Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

Lei's Point of View

"Good morning." bati sa amin ni Mrs. Tamani pagpasok niya sa classroom at agad nitong nilapag sa mesa ang mga hawak niyang aklat.

Nakatingin lang kami sa kanya habang naka-upo ito at abalang nakatingin sa kanyang aklat. Hinahanap siguro nito ang ituturo niya sa amin ngayon.

"Meron na ba si Miss Vizconde?" tanong nito at saka tumingin sa direksiyon ko. Nakita ko namang nagulat siya nang makita ako."O, mabuti naman at maaga ka ngayon? Takot ka ma-drop-out?" biro nito at saka muli nitong hinarap ang kanyang aklat.

Yumuko lang naman ako nang sabihin niya iyon kaya naman inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagsusulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko.

"Kaya ayaw na ayaw kong pumapasok ng maaga e." bulong ko habang napapailing na napatingin sa relo ko.

Mag-iisang oras na kasing nag-kwe-kwento si Mrs. Tamani sa harapan tungkol sa talambuhay niya. Kaya hindi kami nakapagklase ay dahil ibang aklat pala ang nakuha niya. Nagprisinta akong kanina na kunin ang aklat niya sa faculty para makapagsimula na itong mag klase pero pinigilan niya ako at doon na siya nagsimulang mag-kwento at pangaralan kami.

"Kaya kung ayaw niyong magaya sa mga taong tambay lang diyan, mag-aral kayo ng mabuti. Magsumikap kayo. Hindi iyong lagi kayong na-l-late sa pagpasok sa eskwelahan at hindi nakikinig habang nagsasalita ako ngayon dito sa harapan. 'Di ba Eileithyia?" napaangat naman ang ulo ko at napatingin sa kanya nang marinig ko ang pangalan ko.

"Po?"

Hindi naman niya ako sinagot at tumayo na ito at kinuha ang kanyang mga aklat dahil malapit na matapos ang oras ng klase niya sa amin.

Napailing na lamang ako nang umalis na ito sa klase na hindi man lang nagpapaalam sa amin. Napatingin naman ako sa ibang kaklase ko nang marinig ko ang mga sinasabi nila tungkol kay Mrs. Tamani nang tuluyan nang makalabas ito ng klase.

"Ilang beses na bang ikinuwento sa atin ni Mrs. Tamani iyong kwento niya kanina? Nakakasawa na." umiling na saad ng kaklase kong si Jonah.

"Sinabi mo pa, Jo. Ganyan yata pag matanda ka na." natatawa namang sagot sa kanya ni Kevin.

"Huwag na kayong mainis diyan. Huling taon na rin naman natin dito at huling taon na rin natin maririnig ang kwento ng buhay ni Mrs. Tamani." nang sabihin iyon sa kanila ni Clyde ay nagsitawan naman ang mga ito.

Lihim naman akong napangiti dahil sa narinig ko. Tama naman kasi sila. Lagi niyang kinukwento ang tungkol sa buhay niya noong kabataan niya pa sa tuwing ayaw nitong magklase. Dahil sa gawain niyang iyon ay hindi ako pumapasok ng maaga kaya naman lagi niya akong pinapagalitan sa tuwing nakikita niya ako dahil sa hindi ko pagpasok sa klase niya.

Dahil tapos na ang klase namin kay Mrs. Tamani ay wala na kaming klase pa dahil wala kaming Math subject tuwing Miyerkules. Lunes at Biyernes lang na may klase kami ng math. At dahil vacant namin ngayon ay halos lahat ng tao sa classroom ay lumabas para maglaro sa covered court o hindi naman kaya ay pumunta silang library para magbasa. Tiningnan ko naman ang loob ng classroom kung nasaan ako ngayon at tiningnan kung sino ang mga kasama kong naiwan. Walo kaming naiwan sa loob ng klase.

Ako. Si Triton. Si Shania, at ang lima pa naming kaklase. Muli ko namang tiningnan si Triton at Shania. Nakaupo lang sila sa kanilang silya at nakatutok sa kanilang cellphone.

