Chereads / Hey! Mr. Rebound! / Chapter 5 - Chapter 4. "How to move on?"

Chapter 5 - Chapter 4. "How to move on?"

Chapter 4. "How to move on?"

Xial's POV

"Bakit mo ba ako tinutulungan?" Seryosong tanong ni Jana sa akin. Nang mga oras na itanong niya sa akin iyon, para bang automatic na nag-flashback ang lahat sa isip ko. Ang isang pangyayari kaya ako ganito ngayon. Kaya hindi na ako nag-aabalang magmahal pa.

I was once like her. Apat na taon na ang nakakaraan. I was fooled by my girlfriend and my own bestfriend. Oo, tulad ng sitwasyon ni Jana, naranasan ko na ring maloko ng sarili kong bestfriend at ng girlfriend ko. Siguro dahil sa itsura ko kaya niya ako pinagpalit. Actually, mali pala dahil in the first place, ginamit niya lang pala ako dahil bestfriend ko ang sikat at ang tinitiliang si Harold Buenamente.

Nerd ako noon. Mahaba ang buhok at magulo. Nakasuot ng salamin na itim na may makapal na frame at mayroong brace sa ngipin. Pero kahit na ganon, bestfriend ko si Harold na sobra ko ring iniidolo noon sa basketball. Naging part din ako ng basketball team dahil sa kanya. Hanggang sa dumating si Jasmine. Noong una akala ko mali ang hinala kong may gusto siya kay Harold, hanggang sa ako na mismo ang makasaksi nang makita ko silang dalawa sa locker room ng mga varsity.

Hawak ko ang bola noon at naibagsak ko sa sobrang pagkabigla. Nilingon nila ng gulat na gulat.

"Xial?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jasmine.

"Bro, magpapaliwanag ako." Dagdag naman ni Harold. Pero hindi ko sila pinakinggan at tinalikuran ko lang sila.

Simula noong araw na 'yon. Nagdesisyon akong baguhin ang sarili ko. Lumipat din ako ng school. Ang isang nerd noon, isa ng playboy ngayon. I dated a lot of girls, pero ni isa sa kanila wala akong sineryoso. Laro lang, ang unang ma-fall siyang talo. Ay sa laro kung ito, ako ang game master dahil hinding-hindi ako matatalo.

Hanggang sa nakilala ko si Jana.

"Hoy!" Nagising ako sa pagkatulala ko nang makaramdam ako ng pagbatok sa ulo ko.

"Aray ko naman!" Angal ko at inis na tiningnan si Jana. "Ba't ka ba namamatok?" Bulyaw ko. Nakita ko namang ngumiwi siya at sinamaan ako ng tingin.

"Eh kasi tinatanong kita mukha ka namang baliw diyan na nakatulala." Irita niyang sabi saka ako iniwan. Sinundan ko lang siya ng tingin pabalik sa bahay nila. Habang tinatanaw ko siya palayo, natawa na lang ako habang umiiling-iling.

Jana's POV

Nakauwi na si Xial. Pasado alas-onse na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Binuksan ko ang laptop ko at tiningnan muna ang facebook ko. Pagbukas ko ng facebook ko, kung mamalasin ka nga naman, picture agad ni Sena at Julius ang unang-una sa newsfeed ko. Mariin akong napapikit sa inis.

"I-block ko kaya kayo?" Sigaw ko sa harap ng laptop ko. "Kainis!" Bulalas ko. Akmang ila-log out ko nang biglang may nag-pop up sa add person notification ko. Pagtingin ko kung sino. "Aba, in-add ako ng tukmol." Nakangiti kong sabi. In-accept ko si Xial. At ilang saglit lang nag-chat na siya.

Gian Xial Bustamante: Hi Pogi here! >:D

Thu At 11: 05 PM

Jana Dayne Encarnacion: Pogi ka diyan! -_-

Thu At 11: 05 PM

Seen

Gian Xial Bustamante: Hahaha ang sakit ng batok mo kanina ah :D

Thu At 11: 06 PM

"Di maka-get over?" Natatawa kong sabi.

