Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 21 - Chapter 20

Chapter 21 - Chapter 20

Triton's Point of View

Naglalakad na ako papunta sa klase ko pero hindi pa rin maalis sa utak ko ang mga sinabi ni Damon bago ito umalis sa rooftop kanina. Naiwan itong isang malaking palaisipan sa akin.

Anong ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya kanina?

"Gusto rin kaya niya si Lei?" bulong ko sa sarili.

Umiling lang naman ako at iniwaksi sa isipan ko ang sinabi ko. Imposibleng magkagusto siya kay Lei. Magkaibigan lang sila.

Kaibigan rin naman ang turing mo kay Lei noon bago ka umamin sa kanya na gusto mo siya.

Napatigil ako sa paglalakad nang bumulong sa akin ang sarili ko. 

Puwede ngang mangyari iyon sa kanilang dalawa. Pero papaano naman ako? Anong mangyayari sa akin kung mangyari nga iyon?

Isang malalim na paghinga naman ang ginawa ko.

Relax, Triton. Huwag kang masyadong mag-isip ng gan'yan. Hindi mangyayari iyon.

"Triton, relax..." mahinang sambit ko at huminga ng malalim bago ko hinawakan ang seradula ng pintuan ng classroom namin at pumasok ako rito.

Hindi agad ako pumasok dahil sa akin napunta ang atensiyon ng mga kaklase ko maski ang teacher namin sa Math na si Mr. Mesia.

Humarap naman ako sa kanya at yumuko, "Sorry, sir, I'm late."

"Come in." agad naman akong pumasok at isinara ang pinto.

"You're five minutes late, Mr. Ventura. Where have you been?" napatigil naman ako sa harap ng klase nang tanungin niya ako kaya hinarap ko siya.

"Traffic po." pagsisinungaling ko sa kanya at tuluyan na akong pumunta sa upuan ko.

Hindi naman na ako nakarinig pa ng tanong mula sa kanya kaya tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko papunta sa upuan ko sa bandang likod. Habang naglalakad ako ay napatingin ako kina Lei at Shania. Naka-upo ang dalawa at seryosong nakatingin sa harapan at nakikinig sa tinuturo ni Mr. Mesia.

Isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ni Shania sa akin nang lingunin niya ako. Hindi ko na lamang siya pinansin at naupo ako sa upuan ko.

Habang nasa harapan si Mr. Mesia na nagtuturo ay wala ako sa sarili at hindi ako nakikinig sa kanya. Nakatingin lamang kasi ako kay Lei at iniisip ang mga sinabi niya sa akin kanina sa may rooftop.

"Hindi kita kilala, Triton dahil kung kilala talaga kita, dapat noon pa lang alam ko ng sinungaling ka! Dapat noon pa lang hindi na kita pinagkatiwalaan pa!"

"Ang gusto ko lang naman malaman noong araw na iyon ay ang katotohanan. Ang laki ng tiwala ko sa'yo, pero sinira mo."

"Hindi ka lang nagsinungaling sa akin kundi naglihim ka pa sa akin, Triton."

I'm sorry, Lei if I lied to you. Akala ko kasi mas mabuting huwag ko na lang sabihin sa'yo ang totoo pero, nagkamali ako. Dahil sa pagsisinungaling ko sa'yo, nasaktan kita at higit sa lahat nagalit ka sa akin.

"Ventura!"

"Ay, Ventura!" malakas na sambit ko at napatayo ako sa kinauupuan ko.

Napatingin naman ako kay Mr. Mesia na siyang tumawag sa akin at sa mga iba kong kaklase na nagtatawanan dahil sa nakakahiyang ginawa ko.

Nilingon ko naman si Lei sa kanyang upuan. Nakatingin lamang siya sa kanyang kwaderno.

"Nasa earth ka, tol wala ka sa outer space." bulong sa akin ni Apollo na nasa likuran ko at saka ito tumawa ng mahina.

"Triton, kanina pa kita tinatawag para sagutin ang tanong ko." tumayo naman ako ng matuwid at tiningnan si Mr. Mesia na ngayon ay naglalakad na ito palapit sa akin. "Now, I'm asking you again. What is the square root of twenty-five?" tanong nito nang nasa harapan ko.

Aba malay ko! Hindi naman ako mathatician kaya hindi ko alam ang sagot. Gusto kong sabihin sa kanya iyan pero hindi ko na lamang ginawa dahil baka ibagsak niya ako.

"I don't know, sir." Napahawak naman siya sa kanyang sintido nang marinig niya ang sagot ko.

