Chereads / TRITON VENTURA [TAGALOG NOVEL] / Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 13 - Chapter 12

Lei's Point of View

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa litratong nasa harap ko ngayon.

Isang litrato iyon ng dalawang taong naghahalikan sa loob ng computer laboratory.

"This is fake." wika ko at saka ibinalik ang cellphone niya sa kanya.

"What? Fake? This is not fake, Lei. Ako nga mismo ang kumuha ng litrato na iyan." paliwanag niya. "Tingnan mo ngang mabuti kung fake." Sabi nito at inilapit nito sa mukha ko ang cellphone niya kaya tinulak ko siya.

"Fake iyan. Halata namang edited!"

"Paano nga magiging fake at edited ito kung ako nga mismo ang kumuha ng litratong ito kanina!"

"Edited iyan. IT student ka e, kaya magaling ka sa pagmamanipula ng mga ganyan." naihilamos naman niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha.

"Dahil lang sa IT student ako sa tingin mo in-edit ko iyan?" tanong nito at tumango lang naman ako bilang sagot.

Totoo naman e. Basta mga IT student diyan sila magaling.

"Lei, nasa computer laboratory ako kaninang nangyari ito. Kaninang tinext kita na makipagkita sa akin! Kung ayaw mong maniwala? Here, I have another proof para masabi mong hindi nga edited ang litratong ito." pagkasabi niya iyon ay kinalikot niya muli ang cellphone niya at saka may ipinakita itong video sa akin.

"Watch this." pagkasabi niya iyon ay plinay na nito ang video na nasa cellphone niya.

Parang nalunok ko ang dila ko habang pinapanood ang video na nasa harapan ko ngayon. Si Triton at Shania, naghahalikan. Ilang segundo lang iyon pero kita mismo ng dalawang mata ko na naghahalikan ang matalik kong kaibigan at ang lalaking nagsabing gusto niya ako.

"Ano? Edited pa ba 'to?" napalingon naman ako kay Damon nang tanungin niya muli ako.

Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksiyon ko at mararamdaman ko sa napanood ko.

"I thought they were just friends?" biglang tanong ni Damon.

"Akala ko nga rin e." mahinang sagot ko sa kanya.

"Akala ko ba magkakaibigan kayong tatlo?" tanong nito pero halata sa boses niya ang pagka-sarcastic.

Inirapan ko lang naman siya at naglakad na ako palayo sa kanya. Habang papalayo ako sa kanya ay narinig ko pa siyang sumigaw.

"Check your email!" nang sabihin nuya iyon ay inilabas ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko at saktong tumunog ito.

Email iyon galing kay Damon na naglalaman ng pictures at video nila Triton at Shania habang naghahalikan. Tumigil naman ako sa paglalakad ko at saka nilingon ang Chinese na iyon. Nandoon pa rin siya sa harap ng kwarto ng Lola ko at abot tainga ang kanyang ngiti. Inirapan ko lang ulit siya at saka itinaas ang middle finger ko sa kanya dahilan para tumawa siya ng malakas.

Tinalikuran ko na lamang siya at pinagpatuloy ang paglalakad ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nakita ko na lamang ang sarili kong naglalakad palabas ng hospital. Nakatayo ako ngayon sa labas habang hawak ang cellphone ko. Napatingin muli ako sa litrato kung saan naghahalikan sina Triton at Shania.

"Kasasabi niya lang kanina sa akin na gusto niya ako pero bakit may kahalikan na siyang iba?" mahinang sambit ko.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang sasabog iyong dibdib ko habang nakatingin sa litrato nilang dalawa habang naghahalikan.

"Bakit kaibigan ko pa Triton? Bakit si Shania pa?" mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko habang nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan sa harap ng hospital kung saan nakatayo ako ngayon.

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa labas nang maisip an kong bumalik sa loob. Pagkapasok ko sa lobby ng hospital ay napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko kaya hinanap ko kung sino iyon.

"Apollo?" tanong ko sa lalaking palapit sa direksiyon ko.

Anong ginagawa niya rito? Kasama niya ba ngayon si Triton?

"Hey, I heard that Mrs. Vizconde is here at the hospital right now. What happened to her?" tanong nito nang makalapit siya sa akin.

"Oo, nandito ngayon si Lola. Inatake kasi siya sa puso kaninang umaga. Ikaw, bakit ka nandito? Kasama mo ba ngayon si Triton?" balik na tanong ko sa kanya.

"Dinalaw ko iyong pinsan kong na-comatose. Gising na siya. Dapat nga kaninang tanghali ako pupunta rito pero pinigilan ako nila mama kasi nagwawala raw ito kanina kaya naman ngayon lang ako nakapunta." paliwanag nito. "And si Triton ba kamo? Katatapos ko lang siyang tawagan. Kagagaling niya raw kina Shania."

"Huh?" iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.

"Sabi niya kanina may pinag-usapan lang sila. Nang tanungin ko naman siya kung tungkol saan ang  pinag-usapan nila ay hindi naman niya ako sinagot." sagot nito at saka napahawak siya sa baba niya at tiningnan niya ako at muli siyang nagsalita. "Teka nga, hindi mo ba alam na nagkita sila ngayon? Hindi ka ba ti-next ni Triton? Si Shania hindi ka ba sinabihan?"

Umiling lang naman ako sa kanya.

Bakit hindi nila sinabi sa akin na magkikita sila? At ano iyong pinag-usapan nila? Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko mapigilan.

