Chereads / Hey! Mr. Rebound! / Chapter 9 - Chapter 8. "Super Takore!"

Chapter 9 - Chapter 8. "Super Takore!"

Chapter 8. "Super Takore!"

Jana's POV

"Saan ba tayo pupunta?" Inis kong tanong kay Takore habang nasa jeep kami. Pagtapos namin kumain kanina pumunta kaming bookstore, bumili siya ng mga libro at binigay niya sa akin. Ang sabi niya basahin ko raw 'yon para raw malimutan ko si Julius. Sabi niya pa mas mabuti na ang ma-in love ako sa mga fictional characters at least daw hindi ako masasaktan. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga romance books. Mas gusto kong manuod ng anime o kaya Korean drama.

"Malapit na." Aniya saka may kinuha sa bag niya. Inilabas niya mula sa bag niya ang isang paper bag ng Adidas. "Oh, suotin mo 'yan do'n." Sabi niya pagkaabot sa akin ng paper bag. Nagtaka naman ako kaya tiningnan ko ang laman ng paper bag. Pagtingin ko isang rubber shoes at volleyball shirt at short. Nagtataka ko naman siyang tiningnan habang nakangiti siya sa akin.

"Ano 'to? Para saan 'to?" Tanong ko.

"Basta," Saad niya't tumingin sa labas ng jeep. "Manong, para po." Sigaw niya sa driver. Tulad kanina nauna siyang bumaba ng jeep at inalalayan ako. Pagbaba namin, nilibot ko nang tingin kung nasaan kami. Narito kami sa Marikina Sports Center. Nabigla naman ako at napatingin sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko. "Tara na!" Aniya saka ako hinila papasok ng sports center.

Pagpasok sa loob pumunta na sa cashier para magbayad ng entrance at ng pag-rent ng volleyball court. Pinapanuod ko lang siya at nang mga oras na 'yon, mas lalo akong naguguluhan sa ginagawa niya.

"Bakit ba ang bait mo sa akin?" Tanong ko habang taimtim na nakatingin sa lalaking Takore. Bigla naman siyang tumingin sa akin kaya nagbanggaan ang aming tingin. Nakangiti siya sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya.

Mayamaya pa nasa harap ko na siya hawak ang ticket namin at bola ng volleyball.

"Magpalit ka na." Saad niya. Tumango tango naman ako at naglakad na papuntang restroom para magpalit.

Pagpasok ko ng restroom nagpalit na ako agad, sakto ang damit na binigay niya sa akin. Sakto rin ang sapatos. May knee pads pa at headband. Saan naman niya kaya 'to nakuha?

Paglabas ko ng cubicle, humarap ako sa salamin para itali ang buhok ko. Habang nakaharap ako sa salamin, pinagmasdan ko ang mukha ko. Ngayon ko lang napansin na ang laki na pala ng eyebags ko. Halata pa ring mugto ang mata ko. Ang dry pa ng labi ko.

Jana, umayos ka na.

Naghilamos ako ng mukha at nagpunas ng mukha. Pagtapos ko 'non, kinuha ko ang make-up kit kong dala at nagpulbo saka nag-apply ng lipstick. Pagtapos no'n ay tinali ko ang buhok ko at nilagay ang biniling headband ni Takore. Pinagmasdan ko ulit ang mukha ko sa salamin. Mas maayos na kaysa kanina. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng restroom.

Paglabas ko, nabigla ako nang nasa tapat ng ladies restroom si Takore, pero ang mas ikinagulat ko ay nakabihis din siya ng volleyball uniform. Ngumiti naman 'to sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako sa ginawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Manyak na Takore 'to!" Mataray kong sabi.

"Manyak agad? Chini-check ko lang." Natatawa niyang pagdadahilan. "Tara na, sayang oras ah." Aniya't nauna sa aking maglakad.

Paglabas namin para pumuntang volleyball court medyo maggagabi na rin pala. Pagtingin ko sa oras sa phone ko, 5: 45PM na pala.  Pagdating namin sa volleyball court nasa kabilang court na si Takore habang nasa kabila naman ako. Ano naman ang naisip ng isang 'to at napagtripan ang maglaro ng volleyball ngayon? Hindi ba dapat tinuturuan niya ako ng Math ngayon?

"Game na, Jana! Ikaw ang magserve!" Excited niyang sigaw mula sa kabilang court. Pero ewan ko ba, parang wala akong ganang maglaro ngayon. Tinatamad akong naglakad papuntang net. Lumapit din naman siya sa akin. "Oh? Bakit? May problema ba?" Tanong niya.

Napabuntong-hininga ako. "Wala kasi akong ganang maglaro ngayon." Sagot ko. "Bakit ba kasi tayo nandito?"

