Chereads / Hey! Mr. Rebound! / Chapter 13 - Chapter 12. "Stay away!"

Chapter 13 - Chapter 12. "Stay away!"

Chapter 12. "Stay away!"

Jana's POV

Monday morning. Paglabas ko ng bahay nagulat ako nang nasa gate na si Takore. Oo nga pala, kapit-bahay ko na nga pala siya ngayon. Inirapan ko siya dahil nakakainis siya, hindi niya man lang sinabi sa akin na sila pala ang bagong lilipat sa bahay na 'yan. Papasok na kami ngayon pero parang sumasakit ang ulo ko dahil sa puyat kagabi. Pero ang isang 'to parang fresh na fresh pa rin at wala man lang bahid ng puyat. Nakita ko namang nasa labas ng bahay nila sila Tita Xyra kasama sina Xiera at Xyron na nakauniform na rin. Kumaway sa akin si Tita Xyra kaya ngumiti rin ako at kumaway. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Takore na bakas ang yamot sa mukha.

"Anong hitsura 'yan?" Tanong ko.

"Si Mama nginitian mo samantalang ako tinarayan mo?" Ano namang arte ng isang 'to.

"Ewan ko sa'yo." Saad ko't lumabas na ng gate. Paalis na sana kami nang biglang dumating ang truck ng mga gulay ni Mama. Pagbaba niya agad niya akong niyakap.

"Miss ko na ang anak ko." Ani Mama habang pinapapak ako ng halik sa magkabilang pisngi.

"Ma, papasok na ko." Saad ko.

"Jacky?" Napatingin kami pareho ni Mama nang tawagin siya ni Tita Xyra.

"Xyra? Xyra ikaw nga!" Masayang sigaw ni Mama at biglang niyakap si Tita Xyra. Nagtatatalon pa silang dalawa habang magkayakap

Naglakad na kami papuntang school ni Takore. Habang naglalakad nagbabasa pa rin ako ng binigay niyang questionaire sa akin kahapon habang siya naman ay panay ang kwento ng kung ano-ano.

"Akalain mo magkakilala pala mga Mama natin." Masayang sabi niya. Naririnig ko naman siya pero ang focus ko ay nasa binabasa ko. "Oy Jana baka mamaya ma-perfect mo na ang exam mo." Natatawang saad niya. Tumigil ako sa pagbabasa at sinamaan siya ng tingin. Tumahimik naman siya at iniwas ang tingin sa akin saka sinuot ang headphone niyang nakasabit sa leeg niya.

Pagdating sa school nagtaka ako dahil ang daming tao sa labas ng school at karamihan puro babae. Pagpasok namin ng gate halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko. May banner lang naman na nakasabit sa gate at ang nakasulat. Bumakas ang pandidiri sa mukha ko habang binabasa ang nakasulat.

~We LOVE You Papa X! From Xial fans club~

Hindi ko talaga alam na may ganito pala sa school namin? Isang taon na akong nandito pero hindi ko alam na may mga baliw pala sa school na 'to? Masyado yata akong naging busy sa volleyball at kay Julius na siyang naging mundo ko. Tiningnan ko naman si Takore pero ang isang 'to parang hindi man lang nakikita ang nakikita ko. Kinalabit ko siya dahil para siyang ewan na humi-headbang pa habang nakikinig ng music.

"Ha?" Aniya pagtawag ko sa kanya. Tinanggal naman niya ang headphone niya at nagtataka akong tiningnan.

"Ano 'yan?" Sabi ko sa kanya sabay turo sa banner. Bigla naman siyang tumawa.

"Mga fans ko, sikat ako e." Mahangin niyang sabi. Napa-iling na lang ako sa kayabangan niya at nauna sa kanya sa paglalakad.

Habang naglalakad ako may narinig naman akong usapan ng ilan sa mga baliw niyang fans.

"Sino 'yan? Bakit kasabay siya ni Papa X?"

"Oo nga, kapal ng fez ni Ateng!"

"Kaklase namin siya, si Jana. Noong Friday kinuha pa ni Papa X ang bag niya sa classroom namin."

"What? No way!" Nag-de-date na ba sila?"

"Oh my gosh! Hindi pwede."

