HATING gabi na ngunit hindi pa rin makatulog si Kailyn dahil gusto niyang hintayin ang pagbabalik ng kaibigan niyang si Cassandra, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kung kaya't di niya maiwasan makaramdam ng pagkabagabag.
Wala sa sariling bumangon siya at lumabas ng tent, napayakap na lang siya sa kanyang sarili nang sinalubong siya ng malamig na hangin. Napatingala tuloy siya sa langit at makita ang liwanag ng buwan, Sana walang masamang nangyari kay Cassandra, Hiling ng isip niya. Habang nakatingala at pinagmamasdan ang buwan ay nakarinig siya ng kaluskos sa bandang kagubatan kaya't napalingon siya roon.
Curiosity ang mas nangibabaw sa nararamdaman niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kagubatan at nang malapit na siya ay nagulat siya nang may bumulaga sa kanya.
"S-Samuel!" Tanging nasambit niya.
Humalakhak si Samuel na tila isang baliw kung kaya't di niya maiwasan mangilabot dahil sa pagtawa nito. "Hating gabi na binibini, bakit gising ka pa ng ganitong oras?" Wika ni Samuel nang matapos ito tumawa.
Huminga siya ng malalim, "Ah.. H-hindi ako makatulog," sagot niya. "Hindi pa kasi nakakabalik ang kaibigan ko" dugtong niya.
"Sino itong kaibigan mo?" Tila interesanteng tanong ni Samuel.
"Si Cassandra kanina pa siya na-nawawala sa tingin ko" kibitbalikat na tugon niya.
TUMIIM bagang si Samuel at nanlalaking mata na tinignan ang dalaga. Kita niya sa mga mata nito ang takot, kung kaya't pinanliitan niya ito ng mata.
"Bumalik ka na sa iyong higaan, delikado na sa oras na ito!" Seryosong sambit niya.
"Paano yung kaibigan ko? Kanina pa siya hindi bumabalik!" Palahaw ng dalaga.
"Bukas niyo na lang siya hanapin!" Tugon aniya bago niya iwanan ang dalaga.
SAMANTALA, nagkaroon na ng malay si Cassandra matapos siya hampasin ng panakol nang lalaking tumulong sa kanya. Nababalot ng buong dugo ang kanyang mukha, maging ang paa niya ay namanhid na dahil kanina pa ito nagdurugo at naroon pa rin ang alambre sa paa niya.
Unti-unti siyang gumalaw at namalayan na lamang niya na nakaupo siya sa damuhan habang nakasandal sa puno, nakatali ang paa at kamay niya maging ang leeg niya ay ganoon din. Napansin din niya ang lubid na nakalagay sa kanyang leeg, napatingala siya na ang lubid na nasa leeg niya ay nagdudugtong sa puno tila animo'y bibitayin siya kung kaya't di niya maiwasan makaramdam ng takot.
"Oh my ghad! Help! Somebody help me!" Sigaw niya kahit na alam niyang posible iyon dahil nasa kagubatan pa rin siya at madilim ang paligid.
"HELP! HELP!" Patuloy pa niya. Ngunit nabigla siya ng may bumusalsal sa bibig niya, nilagyan ng tela ang bibig niya at tinali ito sa likuran ng ulo niya para hindi siya makapagsalita. Tuloy naghihiyaw siya kahit na may busal sa bibig niya.
"Masyado kang maingay kaya kailangan mo 'yan!" Anang lalaki. May himig ng galit. "Sa tingin mo ba matutulungan ka nila? Gayon naman na ganyan ang kalagayan mo?" Patuloy pa ng lalaki.
F*ck you! Pag ako nakawala dito, papatayin kita! Aniya sa isip. Gustong-gusto niya isupalpal sa mukha ng lalaki ang mga katagang nasa isip niya ngunit hindi niya iyon ma-isa tinig. Kung kaya't tanging ungol lang maaari niyang gawin para makahingi ng tulong.
"Dapat talaga tinuluyan na kita! Kaso mas kailangan ko pang kumpirmahin at siguraduhin na walang naghahanap sa'yo!" Nagsindi ng sigarilyo ang lalaki pagkatapos ay hinithit niya ito at lumapit sa kanya para ibuga ang usok ng sigarilyo sa mukha niya.
Napangiwi at umiling tuloy siya sa ginawa ng lalaki. Humalakhak ang lalaki na tila ang sarap niyang paglaruan, sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Animal kang demonyo ka! Anang muli ng isip niya.
"Ano?" Natatawang angil ng lalaki. "Hindi mo ko mapapatay sa matatalim mong tingin!" Dugtong anito. Nanunumbat at may himig ng sarkastiko, sabay tawa at nanggigil na sinuntok siya ng lalaki sa ulo.
Mas dumagdag tuloy ang sakit na nararamdaman niya dahil sa pagsuntok ng lalaki sa ulo niya. Nanlalabo narin ang kanyang mga mata dahil sa pag iyak niya at sa ginawa nito sa kanya. Mayamaya'y naramdaman niyang umaangat na siya at pasikip ng pasikip ang nasa leeg niya, hanggang sa unti-unti na siyang kinakapos ng hininga dahil sa patuloy niyang pagpupumiglas.
