Chereads / SAMUEL [Tagalog] / Chapter 7 - Chapter Seven

Chapter 7 - Chapter Seven

MATAPOS nila mabasa yung sulat halos hindi sila makapaniwala, tila nagrerehistro sa kanilang utak kung paniniwalaan ba nila o patuloy na magtitiwala.

"Paanong-- shit!" Bulalas ni Prelim nang mahagip ng mata niya na may makita siyang tao na lumulutang sa ilog. Tumakbo siya papunta sa ilog at lumangoy patungo sa nakatalikod na lumulutang na bangkay.

Sinundan naman ng tingin nila Benjamin, Kailyn at Tisay si Prelim kung saan nagtatakbong nagtungo ito sa ilog. Ilan saglit pa tumakbo narin si Benjamin na sinundan naman nila Tisay at Kailyn. Ngayon nakahinto lang sila sa pampang at naghihintay na lamang kay Prelim na maiahon kung sino man bangkay iyon.

Pagkaharap ni Prelim sa bangkay ay laking gulat niya na makitang si Johan iyon. Bigla na lamang tumulo ang mga luha niya marahil nagsuicide ito dahil sa pagtatalo nila kanina. Napagpasyahan niyang iahon ang kaibigan at laking gulat din ng mga kasama niya na makitang wala ng buhay si Johan.

"OH ghad baby!" Bulalas ni Tisay matapos maiahon at mailapag ni Prelim ang boyfriend niya, nilapitan ni Tisay ang bangkay ng boyfriend niya. "Baby hindi! Sabihin niyo nanaginip lang ako diba?" Di makapaniwalang turan ni Tisay, nagsisimula ng manubig ang gilid ng mata niya.

Magkahalong paghihinagpis at poot ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Tila ba'y paulit-ulit na sinasaksak ang puso niya sa kadahilanang wala na ang taong pinakamamahal niya. Naninikip narin ang dibdib niya dahil sa pagpipigil niya na huwag ulit umiyak.

"Wala na rin siya, Tisay" tulalang sambit ni Prelim. Tuluyan ng nagsipagbaksan ang mga luha ni Tisay na kanina pa niya pinipigilan nang marinig ang sinabi ni Prelim.

Wala sa sariling napaluhod si Prelim habang tulala lang. Habang si Benjamin naman ay nakatungo lang sa bangkay ni Johan. Lumuhang lumapit si Kailyn sa bangkay ni Johan pagkatapos ay inalo-alo naman niya si Tisay.

"Una si Cassandra, ngayon naman si Johan" tanging nasambit ni Kailyn. "Sino na next magsusuicide satin?" Dugtong aniya habang ang mga mata niya ay nakatuon sa bangkay.

Bigla naman natauhan ang mga kaibigan niya at napatingin sa kanya dahil sa binitiwan niyang salita.

"Si Samuel!" Biglang sambit ni Prelim nang maalala niya yung sulat. Sa kanya naman ngayon nakatuo ang atensyon. "Si Samuel ang may gawa nito!" Dugtong pa niya sabay tayo.

"Oo nga si Samuel ang dahilan ng pagkamatay ng mga kaibigan natin!" Komento ni Tisay na may galit ng nararamdaman. "Magbabayad siya sa ginawa niya sa kaibigan ko at sa boyfriend ko!" Sambit niya sa kawalan sabay tayo at nagtungo sa sasakyan para sana puntahan si Samuel ngunit huminto siya nang hinarangan siya ni Benjamin.

"Umalis ka sa dadaanan ko!" Singhal ni Tisay sa pagmumukha ni Benjamin. Tanging iling lang ang tinugon ni Benjamin.

Tinulungan ni Prelim na tumayo si Kailyn at sabay sila tumungo sa kinaroonan nila Tisay at Benjamin.

"Ano ba Benjamin wag ka ngang humarang!" Matapang na sabi ni Tisay.

"Imposible 'yang pinagsasabi mo!" Sambit ni Benjamin.

"Tisay calm down!" Wika ni Kailyn kay Tisay sabay hawak sa braso nito. Masamang tinititigan siya ni Tisay ngunit hindi siya nagpatinag.

"Bitiwan mo ko Kailyn!" Matigas na pagkakasabi ni Tisay kasabay ng pagtabig nito ng kamay kung kaya't nabitawan na siya ni Kailyn. "At ikaw?" Duro niya kay Benjamin, "Bakit mo ko hinaharangan ha? Umalis ka nga!" Sigaw aniya kay Benjamin.

"Patay na si Samuel!" Deretsahan sambit ni Benjamin. Dahilan para matigilan si Tisay, Kailyn at Prelim.