Naningkit ang mga mata ko dahil sa naririnig ko. Magchichismisan na nga lang naririnig ko pa, o sadyang pinaparinig lang talaga nila sa akin. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Naglakad ako palapit sa kanila.

"Excuse me mga baliw na fans? Ako yata ang pinag-uusapan niyo?" Mataray kong sabi. "Well kung naiinggit kayo, pasensya na lang kayo. Pero hindi ko ginusto na lumapit sa'kin si Takore." Mariin kong sabi sa kanila habang masamang nakatingin sa bawat isa sa kanila.

Nakita ko namang ngumisi ang isa. "Matapang ka yata." Aniya't tinaasan ako ng kilay. Natama ang mga tingin namin. Bigla namang dumating si Takore.

"Jana ang bilis mo maglakad." Hinihingal niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang ang mga baliw niyang fans namimilipit na sa kilig. Hindi naman kakilig-kilig 'tong lalaking 'to. Kainis.

Hindi ko na siya pinansin at iniwanan na siya. Pagdating sa classroom nagtaka ako nang lahat sila nakatingin sa akin. Tahimik silang lahat habang nakatingin lang sa akin. Hinanap ko naman si Abby at nakita kong nakayuko lang siya. Tiningnan ko naman ang epal na si Sena at tumingin din siya sa akin. Pagdating ko sa puwesto ko. Laking gulat ko nang wala na ang desk ko.

Tiningnan ko silang lahat. Kinalabit naman ako ni Abby at tumuro sa bintana. Pagsilip ko sa bintana doon ko nakita ang desk ko na sira-sira na.

"Sinong gumawa nito!" Malakas kong sigaw sa kanilang lahat pero ni isa sa kanila walang nagsasalita. "Sumagot kayo!" Sigaw ko ulit.

"Kami." Napatingin naman ako sa pinto at pumasok ang mga hindi ko kilalang babae. Tatlo sila at hindi ko gusto ang presensya nila. Sino ba sila? Ano namang atraso ko sa kanila.

"Sino naman kayo?" Tanong ko. Lumapit sa akin ang tatlong babae. Paglapit nila sa akin may binato ang babaeng nasa gitna. Kumalat ang binato niya. Pagtingin ko, mga pictures namin ni Takore noong nasa MOA kami. Tiningnan ko ang babae. "Jana Dayne Encarnacion, I will give this warning. Stay away to him or else, prepare your coffin now." Banta sa akin ng babaeng nasa gitna. "Let's go girls." Saad niya't naglakad na palabas ng classroom namin.

Tulala ako habang tinitingnan ang mga nagkalat na pictures sa sahig. Anong nangyayari? Bakit ganito ang nangyayari?

"Hindi ba kaka-break lang nila ni Julius ng Section 4?"

"Oo nga tapos si Sena ang bagong girlfriend ni Julius, ang alam ko hindi na sila magbestfriend ni Sena."

"Eh bakit siya nakikipagdate kay Xial ng Section 1? Ang swerte naman ni Jana."

"Swerte? Tingnan mo naman, panigurado pag-iintirisan siya ni Agatha."

"Oo nga, baka patalsikin pa siya sa school."

Mariin ko na lamang na naipikit ang aking mata dahil sa inis. Ginagawa ba nila 'to dahil sa Takore na 'yon? Anong kasalanan ko sa kanila?

Napatingin naman ako kay Sena nang imulat ko ang aking mga mata. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at nagtaka dahil sa nakita kong reaksyon niya. Kung meron mang tao na matutuwa dahil sa nangyayari sa akin dapat siya 'yon. Pero bakit nakikita kong nalulungkot siya para sa akin?

Xial's POV

Hingal na hingal ako mula sa pagtakas ko sa mga babaeng humahabol sa akin. Ganito na lang ba palagi ang senaryo ko tuwing papasok? Tatakas at magtatago? Ang hirap pala maging gwapo! Kung maibabalik ko lang ang pagiging nerd ko. Tss.

Papunta na ako sa room nang mapadaan ako sa room nila Jana. Hinanap ko si Jana pero wala siya sa room nila. Nakita ko namang nakatingin sa akin 'yong bestfriend niya pero iniwas ko ang tingin dito.

"Dude, have you seen Jana?" Tanong ko sa lalaking nasa unahan.