"Baka pinag-usapan nila iyong surprise nila sa'yo sa darating na birthday mo kaya hindi ka nila sinabihan? Don't worry, Lei kung ano man ang tumatakbo sa isipan mo ngayon? Hindi iyon gagawin ng kaibigan ko at hindi niya magagawa iyon sa'yo." pagkasabi iyon ni Apollo ay umalis na ito.

Huminga naman ako ng malalim bago muli akong naglakad papunta sa kwarto ni Lola. Habang naglalakad ako ay tumatakbo pa rin sa isip ko ang sinabi ni Apollo kanina na hindi raw kayang gawin ni Triton ang kung ano man ang tumatakbo sa isipan ko.

Hindi niya kayang gawin at hindi niya magagawa? Bvllshit! He already did!

Nang malapit na ako sa kwarto ng Lola ko ay kinuha ko muli ang cellphone ko at binuksan ito. Hinanap ko agad sa contacts ko ang pangalan ni Triton at saka ito tinawagan.

Nakakadalawang ring pa lang nang agad na niya itong sinagot.

"Lei? This is the first time you call me. Are you okay? What's wrong?" rinig kong tanong nito sa kabilang linya.

"Nothing."

"Nothing? Come on, Lei. Tell me. Did something happened?"

Ako nga dapat ang nagtatanong iyan sa'yo. Did something happened between you and my bestfriend?

Gusto kong bitawan ang mga katagang iyan pero pinigilan ko lang ang sarili ko.

"Lei?" tawag niya sa pangalan ko pero hindi ako sumagot at agad ko na lamang na pinatay ang tawag.

Ilang saglit pa ay nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Triton sa screen. May text siya. Tinatanong nito kung bakit ko raw siya binabaan ng tawag at kung may problema ba ako.

Hindi ko na lamang siya ni-reply-an at pinatay ko na ang cellphone ko bago ako tuluyang naglakad patungo sa kwarto ng Lola ko. Pagkabukas ko sa pinto ay sila manang Felly at Kuya Roger na lamang ang nandoon. Wala na si Damon at ang mga magulang niya.

Napatingin naman ako kay Lola na gising na at kausap sila manang Felly at Kuya Roger.

Kumatok naman ako sa pinto kaya nabali g ang atensiyon nilang tatlo sa akin.

"Iwan niyo muna kami." rinig kong sambit ni Lola kila manang Felly at Kuya Roger kaya naman nagpaalam ang dalawang sa labas na muna sila.

Naglakad naman ako palapit sa kama ni Lola at saka naupo sa isang silya malapit dito.

"Kumusta po kayo?" tanong ko sa kanya.

"I'm fine. Bukas nga pwede na akong lumabas dito—" napatigil naman siya sa kanyang sinasabi nang muli akong magsalita.

"Why did you not tell me that you were sick?" alam kong nagulat siya sa tanong ko dahil namilog ang mga mata niyang napatingin sa akin. "May sakit ka sa puso, right?" tanong ko muli sa kanya pero hindi siya sumagot.

"Bakit itinago mo sa akin na may sakit ka pala sa puso? Kailan mo balak sabihin sa akin na may sakit ka? O wala kang balak na sabihin?" Hindi siya umiimik. "Hindi ko pa malalaman na may sakit ka kung hindi ka pa inatake at isinugod dito sa hospital. Lola naman! Apo mo ako kaya may karapatan akong malaman tungkol sa kondisyon mo!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya naman tumaas iyong boses ko.

Bumukas naman ang pintuan ng kwarto ni Lola at pumasok doon sila manang. Base sa mukha nilang dalawa ay nag-aalala ang mga ito.

"Okay lang kami rito. Huwag niyo kaming alalahanin." Sabi sa kanila ni Lola kaya naman nagpaalam muli ang mga ito.

"Nandito lang po kami sa labas kung may problema." wika ni Kuya Roger bago sila tuluyang umalis sa loob ng kwarto.

"Francheska, calm down." anito at saka hinawakan ang dalawang palad ko.

"Paano ako kakalma kung nalaman kong may sakit kayo sa puso? Paano kung bigla na lang Niya kayong kinuha?"

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina.

"Hindi Niya ako makukuha ng basta-basta, Francheska. Masamang damo ako, right?" tumawa muli ito kaya inirapan ko lang siya.

"Lola, heart disease is a serious disease! Bakit nagagawa niyo pang tumawa diyan?" inis na tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya dahilan para lalo akong mainis sa kanya ng tuluyan.

Buwisit! Kung hindi ko lang ito Lola at hindi siya matanda baka kanina ko pa siya sinapak. Nakakaasar kasi siya! May sakit na nga siya sa puso pero tumatawa pa rin siya.

"Francheska..." tawag sa akin ni Lola kaya naman tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. "I'm sorry if I lied to you about your mother."

Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Sasabihin niya na ba ang tungkol sa mama ko? Kung totoo bang buhay pa ito o patay na?

"You are right, hija. Your mother is still alive."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ibig sabihin buhay pa nga talaga ang mama ko?

"T-talaga? Kailan ko siya pwedeng makita? Where is she right now?" sunod-sunod na tanong ko kay Lola.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero mas nangingibabaw ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Pinisil naman ni Lola ang kamay ko at saka siya tipid na ngumiti.

"I'm sorry, apo pero hindi ko alam kung nasaan ang mama mo."

Ang kaninang saya na nararamdaman ko ay napalitan ng lungkot at pagkadismaya sa sagot ni Lola. Anong ibig niyang sabihin? Bakit hindi niya alam kung nasaan ang mama ko? Hindi ba alam niyang buhay ito? Kaya bakit?

Nagsisinungaling na naman ba sa akin ang Lola ko?