Nag-uusap ba sila sa pamamagitan ng pag-text sa isa't isa kaya naman hindi sila umiimik ngayon?

Napatingin naman ako sa lima pang kasama ko sa loob ng klase. May kanya-kanya silang ginagawa na para bang may sarili silang mundo.

"Ano naman ang gagawin ko ngayon?" tanong ko sa sarili ko at saka sumandal ako sa upuan ko at ipinikit ang mga mata ko.

Agad naman akong napadilat at napatingin sa direksiyon ni Triton nang bigla na lamang nagpakita ang video nila ni Shania na naghahalikan kaninang ipikit ko ang mga mata ko.

What the hell?

"Triton..." tawag ko sa kanya kaya naman natigil ito sa kanyang ginagawa sa cellphone at napalingon ito sa akin. Nakaupo kasi ito malapit sa akin at dalawang upuan lang ang pagitan naming dalawa. "saan ka pala nagpunta matapos kitang iwan sa gate kahapon? Umuwi ka ba kaagad sa bahay niyo?"

Napansin kong namutla siya nang marinig niya ang tanong ko.

Please, Triton sabihin mo sa akin ang totoo.

"Hindi agad ako umuwi sa bahay..." ibinulsa nito ang cellphone na hawak niya at saka ito tumayo at naglakad palapit sa akin.

Sasabihin niya kaya ang totoo? Iyong tungkol sa pagkikita nila ni Shania kahapon?

"Sa bahay nila Apollo ako dumeretso kahapon at nakipagkwentuhan sa kanya hanggang alas-syete ng gabi." sagot nito nang makalapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

Hanggang alas-syete sila ng gabi na nagkwentuhan ni Apollo? E, kahapon nga alas-syete na noong umalis si Apollo sa hospital matapos kaming mag-usap.

Bakit ka nagsisinungaling, Triton?

"Bakit mo pala natanong?" nginitian ko lang naman siya at saka umiling.

"Ngayon pala ang labas ni Lola sa hospital." panimula ko.

"Talaga? Mabuti naman kung gano'n. Anong sabi ng Doctor sa kanya?"

"Mamaya ko pa malalaman. Susunduin ko siya mamaya sa hospital." sagot ko at muli akong nagsulat sa notebook na nasa mesa ko.

Habang nagsusulat ako ay may tinanong sa akin si Triton kaya napatigil ako sa ginagawa ko.

"Bakit ka pala tumawag sa akin kahapon? Iyon ang unang beses na tinawagan mo ako."

Nilingon ko naman siya at mali yata ang ginawa kong paglingon dahil halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Ramdam ko ang mainit na paghinga nito na tumatama sa mukha ko. Lumayo naman agad ako at saka inayos ang pag-upo ko.

"Wrong dial." maiksing sagot ko.

Ngumisi lang naman ito.

"Okay." anito at saka sumandal sa likod ng upuan habang may nakakalokong ngiti pa rin ito sa kanyang labi.

"Why are you smiling?" inis na tanong ko sa kanya. Hindi pa rin kasi natatanggal ang mga ngiti nito.

"Nothing. I'm just happy." lumingon ito sa akin.

"Happy for what?"

"I don't know. I'm just happy now." abot tainga ang ngiti nito.

I know why you are happy. You're happy because you kissed my bestfriend. You asshole!

Gusto kong sabihin ang mga katagang iyan pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil gusto kong sila mismo ang magsabi sa akin ni Shania ang tungkol sa kung ano man ang nangyari sa video na ipinakita sa akin ni Damon. Kung ano ang nangyari sa araw na iyon at bakit ginagawa nila ang bagay na iyon sa loob ng madilim na silid. At kung ano ang meron sa kanilang dalawa.

Nakita naman ng gilid ng mata ko na napatayo sa kanyang upuan si Shania at naglakad papunta sa direksiyon namin ni Triton. Nasa likod kasi siya ngayon na naka-upo malapit sa pinto.

"Bes, Tara ngayon sa sinasabi ko sa'yo na bagong nagtitinda ng mga damit malapit sa amin?" tanong nito nang makalapit siya.