"Ano? Diba siya--" hindi na tinuloy ang sasabihin ni Prelim dahil sa kawalan masabi, bumuntong hininga na lang siya dahil naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"Kakagaling ko lang sa store niya kanina, nakita ko siya na puro saksak sa buong katawan niya at lapnos ang mukha niya!" Paliwanag ni Benjamin.

"Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?" Tila di makapaniwalang turan ni Kailyn.

"Oo," tango na sagot ni Benjamin. "Kitang-kita ng dalawang mata ko na wala na siyang buhay"

"Paanong nangyari iyon? Eh diba kakaamin lang niya sa sulat na papatayin niya tayong lahat?"

"Hindi ko alam Kailyn siguro nakonsensiya kaya naisipan niya rin magpakamatay" tugon ni Benjamin sabay kibitbalikat.

"Ghad!" Naibulalas na lang ni Kailyn.

"Hindi ako naniniwala na suicide ang nasa likod ng lahat" komento ni Prelim.

"Kung ayaw niyo maniwala na patay na si Samuel.. Ipapakita ko sa inyo ang ebidensya" dagdag na sabi ni Benjamin.

"Siguraduhin mo lang na totoo 'yan Benjamin kung hindi ikaw ang isusunod ko kay Johan!" Banta na ni Tisay at nauna ng sumasakay sa van.

Sumunod narin sumakay si Kailyn at Prelim habang si Benjamin naman ay nagpakawala lang ng hininga bago sumakay ng van at pinaharurot iyon.

WALA sa sariling napahalakhak si Samuel dahil dalawa na yung pinatay niya sa araw na ito. Natutuwa siya na masarap sa pakiramdam niya na kumitil ng buhay, para bang walang kahirap-hirap sa kanya na pumaslang ng nailalang gamit lang ng kamay niya. Tuloy nagdidiwang ang puso't damdamin niya dahil sa kanyang ginawa.

Nakangiti't nakapaymewang at umiling pa muna siya habang tinitignan niya ngayon ang wala ng buhay na katawan ng kapatid niya. "Kung nakamove on ka lang sana, malamang buhay ka pa rin loko ka!" Kausap niya sa bangkay. "Pero alam mo? Mas bagay kang mawala!" Dagdag pa niya sabay halakhak.

Matapos niya sabihin iyon ay dinala niya ang katawan ng kapatid niya sa likod ng store at nilagay sa malaking drum. Pagkatapos ay saka niya nilinisan ang sahig. Habang naglilinis siya ay may bigla siyang nabaliktanaw sa isipan niya kung paano niya pinatay ang mga magulang nila noong bata pa siya.

Sa kanilang dalawang magkapatid ay siya na lang palaging pinapagalitan ng nanay at tatay niya kaysa sa kakambal niya. Laging nagmamagaling ang kakambal niya at siya naman ay mahina sa kahit anong larangan. Matalino at marunong sa lahat ng bagay ang kakambal niya at siya naman ay walang utak at hindi marunong sa lahat ng bagay. Higit sa lahat palaging tama ang kakambal niya kaysa sa kanya na puro mali daw. Naalala niya kung paano niya pinagtataga ng panakol ang katawan ng tatay niya nung pinagalitan siya dahil sa aksidenteng natamaan niya ng bato yung ginagawa nitong painting.

Kasunod niyang naalala nung nakita siya ng nanay niya na pinagtataga niya ang tatay niya. Galit na nilapitan siya ng nanay niya at akmang kukunin na sana sa kamay niya yung panakol nang tinamaan niya agad yung kaliwang paa ng nanay niya. Tuloy humiyaw ang nanay niya sa sakit at bigla na lamang niya pinagutan ng ulo ang nanay niya.

Pagkatapos ng mga sumunod na nangyari at sa mga nakalipas ng ilang taon at sa tuwing may nagbabakasyon sa lugar nila ay pinagpapatay niya ang mga ito. At ngayon may mga nabiktima na siya, binitay niya yung babae, pinagsasaksak niya yung kapatid niya dahil sa gusto siya nito patayin, nung una akala niya aalis na ito ngunit bumalik ulit para sana itutuloy na patayin siya ngunit naunahan niya ito. At ang huli ay yung lalaki na nilunod niya sa ilog, natigilan siya at napaisip kung sino naman sa kanila ang isusunod niya.

Nang matapos siya maglinis ay binalik niya sa basement sa ilalim ng sahig yung mga panlinis. Tsaka siya pumunta sa paborito niyang kwarto ngunit pagpasok pa lang niya sa silid ay may kakaiba siyang napansin. Tila ba'y may gumalaw sa mga gamit niya, tuloy yumukom ang mga palad niya at matalim na tumitig sa kung saan.