Triton's Point of View
Nandito ako ngayon sa bahay at nanonood ng TV dito sa may sala. Wala akong kasama ngayon dahil nasa trabaho pa ang mga magulang ko. Mamayang 11 PM pa ang uwi ni mama galing sa hospital dahil isa siyang nurse samantalang si papa naman ay isang high school teacher sa isang University dito sa amin.
Nakatingin lang ako sa pinapanood ko ngayon pero ang totoo ay hindi ko maintindihan kung tungkol nga ba saan ang pinapanood ko dahil ang utak ko ay inaalala pa rin ang sinabi ni Lei kanina bago siya umuwi.
"Thank you for liking me, Triton."
Hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin niya sa akin kanina. Ang akala kong isasagot niya ay gusto niya rin ako. Gusto ko siyang tanungin kanina pero biglang may tumawag sa kanya at nagpaalam na ito sa akin.
Sumandal naman ako sa sofa na kinauupuan ko at saka napatingin sa kisame.
"Bakit nag-thank you siya kanina? Hindi ba dapat 'I like you too' ang sagot niya?" umupo ako ng maayos at saka nilagay ang isang kamay ko sa baba ko. "Hindi rin naman masama iyon. Ibig niyang sabihin siguro sa sinabi niya kanina ay gusto niya rin ako pero nahihiya lang siyang sabihin." tumatango naman ako na para bang may kausap ako. "Tama, Triton! I like you too ang ibig sabihin nang sinabi niyang thank you kanina. Ang galing mo talaga!" puri ko sa sarili ko at saka na higa sa sofa.
Pagkahiga ko naman ay biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa mesang nasa tabi ko kaya agad ko itong kinuha. May email akong natanggap.
"Sino naman ito?" kunot ang noo ko nang makitang hindi ko kilala kung kanino galing ang email na natanggap ko. Binuksan ko naman ang email na sinend sa akin at agad akong napabangon sa sofa nang makita ko kung anong laman ng email na iyon.
"Shit!" napamura na lamang ako. Kanino galing ang mga ito? Sinong kumuha ng mga litrato namin ni Shania na magkasama at higit sa lahat naghahalikan kami? "Sinet-up kaya niya ako?" tanong ko sa sarili ko.
Ang pagkakaalam ko ay walang ibang tao bukod sa amin ni Shania sa loob ng computer laboratory kanina. Hindi kaya set-up lahat ng iyon?
Agad ko namang tinawagan si Shania para tanungin sa kanya kung set-up nga lang ba ang lahat kanina.
Nakakaisang ring pa lang ay agad na nitong sinagot ang tawag ko.
"Hey, why did you call?" bungad nito sa akin.
"Set-up ba iyong nangyari sa atin kanina sa computer laboratory? Sinet-up mo ba iyon, Shania?" Hindi ko na siya binati pa at agad ko siyang tinanong.
"What are you saying? Set-up? No!"
"E, anong ibig sabihin ng mga litratong natanggap ko ngayon? Bakit may litrato tayong dalawa na naghahalikan kanina? Kanino galing ang mga ito?" naiinis na tanong ko sa kanya.
Nailayo ko naman sa tenga ko ang hawak kong cellphone nang bigla siyang napasigaw.
"What?! Kanino galing sana iyang mga iyan e, wala namang tao sa computer laboratory kanina?" narinig ko siyang bumuntong hininga. "Let's meet."
"W-what?" wala na akong narinig pa na sagot niya dahil binabaan niya ako.
"Bwisit!" naibato ko na lamang ang cellphone ko sa sobrang inis. Tumayo ako sa sofa at tinungo ang pinto palabas ng bahay. Ayaw ko man sanang siputin si Shania ay kinakailangan dahil sa litratong natanggap ko.
Malalaki ang hakbang na ginawa ko papunta sa garahe ng motor ko. Magkikita kasi kami ngayon ni Shania sa isang café malapit sa kanila.
Agad kong pinaandar ang motor ko at mabilis na tinungo ang address na binigay sa akin ni Shania. Habang nagmamaneho ako ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Text siguro iyon galing kay Shania kaya naman hindi na ako nag-alala pang huminto para tingnan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating din ako sa address na binigay sa akin ni Shania. Napatingin naman ako sa café na nasa harap ko. Hindi siya gaanong malaki pero masasabi kong maganda at maayos ito dahil sa harap pa lang nito ay may mga palamuting nakasabit. Pumasok naman ako sa naturang café at tama nga ako, maganda at simple ang loob ng café.
"Triton!" napatingin naman ako sa dalagang nakasuot ng kulay rosas na bestida na naka-upo sa may dulo kung saan walang gaanong tao. Naglakad naman ako papunta sa kinaroroonan niya at agad na umupo sa harap niya.
"What do you want to order—"
"Here, someone emailed me this." Hindi ko siya pinatapos sa kanyang sinasabi at agad kong inilabas ang cellphone ko na nasa bulsa at ipinakita sa kanya ang mga larawan naming dalawa na naghahalikan. "Paano kung may mag-send kay Lei nito? Anong sasabihin natin? Shania ayaw kong saktan si Lei."
Kinuha naman ni Shania sa kamay ko ang cellphone at saka tiningnan ang mga larawan na tinutukoy ko.
"Who captured this?" tanong nito habang ang kanyang mga mata ay nakatingin pa rin sa cellphone na hawak niya.
"I don't know. Kung sino man ang kumuha niyan dapat natin siyang mahanap at makausap. Baka ipagkalat niya at umabot pa kay Lei." ang lakas ng pintig ng puso ko. Kinakabahan ako.
Ibinalik naman niya ang cellphone ko at saka humalukipkip ito bago nagsalita.
"Dont worry, kaya nating lusutan ito. Kung umabot man kay Lei ang mga litratong ito, ako ang kakausap sa kanya. And besides, hindi naman malinaw ang pagkakakuha kaya hindi tayo makikilala sa litrato. Sobrang dilim sa silid na iyon, Triton." paliwanag nito at saka uminom ng tubig na nasa harapan niya.
Lumuwag naman ang paghinga ko sa sinabi niya pero may parte pa rin sa akin na kinakaban ako dahil papaano kung makilala ni Lei kung sino ang mga nasa litrato? Pero sana talaga hindi umabot sa kanya ang mga litratong ito.
"Let's order?" rinig kong tanong ni Shania sa akin.
Umiling lang naman ako at saka ako tumayo.
"I have to go." paalam ko.
"Agad-agad? Mag meryenda ka kaya muna—"
"Iyong litrato ang pinunta ko rito, Shania hindi ang pagmemeryenda kasama ka." pagkasabi ko iyon ay tinalikuran ko na siya at naglakad na ako palabas ng café na iyon.
Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad ko namang kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko dahil kanina pa ito nag-v-vibrate habang kausap ko si Shania.
"Sino naman kaya ito?" bulong ko habang nilalagay ko ang password ng cellphone ko.Nagkaroon naman ng dalawang guhit sa noo ko nang mabasa ko ang isang mensahe at galing na naman ito sa nag-send sa akin ng litrato namin ni Shania.
Don't worry, I don't have a plan to spread those pictures...
"Mabuti naman kung ganoon." sabi ko at papatayin ko na sana ang cellphone na hawak ko nang tumunog ulit ito at nakatanggap ako ng mensahe galing ulit sa kanya.
But I'll make sure that Lei will find out about this.