Jana Dayne Encarnacion: Eh ikaw kasi para kang baliw. Di mo nga nasagot ang tanong ko e.

Thu At 11: 06 PM

Seen

Gian Xial Bustamante: Bukas sa school sasabihin ko sa'yo. :P

Thu At 11: 06 PM

"Bukas? May pasok pa pala kami." Tanong ko sa sarili ko. Oo nga pala last week na namin next week at bakasyon na.

Jana Dayne Encarnacion: Okay.

Thu At 11: 07 PM

Seen

Hinintay ko siyang magreply pero naging inactive na siya. Baka naman natulog na. Ni-log out ko na agad ang facebook ko at pinatay ang laptop saka natulog.

Kinabukasan. Nagtataka ako at panay ang lingon sa mga tao habang naglalakad sa hallway. Actually, simula pa kanina pagpasok ko sa gate, ramdam ko na ang pagtingin ng mga tao sa akin. Hindi ko naman maalalang artista ako, at higit sa lahat wala naman akong scandal. Ni hindi nga kami nag-ki-kiss ni Julius dati e.

Kunot-noo ko silang pinapakiramdaman hanggang sa marinig ko ang sinabi ng isa kong schoolmate.

"Siya nga, siya yung ex ni Julius. Ang sabi niloko niya raw si Julius." Nanglaki ang mata ko sa sinabi ng babae. Napahinto ako at natulala.

"Talaga? Ang landi niya! Si Julius pa talaga ang niloko niya ah?!" Gatong pa ng kasama niya.

"Yep! Buti na lang at naroon si Sena, para i-comfort si Julius. Ang kwento pa, dahil sa nangyari nagkakadevelop-an na sina Sena at Julius." Marahan kong naikuyom ang mga kamao ko. Ibang klase ka Sena.

Nagpatuloy ako sa paglakad papuntang classroom ko. Nang malapit na ako narinig ko na naman ang tilian ng mga babae. Ano na namang meron sa classroom ko? Dali-dali akong tumakbo sa classroom ko. Pagdating ko, isang malaking teddy bear stuff toy ang nasa desk ko habang may nakasabit na "For you, Jana Dayne" sa leeg ng teddy bear. Agad kong kinuha ang teddy bear at niyakap.

"Wow! Jana ang sweet naman ni Julius, kayo na ulit? Nakita namin sa fb na sila ni Sena ah." Tanong ni Abby. Ngumiti ako sa kanya.

"Siguro naayos ang isip niya at makikipagbalikan na siya." Saad ko. Napaling naman ako sa katabi kong upuan kung saan nakaupo si Sena. Nakita kong bakas sa mukha niya ang inis dahil sa nakakunot niyang noo. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Uupo na sana ako pero natigil ako at napalingon sa puwesto ni Sena nang marinig ko ang pag-urong ng upuan niya. Nagkatinginan kami. Kita ko ang galit sa mga mukha niya habang ako ay seryoso lang siyang tinitingnan.

Nakita kong ngumisi siya at tinaasan ako ng kilay bago siya naglakad palabas ng classroom.

"Nakakatakot si Sena." Ani Abby sa tabi ko. Bigla niya naman akong hinarap sa kanya habang hawak ako sa magkabilang balikat ko. "Tell me the whole story!" Sabik niyang sabi. Hay nako, wala pa ring pagbabago ang isnag 'to. Pugad ng tsismis.

Napabuntong hininga na lang ako at naupo nang tuluyan sa upuan ko habang nagmamaktol si Abby na ikwento ko sa kanya ang nangyari.

"Dali na, Jana wala naman tayong first period e, wala si Ms. Borromeo." Pangungulit ni Abby pero hindi ko siya pinansin.

Paglapag ko ng bag ko sa desk, bigla namang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ang phone at tiningnan kung sino ang nag-text. Pagtingin ko, unregistered number.  Binuksan ko ang message.

