Chereads / Hey! Mr. Rebound! / Chapter 7 - Chapter 6. "Mr. Tutor"

Chapter 7 - Chapter 6. "Mr. Tutor"

Chapter 6. "Mr. Tutor"

Xial's POV

Calling...Jana

"Hays! Bakit hindi niya sinasagot?" Banas kong sabi saka inalis ang phone ko sa kanang tainga ko. Ang aga ko pang nagising ngayong Sabado para sa kanya tapos hindi niya sinasagot ang tawag ko? Siya na nga may kailangan eh! Tss.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa bahay nila Jana. Ngayong araw ang umpisa ng pagtuturo ko sa kanya para sa retake exam niya sa Monday. Habang naglalakad natigil ako nang makasalubong ko siya. Nagkatinginan kami. Nakita kong parang nabigla siya nang makita ako. Hindi ba siya si Sena?

"Hello, Miss?" Tanong ko. "Are you alright?"

"Ah-eh, oo pasensya." Aniya at dali-daling naglakad paalis. Sinundan ko naman siya ng tingin habang nagtataka.

Nagpatuloy na ako papunta kila Jana. Pagdating ko sa bahay nila, sarado pa ang pinto nila. Mukha hindi pa gising ah. Tingnan mo nga naman. Napangisi na lang ako habang naiiling. Siya pa ang nagbigay ng oras kagabi.

"Hay rebound na, naging tutor pa! Kainis!"

"Sandali!" Tawag sa akin ni Jana. Nilingon ko naman siya.

"Oh?" Tanong ko. Bigla niya namang nilapit ang mukha niya sa akin na ikinagulat ko. Taimtim niya akong tinitigan habang tahimik lang ako.

"Parang wala naman sa hitsura mo ang matalino. Playboy ka di ba?" Mataray niyang sabi saka lumayo sa akin.

"Hoy, don't underestimate me baby." Natatawa kong sabi.

"Sus, ako nga na section 2 nahihirapan sa Math ikaw pa kayang..."

"Section 1 at soon to be valedictorian." Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Nakita ko namang natahimik siya at nagulat sa sinabi ko. Nginisian ko lang siya. Mukha yatang nagulat talaga siya. Tumalikod na ako para umalis.

"Don't worry akong bahala sa-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makarinig ako ng mahinang tawa. Pagtingin ko sa kanya nakaupo na siya habang malakas na tumatawa.

"Iba ka talaga Takore!" Aniya habang humahagalpak sa tawa. Naningkit naman ang mga mata ko sa inis.

Habang tumatawa siya. Hiniharap ko ang bag pack ko at kinuha ang test paper ko sa Math.

"Oh, see it for yourself." Ani ko at iniharap sa mukha niya ang test paper ko. Tumigil naman siya sa pagtawa nang makita niya ang test paper ko. Malapad akong napangiti at inasar siya ng tingin habang nakataas ang kilay ko. Kitang kita kong nabigla siya sa nakita niya.

"Edi ikaw na," Aniya saka tumayo ng maayos. "Bukas pumunta ka sa bahay ah! Alas-syete ng umaga! Maliwanag?" Utos niya sa akin.

"Opo!" Sagot ko sa kanya't nagsaludo pa sa kanya. Inis naman niya akong tiningnan habang ako naman ang natatawa ngayon. Tumalikod na siya at naglakad papasok sa bahay nila.

Nilibot ko nang tingin ang buong bahay nila. Tulog pa nga yata siya. Napaisip ako at agad na napangiti ako nang makaisip ako ng gagawin. Kumuha ako ng bato para ihagis sa bubong nila. Akmang ihahagis ko na ang bato nang biglang bumukas ang pinto nila. Caught in the act naman akong nakita ng Mama ni Jana na lumabas ng pinto. Nanglaki ang mga mata ko sa hiya at agad na hinagis ang batong hawak ko.

"Oh, Xial napadaan ka?" Tanong ng Mama ni Jana. Ngumiti naman ako.

"Good morning po, dito po talaga ako pupunta." Saad ko. Nabigla naman ang Mama ni Jana.

"Oh? Bakit? May date ba kayo ni Jana?" Natatawang tanong ng Mama ni Jana. Natawa na lang din ako.

