Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

Lei's Point of View

Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong may liwanag na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at saka napatingin sa bintana ng kwarto ko.

"Hmm..." itinaas ko naman ang aking dalawang kamay sa magkabilang bahagi ng ulo ko at uminat para banatin ang mga natutulog pang mga buto ko.

"Good morning!" may ngiti sa aking nga labi nang sabihin ko iyon at saka ako naupo sa aking kama. Tiningnan ko naman ang orasan na nasa side table ko. Alas-sais na ng umaga.

Bumangon na ako sa kama ko at inabot ko naman ang cellphone ko na nakapatong sa sidetable para magpatugtog. Hinanap ko sa playlist ko ang kanta ng SB19 na Go Up at pinatugtog ito.

Nang magsimula na ang kanta ay tumungo naman ako sa banyo at hinayaan lamang na nakabukas ito para marinig ko ang kanta. Habang naghihilamos ako ay sinasabayan ko iyong kanta.

"Yeah, we gonna go up!

Ibibigay ko ang aking puso..."

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa banyo para maghilamos at magsipilyo ay lumabas na rin ako para kumain ng agahan. Hindi pa ako naligo dahil masyado pa namang maaga para pumasok. Pinatay ko na muna ang cellphone ko na tumutugtog bago ako lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko agad ang mga ilang katulong na nasa baba at naglilinis. Nagsimula na akong naglakad pababa ng hagdan at tinungo ang kusina. Pagpasok ko sa kusina ay nadatnan ko roon si ate Nene na naghahanda ng pagkain.

"Good morning, miss Lei." naka-ngiting bati nito sa akin nang makita niya akong pumasok ng kusina.

"Good morning."

"Maupo ka  muna diyan at lulutuhin ko lang itong itlog at hotdog na ulam mo." wika nito at saka binuksan ang ref na nasa tabi niya para kumuha ng itlog at hotdog.

Napatingin naman ako sa suot niya. Nakasuot na ito ng kanyang uniporme papasok sa paaralan at wala man lang siyang suot na apron.

"Anong gusto mong luto ng itlog? Sunny side-up o scrambled egg?" tanong nito.

Lumapit naman ako sa kanya at kinuha sa kamay niya ang itlog at hotdog na kanyang lulutuhin.

"Ako na ang magluluto, ate. Baka madumihan pa iyang uniform mo." nginitian ko siya bago ko tinungo ang kalan.

"Pero..."

"Marunong ako magluto, ate. Huwag ka pong mag-alala hindi masusunog itong mansion." biro ko sa kanya dahilan para tumawa siya.

"Sabi niyo po, e. Sige po, maiwan ko po muna kayo. Tawagin niyo na lang po ako pag tapos na po kayong kumain at huhugasan ko po ang pinagkainan niyo."

Umiling naman ako.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan ko ate Nene. Tutal hindi pa naman ako naliligo." sagot ko.

"Miss Lei baka makarating ito sa Lola mo. Ayaw kong mapagalitan. Nakakatakot pa namang magalit ang Lola mo." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Don't worry, hindi ito makakarating kay Lola and besides ako naman ang nagprisinta na gawin. Kaya sige na, punta ka muna sa sala at hintayin mo ako roon at sabay na tayong pumasok mamaya." saad ko at saka tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong magluto.

"P-po?" napatigil naman ako sa ginagawa ko at saka hinarap siya. Akala ko umalis na siya kanina pa.

"Sabay po tayong papasok?" tumango lang ako at muling hinarap ang niluluto kong hotdog.

"Oo, sabay na tayo mamaya dahil parehas naman tayo ng eskwelahan na pinapasukan at para makatipid ka na rin. But..." humarap ako sa kanya at tinuro siya gamit ang sandok na hawak ko. "ngayon lang a? Baka akala mo araw-araw tayong sabay na papasok." paliwanag ko sa kanya.

Nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko.

"Opo, naiintindihan ko po ang gusto niyong iparating. Salamat po, miss Lei." nginitian ko lang naman siya bago ito lumabas ng kusina.