Bes? Talaga lang a?

"Sorry, ngayong araw kasi ma-d-dis-charge si Lola sa hospital e. Bukas na lang kaya? I promise, free ako bukas."

"I'm busy tomorrow, e. Anniversary kasi nila mama at papa bukas kaya need kong ngayon na pumunta para makabili ako ng gifts para sa kanilang dalawa." anito at umupo sa isang upuan malapit sa akin. "How about you, Triton?"

Nagulat naman ako ng si Triton ang tanungin niya.

"Pwede mo ba akong samahan mamaya para bumili ng gifts para sa mga magulang ko?" tanong nito kay Triton kaya naman nilingon ko si Triton.

Huwag kang pumayag, please.

"Sure, hindi naman ako busy mamaya."

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shania sa kanya.

Tumango lang naman sa kanya si Triton.

Bakit ganoon? Bakit pumayag si Triton? Dati rati naman hindi niya sinasamahan si Shania dahil ayaw niyang kasama ito dahil para silang aso't pusa pag magkasama na sila. Kaya bakit ngayon lang na pumayag si Triton na samahan ang kaibigan ko? Tama nga ba talaga ang hinala ko?

"Alis na kami, Lei. Ikumusta mo na lang ako sa Lola mo."paalam sa akin ni Shania bago ito sumakay sa motor ni Triton.

Kinawayan ko lang naman sila.

"Ingat kayo. Ingat ka sa pag-d-drive mo, Triton." Sabi ko rito bago niya pinaandar ang makina ng motor na sakay nila.

"Ingat ka rin. Ikumusta mo rin ako sa Lola mo." wika ni Triton at saka ito ngumiti at tuluyan na nga silang umalis sa harapan ko.

Bago sila tuluyang mawala sa paningin ko ay hindi nakawala sa paningin ko ang mga kamay ni Shania na mas malala pa sa ahas kung makapulupot sa bewang ni Triton at halos dumikit na rin ang katawan niya sa likod nito.

"Such a leech." wika ko bago ako pumasok sa sasakyan.

"Tara na, kuya."

Habang nasa biyahe kami ni kuya Roger papunta sa hospital ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan at nakatingin ako sa mga kable ng kuryente at mga ibong nagliliparan sa kalangitan.

"Iyong lalaki kanina na may motor, hindi ba siya iyong nasa labas ng mansion noong isang araw?" napatingin naman ako kay Kuya Roger. "nasa garden kasi ako nang makita ko kasi siyang nakatayo sa labas ng gate ng mansion. Lalapitan ko na dapat siya para pagbuksan pero nakita ko kayong palabas ng mansion at kinausap siya kaya hindi na ako tumuloy pa."

Nakita niya rin kaya iyong pagyakap sa akin ni Triton noong araw na iyon?

"Iyong kasama niya kanina, 'di ba si Shania iyon? Iyong kaibigan mo? Bakit magkasama sila? Magkasintahan ba sila?" dahil sa gulat ko sa tanong ni Kuya Roger ay nasamid ako kahit wala naman akong kinakain maski na iniinom.

"Okay ka lang?"

"Opo, nagulat lang ako sa tanong niyo."

"Ano bang nakakagulat sa tanong ko? Tinatanong ko lang naman Kung magkasintahan sila." anito habang sa daan pa rin ang tingin niya.

"Hindi po sila magkasintahan, kuya. Ako ang gusto ni Triton." sagot ko at sumandal sa upuan at muli akong napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Huli na nang mapagtanto ko kung ano iyong sinabi ko. Gusto ko sanang bawiin pero hinayaan ko na lang. Hindi naman siguro narinig pa ni Kuya Roger iyong sinabi ko. Pero hindi e, alam kong narinig niya dahil ramdam ko ang tingin nito mula sa rare view mirror ng sasakyan. Kaya naman hindi ko na lamang siya nilingon pa at ipinikit ko na lamang ang nga mata ko.

Itong bibig ko naman kasi, akala mo sahig na may floorwax! Iyan tuloy nadulas ako sa sinabi ko. Nakakaasar!