From: +63***********

Jana, meet me here at the school garden now. J

End of Message

Napaisip ako sa nagtext at mabilis akong napatayo at tiningnan ang teddy bear na nasa tabi ko.

"Si Julius." Sabik kong sabi at agad na tumakbo palabas ng classroom. Habang pababa ako ng building kakaibang tuwa ang nararamdaman ko. Akala ko totoo ang lahat. Akala ko iiwan na ako ni Julius. Isa pala lamang iyong masamang panaginip na paggising ko, maayos na ang lahat.

Hingal na hingal akong nakarating sa school garden. Maganda ang ambiance ng garden dahil maganda ang sikat ng araw. Medyo mahamog pa at basa pa ang mga dahon ng mga halaman. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid pero wala akong makitang tao. Wala ng mga istudyante dahil simula ng klase.

Hinanap ko si Julius at paglagpas ko sa puno nakita ko siya. Nakaupo siya sa damuhan na parang may ginagawa.

"Julius!" Masiglang tawag ko sa kanya habang papalapit pero natigil ang paglakad ko at naglaho ang sigla sa aking katawan nang hindi si Julius ang lumingon. "Ikaw?" Walang buhay kong sabi.

Tumayo si Xial mula sa pagkakaupo niya at inilahad ang dalawang palad niyang magkadikit sa harap ko.

"Tingnan mo, Jana. May ibon akong nakita." Masigla niyang sabi sa akin. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis sa kanya ngayon.

Hindi na ako umimik pa. "Ayos ka lang?" Tanong niya. Pinanlisikan ko siya ng mata at natahimik naman siya sa ginawa ko. Inirapan ko siya at tinalikuran na para bumalik sa classroom ko.

"Natuwa ka ba sa teddy bear na binigay ko?" Nanglaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tumigil sa paglalakad.

Hindi maipinta ang mukha ko siyang nilingon. "Sa-sa'yo galing 'yon?" Nauutal kong sabi.

"Oo. Nagustuhan mo ba?" Masigla niyang sagot sa akin. Ang kanina ay inis na nararamdaman ko sa kanya ay naging galit na. "Hindi ba sabi ko naman sa'yo, ako ang magiging rebound mo? At simula na ngayong araw ng pagiging rebound ko." Paliwanag niya. Napayuko ako kasabay ng pagtulo ng aking luha.

"Ay siya nga pala may bali-" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin ko at malakas ko siyang sinampal.

Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "B-Bakit, Jana?"

"Bakit mo ba ginagawa 'to? Bakit? Hindi kita kailangan!" Sigaw ko sa kanya. "Pwede ba? Lubayan mo na ako! Mas pinapahirapan mo lang ako e!"

"Jana." Sambit niya sa pangalan ko.

Hindi ko na siya pinansin at tumakbo na paalis pero pagliko ko sa pasilyo. Napahinto ako sa nakita ko.

"Jana, sandali" Rinig kong sabi ni Xial. "Jana." Tawag niya sa akin.

Bakit? Bakit sila nandito habang magkahalikan? Para akong sinasaksak ng sunod-sunod sa nakikita ko. Tulala. Balisa at hindi ko alam ang gagawin habang pinapanuod na ang kakahiwalay ko palang na boyfriend habang kahalikan ang best friend ko.

Ramdam ko ang walang humpay na pag-agos ng luha ko sa akin mukha. Mariin kong naikuyom ang kamao ko. Gusto ko silang sigurin at bugbugin.

Akmang pupuntahan ko na sila nang maramdaman ko ang paghila sa braso ko mula sa aking likod. Paglingon ko, si Xial. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Huwag..." Aniya saka ako niyakap. "Akong bahala sa'yo."

Nang mga oras na iyon. Para akong batang paslit na umiiyak sa balikat ni Xial habang yakap niya. Para akong batang walang pakialam habang umiiyak dahil ang alam ko lang, nasasaktan ako.

g