Kumunot naman ang noo ko nang makaamoy ako ng parang may nasusunog kaya agad kong tiningnan ang niluluto ko.

"Shit!" agad kong pinatay ang kalan nang makitang sunog na ang hotdog na priniprito ko.

"Miss Lei, kumusta pala ang Lola mo? Anong sabi ng Doctor? Kailan daw po siya lalabas ng hospital?" nilingon ko naman si ate Nene na nasa likod ng sasakyan.

Nakasakay na kasi kami ni ate Nene sa sasakyan ni Lola papasok ng eskwelahan at si Kuya Roger ang nagmamaneho ngayon.

"Kuya, ano palang balita kay Lola?" tanong ko kay Kuya Roger na nasa tabi ko habang nagmamaneho.

"Ang sabi ng isang nurse kanina ay pwede na raw lumabas ng hospital ang Lola mo. Okay na raw ang vital signs niya at normal na ulit iyong pagtibok ng puso niya hindi kagaya noong sinugod natin siya sa hospital." sagot nito at saka mabilis niya akong nilingon.

Tumango lang naman ako at saka binaling ang atensiyon ko sa mga sasakyan na nasa harapan.

"Muntik ko na palang makalimutan..." napatingin ako kay Kuya Roger. "kakausapin ka ng Doctor na tumingin sa Lola mo tungkol sa kondisyon nito. Dapat daw sa kamag-anak niya sasabihin ang kondisyon ng Lola mo kaya hindi kami pwede ni manang Felly mo." pagkasabi iyon ni Kuya Roger ay sakto namang huminto ang sasakyan dahil nasa tapat na kami ng eskwelahan.

"Sige po, sunduin niyo na lang po ako mamaya pag pupunta na po kayong hospital." pagkasabi ko iyon kay Kuya Roger ay bubuksan ko na dapat ang pintuan ng sasakyan nang tawagin ako ni ate Nene kaya napalingon ako sa kanya.

"Pwedeng sumama mamaya?" nahihiyang tanong niya.

"Hindi."

"Ah, sige po." ngumiti ito sa akin. "Mang Roger, salamat po sa pagahahatid. Ingat po sa biyahe." pagkasabi iyon ni ate Nene ay lumabas na ito ng sasakyan.

Sumunod naman ako sa kanya at saka hinabol siya dahil nakapasok na ito ng gate. Mabilis ang paglalakad niya kaya naman tinawag ko siya sa tunay niyang pangalan.

"Katherine!" nakita ko namang tumigil siya sa paglalakad at gulat na  napalingon sa akin.

"Sorry, kung hindi ka pwedeng sumama mamaya para sunduin si Lola. Hindi tayo magkakasyang lima sa loob ng kotse niya." paliwanag ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.

Gusto kong ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi siya pwedeng sumama mamaya dahil baka mamaya isipin niyang pinagbabawalan ko siya dahil hinindian ko siya kanina.

"Okay lang. Naisip ko rin iyon kanina. Hintayin ko na lamang kayo sa mansion mamaya." sagot nito at nagsimula na itong naglakad palayo sa akin.

Napatingin naman ako sa pambisig na orasan ko. Fifteen minutes before mag-start ang first subject namin. Ang History.

Dahil may oras pa ako ay pumunta muna akong canteen para kumuha ng kape. Kumuha naman ako ng limang piso sa aking bulsa at saka inihulog ito sa vendo machine. Dahil yata sa lagi akong late ay nakasanayan ko na ang oagkakape sa tuwing pumapasok ako sa eskwelahan. Nang makuha ko ang kape ko ay tinungo ko na ang hagdan papunta sa klase ko. Habang naglalakad ako sa may hagdan ay naalala ko na naman iyong lalaking bumangga sa akin noong isang araw at hindi man lang siya humingi ng sorry.

"Pag bibigyan talaga ako ng tadhana na makita ulit ang lalaking iyon talagang kakalbuhin—Ano ba!" sigaw ko ng may bumangga sa akin kaya naman natapon iyong hawak kong kape sa sahig. Buti na lang at hindi natapon sa uniform ko.