"Jana, tumingin ka nga sa akin." Utos niya. Tiningnan ko naman siya, seryoso ang hitsura niya ngayon. "Maglalaro tayo, ito 'yong paraan ko para makalimot ka ngayon. Pwede mong ibuhos lahat ng nararamdaman mo sa bola. Lakasan mo ang baway spike mo! Pwede ka ring sumigaw kapag mag-i-spike ka. Vent it out, Jana." Paliwanag niya sa akin. Seryoso niyang sinabi 'yon sa akin habang taimtim ko siyang tinititigan sa kanyang mata. Nakikita ko naman na gusto niya lang akong tulungan.

"Okay, fine. Pero wag kang iiyak kapag tinamaan kita sa mukha ah!" Banta ko sa kanya saka siya tinalikuran at naglakad na sa serving area.

"Sige! Lakasan mo ah! Ako yata si Super Takore!" Rinig kong sigaw niya na parang bata. Hindi ko alam pero napangiti ako sa pagka-excite niya.

Xial's POV

"Sige! Lakasan mo ah!" Sigaw ko sa kanya. Pinagmasdan ko siyang pumorma para mag-serve ng bola. Habang pinapanuod ko siya, bigla kong naalala ang nangyari kanina.

"Ah, ako na ang bibili." Prisinta ko at hinila siya paupo sa bench. "Diyan ka lang." Sabi ko't nginitian siya saka umalis para bumili ng maiinom niya.

Naghanap naman ako ng Cha Time o kaya Infinitea dito sa mall. Habang naghananap ako, napadaan ako sa isang botique. Pagtingin ko si Jana ang naalala ko nang makakita ako ng bola ng volleyball. Bigla akong napangiti at pumasok sa loob. Pagpasok ko bumili ako ng volleyball uniform at saka knee pads. Bumili rin ako ng para sa akin. Bigla kong naalala na hindi pala naka-rubber shoes si Jana.

"Miss, ano 'yung rubber shoes na magaan sa paa?" Tanong ko sa saleslady. Tinuro naman niya sa akin.

"Ano pong size, Sir?" Tanong niya. Bigla akong napaisip. Ano bang size ng paa ni Jana?

"Hindi ko alam e," Sagot ko. "Basta okay na 'yan." Naguluhan yata yung saleslady sa akin pero binili ko pa rin yung sapatos. Sana lang magkasya sa paa ni Jana.

Pagtapos kong bilhin lahat 'yon, nilagay ko sa bag pack ko. Pagkabili ko ng maiinom bumalik na ako kay Jana. Paglapit ko sa kanya nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak. b

"Jana, ito na-bakit ka umiiyak?" Tanong ko.         

"Ang tagal mo kasi! Nauuhaw na ako! Kainis ka!" Maktol niya habang humahagulgol ng iyak at pinapalo ako sa dibdib. Hindi ko alam kung saan siya naiiyak? Dahil ba iniwan ko siya o dahil sa uhaw na siya.

Napaikot ako ng mata at saka ko napagtanto ang lahat nang makita ko sila. 'Yong bestfriend ni Jana at 'yong ex niya. Bakit sila nandito? Parang kanina nakasalubong ko lang 'yong Sena na 'yon kanina ah.

"Kaya pala," Sabi ko at saka siya niyakap. "Sorry, hindi na kita iiwan." Dugtong ko. Tumingala naman siya at tumingin sa akin. Nginitianko siya. Tumigil na siya sa pag-iyak niya. Para siyang bata na kailangan pang patahanin.

"Ako si Takore, pandak at mataba..." Kumanta naman ako ng 'Ako si Takore' habang nakatingala siya sa akin. Alam kong nakakainis dahil palagi niya akong inaasar simula nang kantahin ko 'to sa harap niya, pero kung ito lang ang paraan ko para hindi niya umiyak. Ayos lang sa akin kahit kumanta at sumayaw ako sa harap ng maraming tao, mapasaya ko si Jana.

"Ito ang hawakan at ito ang buhusan..." Para kaming ewan dito sa mall. Kita kong pinagtitinginan na kami ng mga tao. Pero hindi ko sila pinapansin dahil isa lang ang gusto ko, ang mapangiti ang babaeng nasa harap ko. "Pagkumukulo-kulo, kulo kulo kulo, hawakan mo ako at ibuhos mo ako..." Natawa ako pagtapos kong kumanta. Hindi na siya umiiyak at natulala na sa akin.

Tahimik lang siya habang nakatingin sa akin. "Huwag ka na umiyak, ang iyakin mo talaga." Saad ko't pinunasan ang luha niya. Bigla naman niya akong tinulak palayo sa kanya.

