Chapter 11. "The Ex and the Rebound"
Xials's POV
Nagising ako nang makaramdam ako ng pangangalay ng binti. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako rito sa sudy table. Umayos ako ng upo para iunat ang mga binti ko. Pag-upo ko nang maayos nahulog ang kumot na nasa likod ko kaya kinuha ko ito, nagtaka naman ako kaya napatingin ako sa nasa kama at doon ko nakita si Jana na nakahiga at natutulog. Napangiti ako at pinagmasdan ang mukha niya. Ang payapa nito at napakamaamo ng mukha niya. Inagaw naman ng notebook na pinasagutan ko sa kanya ang aking tingin. Kinuha ko ang notebook, pagtingin ko napasinghap ako sa nakita ko.
"Hindi niya sinagutan?" Inis kong sabi at tiningnan ang natutulog na Jana pero agad na naglaho ang inis ko nang makita ko ang nakasulat sa takore.
Salamat, Takore ko J
Napangiti ako at napailing na lang. Kinuha ko ang kumot na nilagay niya sa akin at ikinumot ko sa kanya. Bigla naman siyang gumalaw.
"X is 100..." Aniya habang natutulog. Hanggang panaginip nag-aaral pa rin siya.
Pagpakumot ko sa kanya. Pinatay ko na ang ilaw at lumabas ng kwarto. Doon muna ako kay Xyron matutulog.
"Good night, Jana." Saad ko bago sinara ang pinto.
Kinabukasan. Maaga akong nagising at si Jana ay nasa taas pa natutulog. Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig nang madatnan ko si Mama na nagluluto ng breakfast.
"Good morning, anak." Bati niya sa akin.
"Good morning, ma." Sagot ko't binuksan ang fridge at kumuha ng tubig.
"Mukhang puyat kayo kaka-review ni Jana ah." Sambit ni Mama. Tumango naman ako at naupo sa dining table habang umiinom ng tubig. "Oh? Ano 'to?" Gulat na sabi ni Mama. Tiningnan ko naman ang hawak niya, hawak niya 'yong takore na sinulatan ni Jana.
Natawa naman ako. "Si Jana ang nagsulat diyan. Takore kasi ang tawag niya sa akin. Kaya siguro sinulatan niya nong nakatulog ako." Paliwanag ko. Nakangiti namang tumango-tango si Mama pero napansin ko ang pang-aasar sa ngiti niya. "Oh? Anong ngiti po 'yan?" Tanong ko.
"Sus, maganda naman si Jana. Mabait din at magalang. Okay siya sa akin, anak!" Sabik na sabi ni Mama. Napasinghap ako habang nakangisi sa sinabi niya.
"Ma, magkaibigan lang kami." Pagkontra ko.
"Okay, sabi mo e. Hala sige gisingin mo na si Jana sa taas at luto na ang almusal." Utos ni Mama. Aakyat na sana ako nang tinawag niya ulit ako. "Anak, ngayon tayo maglilipat ng gamit ah."
Tumango-tango ako. "Opo."
Pauwi na si Jana sa kanila at ihahatid ko siya. Hanggang ngayon masakit pa rin ang ginawa niya sa akin. Pakiramdam ko mababaog talaga ako sa ginawa niya. Nakakainis. Napakasadista niya talaga. Siguro kaya siya niloko ng Julius na 'yon dahil nagger siya at ang lakas mang-under! Tss.
Pauna lang akong naglalakad sa kanya at hindi siya kinikibo. Kanina niya ako kinalakabit at tinatanong kung ayos lang ako. Ayos? E halos gumulong na ako sa sakit ng mahal kong bola.
"Hoy, okay ka lang?" Tanong niya, hinarap ko siya at seryosong tiningnan.
"Okay? Babaogin mo na nga ako tapos okay? Sasayangin mo pa ang magandang lahi ko!" Inis kong sagot sa kanya. Inis na nga ako pero ang reaksyon lang niya ay tumawa.