"Hoy! Sa susunod huwag kang tumatakbo habang paakyat ka ng hagdan. Nakakadisgrasya ka e!" sigaw ko sa lalaking nasa unahan ko habang nakatalikod ito sa akin.

Hindi naman ito sumagot kaya sa sobrang inis ko ay hinila ko siya sa kamay para paharapin sa akin.

"Good morning, coffee girl." may nakakalokong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang magtama ang aming mga mata.

"Damon?"

"Yes, coffee girl?" inirapan ko lang naman siya dahil sa pagtawag niya sa akin ng coffee girl.

"Pwede ba Damon tigil-tigilan mo na iyang pagtawag sa akin ng coffee girl na iyan?" pagkasabi ko iyon sa kanya ay iniwan ko na siya sa may hagdan at nagsimula na muli akong naglakad patungonsa klase ko.

"Why not? You love coffee, right?"

Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang tinig niya mula sa likuran ko. Sumunod siya sa akin?

"Yes, I love coffee but it doesn't mean na pwede mo akong tawagin sa pangalan na iyan. I have my real name, Damon at walang coffee girl na nakasulat sa birth certificate ko."

Naikuyom ko naman ang kamay ko nang tumawa ito. Nang-aasar ba siya? Kung oo, naasar na talaga ako. Masasapak ko itong Chinese na 'to.

"Okay, madali lang naman akong kausap e. Basta ba ibalik mo sa akin iyong panyong pinahiram ko sa'yo. Importante kasi iyon sa akin." humalukipkip ito.

Panyo? Anong panyo ang tinutukoy ng hilaw na intsik na ito?

"Kailan mo sana ako pinahiraman ng panyo? Wala akong matandaan na pinahiraman mo ako ng panyo dahil kailan lang kita nakilala."

Naglakad lang naman ito palapit sa akin at pinagtapat niya ang mga mukha naming dalawa at halos ilang dangkal na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

Napalunok naman ako nang tiningnan niya ako sa mga mata ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bakit ba ang lapit niya sa akin?

"Ang bilis mo naman makalimot. Nakalimutan mo na nga iyong pangako mo sa akin noong mga bata pa tayo, tapos ngayon nakalimutan mo iyong nangyari sa atin noong Lunes sa may hagdan?" pagkasabi niya iyon ay inilayo na niya ang kanyang mukha sa akin at tumayo ng matuwid at inilagay nito ang dalawang kamay sa loob ng kanyang bulsa.

"Ikaw iyon?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Siya ba talaga iyong lalaking bumangga sa akin noong araw na iyon?

"Ano? Kakalbuhin mo na ba ako?" natatawang tanong nito sa akin.

"Hindi lang kita kakalbuhin. Tatanggalan kita ng ulo!" lumapit ako sa kanya at sa inis ko ay sinabunutan ko siya.

Napapatingin naman sa amin ang mga estudyateng naglalakad sa corridor kung saan ko sinasabunutan ngayon si Damon.

"Sabihin mo nga sa akin, sinadya mo akong banggain kanina dahil narinig mo iyong sinasabi ko, no?" tanong ko sa kanya habang hawak ko pa rin ang buhok niya.

"No!" sigaw nito at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa buhok niya pero mas hinigpitan ko lang ang hawak sa buhok niya.

"Stop! Ang sakit na ng anit ko!"

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka nakakalbo!" sigaw ko at hindi binitawan ang buhok niya.

Natigil naman ako sa ginagawa kong pagsabunot kay Damon nang makita ko si Triton sa harapan ko kasama si Shania.

Iyong inis na naramdaman ko kay Damon kanina ay dumoble nang makita ko silang dalawa na magkasama. Sabay ba silang pumasok? Tama ba ako ng hinala?

"Buti naman at binitawan mo na ang buhok ko?" matalim ang tingin na binigay sa akin ni Damon habang inaayos niya ang buhok niya pero hindi ko na lang siya pinatulan pa dahil nakatingin lang ako sa dalawang taong nakatayo sa likod niya.

"Lei, who is he?" tanong ni Triton.

Nakita ko namang napatigil si Damon sa pag-aayos niya ng kanyang buhok at saka ito humarap kina Triton at Shania.

