Triton's Point of View
Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa brown envelope na nasa kaliwang kamay ko dahil sa sinabi ni Lei. Ibig sabihin alam na nitong buhay ang mama niya?
"Anong buhay pinagsasabi mo diyan e, baby ka pa lang noong namatay ang mama mo. Naka-drugs ka na naman ba Vizconde?" tanong sa kanya ng kaibigan niya.
"Totoo nga ang sinasabi ko!" halos napatayo na sa kanyang kinauupuan si Lei nang naglakad na paalis sa tabi niya si Shania. Nakita ko namang bumagsak ang dalawang balikat niya kaya naman lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso kaya napalingon siya sa akin. "Ano? Hindi ka rin ba naniniwala sa sinabi ko?"
"Naniniwala ako. Ikaw pa? May tiwala ako sa'yo e." pagkasabi ko iyon sa kanya ay nginitian ko siya at ganoon din siya sa akin. "Sabay tayong umuwi mamaya, may ibibigay ako sa'yo." tumango naman siya kaya naman pumunta na rin ako sa upuan ko dahil dalawang minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin.
Pagkarinig namin sa tunog ng school bell ay agad naman kaming umayos ng upo dahil paniguradong malapit na ang unang subject teacher namin sa pang hapon na si Miss Nolasco. Siya ang Filipino teacher namin.
Lahat kami ay napatingin sa pagbukas ng pintuan ng klase nang pumasok doon ang isang babaeng mataba at may suot na salamin. Ang kanyang dalawang kilay ay kasing taas ng Mt. Everest na paniguradong babagsak ito pag natuluan ng pawis. Mapupula rin ang kanyang makakapal na labi at may lollipop itong nakalagay sa kanyang bibig. Si miss Nolasco nga talaga siya.
"Okay class, listen. May importante akong lakad ngayon that's why I'm going to give you an activity na lang at pakibigay kay miss Vizconde ang mga papers niyo once na natapos niyo na ang activity na pinapagawa ko. At pag tapos niyo na, you may go home. Wala na kayong next subject kasi may meeting kaming faculty staff mamayang two o'clock hanggang five ng hapon." pagkasabi iyon ni miss Nolasco ay ibinigay niya kay Lei ang papel na hawak niya kaninang pagpasok niya ng classroom. Mukhang iyon iyong activity namin.
Habang kausap ni miss Nolasco si Lei ay may isa kaming kaklase na nagtanong sa kanya kung saan iyong importanteng pupuntahan niya ngayon.
"Miss, saan po iyong importanteng lakad mo ngayon?" tanong sa kanya ni Brent.
"Sa bahay ng pamangkin ko, birthday niya." sagot ni miss Nolasco habang nakaharap pa rin ito kay Lei dahil ipinapaliwanag nito ang activity namin.
Hindi naman na nagtanong pa si Brent sa kanya pero hindi nakawala sa aking pandinig ang mga bulungan ng ilang kaklase ko.
"Importanteng lakad na ba iyon?"
"Kaya nga, dapat nga inuuna niya pagtuturo niya kaysa iyong bunganga niya."
"Paano ba kasi naging teacher iyan e, wala naman siyang tinuturo at saka bakit Filipino teacher siya? Mas mabuti siguro pag TLE teacher siya kasi mahilig siya lumamon."
Napahawak na lamang ako sa sintido ko para pakalmahin ang sarili kong hindi masagot ang mga iyon. Ayaw na ayaw ko kasi sa mga estudyateng kagaya nila, masyado silang mapanglait. Sa mga teachers man o students ng paaralan na ito.
"Do your activity, okay? Aalis na ako." paalam sa amin ni miss Nolasco bago siya lumabas ng klase.
Napatingin naman ako kay Lei nang tumayo ito at pumunta sa harapan ng klase para sabihin ang tungkol sa activity na iniwan ni miss Nolasco.
"Ayon sa binigay ni miss Nolasco na activity, kailangan nating gumawa ng tula." wika nito.
"Tungkol saan daw iyong tula?" tanong ng isa naming kaklase na si Zeb.
"Kahit saan basta makagawa tayo ng tula na may tatlong saknong at sa bawat saknong ay dapat may apat na linya. Ilagay ang nagawang tula sa buong papel at ipasa sa akin dahil next week ay babasahin daw natin sa buong klase ang mga ginawa nating tula." paliwanag nito at saka ngumiti sa klase bago siya bumalik sa kanyang upuan.
Naglabas naman ako ng isang buong papel at nagsimula na akong gumawa ng aking tula. Limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa akong naisusulat. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi kasi ako marunong magsulat ng tula kasi hindi naman ako makata, ang alam ko lang ay maglaro ng mga online games.
