Chapter 10. "Foolish King and Queen"
Jana's POV
Napabangon ako sa sinabi niya. Gulat na gulat at hindi makapaniwala. Tumahimik na lang ako dahil ramdam kong ayaw naman niyang pag-usapan ang tungkol sa ex niya.
Iniwas ni ang tingin niya sa akin at nilipat sa frame sa table niya. "I was so in love with her that time. Sobrang saya ko. And I can risk everything for her, gano'n ko siya kamahal." Pag-uumpisa niya ng kwento niya. Seryoso ang tono nga boses niya habang taimtim na nakatingin sa picture frame. Tahimik naman akong nakinig sa kanya. Nakita kong malalim siyang huminga saka tumingin sa akin.
"But like you, naloko rin ako. I was fooled and I didn't even notice that she's cheating on me with my bestfriend. That she'd just use me to get my bestfriend." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ramdam ko ang galit sa boses niya.
Mariin niyang pinikit ang kanyang mata na parang nagpipigil na umiyak. "I am the foolish king and you are the foolish queen." Ngumisi siya pero hindi ko nagawang tumawa sa biro niya. Nakatingin lang ako sa kanya at ganon din siya sa akin. Nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso.
Magkatinginan kaming dalawa. Tahimik ang buong kwarto habang magkatinginan kami. Sa mga mata ng bawat isa sa amin, nababasa namin ang nararamdaman ng damdamin namin.
"That's the reason why I presented myself to you. To be your rebound to at least ease the pain you feel right now." Iyon pala ang dahilan kung bakit mabait siya sa akin.
Napayuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Sandali akong yumuko at tiningnan ulit ulit siya at nagbigay ng isang masayang ngiti.
"Tara na aral na tayo." Sabi ko't kinuha ang notebook niya. "'Wag na natin sila isipin. Pam-pam lang siya eh" Natatawang sabi ko. Nakita ko namang nagtaka siya sa sinabi ko pero ngumiti na lang din siya.
Magkatabi kaming dalawa sa study table. Makalipas ang ilang oras pasado alas-dose na pero nag-aaral pa rin kami. Marami na kaming na-review makakalahati ko na nga yata ang notebook ko na puro solution sa mga solving promlems at equation na pinapasagutan nuiya sa akin. May oras pa na inaantok na ako kaya inom ako ng inom ng kape na dinala niya kanina. Gusto nang pumikit ng mata ko pero siya sige pa rin ang paliwanag niya.
"Okay, X is the unknown number, so that means we need to solve for the unknown number." Mabuti akong nakikinig sa mga paliwanag niya.
"So here's the equation, X is equal to 2 to the power of 30 times 10 to the power of -7" Paliwanag niya. Tinitingnan ko namang mabuti ang pagsosolve niya. Habang nagsosolve siya hindi ko naman sinasadyang mapagmasdan siya habang nagsusulat at nagsasalita. Pinapanuod ko lang siya. Imbis na sa notebook ako nakatingin sa mukha niya ako nakatingin habang nagsasalitan siya.
"Apply logarithm on each side, magiging log x is equal to log 2 to the power of 30 time 10 to the power of -7 and log x is equal to 30 log 2 – 7 log 10 then log x is equal to 30 x 0.3 minus 7 making log x equal to 2 so X is equal to 100." Bigla naman siyang tumingin sa akin pagtapos niyang magpaliwanag. "Nakikinig ka ba?" Tanong niya. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya.
"Oo, gets ko na yata." Sagot ko.
"Okay, bibigyan kita ng 5 items, sagutan mo tapos okay na 'yon. Bukas naman ang iba. Inuna ko na 'tong mga mahihirap para bukas madali na lang." Aniya't inabot sa akin ang notebook. Tatango-tango ko namang kinuha ang notebook.
Sinagutan ko naman na ang binigay niya sa aking exercise. Medyo mahirap ah! Limang items lang 'to pero mukhang magdamag kong sasagutan ko. Nag-focus talaga ako sa pagsagot ng binigay niya sa akin para lang hindi ako magsummer class at pumasa sa retake exam na 'yon.
Habang sinasagutan ko yung binigay niya, napansin ko namang tahimik si Takore, pagtingin ko sa tabi ko tulog na pala ang loko.
"Kita mo 'to tinulugan ako?" Inis kong sabi. Tumingin naman ako sa orasan at ala-una na pala ng madaling araw.
Tiningnan ko ulit si Takore, pinagmasdan ko ang mukha niyang natutulog. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang natutulog ng mahimbig, doon ko lang nag-appreciate ang mukha niya, hindi na ako mag-o-object, talaga ngang may appeal din ang Takoreng 'to.
