Triton's Point of View
"What brings you here?" tanong sa akin ng kaibigan ko na si Apollo nang makita niya akong nasa labas ng bahay nila.
"I have a problem."
Nang marinig niya ang sinabi ko ay nilakihan naman niya ang pagbukas ng pinto upang makapasok ako.
"Anong problema mo? Babae? Pera? Ano?" sunod-sunod na tanong niya sa akin habang papasok kami ng kanilang bahay.
"Si Lei..." wika ko at tiningnan ko siya na ngayon ay naka-upo na ito sa isang couch na nasa sala. "may kasalanan ako sa kanya."
Tumango lang naman ito at saka pinagsalikop nito ang kanyang dalawang kamay at ipinatong dito ang kanyang baba.
"Ito ba iyong dahilan kaya sinabihan mo ako kaninang umaga na kailangan mo ng payo ko?" tumango lang naman ako bilang sagot sa tanong niya at saka ako umupo sa isang couch na nasa tapat niya.
"Ano ba kasing nangyari? Ang sabi mo sa akin kaninang umaga ay may kasalanan ka kay Lei. Ano iyon?" tanong muli nito at sumandal ito sa upuan at tiningnan niya ako ng mabuti.
Isang tingin na tila ba sinusuri niya ako.
Huminga naman muna ako ng malalim bago ko siya sagutin.Handa ko na sana siyang sagutin nang muli itong magsalita kaya naman natigilan ako sa gagawin ko.
"And wait, speaking of Lei..." panimula nito at naupo nang maayos. "Nakita ko pala siya sa hospital kahapon. Sa hospital kung saan na-admit si Hades? Doon din pala in-admit ang principal, ang Lola niya. Katunayan nga nagkita kami kahapon doon at nag-usap."
"Ano namang pinag-usapan niyo?"
"Tungkol sa Lola niya at ikaw."
Bakit ako nasali? Bakit nila ako pinag-usapan?
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
Tumango lang naman siya.
"Ano namang pinag-usapan niyo tungkol sa akin?" nakakunot ang mga noo ko habang tinatanong ko siya.
"Tinanong ka lang niya sa akin kung nasaan ka at kung bakit hindi raw kita kasama." paliwanag niyo sa akin.
"Ano namang sabi mo sa kanya?"
"I told her you met with her friend named Shania."
Ano?! Bakit niya sinabi iyon? Ang sinabi ko kay Lei kaninang tinanong niya ako ay kasama ko siya. Bwisit! Anong sasabihin ko kay Lei? Alam na nitong nagsisinungaling ako sa kanya.
"Bakit mo sinabi sa kanya?" napahilamos na lamang ako ng sarili kong palad sa mukha ko dahil sa inis.
"Why not? She needs to know where you are." tiningnan niya ako sa mga mata ko.
Hindi ko kaya ang mga mata niyang nakatingin sa akin ngayon kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya. Kilala ko si Apollo. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak niya sa mga sandaling ito.
"Are you hiding something, Ventura?" seryosong tanong nito sa akin. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?"
Napayuko na lamang ako. Paano ko nga ba sasabihin at ipapaliwamag ngayon ito sa kanya?
"Si Shania kasi..." panimula ko at tumingin sa kanya na ngayon ay nakatingin din pala siya sa akin.
"Shania? Iyong kaibigan ni Lei?" tumango lang naman ako bago muli akong nagsalita.
"She confessed to me that she likes me."
"What?! She likes you?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Alam ba ito ni Lei? Did you tell her about this?" umiling lang naman ako.
"Kailan mo balak sabihin sa kanya?"
"Hindi ko alam. Natatakot kasi ako."
"Bakit ka naman matatakot? Wala ka namang ginagawang masama, 'di ba?" tanong nito. "Pero wala ka nga ba talagang ginawang masama?" biro nito sa akin at saka ito tumawa ng mahina.
Nginitian ko lang naman siya nang tingnan niya ako.
Hindi naman ako pasmadong tao pero sobrang basa ng mga palad ko habang nasa harapan ko ang kaibigan ko at nakatingin lang ito sa akin.
Nagdadalawang isip pa rin kasi ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari sa amin ni Shania noong isang araw at lalo na ang nangyari kanina lang.
"I know you are hiding something, Triton. You're sweating. Kaibigan mo ako kaya wala kang maililihim sa akin. I know somethings bothering you." nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko sa sinabi niya.
