tried to rein her panic. Uso naman ang ganoon sa show business. Ipinagkakalat na patay na ang isang artista kahit na hindi pa. Ipinakita nito ang isang artikulo sa Internet. Ayon doon, may kumalat na text message mula kay John Robert na nasawi na si Enteng. Nagpakalasing daw ito nang sobra na walang kasama. He choked his own vomit.
Sa ibang pagkakataon ay matatawa siya roon. Ngunit kung galing ang balita mula kay Rob, maaaring totoo ang lahat.
Napahagulhol siya ng iyak. "No. This can't happen. Not Enteng. Oh, God, not him. Hindi puwede. Mama, tell me it's not true. Idedemanda ko ang sinumang nagpapakalat niyan. I swear!"
Niyakap siya ng kanyang mama. "Kumalma ka. Baka hindi totoo. Aalamin natin, okay? Ayusin mo ang sarili mo. Luluwas tayo."
Tila robot na sumunod siya. Pakiramdam niya ay sasabog siya anumang sandali. Hindi maaaring mawala sa kanya si Enteng. Napakarami pa niyang pangarap para sa kanila. Hindi pa ito puwedeng mamatay. Hindi pa sila nagpapakasal at nagkakaanak.
KAHIT anong pigil ni Jillian ay ayaw magpaawat ng mga luha niya sa pagpatak. Nasa van siya papunta sa puneraryang sinabi ni Rob na kinaroroonan daw ni Enteng. Gusto niyang magwala. Yakap-yakap siya ng kanyang ina. Hindi matuyo ang mga mata niya.
"I'm sorry, Jillian," ani Rob nang tawagan niya ito kanina. Sinabi nito ang address ng punerarya, pagkatapos ay tinapos na nito ang tawag.
Hirap na hirap siyang tanggaping wala na ang lalaking mahal na mahal niya. Ni hindi maganda ang naging paghihiwalay nila. Pakiramdam niya ay bibitiw na siya sa katinuan niya anumang sandali. Tila nais na rin niyang mamatay. Parang hindi niya kakayanin ang buhay na wala si Enteng.
Halos wala na siyang lakas nang makarating sila sa punerarya. Ang papa niya ang umalam kung nasaang bahagi si Enteng. Nagpaakay siya sa kanyang pamilya dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Sa nanlalabong mga mata, nakita niya sa labas ng isang pinto ang mga Lollipop Boys. Nagulat siya nang makitang kasama ng mga ito si Vann. Naroon din si Tita Angie. Pare-parehong nakayuko ang ulo ng mga ito.
"W-where i-is h-he?" she asked brokenly. Lalo siyang tumangis. "Is he r-really dead? Please tell me he's still alive. This is just a joke, right?"
"Pumasok ka sa loob, Jillian. Hinihintay ka na niya," sabi ni Rob.
Umiling siya. Hindi niya kayang makita na nasa loob ng isang kabaong si Enteng.
"Please, Jillian," ani Vann. Nakikiusap ang tinig nito. "Make our brother happy."
Nanghihinang hinawakan niya ang knob ng pinto. Kailangan niyang pumasok sa loob. Kailangan niyang makapagpaalam kay Enteng nang maayos. Kahit na gaano kasakit ay kailangan pa rin niyang gawin iyon.
Pumasok siya sa loob. May muling nagsara niyon pagpasok na pagpasok niya. Lalong lumakas ang iyak niya nang makita ang ayos ng loob. Nawalan ng lakas ang mga binti niya. Napasalampak siya sa sahig na punong-puno ng Sakura. Maraming bulaklak sa paligid. Pink lahat ang mga iyon.
"Enteng!" she cried.
"Yes?"
Nagulat siya. "Multo!" hiyaw niya.
Nasa harap niya si Enteng at nakatayo. Nakasuot ito ng puti mula ulo hanggang paa. "Minumulto mo na ako agad," aniya sa pagitan ng pag-iyak.
Dinig niya ang hagalpakan ng tawa ng Lollipop Boys sa labas. Bigla siyang natigil sa pagpalahaw ng iyak. Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mga mata.
Nilinga niya ang paligid. Marami ngang bulaklak ngunit hindi pampatay ang mga iyon. Napansin din niyang walang kabaong sa harap. At buhay na buhay ang Enteng na nasa harap niya. Pati ang ngiti nito ay buhay na buhay.