"I'm Damon Sy. Lei's fia—"

"Friend." pagtatapos ko sa sasabihin ni Damon. Tiningnan lang naman niya ako ng masama pero binalewala ko lang siya. "Yes, he's my friend." nginitian ko sila.

"Magkaibigan kayo?" tanong muli ni Triton at sinulyapan niya si Damon at ibinalik niya ang tingin sa akin.

"Oo, simula pagkabata magkaibigan na kami ni Lei." sagot sa kanya ni Damon at nagulat naman ako nang akbayan ako nito. "Hindi ba Lei?" tanong nito sa kain kaya napalingon ako sa kanya.

"Ah, oo." sang-ayon ko sa sinabi ni Damon at saka tiningnan ang dalawang nasa harapan namin.

"Bakit parang hindi ko siya kilala, Lei? Hindi mo siya nabanggit sa akin." ngayon naman ay si Shania ang nagtanong.

Bakit ba tanong sila ng tanong? Buwisit!

"Hindi mo talaga kilala si Damon, Shania kasi sa Canada na siya lumaki." Lord patawarin mo po ako sa mga kasinungalingang sinasabi at sasabihin ko pa lang ngayon. "'Di ba, Damon?" nilingon ko naman si Damon. Alam kong base sa mukha niya ay nagugulahan ito sa sinasabi ko kaya naman siniko ko siya kaya napatingin ito sa akin at sinenyasan ko siya na sumakay na lang siya sa sinasabi ko.

"Five years old pa lang ako noong nag-migrate ang family ko sa Canada then noong sixteen ako ay bumalik kami rito sa Pilipinas." kwento sa kanila ni Damon na akala mo ay totoo talaga.

Napatingin naman ako kina Triton at Shania na paniwalang-paniwala sa kwento ni Damon. Hays. Mabuti na lang at magaling gumawa ng kwento ang Chinese na ito.

"Bakit bumalik kayo ng Pilipinas?" tanong na naman sa kanya ni Shania.

Kailan ba titigil ang isang ito sa kakatanong? Anak ba siya ni Boy Abunda at hindi siya nauubusan ng tanong kay Damon?

Sasagutin na dapat siya ni Damon pero mabuti na lang at tumunog na ang school bell hudyat na nagsisimula na ang unang klase.

"Mamaya na lang ulit. Nice meeting you guys." paalam sa amin ni Damon bago ito umalis.

Nakatingin lang naman kaming tatlo sa papalayong bulto no Damon sa amin. Nang hindi na namin siya makita ay napagpasiyahan na naming tatlo na pumunta sa klase namin.

Habang naglalakad kami ay nakatingin lang ako sa dalawang kasama ko na nasa unahan ko. Kanina pa kasi sila nag-kwe-kwentuhan at parang hindi nila ako kasama.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang tumigil sila parehas kaya naman napayuko na lamang ako baka sabihin nilang nakikinig ako sa usapan nila.

"Lei, bakit ba nandiyan ka sa likod namin? Halika ka rito. " rinig kong sambit ni Triton kaya tiningnan ko siya at saka sinagot.

"Okay lang ako rito. Sige, usap lang kayo." sagot ko at tipid siyang nginitian.

"Sure ka, Lei?" tanong naman sa akin ni Shania. "Lika na rito sa tabi ko."

"Hindi, okay lang talaga ako." nginitian ko siya.

"Okay."

"Okay ka lang ba talaga, Lei?" tanong muli sa akin ni Triton kaya tumango naman ako bilang sagot.

Pinagpatuloy naman nilang dalawa ang paglalakad habang nag-uusap pa rin habang ako ay nakasunod lang sa kanila.

Habang tumatagal na nakikita ko silang magkasama at masayang nag-kwe-kwentuhan ay nakaramdam ako ng biglaang pagsikip ng dibdib ko. Ang bigat ng pakiramdam ko habang nakikita ko silang dalawa na malapit sa isa't isa. Hindi ako tanga para hindi alam kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pagsikip ng dibdib ko.

"Nagseselos ba ako?"