"Lumabas si Jana para kumuha ng upuan sa auditorium." Sagot ng lalaki. Nagtaka naman ako.

"Bakit?"

"Tinapo kasi ng mga babaeng taga-section 1 yung upuan niya sa bintana." Nanglaki ang mata ko sa sinabi ng lalaki at dali-daling tumakbo papuntang auditorium.

Pawis na pawis ako kaya hinubad ko muna ang polo ko. Habang tumatakbo napahinto ako nang makita ko siya, si Julius. Matalim ang tingin niya sa akin at gano'n din ako sa kanya. Ano namang problema nito? Hindi ko na sana siya papansin at lalagpas na sana nang magsalita siya.

"Are you happy now?" Napahinto ako sa sinabi niya at nagtaka. Hinarap ko siya at humarap din siya sa akin.

"What are you talking about?" Tanong ko.

"Because of you, Jana is now having a hard time. Mas papalalain mo pa 'yon kapag hindi mo siya iniwasan. So stay away from Jana." Seryoso niyang sabi. Inis akong napangisi at nagpameywang sa harap niya.

"Stop lecturing me for giving Jana a hard time coz in the first place, I'm not the jerk who cheated on her and broke her heart into pieces. You didn't know how Jana suffer because of your foolishness!" Ganti ko sa kanya. Mas lalong sumama ang titigan naming dalawa nang biglang mag-bell na.

"You don't have any idea, so shut up." Sagot niya.

"Yes I do, but the one thing I can do for Jana is to be with her always until she recover and totally forget all about the pain you've given to her." Sagot ko. Hindi na siya sumagot at tumalikod na at naglakad paalis.

Hindi ko na siya inisip at pinuntahan si Jana sa auditorium. Pagdating ko ng auditorium, hingal na hingal mas ay nilapitan ko siya. Nakaupo siya sa stage habang tulala.

"Jana, tara na pumasok ka na." Yaya ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Pinagmasdan ko lang siya. "Jana, may nangyari ba? Tara n—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumingala siya para tingnan ako. Seryoso ang tingin niya pero iniwas niya rin agad at tumayo.

Naglakad siya sa likod ng stage at kumuha ng desk. Nang makalampas siya sa akin ay hinabol ko siya.

"Akin na tulungan na—" Muli akong natigilan nang tapikin niya ang kamay ko. Tiningnan ko siya na puno ng pagkalito. May nagawa ba ako?

Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. "Jana may—"

"Tama na. Lubayan mo na ako. Hindi kita kailangan, Xial." Mariin niyang sabi habang nakatitig ng masama sa akin. Labis akong nagulat sa sinabi niya. Tumalikod na siyang muli at naglakad pero hinawakan ko ang braso niya.

"Ano ba!" Sigaw niya't hinila ng malakas ang braso niya mula sa pagkakahawak ko dahilan para maibagsak niya ang buhat na desk. "Pwede ba wag mo na akong pakialaman? Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ng rebound! Hindi ko kailangan ng tutulong sa akin para makalimutan siya! Hindi ko kayo kailangan!" Sigaw niya habang humahagulgol sa pag-iyak. "Mas pinapahirapan mo lang ang buhay ko, kaya please layuan mo na ako." Nalulungkot ako at naguguluhan sa nangyayari. Bakit siya biglang naging ganito?

Hindi na ako nakapagsalita. Binuhat niya ang desk at saka naglakad at naiwan akong mag-isa sa loob ng auditorium na bakas ang lungkot at pagtataka.

"Bakit Jana?" Saad ko habang tinatanaw siya palayo palabas at habang sa hindi ko na siya matanaw. Huminga ako ng malalim at inisip ng mabuti kung may nagawa ba ako? Bakit tila ang laki ng galit niya sa akin?

Napatingin ako sa pinto ng auditorium at tumakbo palabas para habulin si Jana pero natigilan ako nang hindi ko inaasahang makita na kasama niya si Julius. Sabay silang naglalakad at buhay ni Julius ang desk na buhay niya kanina. Nang mga oras na pinapanuod ko sila, may kung ano sa dibdib ko na hindi ko maintindihan.

Malakas kong nasipa ang pinto ng auditorium sa sobrang inis. What's with her?