Hindi ito patay!
Nangangahulugan iyon na pinagkaisahan siyang lokohin ng Lollipop Boys. Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis siya. Hindi magandang biro iyon.
Umupo si Enteng sa tapat niya. Hinagkan nito ang mga labi niya. Ngayon ay talagang nakasisiguro na siyang buhay nga ito. She responded to his kiss hungrily.
"Will you let me explain now?" anito nang pakawalan nito ang mga labi niya.
Tumango siya.
Ipinaliwanag nito ang totoong nangyari nang gabing iyon. Bawat maliit na detalye ay ipinaliwanag nitong maigi.
Tama ang kanyang ina, dapat ay hinayaan muna niya itong magpaliwanag sa kanya. Hindi na sana nito naisip pa ang bagay na iyon, hindi na sana nagkagulo ang lahat.
Niyakap niya ito nang mahigpit. "I'm sorry. Pagod na pagod lang siguro ang isip at katawan ko noon. Umikli ang pisi ko. Madali akong naapektuhan kay Isabela. Pasensiya ka na kung hindi ako nagtiwala nang husto sa `yo. Pero dapat ay naisip mong sa Cagayan lang ako pupunta. Alam mo naman ang address do'n, `di ba? Hindi mo na dapat ako t-in-orture!" Humulagpos ang inis niya. Halos sakalin na niya ang leeg nito. "Hindi mo alam kung ano ang hirap na pinagdaanan ko. Buwisit ka!" Muling namasa ang kanyang mga mata nang maalala niya ang dinanas niya nang mga nakaraang oras. Now she knew what pure hell meant.
Hinagkan nito ang pisngi niya. "I'm sorry, too. Lumulutang siguro ang isip ko kaya hindi ko naisip na sa mga magulang mo lang ikaw pupunta. Sa susunod na mangyari ito, kausapin mo muna ako, ha? Magkakalinawan muna tayo, okay?"
"Talaga. Baka kung ano na naman ang maisip mong stunt, eh."
"It's not really my idea. It's Vann's idea."
"Lagot sa `kin mamaya ang apat na `yon. Dinaig pa ang pagiging best actor mo sa husay, ah."
He sighed. "Hindi ito ang unang pagkakataon na may sisira sa `tin, Jilli. Sana ay maging leksiyon sa atin `to."
"I'll trust you with all my heart, Enteng. I love you so much. Mula pa noon hanggang ngayon."
Kinintalan nito ng isang masuyong halik ang mga labi niya. "I love you, too. Will you marry me?"
Napasinghap siya nang malakas. Did she hear it right? Niyayaya siya nitong magpakasal? Bago pa man tumimo talaga sa isip niya ang sinabi nito ay may binuksan itong kahita at ipinakita sa kanya ang laman niyon. It was a very beautiful diamond ring.
"Enteng..."
"So, will you?"
"Yes! Yes! Yes!" She cupped his face with her hands, then kissed him deeply. Nang maghiwalay sila ay nasa daliri na niya ang singsing. It fitted perfectly.
"I want a very silent wedding," hiling niya.
"Got it!" sabi kaagad nito.
She smiled in satisfaction. Tama ito. Marami pang mga darating upang sirain sila at maaari silang masira kung hahayaan nila. Hindi na uli niya pagdududahan ang pag-ibig nito sa kanya. It was great that her husband-to-be was not just the love of her life, he also happened to be her soul mate and best friend.
Lumabi siya. "Mula noong kinse anyos ako, lagi kong ini-imagine kung paano ka magpo-propose sa akin. Typical candlelit dinner ba o may kasamang harana? Sa tubig ba, sa lupa, o sa himpapawid? Sa isla kaya na walang tao kundi tayo? Hindi kasali ang punerarya sa mga imahinasyon ko. It's sweet, nevertheless. Thank you for the effort, Enteng."
Natawa ito nang malakas.
Tinitigan niya ang kanyang singsing. She decided to just forgive the Lollipop Boys for that very horrible joke. Ikakasal naman na siya sa lalaking napakatagal niyang naging pangarap at mahal na mahal siya.
BELLE FELIZ
•••WAKAS •••