"Hindi po, i-tu-tutor ko po si Jana sa Math, bumagsak po kasi siya sa exam e." Naging mahina ang tatlong huling salitang sinabi ko nang makita kong napakunot ng noo ang Mama ni Jana. Natahimik na lang ako habang ang Mama naman ni Jana ay napabuntong hininga.

"Hindi niya sinabi sa akin. Naku talaga." Ani Mama ni Jana at dali-daling pumasok sa bahay nila. "Pasok ka, Xial." Paanyaya sa akin. Pumasok naman ako agad at naupo sa sofa.

"Ma, natutulog pa po ako." Rinig kong sigaw ni Jana mula sa itaas.

"Ano ka ba! Nandiyan na si Xial naghihintay sayo! Ikaw talagang bata ka! Bagsak ka na naman sa Math!" Rinig kong sigaw ng Mama niya.

"Sinabi sayo ng gung-gong na 'yon? Malalagot siya sa akin!" Sigaw ni Jana. Narinig ko naman ang malalakas na hakbang pababa ng hagdan. Pagbaba niya saktong nagbanggaan ang tingin namin. Kitang kita kong galit siya habang gulo-gulo pa ang buhok niya at nakasuot pa ng pajama.

"Jana, ano ka ba! Maghilamos ka nga muna!" Saway ng Mama niya sa kanya at hinila siya paakyat ulit.

Nandito kami sa harap ng dining table nila. Naghain na ang Mama niya ng pagkain pero si Jana tulog pa rin habang nakaupo. Natawa na lang ako habang pinapanuod siya.

"Hay nako, siguro di ka pa nagbe-breakfast 'no?" Tanong ng Mama ni Jana saka inilapag ang bowl of rice at naupo na.  Kaharap ko si Jana habang nasa gilid namin pareho ang Mama niya. Tumango naman ako.

"Opo, maaga po kasi ang usapan namin e." Sagot ko saka ulit tiningnan si Jana. "Pero tulog mantika pa rin ang tuturuan ko." Natatawa kong sabi. Bigla namang pinalo ng Mama niya si Jana kaya nagising siya.

"Kain na tayo." Ani Mama niya. Kumain na kami pati na rin si Jana. Habang kumakain pansin kong mugto pa rin ang mata niya. Pinapanuod ko siyang kumain at pansin kong hindi siya ganado. Mukhang hindi pa rin siya nakakalimot sa mga nangyari kahapon. Alam ko namang hindi madaling kalimutan 'yon. Mukhang hindi pa siya nakatulog ng maayos.

"Ay, Jana okay ka lang ba rito?" Tanong ng Mama niya sa kanya. Walang emosyon naman siyang tumango-tango at hindi man lang tiningnan ang Mama niya. "Isarado mo ang pinto mamaya ah!" Nagtaka naman ako sa sinabi ng Mama niya.

"Bakit po? Saan kayo pupunta?" Tanong ko sa Mama niya.

"Harvest na kasi sa farm. Aakyat muna akong bagyo. Uuwi naman ako sa Lunes." Paliwanag ng Mama niya. Kumain na ako ulit pero muntik ko nang maibuga ang kinakain ko nang marinig ko ang sinabi ng Mama niya.

"Xial, pwede mo naman samahan si Jana dito sa bahay e." Nabigla ako sa sinabi ng Mama niya. Napatingin ako kay Jana at nanglaki ang mga mata ko nang salubong ang kilay nito at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Inayos ko naman ang sarili ko at nginitian siya.

"Sige po." Pagsang-ayon ko.

"Hoy!" Sigaw ni Jana. Napaurong naman ako sa lakas ng sigaw niya. "Ayaw ko nga!"

"Ano ka ba! Mas okay nga 'yon eh at least may kasama ka." Sabi ng Mama niya. "Hindi naman gagawa ng kalokohan 'yan si Xial e, at saka kahit naman may mangyari okay lang sakin." Natatawang sabi ng Mama niya.

"Ma!" Maktol ni Jana sa Mama niya. "Para mo naman akong binibenta sa lalaking 'yan. Mag-aaral lang kami." Inis niyang sabi.

"Okay, fine. Wag na muna 'yon. Xial, hijo pigil muna ah." Natatawang sabi ng Mama niya. Natawa na lang din ako habang si Jana naman halatang napipikon na.