Napangiti ako at dahan-dahan na tinanggal ang salamin niya. Pagtanggal ko ng salamin niya biglang gumalaw ang labi niya. Nang mga oras na 'yon biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ko ang labi niya.
Ano 'tong nararamdaman ko?
Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Mali mali, hindi ko dapat siya magustuhan! Sinampal-sampal ko nang mahina ang pisngi ko. Baliw na ba ako? Rebound ko lang siya!
Inagaw naman ng mata ko ang takoreng maliit na may lamang kape kanina. Bigla akong napangiti at kumuha ng pentel pen sa desk niya. Kinuha ko ang maliit na takore at sinulatan.
Salamat, Takore ko J
Napangiti ako pagkasulat ko sa takore, nilapag ko 'yon sa harap niya at saka siya kinumutan.
Kinabukasan. Nagising ako nang may naramdaman akong tumutusok sa ilong ko.
"Ma, ano ba?" Irita kong sabi pero nakapikit pa rin ako. Ramdam ko pa rin ang tumutusok sa ilong ko. "Ma naman eh, five minutes pa please." Nakakainis naman si Mama, Linggo naman ngayon bakit ang aga niya akong ginigising. Muli ay naramdaman ko ang tumutusok sa ilong ko. Inis kong dinilat ang mata ko pero agad na naglaho ang inis ko nang may isang batang malapit ang mukha sa akin.
Mabilis akong napabangon sa gulat. Nilibot ko nang tingin ang paligid. Wala nga pala ako sa bahay! Binalik ko ang tingin sa batang babae sa harap ko. Ang sama pa ng tingin nito sa akin.
Napatingin naman ako sa pinto nang bumukas ito. Pagbukas ng pinto ay niluwa nito si Takore.
"Oh gising ka na pala." Masayang bati niya sa akin.
"KUYA!" Sigaw ng batang babae sa kanya. "Who is this girl? Is she your girlfriend?" Pareho kaming nabigla sa sinabi ng bata.
"Xiera, no she's not. Ginising mo ba siya?" Sabi niya sa bata. So little sister pala niya ang batang 'to? "Pasensya ka na kung kinulit ka niya ah." Paghingi niya ng paumanhin. Tiningnan ko naman ang bata at ang sama pa rin ng tingin niya sa akin.
Nasa dining table na nila kami. Meron pang isang batang lalaki bukod 'don sa batang babae. Tatlo pala silang magkakapatid? Tiningnan ko naman yung batang babae, ang sama pa rin ng tingin niya sa akin. Tiningnan ko naman 'yong lalaki, tahimik lang ito at may binabasang libro, pagtingin ko sa librong binabasa niya nabigla ako dahil chemistry book ang binabasa niya. Sa tanya ko nasa Grade 3 palang yata siya. Dumating naman si Takore at naupo sa tabi ko.
"Takore," Tawag ko sa kanya at pinalapit siya sa akin. Nilapit naman niya ang tainga niya sa akin. "Sino naman 'yong lalaki?" Tanong ko.
"Ah, si Xyron kambal ni Xiera." Pakilala niya. "Hoy, Xyron batiin mo naman si Jana." Aniya sa kapatid niya. Napatingin naman ako sa lalaki at ganon din siya sa akin. Matagal kaming nagtitigan. Kung ikukumpara kay Takore, ang suplado naman ng batang 'to. Kambal nga sila ng kambal niya. Kapatid ba talaga sila ni Takore?
"Hi." Mabilis niyang sabi saka tinuon ulit ang mata sa libro. Napatingin naman ako kay Takore at natawa lang 'to.
"Pasensya ka na." Aniya.
"Wala 'yo—aray." Napahawak ako sa braso ko nang maramdaman kong may tumusok na matulis na bagay. Pagtingin ko kung sinong tumusok sa akin, si Xiera pala habang hawak ang tinidor at masamang nakatingin sa akin.
"Xiera, ba't mo siya tinusok." Saway ni Takore sa kanya.
"I hate her! You're lying! She's your girlfriend!" Sigaw ni Xiera sa kanya. "She will just hurt you like that Jasmine!" Ganti ni Xiera, natahimik naman ako.
Tiningnan ko si Takore, seryoso lang siya habang tinitingnan si Xiera.
"No, she's not like Jasmine." Malambing niyang sabi sa kapatid. "Xiera, don't worry about me, I am brave enough! Ako na nga ang nagpapa-iyak ng babae ngayon e." Natatawa niyang sabi. Tiningnan ko naman si Xiera at nakita kong nawala ang galit sa mukha niya. Tumingin naman siya sa akin.
"Do not hurt my Kuya Shi-shi." Aniya. Nagtaka naman ako sa sinabi niyang 'Shi-shi'.
"Shi-shi?" Tanong ko.