"Tara na, uwi na tayo." Mataray niyang sabi saka naglakad pero pinigilan ko siya.

"Opps, di pa tayo tapos, may pupuntahan pa tayo."

Nabalik ako sa katinuan nang malakas na i-serve ni Jana ang bola. Hindi ko nga nasalo ang bola sa sobrang bilis niyang tumira. Nanglaki ang mata ko lalo na't ang lakas ng talbog ng bola. Sigur kung sinalo ko 'yon, baka nabali na ang braso ko. Napalunok ako at tiningnan si Jana sa kabilang court.

"Ano Takore? Papanuorin mo lang ba ang bola?" Irita niyang sigaw. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hindi! Game na talaga!" Sigaw ko sa kanya't kinuha ang bola. Ako naman ang nag-serve sa kanya at nasalo niya ito. Pagtira niya sa bola pabalik sa akin hinabol ko ito at natira ko rin pabalik sa kanya pero nakita kong tumalon si Jana sa net at ii-spike na ang bola. Tumalon naman ako ng mataas para i-block ito. Nagkatinginan kami sa ere at nginitian ko siya. Nakita ko namang nagulat siya sa ginawa ko. Pagka-spike niya ng bola, na-block ko ito at bumalik lang sa kanya ang bola.

"Whoa! Ang galing ko!" Masayang sigaw ko nang maka-score ako. "Panis si Jana." Pang-aasar ko. Tiningnan ko naman siya at nakita kong tahimik lang siya habang nakatulala sa akin. "Wag mo seryosohin, game pa!" Ganadong sabi ko.

Kinuha naman niya ang bola at malakas na nag-serve, this time ramdam ko ang gigil niya sa bola. Sinalo ko naman ang serve niya. Tumakbo siya para tirahin ang tira ko at nagawa naman niya. Ako naman ang humabol sa bola at tinira 'to papunta sa kanya. Pagtira ko nakita kong tumalon agad si Jana. Nang mga oras na tumalon siya, pakiramdam ko bumagal ang oras habang pinapanuod ko siya. Bigla kong naalala ang unang beses na nakita ko siyang maglaro. She really looks so competitive. At ang lakas niya maglaro para bang iisa lang ang nasa isip niya, iyon ay ang matalo ang kalaban ng malalakas niyang spikes.

Natulala na lang ako at hindi na nakatalon para i-block ang gagawing pag-spike ni Jana. Ang huli ko na lang naramdaman at isang bagay ang tumama sa ulo ko bago nawala ng malay.

Jana's POV

"Okay ka lang?" Tanong ko habang naglalakad na kami pauwi sa bahay. Pasado alas-nuwebe na pala. Ginabi na kami kakalaro. Pero ang isang 'to, hindi ko naman akalaing mahihimatay sa spike ko.

"Parang naalog ang utak ko." Sagot niya. Natawa naman ako.

"Ginusto mo 'yan di ba?" Mayabang kong sabi saka siya nginisian. "Super Takore pala ah." Natatawa kong sabi habang naiiling-iling. Nauna na akong maglakad sa kanya.

Pagdating sa bahay. Hinanap ko ang susi sa bag ko, pero wala akong mahanap. Binuksan ko ang ibang bulsa ng bag ko pero hindi ko makita ang susi ng bahay. Tiningnan ko sa paper bag na dala ko pero wala rin.

"Anong hinahanap mo, Jana?" Tanong ni Takore.

"Iyong susi kasi hindi ko mahanap." Sagot ko sa kanya.

"Nandiyan lang 'yan. Hanapin mo." Aniya,

"Ano bang ginagawa ko?" Inis kong sagot ko sa kanya. Hinanap ko ulit sa bag ko pero hindi ko talaga makita. Pati sa make up kit ko wala naman. "Sandali, baka naiwan ko sa restroom kanina." Sabi ko sa kanya.

Nakita ko namang nagulat siya sa sinabi ko. Mariin kong naipikit ang mga mata ko sa inis at nasapo ang palad ko sa noon.

"Ang malas naman." Banas kong sabi at naupo sa plant box.

"Paano ka na niyan?" Tanong ni Takore. Napanguso naman ako.

"Sige, umuwi ka na. Okay lang ako." Malungkot kong sabi.

"Hindi pwede!" Sigaw niya. Nabigla naman ako sa reaksyon niya. "Tara, d'on ka na lang sa bahay." Aniya saka ako hinila patayo.

"Sandali, ayoko ko nga." Reklamo ko.

"Wag na magulo, wala ka ng choice!" Aniya't kinaladkad na ako.

Wala naman na akong nagawa kundi ang sumama na sa kanya. Pero nakakahiya, ito na yata ang unang beses kong pupunta sa bahay ng isang lalaki. Bahala na nga!