"Oh bakit di ba nagbibiro ka lang? Sorry ka mas masakit ako magbiro." Pang-aasar niya at naunang maglakad sa akin. Napasinghap ako sa inis. Kakaiba talaga siya! "Mabaog ka sana." Dagdag pa niya. Napasabunot ako sa inis at mariing pinikit ang mata ko pero agad akong napadilat nang marinig ko ang sinabi niya.
"Julius?"
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tapat ng bahay nila. 'Yong ex niya. Ano namang ginagawa niyan dito? Napansin kong natahimik si Jana. Naglakad 'yong lalaki palapit sa kanya. Paglapit nong lalaki nabigla ako nang yakapin niya si Jana. Nang mga oras na niyakap niya si Jana, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako dahil bakit ganito ang pakiramdam ko?
Humiwalay na sila sa pagkakayakap. "Jana, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ng lalaki sa kanya. Sandaling natahimik si Jana.
"Pumasok muna tayo sa loob." Saad niya't nauna na sa lalaki papasok ng gate nila. Nabuksan na niya dahil bumili ako ng duplicate ng pad lock ng bahay nila. Pagpasok ni Jana, sumunod na ako sa kanya nagkatinginan kami ni Julius nang dumaan ako sa kanya.
Pagdating sa gate isasarado sana ni Jana ang gate pero pinigilan ko siya.
"Oh sandali papasok ako." Maktol ko.
"Papasok? Umuwi ka na, mag-uusap pa kami." Mataray niyang sabi.
"Hala grabe, pinatuloy kita sa bahay ko tapos ako ipagtata-" Hindi ko na natapos ang pagrereklamo ko nang bigla niyang hamlutin ang kwenlyo ko at hinila papasok ng bahay nila. Hays, ang sadista talaga ni Jana.
Nasa loob na kami. Nakaupo ako sa sofa at nasa tapat kong sofa naman nakaupo si Julius. Iniwan kami ni Jana na nasa kusina para kumuha ng maiinom. Tahimik lang kami habang magkatinginan.
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Jana?" Seryosong tanong niya.
"Oo, bakit?" Tanong ko.
"Hindi ba ikaw si Gian Xial?" Tanong niya sa akin.
"Ako nga." Sagot ko. Bigla namang ngumisi si ungas at mayabang akong tiningnan.
"Wag si Jana ang paglaruan mo. I know you. You're famous of flirting and dumping girls you've dated. Don't you dare to do it to Jana." Ako naman ang napangisi sa pagbabanta niya.
"So you think you still have a right to act like a over-protected boyfriend to her after you cheated on her?" Maangas kong sagot sa kanya. Nakita ko namang nabigla siya sa sinabi ko.
"Layuan mo siya, you don't know the whole story." Inis niyang sagot.
"Do you think that I'll obey you? Sorry dude, but as long as Jana needs me. I will always stay by her side. Itaga mo sa bungo mo." Banta ko sa kanya. Mariin kaming nagkatitigan nang biglang dumating si Jana dala ang tray na may cookies at juice.
Naupos siya sa sofa na nasa gitna namin. "Julius, sabihin mo na ang sasabihin mo." Saad niya sa lalaki.
"Paalisin mo muna 'yan." Nainis naman ako sa asta ng lokong ex ni Jana.
"Hindi siya pwedeng umalis. Tuturuan niya pa ako sa Math." Nabigla ako sa sagot ni Jana at napangiti. Nakita ko namang nagulat si Julius sa sinabi ni Jana.
"What? You failed your Math exam again?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Paalis mo na siya, ako ang magtuturo sayo." Utos niya kay Jana.
"Kung ayaw mo sa desisyon ko at kung ayaw mo pang sabihin ang sasabihin mo. Mabuti pa Julius, ikaw na lang ang umalis." Sigaw sa kanya ni Jana. Natahimik naman si Julius sa sigaw ni Jana.
"Fine, I'll talk to you tomorrow." Saad ni Julius saka tumayo. Tiningnan ko siya at matalim pa sa kutsilyo ang tingin sa akin. Ginantihan ko naman siya ng tingin pero may ngiti sa aking labi. Umalis na siya at lumabas ng pinto.