"Ang simple ng tanong ko hindi mo pa masagutan? Nakikinig ka ba habang nagtuturo ako?" may bahid ng pagbabanta sa boses nito nang tanungin niya ako.

Umiling lang naman ako.

"Hay nako, Mr. Ventura. Ang ganda mong lalaki tapos walang laman iyang utak mo. Nakakahiya ka!" pagkasabi niya iyon ay naglakad na muli ito pabalik sa harapan ng klase.

Habang naglalakad ito pabalik sa kanyang klase ay nagtawag ito ng panibagong sasagot sa tanong niya.

"Who wants to help, Mr. Ventura?" tanong niyo sa mga kaklase.

"Sir..." napatingin naman ako sa kanya.

"Okay, Ms. Rodriguez what is the answer?"

"The square root of twenty-five is five, sir." sagot nito.

"Tama! The square root of twenty-five is..." tumingin sa gawi ko si Mr. Mesia. Parang sinasabi nito na tapusin ko ang sinasabi niya.

"Five, sir."

"Okay, maupo na kayong dalawa. Next time, Triton makinig ka sa mga tinuturo ko o magpaturo ka kay Shania." tumango lang naman ako.

"She is good in mathematics kaya sa kanya ka magpaturo." pagkasabi niya iyon ay hinarap na nito ang white board at may isinulat dito.

Napakamot na lamang ako sa batok ko nang mabasa ko sa white board na  may ipapagawa siyang assignment.

Akala ko ba no homework policy na?

Matapos maisulat ni Mr. Mesia ang tungkol sa assignment namin ay nagpaalam na ito dahil tapos na ang klase niya sa amin. Tuwing Biyernes kasi ay tig-f-fifteen minutes lang ang bawat klase namin sa aming mga asignatura dahil sa half-day lang ang pasok namin ngayon.

Dahil tapos na ang aming klase kay Mr. Mesia ngayon naman ay klase na namin sa asignatura na P.E. Pumasok naman sa loob ng klase ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng P.E. uniform na may hawak na bola ng volleyball sa kanyang kanang kamay samantalang sa kaliwa nitong kamay ay may hawak na patpat. Siya si Mr. Reynes.

"Did you bring your P.E. uniform, today?" tanong nito sa amin at saka niya ipinatong sa mesa ang mga hawak niya.

"Yes, sir!" sabay-sabay na sagot namin sa kanya.

"Kung gano'n, magbihis na kayo dahil maglalaro tayo ngayon ng volleyball. Volleyball girls versus volleyball boys." pagkasabi niya iyon ay lumabas na ito ng klase.

Papunta na siguro ito ngayon sa covered court kung saan doon kami maglalaro mamaya. Kaya naman ang ginawa namin ay kinuha ang mga gamit namin at dumeretso na ng CR para magpalit ng damit.

"Tara na!" napatingin ako kay Apollo nang tapikin niya ako sa balikat at nauna na itong naglakad palabas ng klase kaya naman sinundan ko na ito dala ang bag ko kung nasaan ang damit ko.

Dahil mga lalaki naman kami lahat sa CR ay hindi na kami nagkahiyaan pa at agad na naming tinanggal ang school uniform namin at nagpalit ng P.E. uniform. Mabilis lang kaming nagpalit kaya halos lahat kami ay sabay-sabay na rin na tinungo ang covered court kung saan kami maglalaro.

"Galingan natin mamaya! Dapat matalo natin iyong mga pabebeng babae na iyon sa laro." rinig kong sambit ng isa kong kaklase na nasa harapan namin ni Apollo.

"Big deal na naman sa kanila ang magaganap na laro." rinig ko namang sinabi ng katabi ko.

"Kahit kailan talaga kontrabida ka." natatawang saad ko kay Apollo.

Inirapan niya lang naman ako at pinagpatuloy ang paglalakad namin.

Malapit na kami sa covered court ng school nang mapansin namin ang ilang babaeng lumagpas sa amin habang tumatakbo at sinisigaw ang pangalan ni Mr. Reynes.

"Anong nangyari sa mga iyon?" tanong ng isa kong kaklase.

"Sir, Reynes! O. M. G! Sir Reynes!" matinis na sigaw nang babaeng palapit sa amin kaya naman hinawakan ko siya sa braso niya para pigilan siya at tanungin.

"Anong nangyari? Bakit kayo nagsisigawan?"

"Nag-aaway kasi sa CR sina Lei at Shania. "

Agad ko siyang binitawan sa kanyang braso nang marinig ko ang pangalan ng babaeng gusto ko at agad akong tumakbo papunta sa CR ng mga babae kung saan sila nag-aaway ni Shania.