"Nickname ko." Sagot ni Takore sa akin. "Xiera, wag na makulit. Ate Jana won't hurt me. Okay?" Malambing niyang sabi kay Xiera. Tumango tango naman si Xiera. "Good, can you show us your 'Ako si Takore'?"
"Yes, Kuya!" Ani Xiera at tumayo pa sa silya saka sumayawa at kumanta ng 'Ako si Takor' pero English version naman. Natawa naman ako at naaliw sa kanya.
Tiningnan ko si Takore, masaya lang siya habang pinapanuod ang kapatid. Ang saya ng pamilya nila. Nakakatuwa sila.
Natapos na kaming mag-breakfast. Umakyat na ako para maligo para makauwi na. Pagbukas ko ng pinto, nanglaki ang mata ko nang makita ko ang topless na Takore sa harap ko. Nakatagilid siya sa akin at nakaharap sa salamin habang nagshe-shave. Natahimik ako at natulala sa kanya. Pinagpapawisan ako na ewan. Napalunok naman ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Nakita kong nanglaki ang mata niya at nagulat saka dali-daling kumuha ng t-shirt at sinuot niya.
"Jana, di ka ba marunong kumatok?" Inis niyang sabi. Ako naman ay tulala pa rin sa nangyari. "Uy, Jana!"
Nagising naman ako sa live show na nakita ko. Shocks! May abs si Takore! Bakit ang ganda ng built ng katawan ng dating ugly duckling na 'to! Isang himala!
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at naglakad papuntang CR pero humarang siya sa harap ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero ang tukmol nakangiti ng nakakaloko sa akin.
"Nakita mo no?" May pang-aakit niyang sabi.
"Tatabi ka o mababaog ka?" Mataray kong sabi. Malakas naman siyang tumawa pero ang mas ikinabigla ay nang mabilisan niyang hubarin sa harap ko ang suot niyang t-shirt.
"MANYAK!" Sigaw ko't tinakpan ang mga mata ko. "Hoy, Takore! Umayos ka nga!" Sigaw ko sa kanya pero naririnig ko lang tumatawa siya. Sinilip ko naman siya sa pagitan ng mga daliri kong nakatakip sa kanya. Nakangisi siya sa akin.
"Grabe, akalain mong mahina ka pala sa ganto." Aniya't nagsuot na ng t-shirt niya. Sige pa rin siya sa kakatawa niya habang ako umuusok na ang ilong dahil sa inis sa kanya. Ang lakas niyang mang-asar! Nakakainis siya. "Ang macho ko talaga." Bilib niyang sabi sa sarili niya't nag-ala body builder pose pa sa harap ko at ngiting aso pa.
Nginitian ko siya. May naisip na ako, akala niya hindi ko gagawin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang mapang-akit na nakangiti. Nakita ko namang naging seryoso ang mukha niya at tila kinabahan sa ginawa kong ngiti at marahang paglakad.
"Hoy Jana! Binibiro lang kita ah! Hindi pa ko handa sa mga ganyang bagay!" Sigaw niya pero ako nakangiti lang sa kanya at papalapit ng papalapit. Sa kakaurong niya, umabot na siya sa pader. "Jana, maghunos-dili ka."
Marahan kong inilapit sa kanya ang kamay ko at hinaplos siya sa leeg. Pagdating ng kamay ko sa batok niya saka ko siya tinuhod sa kahinaan niya. Napasigaw siya ng malakas sa ginawa ko at gumulong pa sa sahig habang hawak ang bola ng kahinaan ng mga kalalakihan. Nginisian ko siya at saka naglakad papasok ng CR.
Nagpaalam na kami sa Mama niya para umuwi. Habang naglalakad pauwi sa bahay namin. Tahimik lang si Takore at nauuna sa akin sa paglalakad. Kanina pa siya ganyan mula nang umalis kami sa bahay nila. Malapit na kami sa bahay namin pero tahimik pa rin siya at hindi ako kinikibo. Nagalit ba siya sa pagbasag ko sa mundo niya?
"Hoy, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang huminto hinarap ako.
"Okay? Babaogin mo na nga ako tapos okay? Sasayangin mo pa ang magandang lahi ko!" Inis niyang sabi. Natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Oh bakit di ba nagbibiro ka lang? Sorry ka mas masakit ako magbiro." Pang-aasar ko sa kanya saka inunahan siyang maglakad. "Mabaog ka sana." Dagdag ko pa saka siya inirapan. Pero napahinto ako nang makita ko kung sino ang nasa tapat ng bahay namin. Nakasandal siya sa gate namin habang nakapamulsa.
"Julius?" Sambit ko sa pangalan niya. Napalingon naman 'to sa akin at umayos nang pagkakatayo nang makita ako. Anong ginagawa niya dito?