Paglabas niya ng pinto, bigla namang tumayo si Jana at umakyat pero agad din siya bumaba dala ang bola ng volleyball niya. Determinado niya akong tiningnan.
"Samahan mo ko sa covered court." Aniya at naunang lumabas ng pinto.
Pagdating namin ng court panay ang spike niya ng bola sa akin. Minsan nga hindi ko na natatamaan tapos bigla naman siyang sisigaw na mahina ako. Pagserve naman niya tumatama naman sa ulo ko imbis na sa kamay ko.
"Galingan mo naman, Takore!" Sigaw niya. Pawis na pawis at hingal na hingal na siya. Ganon din naman ako. Seryoso ko siyang tiningnan. Hawak ko ang bola at lumapit sa kanya.
"Ayoko na." Sabi ko sa kanya at inabot ang bola. "Jana, tinuruan kitang ilabas ang sama ng loob mo sa bola. Pero hindi ko sinabing bawal kang umiyak." Seryosong sabi ko sa kanya. Hingal na hingal siya habang diretsong nakatingin sa akin. Bigla namang lumuha ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
"Anong klase kang rebound? Ba't nasasaktan pa rin ako?" Tanong niya sa akin habang umiiyak.
"Jana, mapapasaya kita kung ikaw mismo sa sarili mo ang gugustuhing sumaya ang sarili mo. Alam kong hindi madaling makalimutan. I've been there! But if you choose yourself to drown in sadness! You will always be a fool!" Natahimik siya sa sinabi ko at humagulgol sa pag-iyak. Nilapitan ko siya at niyakap. "For now, I can only offer to you shoulder." Umiiyak lang siya sa balikat ko. "Sasayaw at kakanta pa ba ako para tumahan ka?" Natatawa kong sabi. Bigla naman niya akong pinalo sa dibdib.
"Gung-gong." Saad niya't tumawa. Napangiti na rin ako. Humiwalay siya sa akin at tiningnan ko siya sa mga mata niya.
Patawad kung umiiyak ka pa rin, pero pangako hangga't hindi mo pa kaya, hindi kita iiwan. Pangako 'yan Jana.
Buong araw kaming nag-aaral sa bahay nila. Marami na kaming nagreview. Minsan nagwawala na siya dahil hirap na hirap na siya sa mga pinapasagutan ko pero kapag nakikita niya yung picture ni Julius na hinarap ko sa kanya bigla siyang naiinis at nagsasagot bigla. Ang ganda ang strategy ko sa kanya para hindi siya antukin. Nakakatawa siya.
Inabot na kami ng hapon sa pagrereview niya. Tahimik lang siya habang nagsasagot sa mga problems na binigay ko.
"Tama na 'yan, basahin mo na lang 'to." Sabi ko sa kanya at inabot ang isang white folder.
"Sasagutan ko na naman 'to?" Maktol niya.
"Hindi, basahin mo lang. Yan 'yong mga posible questions na pwedeng lumabas sa exam mo bukas. May sagot na diyan at may explanation kung paano nakuha ang sagot." Paliwanag ko.
Bigla namang tumunog ang doorbell nila. Sabay kaming napatingin sa pinto.
"May bisita ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman." Aniya't tumayo para tingnan kung sino ang nasa pinto. "Tita Xyra?" Rinig kong sabi niya. Napatayo naman ako ng banggitin niya ang pangalan ni Mama. Agad akong pumunta sa pinto at doon ko nakita si Mama.
"Oh, Ma ba't hindi ka nagtext o tumawag man lang?" Tanong ko. Tiningnan naman ako ni Jana na nagtataka.
"Eh kasi sabi mo katapat lang naman nila Jana ang bagong bahay natin." Sagot ni Mama. Biglang nanglaki ang mata ni Jana sa sinabi ni Mama.
"Po?" Hindi makapaniwalang bulalas niya.