Kaibigan ko nga talaga siya. Alam na alam niya kung may tinatago ba ako sa kanya o wala.
"Spill it, Ventura. I will listen." sambit nito at saka niya ako tiningnan at ngumiti ito sa akin.
Tipid ko lang naman siyang nginitian at saka ako kumuha ng lakas ng loob para ikwento lahat nang nangyari sa amin ni Shania kasama na si Lei.
Nakikinig lang siya sa akin habang nag-kwe-kwento ako at hindi ito nagsasalita. Nagsalita lamang siya noong natapos na akong magkwento sa kanya.
"Anong gulo ang pinasok mo, Triton? Gago ka! Alam mo ba iyon?" anito at sinabunutan ang sarili niyang buhok. "sinasabi ko sa'yo umayos ka, Ventura. Kung hindi, ako mismo ang sasapak sa'yo dahil sa mga pinaggagagawa mo." anito at hinawakan ang sintido niya.
"Anong gagawin ko ngayon?" tanong ko sa kanya.
Inalis naman nito ang kamay niyang nasa sintido niya at saka napatingin sa akin.
"Ano pa nga ba edi, humingi ka ng sorry sa kanya! Gago ka talaga! Pero huwag kang kampante na mapapatawad ka niya agad dahil sa kagaguhan na ginawa niyo ng kaibigan niya." inis na saad nito sa akin at tumayo na ito sa kinauupuan niya. "Umuwi ka na bago pa kita masapak. Akala ko ako na ang gago sa ating dalawa pero mas gago ka pala." pagkasabi niya iyon ay naglakad na ito paakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya.
Napabuntong hininga na lamang ako bago ko kinuha ang helmet na nasa tabi ko at saka ako lumabas ng bahay nila.
Habang palabas ako ng bahay ay paulit-ulit ko pa ring naririnig ang boses niya na sinasabing gago ako. Totoo nga ang sinabi niya na gago ako dahil hindi ko man lang nasabi kaagad kay Lei ang katotohanan.
Habang nakasakay ako sa motor ko ay tinungo ko ang daan papunta sa mansion ng mga Vizconde. Kailangan kong kausapin ng personal si Lei at humingi ng kapatawaran. Ayaw kong magtanim siya ng galit sa akin dahil hindi ko iyon kakayanin lalo pa't nalalapit na ang kaarawan nito. Ayaw kong mauwi sa wala ang apat na taon kong paghihintay sa kanya para payagan niya akong manligaw.
Mabilis ang pagpapatakbo ko na animo'y parang ako lang ang may sasakyan sa kalsada at halos singitan ko na rin ang mga malalaking sasakyan sa kanilang linya para lang mabilis akong makarating sa mansion nila Lei.
Ilang minuto pa ang bineyahe ko at ngayon ay nasa harap na ako ng gate ng mansion nila. Agad akong bumaba sa motor na gamit ko at tinungo ang napakalaking gate na kulay ginto na nasa harapan ko. Hinanap naman ng mga mata ko ang doorbell at agad ko namang nakita ito kaya pinindot ko ito. Nakakadalawang pindot pa lang ako nang makakita ako ng isang pigura ng lalaking naglalakad papunta sa aking direksiyon.
Hindi ba siya ang driver na laging sumusundo kay Lei sa eskwelahan?
"Kuya, pwede ko po bang makausap si Lei?" tanong ko dito nang malapitan niya ako.
Akala ko pagbubuksan niya ako pero nagkamali ako. Nakatayo lang siya sa harap ko habang sinasagot ang mga tanong ko.
"Patawad, hijo pero bilin sa amin ni miss Lei na hindi kami pwedeng magpapasok ng kahit na sino sa mansion lalo pa't kararating lang ng Lola niya galing ng hospital at nagpapahinga pa ito." sagot nito sa akin.
"Kuya, please. Kaibigan po ako ni Lei." pagmamakaawa ko.
"Umuwi ka na, hijo. Gabi na. Bukas mo na lamang siya kausapin."
"Kuya..." napaupo na lamang ako sa sahig nang nagsimula na itong maglakad paalis sa harapan ko.
Kinuha ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko at hinanap ang numero ni Lei. Nilingon ko muna ang mansion na nasa likuran ko bago ko pinindot ang numero nito para tawagan siya. Nasipa ko naman ang bato na nasa harapan ko dahil sa inis dahil hindi ko siya ma-contact dahil nakapatay ang cellphone nito.