Napatingin naman ako sa mga kaklase kong sunod-sunod na nagpapasa ng kanilang natapos na tula kay Lei. Bwisit! Bakit ang bilis nilang gumawa samantalang ako kahit tuldok wala pa akong naisulat?
"Ano, may nasimulan ka na ba?" napalingon naman ako sa tabi ko nang magsalita si Apollo. Nakatayo ito ngayon habang may hawak na papel at ballpen.
"Wala pa. Hindi ko nga alam kung paano magsimula e. Lintik na tula iyan." asik ko at saka nilukot ang papel na nasa harapan ko.
"Alam mo kasi, pag magsusulat ka ng tula dapat may inspirasyo ka. Para alam mo kung saan nga ba patungo iyong sinusulat mo." napatingin ulit ako sa kanya. "Kagaya ko, inspirasyon ko si Astraea sa paggawa ko ng tula kahit alam nating hindi ako marunong pero tingnan mo, nakagawa pa rin ako ng isang tula na sa tingin ko'y magugustuhan niya."
"Ang corny mo." tulak ko sa kanya pero tumawa lang siya.
"Subukan mo kasi!" sigaw nito habang papalayo siya sa akin. Ipapasa na kasi niya kay Lei ang nagawa niyang tula.
Umiling na lamang ako at saka napatingin sa babaeng nakangiti habang kausap nito ang ilang kaklase namin na nagpapasa ng kanilang tula. Napangiti na lamang ako sa nakikita ko. Sa hindi malamang dahilan bigla akong nakaisip ng pamagat ng tula na aking gagawin.
Ilang minuto pa ang itinagal ko at sa wakas ay natapos ko na rin ang tulang aking ginagawa. Tumayo ako sa aking upuan at tinungo ang upuan ni Lei kung saan nakaupo siya ngayon habang inaayos ang mga papel na kanyang nakolekta mula sa mga kaklase naming nagpasa ng kanilang tula. Limang minuto na lang kasi ay mag-a-alas dos na at uwian na rin namin.
"Ito pala iyong nagawa ko." napalingon naman siya sa akin kaya inabot ko ang papel na hawak ko na agad naman niyang tinanggap.
"Ayusin ko lang itong mga 'to, okay? Hintayin mo na lang ako, mabilis lang ito." tumango lang naman ako at muli akong bumalik sa upuan ko para kunin ang mga gamit ko.
Mabilis nga ang ginawang pag-aayos ni Lei kaya naman ito kaming dalawa ngayon naglalakad sa pasilyo ng paaralan.
"Ano pala iyong ibibigay mo sa'kin?" tanong nito at saka niya ako tiningnan.
Kinuha ko naman sa loob ng bag ko ang brown envelope at saka binigay sa kanya.
"What's this?"
I shrugged.
Pinigilan ko naman siya nang makita kong bubuksan na nito ang envelope. Nagtataka ang kanyang mga mata na napatingin sa akin.
"Mas mabuti siguro kung sa bahay niyo na mang buksan iyan."
"Bakit naman? Ano bang laman nito?" tanong nito at akmang bubuksan na naman niya ito nang hinawakan ko siya sa kamay.
"Please..." tiningnan ko siya sa mga mata niya.
"Okay, fine." pagkasabi niya iyon ay inilagay na niya sa bag niya ang envelope.
Habang patuloy kaming naglalakad ay kinuha ko naman sa bulsa ko ang bracelet na ibibigay ko dapat sa kanya kahapon.
"For you." napatigil naman siya sa paglalakad at saka napatingin sa akin.
"Ano na naman 'to?" tanong niya nang kunin niya sa kamay ko ang kahon.
"Regalo ko sa'yo."
"Regalo? Next month pa birthday ko, Triton. Ang aga naman ng gift na ito." natatawang sambit nito.
"Regalo ko iyan sa'yo dahil apat na taon na kitang gusto. Dapat nga kahapon ko pa iyan ibibigay sa'yo kasi kahapon iyong araw kung kailan nagtapat ako sa'yo pero busy ka kaya ngayon ko naibigay." paliwanag ko sa at saka ako lumapit sa kanya. "buksan mo na, alam kong magugustuhan mo iyan at babagay sa'yo."
"S-salamat."
"Amin na iyong kamay mo at ako na ang maglalagay." alok ko sa kanya.
"Triton, hindi ko matatanggap 'to. Mukhang mamahalin. Hindi bagay sa akin." ibinalik niya ang kahon sa akin. Natawa naman ako sa inakto niya.
"This is for you, Lei." Sabi ko at hinawakan siya sa kanyang pulsuhan. Hindi naman siya nagpumiglas kaya hindi na ako nagsayang pa ng panahon at kinuha ko ang bracelet na nasa kahon at inilagay sa kanyang kamay.
"See? Bagay sa'yo." tiningnan ko siya at saka siya nginitian.
"I like you, Lei."
"T-thank you for liking me, Triton."