Pagtapos naming kumain. Naghugas muna ng plato si Jana at naligo. Habang ang Mama naman niya nag-aayos ng gamit paalis. Habang nasa sala nila ako, tumingin muna ako ng mga nakadisplay na litrato. May mga picture ni Jana noong bata siya, meron din noong graduation niya ng elementary. Mag mga kuha rin siya habang naglalaro ng volleyball. Mayroon ding may hawak siyang trohpy at medals. Habang tinitingnan ko ang larawan ni Jana habang hawak ang trophy niya at masayang nakangiti, bigla kong naalala ang unang beses na nakita ko siya.

Matapos nang pangyayaring niloko ako ng bestfriend ko at ng girlfriend ko. Inayawan ko na ang sports na basketball. Dahil kibit ng larong 'yon ang pinagsamahan namin ni Harold. Simula noon hindi na ako naglaro ng basketball. Pero dahil kay Jana, noong nakita ko siyang naglalaro ng volleyball noong sportfest sa school. Bumalik ang loob ko sa paglalaro. Nag-try out ako sa varsity team at nakapasok ako. Ngayon, ako na ang team captain ng team namin. Ang alam ko si Jana rin ang team captain ng volleyball team. Simula nang araw na 'yon, naging interesado ako kay Jana, pero nalaman kong may boyfriend pala siya.

Napansin ko naman ang isang picture ng lalaki habang buhat si Jana noong bata pa siya. Maigi ko itong tiningnan, kamukha kasi ni Jana ang lalaki.

"'Yan ang Papa ni Jana," Napalingon ako sa likuran ko nang magsalita ang Mama ni Jana. "Matagal na siyang wala, volleyball player din ang Papa niya, at siya ang nagturo kay Jana." Tumango-tango ako sa kwento ng Mama niya.

"Ma, aalis ka na ba?" Rinig kong sigaw ni Jana mula sa kusina.

"Oo, iwan ko na kayo ah." Sagot ng Mama niya.

"Ingat Ma ah! Yung strawberry ko pag-uwi mo ah!" Natawa naman ang Mama niya.

"Sige na, Xial. Alis na ako, kayo na ang bahala rito ah!" Paalam ng Mama niya.

"Sige po, mag-ingat po kayo." Nakangiting sabi ko. Nginitian lang din ako ng Mama niya at tinapik sa balikat saka lumabas ng pinto. Paglabas ng Mama niya sakot namang paglabas ni Jana sa kusina.

"Oh? Umalis na si Mama?" Tanong niya.

"Hindi, nandito pa." Pilosopong sagot ko. Napangiwi naman siya at kumuha ng throw pillow saka binato sa akin.

"Tara na nga, turuan mo na ako." Saad niya't kinuha ang mga libro niya.

Binigyan ko muna siya ng mga basic problems para sagutan niya habang nirereview ko naman ang test paper niya. Habang tinitingnan ko ang test paper niya, sumasakit ang mata ko. Bakit kahit hula man lang hindi siya tumama? Sa 100 items na tanong at lahat naman nasagutan niya hindi man lang umabot sa 50 ang  tamang sagot niya. Talaga ngang "F" ang grade niya.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. Pagtingin ko sa kanya napailing-iling na lang ako nang makita kong tulala siya. "Hoy!" Sigaw ko sa kanya.

Inis naman niya akong tiningnan. "Hindi mo masasagutan 'yan kung tititigan mo lang." Sabi ko sa kanya. Bumuntong-hininga naman siya.

"Wala kasi akong gana." Matamlay niyang sabi. Napasabunot ako sa buhok ko. Hindi talaga siya makakapasa nito sa retake niya kung ganyan siya.

Pinanuod ko siya. Kung tutuusin, mahirap nga ang sitwasyon niya. Hindi siya makakapagconcentrate gayong may heartache siyang pinagdaraanan.

"Mag-summer class ka na lang." Inis kong sabi saka tumayo. "Uuwi na ako." Saad ko saka siya tinalikuran pero napahinto ako. Mariin kong pinikit ang mata ko at saka siya hinarap ulit. Kinuha ko ang braso niya. "Tara sumama ka sa akin." Sabi ko rito at hinila siya.

"Teka! San naman tayo pupunta?" Tanong niya. Tinapik ko ang ulo niya at nginitian siya.

"Sa lugar kung saan ka makakalimot." Sagot ko sa kanya sabay kindat.