MAS lalo akong humalakhak nang makitang wala ng buhay ang babaeng nakabitay ngayon sa harapan ko. Nakakagigil ang pagmumukha eh at ang ingay-ingay pa! Sana pala pinatay ko na siya agad para hindi na ko mahirapan pa at isunod ang iba pa niyang kaibigan. Kaso mas maganda pa rin yung may thrill para masaya.
Muli kong tinignan ang babaeng nakabitay at nginisian ko siya sabay tapon ko ng sigarilyo sa harap ko at inapakan 'to para mamatay ang baga. Matapos niyon ay iniwan ko na siya. Bahala na sila na makita 'yan, wala akong pakealam.
UMAAGA na at gising na ang lahat ngunit wala pa ring Cassandra na bumabalik sa kanila. Tuloy nag-aalala silang lahat na baka may nangyari nga talaga kay Cassandra.
"Guys, a-ano na gagawin natin? Kagabi pa ko nag-aalala kay Cassandra," Panimula ni Kailyn. "So, saan tayo magsisimula?" Dugtong pa niya.
"Mas mabuti kung maghiwa-hiwalay muna tayo para makita agad natin si Cass" Suhestiyon ni Prelim.
"Tama siya! Kami ni Johan ang bahalang magbantay dito sa mga gamit natin" wika naman ni Tisay.
"Yeah, baka malay niyo bumalik si Cass tapos wala naman pala tayo!" Kibitbalikat na sambit ni Johan.
Nagkatinginan sila Kailyn at Prelim sa isa't-isa pagkatapos ay sabay sila tumingin kay Benjamin na tila may gusto silang ipahiwatig. "Ano? Nasa akin ba ang desisyon?" Malamig nitong wika.
"Hindi!" Biglaang angal ni Kailyn sabay iling.
"Wala sigurong kinalaman 'to sa'kin noh?, o ako ba talaga ang dahilan kung bakit nawawala siya?" Sumbat ni Benjamin, sabay nilibot ang paningin sa lahat ng mga kaibigan.
"Ben, wala 'tong kinalaman sa'yo. Gusto lang niyang magpag-isa, siguro!" Paliwanag ni Tisay.
"Please, magtulong-tulong tayo para mahanap natin si Cassandra" Mahinahon na pakiusap ni Prelim.
"Bahala nga kayo!" Inis na wika ni Benjamin. Akmang tatalikod na siya nang biglang hawakan siya ni Johan sa balikat, nung aangal na siya at lilingon ay bigla siyang sinapak ni Johan sa mukha kung kaya't napasalampak tuloy siya ng higa.
"Oh my ghad!" Tili ni Tisay.
"Johan bakit mo ginawa 'yon?" Singhal ni Prelim.
"Para matauhan si G*go!" Nakangising sagot ni Johan.
"Are you crazy?" Inis na sambit ni Kailyn kay Johan. Akmang tutulungan niya tumayo si Benjamin nang tinabig nito ang kamay niya.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo!" Galit na wika ni Benjamin at tumayo sa sarili nitong sikap.
"Kayong dalawa!" Sigaw ni Prelim kay Benjamin at Johan na dinuduro-duro pa. "Ano bang nangyayari sa inyo?" Galit na dugtong nito.
"Wala ka ng pake roon," Malamig na tugon ni Benjamin sabay talikod at sumakay sa van at pinaharurot iyon.
"Hoy! G*go saan ka pupunta?!" Angal ni Johan. Hahabulin na sana niya si Benjamin nang pinigilan siya ni Tisay kung kaya't huminahon na siya. Ngunit nabigla siya nang sinugod siya ni Prelim at sinuntok ng malakas sa mukha. "Oh f*ck! G*go ka Prelim ah!" Palahaw niya pero agad siyang hinawakan ni Tisay para pakalmahin ulit.
Habang si Kailyn naman ay nakahawak kay Prelim at pilit na nilalayo kay Johan. "Kung hindi ka nang una malamang hindi 'to mangyayari!" Galit na sumbat ni Prelim.
"Eh anong gusto mo? Ikaw ang unang sumapak sa kanya ha!?" Balik ring sumbat ni Johan kay Prelim.
"Ano ba!" Sigaw ni Kailyn. "Hindi 'to ang oras para magtalo-talo! Nawawala na nga ang kaibigan natin, ganito pa mangyayari satin, imbis na magtulungan tayo heto tayo't nag-aaway at nagsusumbatan, ano bang gusto niyo mangyari ha!?"
Hindi agad nakaimik sila Prelim, Johan at Tisay sa sinabi ni Kailyn. Lahat sila ay nag-iwasan lang ng tingin, mayamaya pa'y walang salitang umalis si Johan na sinundan naman ni Tisay.
"Ano, ganun na lang?" Kibitbalikat na sabi ni Kailyn.
"Hanapin natin siya," Tugon ni Prelim.