Kaya ang ginawa ko ay pinadalhan ko na lamang siya ng mga text upang sa ganoon ay mabasa niya ito pag binuksan na niya ang cellphone niya.
Muli kong tiningnan ang oras sa cellphone ko. Alas-otso na ng gabi. Mag-iisang oras na akong naka-upo sa harap ng gate nila. Tiningnan ko rin kung may reply na ba siya pero nabigo ako dahil wala itong reply kahit isa sa mga text ko sa kanya.
"Hindi ba uso sa kanya ang mag-charge?" bulong ko sa sarili ko at muli akong napalingon sa mansion. "O binalak talaga niyang pinatay ang cellphone niya para hindi ko siya ma-contact?"
Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at pinagpag ang damit ko. Siguro nga bukas ko na lang siya kakausapin ng personal. At personal din akong humingi ng tawad sa kanya dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya.
Agad kong pinaharurot ang motor na sakay ko pauwi ng bahay. Alam kong sa mga oras na ito ay meron na ang papa ko galing sa trabaho. Sa kanya na lamang ako hihingi ng payo kung paano nga ba humingi ng sorry sa babaeng nasaktan ko.
Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakabukas na ang mga ilaw sa loob kaya naman kumatok na muna ako sa pinto bago ako pumasok. Pagpasok ko ng bahay ay nakita kong nasa kusina si papa kaya naman dumeretso ako rito.
"Papa..." napahinto ako sa pagpasok ko sa kusina nang marinig ko siyang nagsalita. Mukhang may kasama siya sa kusina at nag-uusap ang mga ito.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Paano kung ilayo ka niya ulit sa anak mo?" tanong ni papa sa kausap.
"Sigurado na ako, Benedict." isang boses ng babae ang sumagot.
Sino siya? Bakit magkasama sila ng tatay ko? Babae ba siya ni papa? Alam ba ni mama ang tungkol dito?
"Lilia, nandito lang kami ni Annie kung kailangan mo ng tulong. Huwag kang mahiyang lumapit sa amin dahil hindi ka na iba sa amin."
"Lilia?" mahinang bulong ko sa sarili ko. "parang narinig ko na ang pangalan na iyon."
Umiling lang naman ako at maglalakad na sana ako papunta ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni papa at tinawag ako.
"Triton, come here alam kong ikaw iyan. Nakita ko iyang sapatos mo habang nakikinig ka ng usapan namin ni Lilia." pagkasabi iyon ni papa ay napamura na lamang ako sa isipan ko. Kita pala iyong sapatos ko, sayang iyong effort ko na nagtago.
Kaya imbes na umakyat ako sa kwarto ko ay naglakad ako pabalik ng kusina at doon ko nakita kung sino ang kanina pa kausap ni papa.
Isang babae ito na sa tingin ko ay kasing edad lang ni mama. May kulay brown itong buhok na hanggang balikat at kayumanggi ang kanyang kutis. Bilog din ang kanyang mga mata at may katangusan ang kanyang ilong at may manipis din itong bibig.
"You may be, Triton?" tanong ng ginang sa akin.
Tumango lang naman ako at saka ako lumapit sa kanya para makipagkamay.
"Hi ma'am, I'm Triton Ventura. The son of Mr. and Mrs. Benedict Ventura." ngumiti ako sa kanya at inilahad ang aking kamay.
"Nice meeting you, Triton." kinuha nito ang kamay ko na nasa harapan niya at nakipagkamay sa akin.
Habang hawak pa rin niya ang kamay ko ay napansin ko ang kaliwang braso niya. Hindi ito makinis kagaya ng kanang braso niya na siyang hawak ko ngayon. Mukhang nasunog ito dahil mapapansin ang pagkakaiba ng balat niya at nag-iwan ito ng napakalaking galos dito. Bumalik naman ang tingin ko sa kanya nang magpakilala na ito sa akin.
"I'm Lilia Vizconde, nice to see you again." ngumiti ito sa akin bago niya binitawan ang kamay ko.
"Nagkita na po tayo dati?" nagtatakang tanong ko rito.
"Hindi ba ikaw ang kumuha sa akin ng envelope na brown noong araw na iyon para ibigay sa anak ko?"
Napaawang ako ng labi sa narinig ko. Ibig sabihin tama nga ako ng hinala noong araw na iyon. Siya ang nanay ni Lei! Buhay ang mama niya!